Itinulak ng pinto sa sumunod na segundo at tulad ng inaasahan, pumasok si Mark. Napayuko si Arianne dahil medyo nagsisisi siya. Ang kanyang pisngi ay namula mula sa kanyang kaba at ang puso niya ay malakas na tumibok. Mabuti na lang at hindi gumalaw si Rice Ball. Parang maganda ang mood ni Mark ngayon. Bagaman walang ibang tao sa paligid, nakangiti pa rin siya at tinanong pa niya, "Hindi ka komportable?"Sobra ang kaba ni Arianne ngayon, hindi siya mapakali sa mga hindi magandang bagay sa pagitan nila. "Hindi naman, medyo okay na ang pakiramdam ko. Sa tingin ko, pwede na akong bumalik sa trabaho bukas,” maayos ang sagot niya. Nagalit si Mark. "Tumigil ka sa kalokohan mo. Dapat kang magpahinga ng isang buwan sa bahay. Huwag mo akong asarin sa susunod. Hindi ito makakabuti para sayo. Hindi mo ba kayang... pasayahin ako tulad ng ibang mga babae?" Itinaas ni Arianne ang kanyang tingin upang salubungin ang kanyang mga mata. "Tulad nino? Ni Aery Kinsey?" Napatigil sa paghinga si M
Biglang namula si Arianne. Bakit siya naghihinala na may ibang tinutukoy si Mark? Dirty joke ba iyon? Upang maalis ang kakaibang pakiramdam, binuka niya ang kanyang bibig at kumagat sa saging. Nahirapan siyang lunukin ang pagkain. "Hindi ko ito makagat. Pwede mo ba itong ilayo? Mag-iiwan ng amoy dito ang mga prutas." Bahagyang nanlilisik ang mga mata ni Mark habang pinapanood ang medyo nanginginig na labi ni Arianne. Bigla siyang sumandal at hinalikan siya sa labi. Naririnig ni Arianne na nag-ring ang kanyang ulo. Ano ang ginagawa niya! Marami pa silang hindi nalutas na mga problema sa pagitan nila. Hindi ba naiinis ang magkaaway kapag nakikita nila anv bawat isa? Bakit niya hinalikan si Arianne "Umph ... 'Wag..." Sinubukan niyang pigilan si Mark. Pagkabukas pa lang ng bibig ni Arianne ay sinamantala na ito ni Mark. Dinikit niya ang buong katawan niya kay Arianne para mapigilan siyang manlaban. Sa pamamagitan lamang ng isang layer ng kumot sa pagitan ng kanilang mga katawan, h
Itinuwid ni Arianne ang kanyang likuran at deretsong nagtanong, "Ano ang inaasahan mong makuha na sabihin sa akin ang lahat ng ito? Nakikilala mo lang si Mark sa pamamagitan ng tatay niyo. Sa palagay ko, wala ka sa lugar para magsalita ng kahit ano tungkol sa amin. Wala kang pakialam sa relasyon namin ni Mark. Masyado kang naging tsismosa, Miss Moran." Ngumiti si Nina saka bumalik sa kanyang kwarto nang walang sinabi. Itinulak ni Arianne ang pinto at pumasok sa kwarto. Mukhang mahimbing ang tulog ni Mark kaya ang kwarto ay tahimik. Tahimik siyang nahiga na may magulong isipan. Sa tuwing may nagbabanggit ng pagbagsak ng eroplano, pakiramdam niya ay nasasakal siya ng napakabigat na pressure. Lalo niyang gustong hanapin si Mr. Sloane sa lalong madaling panahon para malaman niya ang katotohanan. Umagang umaga, nag-ayos na si Mark para lumabas. Nagmadaling lumabas ng kwarto si Nina. "Mark, lalabas din ako! Pasakayin mo ako! Tinatamad akong magmaneho." Si Arianne, nang marinig ito, a
Kinahapunan, bumalik si Mark kasama si Nina. Hindi lamang iyon, ngunit bumalik din sila nang mas maaga kaysa sa dati. Hindi pa oras para umalis mula sa trabaho si Mark. Si Mark ay palaging maselan sa trabaho; hindi siya makakauwi ng maaga maliban kung nasa ilalim ito ng mga espesyal na kalagayan. Dala-dala ni Nina ang malaki at maliliit na bag ng mga ingredients. Punong-puno rin ang mga kamay ni Mark. Pagpasok pa lang ni Nina sa pintuan ay sumigaw siya ng tulong. "Mary, halika at tulungan mo akong buhatin ang mga ito!" Dahan-dahang lumabas si Mary sa kusina. Nang makita niya ang mga ingredients, agad niyang sinabi, "Meron kami ng mga ito sa bahay. Bakit ang dami mong binili?” Ngumisi si Nina sa kanya. "Ayokong maging isang freeloader! Hindi ako magiging masaya na maging freeloader kapag magtatagal ako dito. Ito ang lahat ng mga bagay na gusto namin ni Mark, kaya gamitin lamang ang mga bagay na binili ko para sa hapunan ngayong gabi." Nang makita na walang sinabi si Mark, walang
Malumanay na ngumiti si Mark. "Hindi maayos ang pakiramdam niya. 'Wag kang magalala sa kanya at tayo na lang ang kumain." Naglagay ng ilang pagkain si Nina sa mangkok ni Mark. "Ito, subukan mo ito. Gustung-gusto mo ang pagkain na ito. Sinabihan ko ang chef mo na gawin ito. Nga pala, bakit masama ang pakiramdam ni Arianne? Mukha siyang may sakit at narinig ko na kakalabas lang niya sa ospital. Anong nangyari?" Nakasimangot si Mark. "Siya ay dumudugo nang sobra pagkatapos niyang malaglagan. Kasalanan ko ito dahil sa kapabayaan ko. Mabuti na lang at okay na siya ngayon." Inilabas ni Nina ang kanyang dila. "Mukhang nagtanong ako tungkol sa isang bagay na hindi ko dapat malaman. Pasensya na. Nga pala, kung pwede kong tanungin, bakit mo siya pinakasalan? Narinig ko mula sa tatay ko na siya ang inampon mo noon. Ang pagkakamali ng kanyang ama ang naging dahilan kung bakit nag-crash ang eroplano na pumatay sa pamilya mo. Medyo curious lang ako... Bakit mo pinili na makasama siya? Alam ko
Sa pag-iisip na ginawa ito ni Nina para kay Mark, naisip ni Arianne ang isang hindi maipaliwanag na pagnanasa na ubusin ang buong plato. Sa kanyang unang kagat, muling nabuhay ang kanyang panlasa. Ito ay medyo maanghang... Sa kanyang pangalawang kagat, hindi niya mapigilan na maramdaman ang gumuhit na isang matalim na lasa. Masyado itong maanghang! Pinaghihinalaan niya na si Nina ay isang tao na mahilig sa maanghang. Ginawa ba ito para sa mga tao? Hindi nakakagulat kung bakit hindi ito masyading nakain! "Ari, kung ikaw wala kang gagawin, maghanda ka ng isang tasa ng tsaa para kay sir..." Nang marinig na bumalik si Mary, nagpanggap si Arianne na walang nangyari at agad na umalis sa kusina. "O sige, sige, gagawin ko iyon!" Binalaan diya ni Mary nang makita niya si Arianne na papalayo. "Magdahan-dahan! Paano kung matumba ka? " Bakit niya babagalan ang galaw niya? Nag-aalab ang dila niya ngayon! Kailangan niya ng tubig! Pagbalik niya sa kanyang kwarto, unti-unting humupa an
‘Knock, knock...’Biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ni Arianne ang pinto, nakita niya si Nina na nakangiti sa kanya. Nang hindi naghihintay ng reaksyon mula kay Arianne, pumasok siya sa kwarto. "Si Mark ay abala at naiinip ako, sana okay lang pumunta ako dito para makipag- usap sayo!" Masasabi ba ni Arianne na hindi okay para sa kanya na pumunta dito? "Hindi, okay lang. Maupo ka. Hindi maganda ang pakiramdam ko, kaya hihiga muna ako." Pinagmasdan ni Nina si Arianne na bumalik sa kama, pagkatapos ay nakakita ng isang upuan para maupo. "Paano ka nalaglagan?" Biglang nanigas ang katawan ni Arianne habang pinipilit niyang ngumiti. "Aksidente ang nangyari." Tinikom ni Nina ang kanyang mga labi na para bang nakikiramay siya. “Aksidente? Paano… napaka pabaya mo naman. Ito ay isang buhay, kung tutuusin. Ang pamilyang Tremont ay hindi nagkulang, maliban sa pagkakaroon ng anak ni Mark sa kanyang edad. Sayang nawala ang sanggol na iyon." Si Arianne ay nawalan ng anumang
Dinampot niya ang wallet ni Mark at binuksan ito. Mayroong hindi bababa sa isang dosenang mga card sa loob. Dahil naalala niya na binanggit ni Mark ang isang black card kanina, ang kanyang mga mata ay nahulog sa isa na tumutugma sa paglalarawan na isang card na may gold inscription. Bigla siyang nakakita ng isang larawan sa wallet. Kaninong larawan ang tinatago ni Mark sa kanyang wallet na lagi niyang dala? Bago pa niya makita kung sino ang nasa litrato, biglang inagaw ni Mark ang wallet at kinuha ang black card para sa kanya. "Matulog ka na." Kinuha ni Arianne ang card at bigla siyang napataning, “Sino yung nasa picture? Ang first love mo? Sa tingin ko ito ay isang babae... pero hindi ko masyadong nakita ng maayos ang itsura…"Ang larawan ay kinunan mula sa malayo, kaya mahirap sabihin kung sino ito maliban kung tingnan niya ito ng malapitan. Nalilibang na tumingin si Mark sa kanya at tinaas ang kanyang kilay. "Oo, picture 'yan ng first love ko." Hindi na pinagpatuloy ni Ar