Share

Chapter 3- Baby

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2023-11-10 10:55:15

Sinadya kong umuwi na gabi na. Alam kong papagalitan ako ni mama dahil hindi ako nagluto kaya minabuti kong mag take out ng pagkain para may makain ang asawa ko. 

Pagdating ko ng bahay, naabutan ko si Axcl sa labas na may ginagawa sa laptop niya. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo ngunit lumabas ng bahay si Bil kaya natigilan siya sa kung ano man ang balak niyang gawin. 

"Ma," nakangiti akong sinalubong ng asawa ko. Ako na nag initiate na yakapin siya at haIikan siya. 

Gusto kong makita ni Axcl na ayos na kami sa buhay namin. 

Nakita ko ang pag igting ng panga niya. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. 

Bigla akong napa atras. Shit! Bakit ba ako kinabahan? Bakit ba nagpapadala ako sa kaniya? 

Pakiramdam ko mali na niyakap at hinalikan ko ang asawa ko. Pakiramdam ko mali ang lahat ng ito. 

"Aw. You missed me ma?" nakangiting tanong ni Bil. 

Bumaling sa kaniya ang attention ko. Tumango ako. 

Lumabi ang asawa ko at niyakap ako. "Thank you so much ma. Thank you for being a good wife. Ang swerte ko pumayag ka na pakasalan ako." 

Para akong napipi at hindi makasagot. Natatakot kasi ako makita ang reaction ng lalaking nasa tabi namin at nanonood sa amin. 

"I'll prepare this," sabi ni Bil at kinuha ang pinamili ko. Nauna siyang pumasok at naiwan ako. 

Susunod sana ako sa kaniya nang biglang hablutin ni Axcl ang kamay ko. 

Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang galit sa mukha niya. 

"I'm really mad Ania. Really mad." Sabi nito at nilagpasan ako habang ako ay natulala at tila ay hindi na makahinga ng maayos. Gusto kong umiyak. 

Bakit mo ba ito ginagawa Axcl? Bakit ba? Gusto kong umiyak. Gustong gusto kong sundan siya at pawiin ang galit sa mga mata niya. 

Gustong gusto ko pa rin siya. 

Wala akong gana. Nasa hapagkainan na kami. Ako, si Bil, si mama at Axcl. Kaming dalawa ni Axcl ay tahimik lang habang si mama at Bil lang ang nagsasalita. 

Minsan, naabutan ko ang pagsilip ni Axcl sa akin na tanging ako lang ang umiiwas. 

"Anda!" Mariin na tawag ni mama kaya napatingin ako sa kaniya. 

"How are you? Wala bang nangyayari sa 'yo?" tanong niya. 

"What do you mean ma?"

"Headaches? Bumalik na ba ang ala-ala mo?" tanong niya. Alam kong natigilan sila. Kahit si Axcl.

"L-Lately ma sumasakit ang ulo ko at minsan itong tahi ko. But wala pa akong naaalala." Sagot ko. Nakita ko ang pag tango ni mama.

"Your grandma asking that. She's worried." Ngumiti ako at umiling.

"B-Baka hindi importante ang nawawalang ala-ala ko ma kaya siguro hindi pa bumabalik."

Narinig ko ang pabagsak na pag bitaw ni Axcl ng kubyertos niya sa plato. "I'm sorry," sabi nito at agad na nag excuse.

Hindi pinuna ang ginawa niya na para bang hindi iyon sadya ngunit alam ko ang totoo at ayaw ko na siyang tignan ngayon dahil baka lumuhod na talaga ako sa harapan niya at humingi ng tawad sa sinabi kong hindi importante ang ala-alang iyon.

Nag-usap pa kami sa table bago natapos. Ako na pag presenta na maglinis ng pinagkainan dahil aalis rin mamaya si Bil pabalik ng site.

Matapos kong maghugas ang siya namang  pagdating ni Bil na nakabihis na.

"Alis na 'ko ma," pinunasan ko ang kamay ko at inayos ang suit niyang maayos naman.

"Mag-iingat ka," tumango siya at hinaIikan ako sa labi.

Hinatid ko siya sa labas at pinanood na umalis. Kumaway ako sa kaniya kahit na hindi na niya ako nakikita. 

"Stop smiling," napatalon ako nang marinig ang boses ni Axcl sa likuran ko. 

Lalagpasan ko sana siya ngunit hinarangan niya ako. Kinabahan ako na baka makita kami ni mama. 

Bakit ba lantaran niyang pinapakita na may ugnayan kami noon? Pwede bang magkunwari nalang siya na wala? 

"Take that back," giit niya. Kumunot ang noo ko. Anong take b- sandali akong natigilan at naalala ang sinabi ko kanina. 

"Take that back. Tell me. Tell me Ania na importante ang mga memoryang iyon." Madilim ang mukha niya at halos naginginig ang katawan sa galit. 

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Gusto ko siyang hawakan. Axcl. My baby. 

Ngunit hindi na pwede. Asawa na ako ni Bil. Asawa na siya ni Fatima. 

"Bakit ba big deal sa 'yo iyon?" nakita kong natigilan siya. 

Hindi ko alam. Hindi ko alam bakit ko pa ito sinasabi. Marahil gusto kong marinig mula sa labi niya na may nararamdaman pa siya sa akin kahit na hindi na tama. 

God! Patawarin niyo ko. Sinubukan ko na lahat. Matapos kong maalala lahat halos gusto kong magwala. 

Gusto kong kamuhian ang mundo. Gusto kong saktan si Fatima. Kasi kasabay no'ng ala-alang iyon, bumalik rin ang nararamdaman ko kay Axcl. 

Patawarin ako ng Diyos. Ang nararamdaman ko ngayon sa asawa ko ay walang wala sa nararamdaman ko kay Axcl. 

Nababaliw na ako. Ngunit pinili kong magpatay malisya at magkunwaring ayos ako kahit na pinapatay ako ng selos kada makikita ko siyang yakap ang ibang babae. 

Halos gusto kong sugurin si Fatima dahil hinahalikan niya ang lalaking pinakamamahal ko. 

At ngayon ay nasa harapan ko na siya. Galit na galit at ngayon, gusto ko nalang na halikan at yakapin siya para mapawi ang hinanakit sa puso niya. 

Mabuti nalang ay may konting bait pa sa utak ko. Siyang pumipigil sa akin para gawin ang makasalanang bagay na iyon. 

"This is b*llshit!" Sinuntok niya ang kamao niya sa dingding. Sa takot kong mapansin kami ni mama ay hinila ko siya palabas ng bahay. 

Natatakot pa rin ako. Natatakot akong malaman nila at masaktan namin ang mga asawa namin. 

Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Bil, tanging hiling ko lang ay sana hindi ko siya masaktan sa pansarili kong kaligayahan. 

"Ano bang nangyayari sa 'yo Axcl?" bulyaw ko ng makalayo na kami sa bahay. 

Ngunit ang mapupungay niyang mga mata ang sumalubong sa akin. Wala na. Hindi ko na alam. 

Pwede ba? Pwede ko ba siyang yakapin nalang ngayon? Ngayon lang please. 

"Ania," nahihirapan niyang sabi. 

"I know you can't remember me but baby, I waited." Pumiyok ang boses niya. Hindi ko kaya. Please don't cry Axcl. Baka mag breakdown ako sa harapan mo. 

"Hinintay kita kahit hindi ko alam kung babalik ka pa ba." May luha na ngang tumulo sa mga mata niya. 

Sinubukan niyang lapitan ako ngunit umatras na ako. Baka kung hawakan niya ako ay hindi ko na kakayanin pa. 

"Gusto kong saktan ang sarili ko. They fooled me and fed me up by lies. Baby, I'm sorry." 

Tumalikod na ako. Ayaw ko ng marinig ang sinasabi niya. Isang baby lang, gusto ko ng isuko ang sarili ko sa kaniya. God. Pinaparusahan niyo ba ako? 

Related chapters

  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 4- Mad

    Wala akong ideya sa mga lumalabas sa bibig niya. Sinong 'they' Anong ibig niyang sabihin? "Ania," tawag niya. "I'm sorry Axcl but I don't know you." I said and starts to walk away. Pigil ang hagolhol ko habang naglalakad paalis. Ayaw kong marinig niya ang iyak ko. Nasasaktan ako ngunit hindi ko maikakailang sumaya ang puso ko. May nararamdaman pa rin siya sa akin and I'm happy and contented with that. Saka ko na isipin ang ibang sinabi niya. Ang mahalaga sa akin, hinintay ako ni Axcl. Kung tutuparin man ng Diyos ang hiling ko, sana sabay na naming makalimutan ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Wala na akong sama ng loob sa kaniya. Masaya na akong may Axcl sa buhay ko na minahal at hinintay ako. Kung sino mang they ang sinasabi niya, saka ko na sila haharapin. Wala ng rason pa kung tatanungin ko sila bakit nila ako sinisiraan kay Axcl. Ayaw ko ring malaman ng lahat na may naalala ako. Firm akong ibaon lahat iyon sa limot. Pagdating ko sa bahay, tinapos ko lang ang mga t

    Last Updated : 2023-11-10
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 5- Can't

    Mahina ang tolerance ni Bil sa alak. Hindi ko alam kung bakit panay siya binibigyan ni Axcl ng shot.Sa tabi niya, naroon ang nalalasing na si Fatima. "Tama na iyan pa. Matulog na tayo." Sabi ko kasi gabi na rin."What? Inom pa tayo." Natatawang react ni Axcl. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong dinadaya niya si Bil sa baso."Ayos lang ma. Kaya ko pa." Sabi ni Bil kahit ang totoo ay konti nalang matutumba na siya.Alas dose na at tulog na si mama. Si Fatima ay hindi na nakayanan ang alak at tulog na sa balikat ni Axcl."Tama na 'yan Axcl. Nilalasing mo ang asawa ko." Umigting ang bagang niya.Itinayo ko si Bil ngunit sa bigat niya ay halos matumba kami. Sumakit ang tahi sa tiyan ko at kita iyon sa mukha ko.Tumayo si Axcl at agad na inalalayan si Bil makatayo. "Stay here at bantayan mo si Fatima."Hindi na ako sumagot ng tumalikod siya at alalayan ang asawa ko paakyat sa kwarto namin.Umupo ako at tinignan si Fatima na lasing na lasing na at natutulog sa mesa.Bumalik ulit ang

    Last Updated : 2023-11-10
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 6- Slap

    Bumalik kami no’ng gabing iyon na tahimik. Axcl wanted us to be back together ngunit firm akong lalayuan ko siya. Hindi ko lang alam kung kaya ko bang panagutan. Nagalit siya at hindi niya ako pinapansin. 5 days na ang dumaan at naroon pa rin ang galit sa mga mata niya. Tumitingin siya sa akin pag nasa iisang area lang kami at bigla akong sasamaan nang tingin. He’s mad. Real mad. Dahil sa team building, isang linggong wala si Bil. It’s a torture seeing Axcl being sweet to his wife. Alam kong pinapakawalan ko na siya but shit lang. Gaya ngayon, kitang kita ko kung paano niya halikan ang asawa niya sa leeg. I don’t know kung sinasadya niya ba ito o ano. Kung oo man, pwes oo, nagseselos ako. Tumayo ako at umalis. Pumunta ako ng garden kahit gabi na. Buti dito ay may peace of mind. Huminga ako ng malalim para mawala ang inis na nararamdaman ko. Binuksan ko ang laptop ko at nagsulat ng novel. Nasa bandang kalagitnaan na ako sa Chapter 10 nang makita ko ang mukha ni Axcl na nakatingin s

    Last Updated : 2023-11-15
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 7- Start

    “Axcl?!” Napaatras ako nang marinig ang boses ni Fatima sa likuran. Hindi pa kasi kami lumalayo sa bahay. Pinahiran ko ang luha sa mata ko at humarap kay Fatiman. “Hey,” Nag-aalala siyang tumingin sa akin. “Hala, Anda. Sorry. Hindi ko alam na gising ka pa. Nakakahiya pinaggagawa namin ni Axcl.” Lumapit siya kay Acxl at agad na ipinulupot ang kamay niya sa braso ng asawa niya. Sumunod ang mata ko doon. Bago pa man niya mapansin ang pagtitig ko doon ay nag-iwas na ako nang tingin sa mga kamay niya. Kita kong binawi ni Axcl ang kamay niya kaya nabigla si Fatima. Lihim ko iyong ikinangiti. Know your actions Axcl. “I already said sorry to her, love. Let’s go? Pasok na tayo?” “Oh okay..” Humarap si Fatima sa akin. “Aalis ka?” “Pupunta ako ng 7/11. May bibilhin lang.” “Gabi na ah! Wala kang kasama? Samahan na kita,” agad akong umiling. Ayaw kong makasama si Fatima. Nakaka guilty lalo’t naghaIikan kami kanina ng asawa niya. “Huwag na Fatima. Hindi ba’t maaga ka pa bukas sa school?” “

    Last Updated : 2023-11-15
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 8- Sin

    “Try this,” sabi ni Axcl at nasa harapan ko na ang salmon. Ibinuka ko ang bibig ko at hinayaan siyang isubo sa akin ang raw salmon na isinawsaw pa niya sa soy sauce at konting wasabi. “How was it?” he was excited to know what my reaction would be. "Hmm.. ang sarap" "Masarap than me?" I frowned when he said that. We just had sex earlier. I know my doctor advised me not to engage yet in sexual activity but I just let Axcl penetrate me. I asked myself if I feel guilty about it pero wala akong naramdaman. Sa totoo lang, masaya ako. Masaya na ginawa namin iyon ni Axcl. "Axcl," I called his name. “Hmm.. Yes baby…” My heart beats faster when he called me baby. He's smiling from ear to ear and I don't have a heart to spoil his little happiness. "No, nevermind" I shook my head. "Does your wound hurt? I'm sorry I couldn't stop myself earlier. I miss you so much and I miss doing that with you,” I looked away when scenes from what we did earlier flash into my head. I closed my eyes whe

    Last Updated : 2023-11-16
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 9- Please

    “Hon?” I pushed Axcl away from me when we heard Fatima’s voice coming in the kitchen. I turned my back and continued washing the dishes while Axcl came out of the kitchen to go to his wife. A playful smile of my lips appeared for what Axcl and I did. When I’m done washing the plates, I went to my room to call Bil but before that, naligo muna ako. “Ma, kamusta ka na?” nag-aalalang tanong ni Bil. Ngumiti ako at sinabing, “I’m fine. How about you?” “Ah—I’m freaking tired. I wanna go home cause I miss you so bad.” I went to my vanity to comb my hair. “Did you have your dinner?” “Yes,” “When are you coming home?” “Maybe next week. Why? Do you miss me?” “Yeah, I miss you," narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at nakita ko si Axcl na nakatayo. Kinuha ko ang phone ko na nilagay ko sa table para hindi siya mapansin ni Bil. Pinanliitan niya ako ng mata. Alam niyang kausap ko si Bil ngayon. Pinadilatan ko siya ng mata to tell him na umalis muna siya dahil may kausap

    Last Updated : 2023-11-17
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 10- Azcuna

    “Hon, mauna na ako,” busy ako sa laptop ko habang nakikinig kay Axcl at Fatima. Axcl has this smile on his face while looking at his wife na papaalis na. Nag-iwas tingin ako sa kanila. Nakita ko si mama na lumabas sa kwarto niya at umupo sa harapan ko. Tumikhim ako at nag focus magsulat. “Anda, nagkita kami ng lola mo kahapon. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag nila sa ‘yo?” “Hindi ko napansin ang tawag, ma,” mahinahon na sabi ko. “Tawagan mo sila. Nag-aalala sila sa ‘yo,” Tumango ako. “Sige po ma,” Tumayo ako para pumunta sana ng kwarto nang makita ko si Axcl sa harapan. Alam kong galit siya sa sinabi ng asawa niya na lilipat na kami ni Bil at hindi siya makalapit sa akin ngayon dahil nandito si mama sa tabi namin. Nilagpasan ko siya at umakyat sa taas ng kwarto namin ni Bil at tinawagan si lola. Ilang ring pa lang ay nasagot na ang tawag. “Anda,” “Bakit?” hindi ko maitago ang tabang ng boses ko. Partly, I blame them for what happened to me and Axcl. When Bil asked my han

    Last Updated : 2023-11-17
  • Ang Makasalanang Asawa   Chapter 11- Anda

    AXCL (Before the arrival of Ania) “Hon, sayang hindi tayo makakadalo sa kasal ni kuya Bil,” her face speaks sadness after she said that. “Bakit ang aga niya yata? Hindi na ba pwede ma extend til’ next month?” “The girl’s family wanted her to marry kuya right away,” that’s strange. Why? I mean it’s given that Bil is rich kaya walang pamilya ang tatanggi sa kaniya but agad agad ipapakasal ang babae sa kaniya? It looks like si Bil ang ayaw pakawalan ng pamilya ng babae. Napailing ako. Maybe the girl likes Bil too at mukhang payag siyang agad ikasal kay Bil. “Matagal ng girlfriend ni Bil ang mapapangasawa niya?” My wife shook her head. “No, sa pagkakaalam ko walang girlfriend si kuya kaya nga nabigla ako na sinabi niyang ikakasal na siya bukas. Sana man lang hinintay niya tayong makauwi.” She has a point. Nandito pa kami sa Hawaii for our vacation. Sana hinintay kami makauwi para makadalo rin but it’s not our choice to begin with. It’s Bil’s life. We’re in Wailea, part of South M

    Last Updated : 2023-11-18

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa   END

    Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 49

    SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 48

    ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 47

    “Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 46

    Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 45

    SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 44

    REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 43

    REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam

  • Ang Makasalanang Asawa   SUA 42

    May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede

DMCA.com Protection Status