Kinaumagahan, bumaba si Mark na may ngiti sa kanyang labi. Nakita ni Mary kung gaano siya kasaya kaya nagtanong siya, “May magandang nangyari ba ngayon, Mr. Tremont? Mukhang maganda ang mood mo ngayong umaga. Gising ba si Mrs. Tremont? Tatawagin ko ba siya para mag-almusal?"Inayos ni Mark ang kanyang tie, “Wala naman, gusto ko lang ang panahon ngayong araw. Gising na siya. Sabihin mo sa kanya na bumaba."Kahina-hinalang tumingin si Mary sa may bintana. Umuulan na ng snow. Paano naging maganda ang panahon?Nanginginig si Arianne nang makarating siya sa ibaba. Iniisip niya kung sino ang nag-iwang nakabukas ang pintuan sa ibaba. Ang mga snowflake ay hinihipan ng malamig na hangi kaya mabilis na isinara ni Mary ang pinto, “Nilalamig ka ba? Magsuot ka pa ng mas maraming damit, ayaw mo naman siguro magkaroon ng sipon. Palagi kang nagsusuot ng manipis na damit sa school tuwing taglamig noong maliit ka pa, kaya giniginaw ka tuwing taglamig at gagaling lamang pagkatapos magbago ang panahon.
"Ari, parang ibang tao si Mr. Tremont, napansin mo ba?" Biglang umalingawngaw ang boses ni Mary mula sa likuran niya.Bumalik sa katinuan ang isip ni Arianne at walang ingat na sumagot, “Hindi naman. Masyadong malamig ngayon. Wala akong ganang gumalaw. Aakyat na ako sa taas para matulog. Oo nga pala, kung lalabas si Henry, sabihin sa kanya na kumuha siya ng dalawang libro para sa akin. Pumili lang siya ng uri ng libro na karaniwan kong binabasa. Pwede mong sabihin sa kanya na tanungin ako kung hindi siya sigurado."Bumuntong hininga si Mary, hinintay siyang umakyat sa itaas at pagkatapos ay tinawagan si Mark, “Sir, humingi pa si Mrs. Tremont ng dalawa pang libro, maaari mo bang kunin ang mga ito kapag pauwi ka na? Pwede na ang usual series na binabasa niua. Iyon lang ang sinabi niya... Okay.”Sa White Water Bay Villa.Pinilit ni Jackson si Tiffany na manatili sa bahay sa araw na ito. Sa katunayan, hindi na sumasakit ang tiyan niya, pero hindi niya makalaya si Jackson sa pagpupumili
Alam ni Tiffany ang araw-araw na ginagawa ni Arianne. Hindi agad siya makakatulog dahil kakagising niya lang, “Sige. Aakyat ako sa itaas at titingnan."Kumatok siya sa pinto at binuksan ito. Nabigla si Arianne sa biglang pagdating niya, “Tiffie? Hindi ka nagtatrabaho ngayon?"Naalala ni Tiffany ang eksenang nakasalubong niya sa kanilang bahay kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili, “Bumaba ka dahil may sasabihin ako sayo. Hindi ako papasok sa kwarto dahil ang asawa mo ay isang germaphobe. Ayokong naiinis siya sa akin."Walang magagawa si Arianne laban sa germaphobia ni Mark. Hinawakan niya si Tiffany sa kamay at pumunta sa sala sa ibaba, “Anong meron? Mukha kang stressed kahit na ang umaga pa lang.""Matagal na akong hindi nakabalik para bisitahin ang nanay ko sa kanyang bahay, kaya naisipan kong bisitahin siya ngayong umaga," sabi ni Tiffany habang nakasimangot. “Dinalhan ko pa nga siya ng almusal at regalo dahil naisip ko na baka magtampo siya pagkatapos kong makahanap ng p
“Hindi naman siya nakakahanga para sa akin,” agad na sinabi ni Tiffany nang walang pag-atubili dahil siguro sa sama ng loob niya na baka magpakasal ulit ang kanyang ina, “Hindi siya gwapo at magaling lang siyang magsalita. Nagkita na kami dati, pero hindi ko talaga alam kung anong ginagawa niya sa buhay. Hindi siya balo, pero alam ko na divorcee siya. Siguro naman may dahilan sa likod ng divorce na iyon, hindi ba? Hindi ko sinasabi na ang mga taong divorced na ay may problema, pero kailangan kong maunawaan kung paano at bakit nangyari ang divorce nila. Titingnan ko ang impormasyon mula sa private investigator; Wala pang isang taon ang divorce ni Grant. Kailangan kong malaman ang higit pa.”Tahimik na ngumiti si Arianne. Mukhang hindi personal ang relasyon ni Tiffany kay Grant, pero sinusubukan niyang hikayatin ang kanyang sarili. Hindi siya aatras hangga't hindi siya nakakagawa ng masusing imbestigasyon. Kung plano ni Lillian na magpakasal muli, kailangan nilang lampasan ang hadlang n
Maya-maya pa, naramdaman niyang may kamay na dumampi sa kanyang tiyan. Sensitibo siya dahil sa kanyang pagbubuntis kaya ito ang dahilan ng kanyang pagkabigla at agad siyang nagising. Iminulat niya ang kanyang mga mata at sinalubong siya ng masinsinang tingin ni Mark. Napagtanto niya na masyado silang malapit sa bawat isa, kaya itinulak niya ang kanyang sarili palayo, “Bakit ka umuwi ng napakaaga? Hindi pa 3PM. Katapusan na ng taon, kaya hindi ba dapat medyo abala sa opisina?"Kumunot ang noo ni Mark dahil sa reaksyon niya, “Ayaw mo ba akong makita? Umuwi ako dahil hindi ko maiwasang isipin ka sa opisina at binili ko pa ang mga librong gusto mo. Masyadong abala sa opisina, pero mas mahalaga na alagaan kita. Ginising ba kita?"Nagulat siya dahil inutusan ni Mary si Mark na bumili ng kanyang mga libro. Napailing na lamang siya, “Hindi naman... Nakatulog naman ako ng maayos. Hindi ako makakatulog mamayang gabi kung matutulog pa ako ngayon. Maglalakad-lakad lang ako. Magpahinga ka na ku
Napatahimik si Mark. Ilang sandali pa bago siya muling nagsalita, “Hindi ko na ito kailangang sabihin pa. Si Jackson lang ang nakakaalam nito. Hindi ko intensyon na sabihin ito kay Lola noong una, pero naramdaman kong wala akong karapatan na ilayo sa kanya ang pagkamatay ng kanyang anak. Huwag mo nang tanungin ito, Ari... May ilang bagay na masyadong masama para malaman mo."Hindi nagulat si Arianne sa resulta na ito. Alam niyang hindi sasabihin sa kanya ni Mark ang tungkol dito kaya tinanong niya, “Kahit pumayag akong bumalik sayo, sa tingin mo ba ay kaya nating mabuhay ng magkasama? Ang agwat sa pagitan namin ay... masyadong malawak, kahit pa meron tayong isang anak. Mayroong ilang mga distansya na hindi natin madadaanan."Nilapit ni Mark ang kanyang kamay at itinaas ang baba niya, diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Diretso itong tumitig sa kanya at sinabing, “Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin, kaya bakit hindi tayo magkakatuluyan? Mahalin mo man ako o hindi, tata
Pasado 7PM na. Pinaandar ni Tiffany ang kanyang sasakyan malapit sa kanyang housing area at nag-alinlangan siya ng sandali. Ang bagong impormasyon na ipinadala ng private investigator isang oras ang nakalipas ay paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isipan. May problema kay Grant Jackson.Noong una, plano niya sanang magtiwala sa instinct ng kanyang ina o ang personal na puntahan si Grant para makausap ito. Gayunpaman, hindi niya alam kung bakit pero sumagi sa kanyang isip ang detective na hindi pa niya nakilala noon.Nag-aalangan siya kung aakyat siya sa itaas at payuhan si Lillian laban kay Grant. Alam niya na kapag sinabi niya ang mga salitang ito, magkakaroon ng isa pang giyera sa pagitan nila. Ayaw niyang bumalik sa dati nilang relasyon ni Lillian.Pagkatapos ng mahabang pag-aalinlangan, nag-type siya ng message sa private investigator: Sigurado ba ang impormasyon mo? Napakahalaga nito sa akin. Anong problema kay Grant Jackson? Pwede mo ba itong ipaliwanag?Di-nagtagal, sumun
Ang investigator ay nagpadala sa kanya ng isa pang mensahe at ito ay tungkol kay Grant. Sa harap ng lahat, mukhang isang maunlad na negosyante ang lalaking pinag-uusapan, ngunit sa katunayan, matagal siyang nabaon sa utang. Ang kanyang mga opisina ay walang laman at nagdurusa siya sa utang. Ang kanyang divorce ay nagmula sa mga financial problems. Hindi nagtagal pagkatapos ng divorce, hinabol niya ng lalaking ito ang kanyang ina na si Lillian.Bakit niya ginawa ito? Hindi niya pinakita ang kanyang mukha nang ma-bankrupt ang pamilyang Lane. May koneksyon ang dalawa ngunit ito ay sa harapan lamang ng ibang tao.Kakaiba ang pakiramdam ni Tiffany tungkol dito at hindi niya kayang magkaroon ng ganang kumain. Nagmadali siyang lumabas at pinaandar ang sasakyan niya papunta sa kanyang bahay.Gaya ng inaasahan, nasa loob ng bahay si Grant ngayon. Habang si Lillian naman ay talagang nagluluto ngayon kahit na hindi siya kailanman natutong magluto.Nagulat at nalungkot si Tiffany sa parehong or