Biglang nakarinig ng kalabog si Jeremy, na parang isang mabigat na bagay na nahulog sa sahig. Naisip niya na baka nagsisira ng gamit si Madeline habang nagtatampo at lalo siyang nag-alala. "Linnie." Kumatok siya sa pinto at tumawag, "Linnie, ayos ka lang ba?" Nagtanong si Jeremy pero hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Madeline. Di na makapaghintay si Jeremy dahil sa biglang kabog ng kanyang puso. Sinubukan niyang buksan ang pinto, ngunit nakakandado ito mula sa loob. "Linnie, anong ginagawa mo? Linnie!" Nagkaroon ng pagkataranta at pagkalito sa boses ni Jeremy. Ibinato niya ang unan at itinaas ang kanyang mahabang binti para sipain ang kandado ng pinto. Sa sandaling bumukas ang pinto, nakita ni Jeremy si Madeline na nakahiga sa gilid ng kama at ang gamot ay nakakalat sa sahig. Biglang napuno ng takot ang mga mata niya. "Linnie!" Nagmadali siyang pumunta sa tabi ni Madeline at niyakap ito. Nang makitang maputla ang mukha ni Madeline, nataranta si Jeremy. "Linni
"Hindi kalokohan ang sinasabi ko." Binuksan ni Lana ang isang video sa kanyang phone gallery at iniabot ang cellphone kay Jeremy. Ang laman ng video ay nagpapakita ng pagpasok ni Madeline sa kwarto ng hotel kanina lang. Pinanood ni Jeremy ang video at pinakinggan ang usapan habang mukhang nagugulat. Napagkamalan ni Madeline na siya ang isang kakaibang lalaki na kapareho niyang manamit! Naunawaan niya kung bakit hindi siya pinayagan ni Madeline na hawakan ito at tinawag pa siyang marumi. Ngunit paano nangyari ito? Malinaw na hindi siya ang lalaking ito. Magkaibang-magkaiba ang mukha nila. Bukod sa damit, talagang wala silang pagkakahawig ng lalaking ito, at talagang inakala ni Madeline na siya ang lalaking ito. "Lana, anong panlilinlang ang ginamit mo? Bakit nagkaganito si Madeline?!" Tanong ni Jeremy habang sumisikip ang puso niya. Naiisip niya kung gaano siguro kasama ang loob at kadismayado si Madeline nang akalain nito na siya ang lalaking iyon. Inihagis ni Lana ang
Kagigising lang ni Madeline. Ang pinakaayaw niyang makita nang idilat niya ang mga mata niya ay ang makita si Jeremy at Lana na nag-uusap sa harap ng pinto ng ward. Ang huli niyang inaasahan ay ang halikan ni Lana si Jeremy nang biglaan nang nakangiti. Biglang itinikom ni Madeline ang kanyang kamao at umupo. Bababa na siya ng kama nang nakaramdam siya ng isang sakit sa kanyang sikmura. Kusa niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Alam ni Lana na di magtatagumpay ang pagtatangka niya ngayon, at talagang itinulak siya nang marahas ni Jeremy ulit. Ngunit ang posisyon at kilos nila kanina lang ay sapat na para isipin ni Madeline na hinalikan ni Lana si Jeremy. Gusto pa ring tanungin ni Jeremy si Lana tungkol sa gamot, ngunit nang marinig niya ang ingay sa ward at lumingon pabalik, nakita niyang gising na si Madeline. "Umalis ka na dito, huwag kang maging peste sa harapan ng asawa ko." Pinaalis niya si Lana nang galit at kaagad na itinulak ang pinto para pumasok. Nang makita si Ma
Sinundo siya ng ibang lalaki? "Isa siyang lalaki na nakasalamin, medyo gwapo." Ang lalaking inilarawan ng nurse ay kaagad na nagpaalala kay Jeremy tungkol kay Adam Brown. Pero alam niya na si Adam ay hindi lamang isang doktor. Kapag sumama sa kanya si Madeline, malalagay lang ito sa mas mapanganib na sitwasyon. Kaagad niyang tinawagan si Madeline, pero ibinaba ang linya. Sa loob ng kotse, tinignan ni Madeline ang madilim na screen at basta na lang pinatay ang cellphone. Tinignan ni Adam si Madeline nang isang kakaibang ngiti ang lumitaw sa kanyang gwapong mukha. "Di ka ba nag-aalala na baka hindi ka mahanap ni Jeremy kapag sinundan mo ako nang ganito?" Tumawa si Madeline. "May ibang babae na siyang mas gustong makita ngayon." Nagpanggap si Adam na nagtataka. "Ibang babae?" Hindi na nagsalita si Madeline at basta na lang tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Makalipas ang isang sandali, nakita niya ang isang pamilyar na jotse sa rear-view mirror. Ito ang kotse ni Je
Nang tignan ang mapagbintang na titig ni Madeline, hindi nagbago ang mukha ni Jeremy. "Tama, gagawin ko ulit ito. Di kita hahayaang inumin uli ang gamot na ito." Niluwagan ni Madeline ang kanyang pagkakahawak sa kwelyo ni Jeremy. Sumasakit ang puso niya nang sabihin niya, "Ulitin mo, Jeremy." "Eveline, di ko hahayaang inumin mo ulit ang gamot na ito." Pak! Sinampal siya ni Madeline sa mukha habang nanginginig ang kamay niya sa galit. Pakiramdam niya lalong nagulo ang isipan niya ngayon. Pinagulo ng nasa isip niya ang kanyang kamalayan, at nahirapan siyang huminga. Itinuon niya ang kanyang tingin sa lalaking nakakunot ang noo sa pagkadismaya. "Jeremy, anong klaseng tao ka? "Gusto mo bang makitang mamatay ako, o gusto mong makitang mamatay ang bata sa tiyan ko? "Dahil wala kang pakialam sa akin at sa bata, bakit ka pa nagpanggap na may pake ka sa akin?" Tinignan niya ang lalaking tahimik nang may namumulang mata at bumitaw. "Gusto mo ba si Lana? Nahulog ka na ba sa wa
Nang marinig ang pagtatapat ni Jeremy, natulala saglit si Madeline. Malinaw niyang nakita sila ni Lana sa sandaling iyon… "Linnie, para sa kaligtasan mo, gusto kitang dalhin sa isla na pinuntahan natin bago natin para alagaan ang bata. Dadalhin ko si Jack at Lilian doon para samahan ka para di ka manatiling mag-isa. Ito ang napagpasyahan ni Jeremy. Bago pa makatanggi si Madeline, naihanda na nito ang lahat at pwersahang dinala si Madeline sa pribadong yate kinabukasan. Nagpumiglas si Madeline at gusto niyang bumaba ng yate ngunit dinala siya sa isang kwarto ng yate ni Jeremy. Hindi siya pinakawalan nito hanggang sa maglayag ang yate sa dagat. Tinignan ni Madeline ang bughaw na karagatan mula sa labas ng bintana. "Jeremy, dadalhin mo ba ako sa isang liblib na isla para makapag-date kayo ni Lana kahit kailan niyo gusto?" Hindi nagpaliwanag si Jeremy at hinayaan si Madeline na magkamali ng intindi sa kanya. Mahinahon lang niyang sinabi, "Linnie, kahit anong isipin mo, kailan
Nang makitang lumalala na ang sitwasyon, daliang inihanda ni Ken ang life raft. Dalawang beses nabaril si Jeremy, isa sa likod niya at isa sa kanyang binti. Ang pulang dugo ay tumutulo mula sa sugat ng lalaki. Namutla ang mukha ni Jeremy. Nagsimula din siyang magmukhang inaantok at pagod. "Jeremy, wag kang matutulog. Kumapit ka. Di ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo!" Nanginig ang boses ni Madeline habang ang kamay niya na hawak ang gasa ay nanginginig din nang walang-tigil. Gusto niyang gamutin ang sugat nito, ngunit di niya ito magawa nang maayos. Nang tignan siya na luhaan, itinaas ni Jeremy nang pilit ang kanyang kamay at marahang pinawi ang luha na tumulo mula sa mata niya. Maayos pa rin ang boses niya, ngunit napakahina ng paghinga niya. Dinampot ni Madeline ang kumot sa kama nang luhaan ang mata at idiniin nang malakas sa sugat ni Jeremy, ngunit ang puting kumit ay kaagad na namantsahan ng pula. Naguguluhan siya at di niya alam ang kanyang gagawin. Isa-isan
Walang magawang tumingin si Ken kay Jeremy na wala nang malay. Ang magagawa lang niya ay gawin ang makakaya niya na tuparin ang ihinabilin sa kanya ni Jeremy at inunang dalhin si Lilian at Jackson sa balsa, tapos bumalik siya sa yate para puntahan si Madeline. Ngunit patuloy na niyayakap ni Madeline si Jeremy at ayaw bumitaw. Walang magawa si Ken kundi ang pwersahang hilahin palayo si Madeline. "Huwag mo akong hilahin! Kung gusto niyong umalis, umalis na lang kayo! Kailangan ko siyang samahan!" Sumigaw si Madeline nang may paos na boses, ayaw na bumitaw. "Madam, nakalimutan mo na ba si Young Lady Lilian at Young Master Jack?" Udyok ni Ken at sinabi, "Di pwedeng mawala sa kanila ang tatay at nanay nila." Natulala si Madeline, tila ba ngayon lang niya naalala ang dalawang bata. "Dali, talagang sasabog na ang yate. Kailangan mong mabuhay at ipaghiganti si Mr. Whitman." Ipaghiganti. Tinignan ni Madeline si Jeremy na walang buhay nang luhaan ang mga mata. Yumuko siya at hinali