Bakit hinayaan lang siya ni Tiffany? Itinulak siya sa braso ni Jackson, "Hawakan mo siya para hindi siya tangayin ng alon. Hawakan mo siya nang mahigpit; darating na ulit ang alon. Mag-eenjoy ka kapag nasanay ka dito. Masaya ito! Nabalitaan ko na binanggit ni Jackson na si Mark ay isang mahusay na swimmer. Bakit hindi ka marunong? Wala kang pinagkaiba sa isang taong hindi marunong lumangoy."Parehong naging awkward ang pakiramdam nila Arianne at Jackson. Bakit naging open-minded si Tiffany? Si Jackson ay nakasuot ng swim shorts at si Arianne ay nakasuot ng isang skimpy bikini. Hindi ba't hindi angkop na magyakapan sila? Hindi naglakas-loob si Jackson na magsalita pa at takot na takot siyang hawakan si Arianne. Si Arianne na lang ang awkward na humawak sa balikat niya, “Tiffie! Anong ginagawa mo? Bakit hindi kita mahawakan?"Nakita ni Tiffany ang kanilang kahihiyan at tumawa siya, "Okay lang sa akin. Kaya kong umangoy, pero ikaw hindi mo kaya. Wala namang mawawala sa akin kapag hinawa
Tumango si Arianne at pinangunahan niya si Mark.Silang dalawa ay bumalik sa kotse pagkatapos nilang kunin ang mga susi. Lumuhod si Arianne sa backseat habang abala siya sa paghahanap, hindi niya alam na sumakay rin si Mark sa kotse at nilock ang pinto. Naisip niya na pumasok si Mark para magpakasaya sa air-con.Makalipas ang ilang sandali, hindi niya talaga mahanap ang UV protection wear kaya medyo nabigo siya, "Hayaan mo na, hindi ko mahanap ito. Hanapin natin sila Tiffie at Jackson."Tinitigan ng maigi ni Mark ang perpektong hubog ng kanyang katawan. Sobra siyang nagselos nang maisip niyang maraming tao ang nakatingin kay Arianne dahil sa kanyang bikini. Noong nasa pool sila, kumapit siya kay Mark at ang kanilang mga katawan ay mariin na nakadiin sa bawat isa. Matagal na panahon na mula nang maramdaman ito ni Mark at ang bugso ng kanyang damdamin ay gumapang sa kanya tulad ng mga puno ng ubas, dahan-dahang kumalat ang mga tangkay at dahon nito... hanggang sa binalot ng pangangail
Bumalik si Arianne sa changing room habang dala niya ang gamot. Ininom niya ang gamot at naligo siya sa public bathroom, sinuot niya ang isang kaswal na damit at ayaw na niyang maglaro sa tubig. Pagkatapos nito, naghanap siya ng isang milk tea shop para makapag pahinga sa aircon. Napakainit sa labas. Nararamdaman pa rin niya ang init ng kanyang balat kahit na saglit lang siyang nanatili sa ilalim ng araw.Hindi nagtagal, pumasok rin si Mark sa milk tea shop at umupo sa tapat niya. Nilayo ni Arianne ang mukha niya nang makita niya si Mark, kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang mukha. "Ako ang may kasalanan. Hindi ako dapat kumilos base sa nararamdaman ko."Hindi niya napansin na nag-yelo ang katawan ni Arianne. Kailan pa natuto si Mark na aminin ang kasalanan niya? Maliwanag na umaalab sa kanyang puso ang apoy ng kanyang galit, ngunit naantig si Arianne nang humingi siya ng tawad.Umupo ng maayos ni Arianne at mahinang sinabi, "Hindi mo kasalanan iyon. Tama ka sa lahat ng ginagawa
Hindi tumanggi si Mark sa sinabi niya. Para sa kanya, nakakakilabot ang itsura ng lugar na ito, ngunit naisip niya na kaya niyang manatili kahit saan hangga't nandiyan si Arianne sa tabi niya.Biglang nagtanong si Tiffany kay Jackson habang kumakain sila, "Narinig ko na ang mga lalaki ay tumataba kapag naging middle-aged na sila. Nagkakaroon sila ng mga potbellies. Totoo ba yan? Mawawala ba ang abs mo?"Kumibot ang mga sulok ng labi ni Jackson. "Kung papakainin mo ako parati ng mga ganitong bagay, malamang mangyayari iyon. Pero kung sa normal na mga pangyayari lang ang pagbabasehan natin, hindi talaga ito mangyayari sa akin."Tumawa si Tiffany. "Hindi ko kinakaya kapag naiisip ko na magiging isang middle-aged na kalbo ka na may malaking tiyan. Anong gagawin ko sa isip ko na ito? Hahaha...”Nakaramdam ng sakit ng ulo si Jackson. "Hindi mo kinakaya kahit tumatawa ka ng ganito? Lalabanan ko ang resulta ng paglipas ng panahon. Kahit na umabot ako sa edad na seventy o eighty years old,
Pasado nine o’clock na ng gabi nang dalhin nila si Eric sa ospital. Pagkatapos ng drip, ang gastritis ni Eric ay hindi na masyadong masakit ngunit mukhang nalanta siya.Hindi ito ang unang pagkakataong nakatagpo nila Mark at Jackson ang sitwasyong ito, kaya't nasa mood silang magbiro. "HIndi ka talaga pumunta dito para kumain ng kasama kami, tama ba? Ikaw ay dumating dito para huthotin kami."Maputla ang mukha ni Eric at mukha siyang walang gana kahit na tumatawa siya. "Mukhang magandang ideya ang extortion, bibigyan mo ba ako ng milyon-milyon? Okay lang talaga ako. Siguro kailangan ko lang ma-ospital ng ilang araw. Tulungan niyo ako at kumuha kayo ng isang tao na mag-aalaga sa akin. Magbabayad ako para sa isang caretaker; Hindi ko kayo huhutin, pangako."ko kayo huhuthotanSi Arianne at Tiffany ay parehong may naisip nang marinig na naghahanap si Eric ng isang caretaker. Nagtinginan sila at alam nila na iniisip nila ang iisang tao. Biglang nag-suggest si Arianne, "Mayroon akong kila
Pinabagal ni Mark ang kanyang pagmamaneho na parang ayaw niyang pauwiin si Arianne sa lalong madaling panahon. "Sinabi ko na sayo dati, hindi ako susuko sayo."Tumawa si Arianne kahit na wala namang nakakatawa. “Huwag ka nang magbiro. Sinabi ko na rin sayo dati na imposible para sa atin na magkaroon ng relasyon sa isa't isa. Gusto kong makatakas mula sayo sa napakatagal na panahon at ngayon na binigay mo sa akin ang gusto ko, bakit tatalon ulit ako sa apoy? Inaamin kong ginawa mo ako kung sino ako ngayon. Kung wala ka, hindi ako magiging ako ngayon. Ibinigay mo sa akin ang wala pa sa iba, pero sinaktan mo rin ako. Bakit sa tingin mo na may karapatan kang sabihin ang mga bagay na ito? Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ko at nagpanggap na lang ako na mabait ka dahil kinupkop mo ako at pinakasalan pa ako, pero para saan ito? Para magkaroon ka ng peace of mind? Meron ka nito pero paano na ako? Paano naman ang tatay ko! Maliban sa pamagat na isang makasalanan, walang naiwan ang tata
Mukhang nasa mabuting kalagayan si Arianne habang inaayos niya ang mga rosas sa kanyang mga kamay. "Hindi na ito maaga. Medyo late ka lang. Gawin mo na ang dapat mong gawin. Malamang nasa ospital na si Tanya."Hindi napansin ni Tiffany na ang mga rosas ay isang bouquet dati dahil hiwahiwalay na sila. Naisip niya na bumili si Arianne ng mga bulaklak para lagyan ng dekorasyon ang tindahan. "Alam ko... Maalalahanin ka, hindi ba? Maganda ang mga bulaklak. Pero mabubulok lang ang mga ito sa loob ng tatlong araw na maximum habang nasa nakalagay sila sa bawat isang table. Masyadong magastos ito. Wala ka bang pakialam dito?"Ngumiti si Arianne at wala siyang sinabi. Hindi siya gumastos para sa mga bulaklak na ito. Karamihan sa mga rosas na naiwan ay inilagay sa vase sa counter pagkatapos ipamahagi ang mga ito sa mga lamesa.Bigla niyang naalala ang "See you bukas" ni Mark kagabi. Magpapakita ba siya ngayon? Magpapakita ba talaga siya?May mabilis na pumasok sa pintuan ay bumalik si Arianne
Galit na galit ang matandang babae atinakusahan niya silang lahat na may pare-parehong kasalanan. "Nagsasama-sama talaga ang mga taong pareho ang mga kulay, lahat kayong mga masasamang tao!"Napamura si Tiffany habang nakatingin sa kanya, “Sinong pinapagalitan mo? Gusto mo bang saktan kita, tanda! Kung hindi lang dahil kay Naya, sasampalin talaga kita ng malakas!"Umiiyak si Naya dahil sa sobrang galit. Namumula ang kanyang mga mata nang inilabas niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang asawa. "Nasaan ka? Gumagawa ng eksena ang nanay mo sa pinagtatrabahuhan ko. Kaya mo bang ayusin ito? Huwag mong sabihin sa akin na busy ka at hindi ka makakaalis. Kung hindi ka pupunta ngayon, tapusin na natin ang kasal na ito dito mismo. Hindi ko na kaya ito!"Nakita ng matandang babae na nagrereklamo si Naya sa kanyang anak, kaya lumapit ang matandang babae para kunin ang kanyang cellphone. “Anong karapatan mo para magsumbong sa kanya sa harap ko pa? Hindi ka ba tinuruan ng mabuti ng na