The guilt is killing me. Parang gusto ko nalang bawiin kay papa ang lahat ng sinabi ko. Gusto ko nalang sabihin na ang kasama ko ngayon ay si Sandro. Ang pinakamatalinong tao na nakilala ko maliban kay papa. Ayoko siyang nakikita na malungkot. Alam kong napag usapan na namin ito but what would it feels like kung ako ang nasa position niya? I'm sure masasaktan rin ako."Ganoon ba, anak? Where is she? I wanna see her." Ang sabi ni papa."Umalis po saglit pa. Ako lang po mag-isa sa cottage."Tumango siya. Kinausap nalang niya ako tungkol sa acads. Matapos naming mag-usap ni papa, tumingin ako kay Sandro."Kunin ko lang lang yung pagkaing pinaluto natin. Baka luto na." Saad niya.Akma siyang aalis ng hawakan ko ang kamay niya. "Sasama ako," mahinang sabi ko. Ipinagsiklop ko ang daliri namin. I want him to feel that I'm really sorry. But I can't say sorry dahil alam kong itatanggi ko siya kina papa ng paulit-ulit hanggang sa maging okay na ang lahat.I just wish, hindi pa rin siya titigil
“T-Tita,” tawag ni Mylene kay Fatima na ngayon ay gulat na gulat nang makitang yakap yakap ko si ma’am Flor.“Mylene,” tawag niya kay Mylene.Kita sa mukha niya ang pangamba at takot. “Tita, magpapaliwanag po ako.” Kabadong aniya.“No need Mylene, nakita ko lahat kanina. Mabuti pa umuwi ka na rin dahil gabi na.”Para siyang napahiya sa sinabi ni ma’am Flor. Agad siyang nagbaba ng tingin kasabay ng pagtulo ng luha niya.“Tara na Sua,” sabi ni teacher Flor sa akin at agad akong dinala pasunod kina Sandro at tito Conti. Tumingin ako kay Mica at nakita ko siyang ngumiti at tumango.I thanked her na sinamahan niya ako dito.“May bahay kami dito pero medyo kalayuan sa Gaiman. Ayos lang ba sayo na doon tayo pupunta?”Tumango ako. Sumakay na kami ng sasakyan. Katabi ko si Sandro at agad kong pinupunasan ang pawis niya sa noo. Nakasakay kami sa taxi at si tito Conti ang nagmamaneho.Alam kong pinagmamasdan kami ni teacher Flor pero hindi ko kayang baliwalain si Sandro. Nakita kong binuksan ni
"Sua, magtapat ka nga sa'kin, no'ng pinuntahan ka ni Sandro noon 6 years ago, nag-usap ba kayo na sa Gaiman kayo mag ko-kolehiyo?" Seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si teacher Flor sa tanong niya. Pero sa itsura niya, parang alam na niya ang sagot, at gusto lang niya marinig mismo sa bibig ko ang katotohanan.Kaya wala ng saysay para para magsinungaling. Tumango ako at sinabing, "opo."Nakita ko siyang napabuntong hininga at napahigop sa kape niya.Hindi ko siya mabasa. Alam kong hindi siya galit, pero alam ko ring hindi siya natutuwa. "Sua," tawag niya sa akin. "Alam kong mabait kang bata." Aniya.Hindi ko alam bakit kabado ako. Dahil pakiramdam ko ay hahantong kami sa isang usapan na ayokong puntahan."Pero hindi mo naman nakakalimutan hindi ba kung anong nangyari sa'yo noon?" nagbaba ako ng tingin.Ang tinutukoy ba niya ay ang pag kidnap sa akin ni Bil noong bata ako? "Opo," mahinang sagot ko."Kung ganoon, hindi ko maintindihan." AniyaNapatin
SANDRO“Anong sinabi mo sa kaniya, tita?” tanong ko nang makauwi si Sua. Hinatid siya ni tito Conti.“Anong sinabi niya sayo?”“Wala siyang sinabi kagabi. Tumabi lang siya sa akin at umiyak. Tinakot mo ba siya?”I won’t forgive anyone kung pipilitin nila kami ni Sua na maghiwalay. I would rather let myself to fall in abyss than let go of her.“I just told her the truth. That her parents will despise you, na pipilitin nilang maghiwalay kayo.”“TITA!” Hindi ko napigilan na magtaas ng boses.“SANDRO! ALAM MO KUNG BAKIT KO ITO GINAGAWA!”“Do you think I give a damn, tita? Wala akong pakialam kung ayaw sa akin ng magulang niya. Hindi ako natatakot as long as Sua will hold onto me.”Nanlaki ang mata niya. Nabigla sa sinabi ko.“Naririnig mo ba ang sarili mo Sandro? Wala kang pakialam? Siguro ikaw, oo. Pero Sua, naisip mo ba siya?”Doon ako natigilan sa sinabi ni tita. Gusto kong magmura.“Do you think hindi siya mahihirapan? Do you think madali sa kaniya ito? Do you think kaya niyang talikur
SUAPara siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Bakit? Iniisip ba niya na ayaw ko na? E kung ang dali lang sanang talikuran nito lahat, hindi ako mamo-mroblema ng ganito.“You scared the hell out of me,” reklamo niya sabay hawak sa kamay ko. Natatawa kong binawi ang kamay ko sa kaniya at ngumiti pero siya ay sumimangot.“May isa pa akong ice cream dito, gusto mo?”Umiling siya. “Gusto ko lang lambingin mo ‘ko.” Sabi niya sabay kuha ulit ng kamay ko.Natatawa kong sinapak ng mahina ang braso niya.“Tinakot mo na nga ako tapos may gana ka pang pagtawanan ako.” Aniya.“Talaga? Natakot ka?” tanong ko at agad na ipinulupot ang kamay ko sa kamay niya habang naglalakad kami pabalik ng condo. “Oo. I think may Suaphobia na nga ako e.”Ano raw? Haha. Anong klaseng phobia yun?“What? So are you saying, takot ka sa akin?”Napakamot siya sa ulo niya. “You know what, never mind. Nakikita ko ng matatalo ako sa argument na ito.”Natawa na naman ako. “Ano ba kasi ang pick up line mo? Parinig,” s
Uwi ko na ngayon. Magkatext kami ni Sandro habang papunta ako ng airport. I was actually expecting na masasamahan niya ako sa airport pero sabi niya ay hindi raw siya makakaabot kasi may deadline siyang hinahabol.Medyo nalungkot ako pero naiintindihan ko naman siya. Nakarating na ako sa airport at agad ring nakasakay sa plane so nilagay ko na ang phone ko sa bag.Nasa bintana ako banda nakaupo. Ni hindi ko na nga tinignan kung sino ang tumabi sa akin. Nakahood naman siya so hindi ko na inabala tignan ang mukha niya.Nang makarating na kami ng airport sa amin, I just did my own thing. I get my stuff at bumaba na. Excited rin ako makita ang pamilya ko dahil ilang buwan ko rin silang hindi nakikita.“Ateeee!” Malayo pa lang ako, nakita ko na si Blue, mama, at papa. Lumapad ang ngiti sa labi ko, at nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanila.“I miss you Azul!” Sigaw ko at niyakap siya.“Ate, I miss you! You’re so malaki na!” Sabi niya kaya natawa kami sa kaniya.“Anong you’re so malak
Natatawa niyang hinawakan ang braso niyang pinalo ko. Pero hindi pa rin ako nakontento dahil napalo ko pa siya.“Kainis kainis kainis! Bakit hindi mo ‘ko sinabihan na katabi lang pala kita?”Miss na miss ko pa naman siya at nalungkot ako kanina na hindi niya ako nahatid. Tapos ang totoe e katabi ko lang pala siya.Tumitig siya sa mga mata ko. “If it’s not that risky, I could have kissed you now.”Natigilan ako at nanlaki ang mata sa sinabi niya.“What?”Napakamot siya sa ulo niya. “Can’t help it. I can’t resist you. You’re cute and adorable.”Mahina akong natawa. Damn. This is plain stupid. How can he make me kilig kahit naiinis na ako?I missed him, and now na nakita ko siya sa harapan ko, hindi ko naman siya mayakap o mahawakan man lang.“Winawala mo ‘ko,” nakanguso kong sabi. “Bakit hindi mo pinalaam sa akin na naroon ka?”“Nakalimutan ko e,” sabi niya sabay kamot sa ulo niya.Nagulat ako. “Anong nakalimutan?” natatawang tanong ko. “Are you serious?”“Yes. You looked pretty earlier
Kinabukasan, around 9 a.m. pa lang, nagpapalitan na kami ni Sandro ng text messages sa isa’t-isa.Umalis si mama at Blue dahil pumunta sila kina tito Shawn. Ako naman ay naiwan. Akala ko ako lang isa sa bahay, nagulat ako ng makitang umuwi si papa.Agad akong tumayo para salubungin siya.“Is this mine, papa?” tanong ko sa peach mango pie na dala niya.“Yeah. Your mama told me na ikaw lang mag-isa dito.”Ngumuso ako. They are treating me like a ten year old.“Ayos lang naman na ako mag-isa dito papa.”“Yeah. I can see that. You were smiling habang kaharap sa phone mo. Who are you texting? Your crush?” natigilan ako at napaangat ng tingin sa kaniya. Sinabi ba ni mama?“Sinabi ni mama, papa?”“Yeah. She teased me na may sekreto kayo tungkol sa crush mo na hindi pwedeng sabihin sa akin.”Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita ko ang bahagyang pag-irap ni papa. Is he sulking?“Papa, crush lang naman yun and besides, you think magbo-boyfriend ako kung ayaw mo pa?”Tumingin siya sa
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede