Hindi gustong magpaapekto ni Jeremy sa babaeng ito sa kahit na anong paraan kaya pumasok siya kaagad sa banquet hall nang hindi lumilingon pabalik. Pagkatapos makuha ang thermos cup mula kay Eloise, naglakad si Jeremy pabalik sa kanina niyang dinaanan, pero hindi niya inasahan na naghihintay pa rin si Lana sa kanina niyang kinatatayuan. Hindi siya pinansin ni Jeremy at diretsong naglakad. Tinignan ni Lana ang papalapit na si Jeremy nang may misteryoso at malalakas na mga mata. Pagdaan niya, tinaas niya ang isang maliit na supot sa kanyang kamay. "Mr. Whitman, nakikilala mo kung ano to, di ba? Hindi ba ito ang gamot na iniinom ng asawa mo?" Hindi interesado si Jeremy sa kahit na anong gawin ni Lana pero natawag ang kanyang paningin ng mga bagay sa loob ng maliit na supot. Malinaw na ang maliit na pink na gamot ay ang gamot na iniinom ni Madeline. Ayon kay Adam, ang gamot na ito ay bagong gawa ng kanyang mga kasamahan na napakaepektibo sa pagpapatigil sa mga tumor. Dumaan i
Dumating siya sa presidential suite ng hotel. Bumukas ang pinto at si Lana, na nakasuot ng isang translucent na nightdress na may garter, ang lumitaw sa harap ni Jeremy. Takaw pansin ang malaking tato na ansa dibdib nito.Kalmadong lumingon palayo si Jeremy, at nagpakita ng kawalan ng interes na tignan ang kanyang katawan. Naglabas siya ng pills na binigay sa kanya ni Lana kahapon mula sa kanyang bulsa. “Ngayon sabihin mo sa akin kung paano mo nalaman na iniinom ng asawa ang gamot na to.”Sumandal si Lana sa may pinto. “Dito ba ako magsasalita? Hindi ka ba natatakot na makuhanan ng litrato? Ikaw na kasam ako ng ganito ang suot na damit, nag-uusap lang dito… Kapag nakita ito ng asawa mo, tiyak kong magkakaroon ng gulo.” Kahit na nag-aalangan si Jeremy, pumunta siya para malaman ang totoo at para na rin sa kalusugan ni Madeline. Pagkapasok niya sa loob, naamoy niya muli ang natatanging western fragrance na yun muli. Madilim din ang ilaw sa loob ng silid. alam ni Jeremy kung an
Tumingala si Madeline at nakita niya si Jeremy na naglalaka na bakas ang pagod sa noo nito. Nang makita niya si Madeline na nakaupo sa tabi ng kama, pinakalma ni Jeremy ang kanyang kilay at ngumiti. “Linnie, nagising ba kita?” Umiling si Madeline at ibinaba niya ang kanyang phone. “Bakit hindi ka umuwi kagabi?” Kahit na ayaw magsinungaling ni Jeremy kay Madeline, ayaw rin niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. “Importante kasi ang kaso ng isang kliyente kaya hindi ako nakaalis. Patawad kung napag-alala kita.” Naglakad si Jeremy at hinalikan si Madeline sa kilay nito. Nang nilapitan niya ito, napansin ni Madeline ang amoy na kumapit kay Jeremy na hindi galing sa kanya. Meron siyang matalas na pang-amoy, at kung tama ang memorya niya, ang natatanging amoy na ito ay katulad sa pabango ni Lana. Pagkatapos ng lahat lahat ng pinagdaanan nila ni Jeremy, hindi naisip ni Madeline na pagtataksilan siya nito. Dahil sa may tiwala siya, hindi na tinanong ni Madeline si Jeremy.
”Hahayaan ko ang aking sekretarya na asikasuhin ang kontrata kung wala na tayong iba pang pag-uusapan.”Pagkatapos niyang sabihin ito, ngumiti siya at hinatak ang braso ni Jeremy. “Hubby, umakyat na tayo.” “Sige.” Hinayaan ni Jeremy si Madeline na dalhin siya nito sa elevator habang hinihila ang braso nito. Pero, hindi siya kalmado. Tinignan ni Lana ang likod nila Madeline at Jeremy. Narinig niya ang bulung bulungan ng mga tao sa paligid tungkol sa kanya. Naglabas siya ng isang manipis na vape mula sa kanyang bag at hinithit ito, at maabilidad na ibinuga ang puting usok nito. “Eveline, ang young lady ng mga Montgomery.” Ngumiti si Lana bago ito tuluyang umalis. Sa may elevator, mabigat ang hangin sa paligid at nakakabingi ang katahimikan. Maingat na tinignan ni Jeremy ang kalamdo ngunit seryosong mukha ni Madeline.“Linnie, kagabi—”“Hindi ka nakikipagnegosasyon tungkol sa negosyo kagabi. Nakipagkita ka kay Lana. Nagpalipas ka ng gabi kasama siya?” Kaagad na nagtanong
Ngumiti si Lana habang papalapit kay Jeremy, habang nakaipit sa kanyang mga daliri ang kanyang sigarilyo na may sindi. Tinitigan niya ang walang kibong itsura ni Jeremy sa mga sandaling yun. Susunggaban na sana niya ang oportunidad na para halikan ito, pero bigla niyang napansin si Madeline na hawak ang phone nito na nakatutok sa kanya habang dahan dahan itong naglalakad."Bakit hindi mo ipagpatuloy, Miss Johnson? Ayaw mo bang maging sikat? Tutulungan kita," sabi ni Madeline habang nakangiti, "I-popost ko ang video na to online para makita ng buong mundo kung paano akitin ng isang babaeng maharot ang isang lalakeng may asawa." Nang marinig niya ang malinaw na boses ni Madeline, biglang nagbalik ang ulirat ni Jeremy. Pero, hindi niya maintindihan ang nangyari sa kanya kanina. Kinagat ni Lana ang kanyang sigarilyo dahil sa nawalan na siya ng gana. Habang nakangiti kay Madeline ng palasak, sinabi niya, "Nagbibiro lang ako. Hindi mo kailangan seryosohin to Mrs. Whitman." "Para sa
...Mukhang dahil sa sikolohikal na epekto na dala ng bangungot, kaya nakaramdam si Madeline ng pananakit ng tiyan. Pumunta siya sa ospital para magpasuri. Kailangan dumalo ni Jeremy sa isang importanteng pagpupulong, kaya hindi niya nasamahan si Madeline. Pagkatapos ng eksaminasyon, binigay ni Madeline ang resulta kay Adam na maingat na binasa ang lumabas sa resulta. "Eveline, bibigyan kita ng panibagong gamot para sayo. Ang gamot na ito ay hindi makakaapekto sa dala mong bata. Ang pangunahing kakayahan nito ay ang pakalmahin ang iyong emosyon. Pwede mo itong inumin ng isang beses sa isang araw. Hindi ka na dapat magtrabaho sa hinaharap nang sa gayon ay makapagpahinga ka." Alam ni Madeline na ang emosyon noya nang buntis siya ay madalas magbabago, at ang bangungot niya kagabi ay masyadong makatotohanan na hanggang ngayon ay naaalala pa niya ito.Tumango siya, pinasalamatan si Adam, at bumalik. Nang makaalis na siya sa silid, isang tao ang lumabas sa maliit na silid sa opis
Malinaw na nakita ni Madeline ang isang lalaki at babaeng magkayakap at magkahalikan. Ang babaeng ito ay si Lana, at ang lalaki naman ay… Imposible para sa kanya na magkamali ng alala sa itsura ng likod ng lalaki na nakatatak sa kanyang isipan. "Jeremy…" Mayroong isang nakakayamot na sakit sa puso ni Madeline, at biglang nagulo ang kanyang isipan. Pinilit niyang kumalma, pero mukhang lalong nagwawala ang kanyang damdamin. Ang madilim na liwanag sa kanyang mata at ang kakaibang halimuyak ay nagpahilo sa kanya. Itinaas ni Lana ang nakakahumaling na mata niya at ngumiti nang matagumpay kay Madeline na unti-unting namumutla. "Mrs. Whitman, nakarating ka na pala?" Ang tono niya ay mayabang, mapanghamak, at nanghahamon. "Talagang magaling humalik si Mr. Whitman. Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili sa ganitong lalaki." Alam niyang sadya siyang iniinis ni Lana, pero hindi mapakalma ni Madeline ang kanyang sarili. Kaagad niyang itinikom ang kanyang kamao at lumapit sa
Bumalik si Madeline sa kotse. Ang hangin sa basement ay nagpakalma sa isipan niya, ngunit ang mha kamay niya na nakahawak sa manibela ay nanginginig. Pinilit niya ang nanyang sarili na kumalma, pero wala na siyang lakas na magmaneho pa. Ang kanyang isipan ay puno na ng imahe ni Jeremy at Lana na magkahalikan. Ang matagumpay na ngiti ng babae at ang mapanghamak na kilay ng lalaki ay kahawig ng malupit niyang pakikitungo sa kanya noon. Ngunit pakiramdam pa rin ni Madeline na may dahilan sa ugali ni Jeremy ngayon. Hindi siya makapagmaneho ngayon kaya kanina pa siya naghihintay sa kotse. Hindi niya alam kung gaano katagal na ba siyang naghihintay. Nasa isip niya na nasa iisang kwarto pa rin si Jeremy at Lana sa sandaling ito, iniisip kung anong ginagawa nila. Sumakit ang puso ni Madeline. Hindi niya magawang umupo dito at maghintay. Lumabas si Madeline ng kotse at pupunta na sa elevator nang makita niya si Jeremy na naglalakad papunta sa kanya. Maayos ang damit ng lalaki,