"Isusuko niya ang lahat ng pinaghirapan niya para lang sa isang babae?" Agad na sumakay ng eroplano papunta sa Glendale ang mga tauhan ni Felipe na pinamumunuan ni Dice. Umuulan sa madaling araw, at pinuntahan ni Felipe ang puntod ni Cathy sa takot na baka masura ito ng ulan. Umuwi lamang si Felipe nang makumpirma niya na ayos lang ang lahat. Pagdating niya sa bahay, nakita niya na may ilang mga kotse na nakaparada sa tapat ng maliit niyang villa. Pagpasok niya sa bahay, nakita niya si Dice at ang mga tauhan niya na naghihintay sa kanya. "Bubuwagin mo na ba talaga ang kumpanya, Master Whitman?" Ang tanong ni Dice. Hindi maganda ang ekspresyon ni Felipe. "Ayaw ko nang ulitin ang mga sinabi ko." "Pero Master Whitman, ayos lang ba talaga na buwagin mo ang isang malaking kumpanya para lang sa isang babae?" Binalot ng yelo ang ekspresyon ni Felipe. "Asawa ko yung babaeng tinutukoy mo." "..." Nang makita niyang nagalit si Felipe, hindi na nagtangka pang sumagot si Dice at sin
Alam niyang wala silang magandang intensyon sa pagpunta nila dito, nakumpirma ni Felipe ang masamang pakiramdam niya noong makita niya ang bagay na tinutukoy ni Dice. Sinamantala ni Dice ang pagkagulat ni Felipe, hinawi niya ang baril ni Felipe at tumayo siya. "Hmph. Ano sa tingin mo, Master Whitman? Tutal mahal na mahal mo ang asawa mo, gagamitin namin 'to para makuha ang kumpanya. Mahalaga 'to sayo, di ba?" "Ibalik niyo siya sakin!" Sumiklab ang galit ni Felipe. Pagkatapos nito ay inabot sa kanya ni Dice ang isang dokumento ng nakangiti ng masama. "Dokumento ito para sa pagsasalin ng ownership ng kumpanya. Pumirma ka ba at ibabalik ko sayo ang walang kwentang urn na 'to." 'Walang kwentang urn.' Pinasiklab ng mga salitang iyon ang galit ni Felipe. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao, nagulat ang lahat sa matinding galit na pinakita ni Felipe. Sinuntok niya ang mukha ni Dice. Natanggal ang isang ngipin niya dahil sa lakas ng suntok ni Felipe. Sa mga sumunod na sandali, n
Siguro nga nakakaakit ang isang milyong dolyar, pero anong silbi ng pera kung patay na sila? Tumakbo paalis ang lahat nang maisip nila yun. Naiwang nakaluhod si Felipe habang malungkot siyang nakatingin sa natitirang abo ni Cathy. Bigla niyang naramdaman na nanghihina ang kanyang katawan. Saka lamang niya napansin na tinamaan ang balikat niya at bumubulwak ang dugo mula sa kanyang mga sugat noong yumuko siya. Gusto niyang tumayo, ngunit unti-unting bumigat ang mga talukap ng kanyang mga mata at bumagsak siya sa lupa sa gitna ng ulan. Inabot niya gamit ng duguan niyang kamay ang urn upang yakapin ito. "Cathy…" tinawag niya ang pangalan ni Cathy. Bago siya mawalan ng malay, nakita niya ang isang taong may dalang payong na palapit sa kanya sa gitna ng ulan. Bumuka ang kanyang bibig habang pinagmamasdan niya ang taong palapit sa kanya. "Cathy…" Magdamag na bumuhos ang ulan. Maliwanag at maaraw na noong magising si Felipe. Kumikirot ang mga sugat sa kanyang katawan, ngunit
Nagtanong si Jeremy at dumilim ang kanyang ekspresyon. Nataranta ang receptionist, "Ang sabi ng lalaki, ang bawat rosas na para kay Mrs. Whitman ay nagpapahiwatig ng kanyang—" "Ng kanyang damdamin." Narinig nila ang boses ng isang lalaki mula sa malayo. "Hindi ba parang ang baba naman ata ng hiring qualifications niyo, Jeremy? Paano kayo nagkaroon ng nauutal na receptionist?" Naiinis na si Jeremy nang malaman niya na may lalaming nagbigay ng rosas kay Madeline. Ngunit ngayong marinig niya ang mayabang na boses ng lalaki, naglaho ang kanyang galit. Napalingon si Madeline at nakita niya si Fabian na naglalakad palapit sa kanila. Takaw tingin ang kanyang kulay pilak na buhok. "Sinusubukan mo ba akong galitin sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa asawa ko, Fabian?" Ang nang-aasar na tanong ni Jeremy. "Huwag kang magselos agad, President Whitman. Hindi naman laging ganun ang ibig sabihin ng mga rosas." Ang makahulugang sagot ni Fabian. Tiningnan ni Madeline ang bouquet at n
Nang makita niyang malapit nang sumabog sa galit si Jeremy, tinanggap ni Madeline ang paghingi ng tawad ng delivery boy at pinaalis na siya. "Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala, huminahon ka." Pinakalma ni Madeline si Jeremy. Subalit, nanatiling nakatingin si Jeremy kay Madeline. "Syempre, mag-aalala ako. Hindi ko kayang makita kang masaktan, o kahit magalusan man lang." Nanatili lamang sa isang tabi si Fabian. Kakamustahin na sana niya si Lillian nang biglang lumapit ang isang babae. Kulay grey ang kanyang buhok at nakasuot siya ng hapit na damit. Nang makalapit siya, ngumiti siya at pinakilala ang kanyang sarili. "Hello, ako si Lana Johnson, kapatid ako ni Fabian." Lumalabas na may nakatatandang kapatid na babae si Fabian. Ayaw maging malapit nila Jeremy at Madeline sa Johnson family, kaya hinawakan ni Jeremy ai Madeline at tumalikod na sila. "Talagang mas kaakit-akit ang mga lalaki sa Whitman family kaysa sa iba."Ngumiti si Lana habang nakatingin siya sa dir
Hindi na bago kay Jeremy ang hinahangaan siya ng ibang tao, pero ito ang unang beses niya na makakilala ng tao na kagaya ni Lana na lantarang pinapakita ang kanyang nararamdaman. At higit pa roon, malinaw na ginawa niya ang paghalik sa kanya para makita ito ni Madeline. Ngunit hindi hinayaan ni Jeremy na mahawakan siya ni Lana. Tinulak niya siya palayo at malamig na nagsabi, "Lubayan mo ko." Babala niya bago lumiko para maglakad papunta kay Madeline. Mukhang may nakasalubong si Madeline na kaibigan kaya hindi niya nakita si Lana na sinubukang halikan si Jeremy. Nakahinga nang maluwag si Jeremy. Hindi niya gustong magkamali ng akala si Madeline. Natapos ang pakikipag-usap ni Madeline at tumalikod siya para makita si Jeremy na palapit sa kanya dala ang kanyang bag at isang mainit na ngiti. "Biglang gusto ko ng Spanish food, Linnie. Kumain tayo sa ibang lugar." Naguluhan si Madeline sa kanyang biglaang pagbabago ng desisyon. Habang bahagyang sinilip si Lana sa hindi kala
Sinagot niya ang tawag at narinig niya ang mapagpanggap na boses ni Lana. "Natanggap mo na ba ang Queen of the Night, Mr. Whitman? Sa tingin ko naiintindihan mo kung bakit ko pinadala yan." "Ilan beses ko bang sasabihin sa'yo, Lana Johnson, wag mo na akong guluhin. Wala at hindi ako magkakaroon ng interes sa mga babaeng kagaya mo." Suminghal lang si Lana habang mas lalong nahumaling ang kanyang tono. "Hindi mo alam kung interesado ka hangga't di mo pa nasusubukan. Narinig ko na apat na buwang buntis ang asawa mo, Mr. Whitman." Masyadong walanghiya ang mga kinikilos at pananalita ng babaeng ito. Nakakasuklam ito. Dahil hindi na niya gustong magsayang pa ng laway sa babaeng ito, binaba niya ang tawag at blinock ang numero ni Lana bago siya umalis para maghanda sa perfume testing ni Madeline sa katapusan ng linggo. Ngunit hindi niya inasahan na lilitaw muli si Lana. Suot ang mapang-akit na damit, nagbigay ng isang natatanging amoy si Lana––isang bagay na naaamoy ni Madeline sa
Hindi gustong magpaapekto ni Jeremy sa babaeng ito sa kahit na anong paraan kaya pumasok siya kaagad sa banquet hall nang hindi lumilingon pabalik. Pagkatapos makuha ang thermos cup mula kay Eloise, naglakad si Jeremy pabalik sa kanina niyang dinaanan, pero hindi niya inasahan na naghihintay pa rin si Lana sa kanina niyang kinatatayuan. Hindi siya pinansin ni Jeremy at diretsong naglakad. Tinignan ni Lana ang papalapit na si Jeremy nang may misteryoso at malalakas na mga mata. Pagdaan niya, tinaas niya ang isang maliit na supot sa kanyang kamay. "Mr. Whitman, nakikilala mo kung ano to, di ba? Hindi ba ito ang gamot na iniinom ng asawa mo?" Hindi interesado si Jeremy sa kahit na anong gawin ni Lana pero natawag ang kanyang paningin ng mga bagay sa loob ng maliit na supot. Malinaw na ang maliit na pink na gamot ay ang gamot na iniinom ni Madeline. Ayon kay Adam, ang gamot na ito ay bagong gawa ng kanyang mga kasamahan na napakaepektibo sa pagpapatigil sa mga tumor. Dumaan i