"Hinahanap mo ang anak mo? Sino ang anak mo?" "Lilian Whitman." Tinaas ni Jeremy ang kanyang malamig na tingin. "Ang apat na taong gulang na babaeng kinuha ninyong Stygian Johnsons mula sa outer courtyard ni Felipe. Sa kanyang pagtataka, Gumilid si Yorick para tahimik na tanungin si Fabian na nakatayo sa kanyang tabi tungkol sa nangyayari. Habang pinapanood ang dalawa na magbulungan, malamig na nag-utos si Jeremy, "Ibalik mo sa'kin ang anak ko." Tinaas ni Yorick ang isa niyang kilay at tumawa. "Hindi naman sa ayaw kong ibalik ang anak mo. Pero, kailangan mo munang magbayad." "Tigil!" Kukunin sana ni Yorick and buhay ni Jeremy nang isang boses ng babae ang bilang nagpahinto sa kanila. Tumagos ang boses niya sa nanlulumong puso ni Jeremy na para bang isang mainit na sinag ng araw. Mabilis siyang lumingon para tignan ang babae na mabilis na naglalakad papunta sa kanya. "Linnie." "Bakit ka nandito, Jeremy?" Tinignan ni Madeline ang lalaki sa kanyang harapan nang may pag-a
Tinignan ni Madeline ang bag na itinapon sa isang tabi. Hindi gaanong malaki ang bag, pero sapat ang laki nito para magkasya ang isang apat na taong gulang bata. Lalo na sa kawalan ng puso ni Meredith, hindi na magugulat si Madeline kung nagawa niya ang ganoong bagay. Tumulala si Madeline sa bag nang ilang segundo bago mabilis na lumapit roon. Pinanood ni Meredith si Madeline na buksan ang bag at naglakad nang nakatingkayad sa likuran ni Madeline. Habang tinaas niya ang pala na kanyang hawak, mabangis ang mga mata ni Meredith. 'Mabulok ka sa impyerno, Eveline!'Sa pagitan nating dalawa, isa lang ang pwedeng mabuhay!' Papatamaan niya ng pala ang likod ng ulo Madeline at inihampas ito gamit ng buo niyang lakas. Magagawa na sana ito ni Meredith nang biglang lumingon si Madeline at iniwasan ang kanyang atake at hinawakan ang kanyang braso. "Sa tingin mo ba hindi ko alam na ako ang taong pinakagusto mong mamatay, Meredith? Sa tingin mo ba magiging pabaya ako kagaya ng dati?
Napalingon siya at sumalubong sa kanya ang nakakatakot na ekspresyon ni Jeremy. “Jer-Jeremy…” Natataranta siyang tumingin sa lalaking palapit sa kanya. Tinulak niya ang kamay ni Madeline, tumalikod siya at tumakbo palayo, subalit biglang may humablot sa kanyang leeg bago pa man siya makalayo. Katatapos lang sakalin ni Madeline si Meredith nang muling makaramdam si Meredith ng may sumasakal sa kanya. Parang yelo ang mga daliri ni Jeremy, nanuot ang lamig sa balat ni Meredith at nanginig siya dahil dito. Pakiramdam niya ay papatayin talaga siya ni Jeremy. Bumugso ang galit ni Jeremy at humigpit ang hawak niya sa leeg ni Meredith. Muling bumuka ang sugat sa balikat ni Jeremy dahil sa higpit ng pagsakal niya kay Meredith. Agad na hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy. "Bitawan mo siya, Jeremy." Pinigilan niya siya hindi dahil sa naaawa siya kay Meredith at hindi rin dahil sa ayaw niyang makasuhan ng murder si Jeremy dahil sa isang taong gaya ni Meredith, kundi dahil sa na
Umalis si Fabian at ang mga tauhan niya. Bago siya lumabas ng silid, kinausap niya si Madeline. "Sumigaw ka kung kailangan mo ng tulong, my lady. Nasa labas lang ako." Tinanggap ni Madeline ang alok ni Fabian. "Kung ganun, matutulungan mo ako kung ba bantayan mo si Jeremy para sakin." "Hmm." Nagkibit-balikat si Fabian at umalis. Natahimik ang malaking silid. Naglakad si Madeline palapit kay Meredith. Tumingin siya sa Tusong babae na ito mula sa taas na parang isang reyna noong makarating siya sa tapat ni Meredith. "Ano pang masasamang balak ang mayroon ka, Meredith? Harapin mo ako ngayon na. Huwag mo nang sayangin ang oras ko." "Hmph. Syempre, gusto mo nang tapusin 'to agad, kaso pasensya ka na lang. Hindi ako papayag." Pinunasan ni Meredith ang dugo sa gilid ng kanyang bibig habang tinitignan niya ng masama si Madeline. "Alam ko hindi na ako ulit magkakaroon ng pagkakataon na paibigin si Jeremy, pero pinapangako ko sayo na hindi ko hahayaan na maging masaya kayong dalawa
Nagdilim ang mga mata ni Madeline habang pinagmamasdan niyang maigi ang kasuklam-suklam na ekspresyon ni Meredith. Tinulak niya palayo si Meredith. "Tama ka, hindi nga mangangahas ang Stygian Johnsons na gawin yun, pero ako oo!"Ano? Nagulat siya, pinagmasdan ni Meredith na maglakad palayo si Madeline nang mapagtanto niya na naibunyag niya ang lokasyon ni Lillian.Ginamit na ni Jeremy ang trick na ito sa kanya noon sa korte, ngunit hindi niya inaasahan na gagamitin ito ni Madeline sa kanya. Nahulog pa siya ulit dito!Umakyat si Meredith upang harangan si Madeline, ngunit sinipa lamang siya ng isang bodyguard pagdating niya sa pintuan.Napahiga siya sa sahig sa sobrang sakit at sumuka siya ng dugo. Pinanood niya ang pag-alis ni Madeline, wala na siyang lakas para tumayo.Mabilis na nakarating sila Madeline at Jeremy sa mansyon ni Felipe. Hindi na nagulat si Felipe nang malaman na dumating na sila.Nainis siya nang makita niyang magkasama sila Madeline at Jeremy.Isang mapanuk
Nagulat si Felipe sa ginawa ni Cathy. Ito ay isang bagay na hindi inasahan ni Madeline at Jeremy."Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" Lumingon si Felipe kay Cathy na nakatayo sa likuran niya."Syempre alam ko. Ikaw ang hindi." Kalmado ang tono ni Cathy, makikita sa kanyang ekspresyon ang kanyang determinasyon. "Pakawalan mo sila, o maghihiganti ako para sa dalawa kong patay na anak ngayon."Umasim ang ekspresyon ni Felipe, ngunit tumanggi siyang sundin si Cathy.Lalong diniin ni Cathy ang baril sa likod ni Felipe. Kapag kinalabit niya ang gatilyo ngayon, tatagos sa puso ni Felipe ang bala.Hindi inasahan ni Madeline o ni Jeremy na nandito pala si Cathy, ngunit malinaw na nasa panig nila siya."Sumama ka na samin, Cathy." Ayaw iwanan ni Madeline si Cathy dito upang manatili sa tabi ni Felipe sa takot na baka magdusa siya sa parusang ibibigay sa kanya ng lalaking ito.Ngunit ngumiti lamang si Cathy. "Ayos lang ako, Evie, Jeremy. Umalis na kayong dalawa, dito lang ako."Kahit n
Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Jeremy. Ramdam na ramdam niya ang panghihinayang at pagsisisi ni Jeremy, pati na rin ang nararamdamang hirap ni Jeremy sa pagpapatawad sa kanyang sarili.Habang nakatingin siya sa likuran ni Jeremy, hindi na naramdaman ni Madeline na malayo sila sa isa't isa.Lumapit siya kay Jeremy, inangat niya ang braso niya upang hawakan si Jeremy mula sa likuran.Habang nagmumukmok si Jeremy at sinisisi ang kanyang sarili, nagulat siya nang bigla siyang niyakap ni Madeline. Nanuot ang init sa kanyang dibdib."Alam kong hindi mo mapapatawad ang sarili mo dahil sa mga bagay na nagawa mo sakin, pero seryoso ako noong sinabi ko sayo na hindi na ako galit sayo."Mabuhay na lang tayo ng masaya habang magkasama tayo, Jeremy."Umalingawngaw ang malinaw na boses ni Madeline sa tainga ni Jeremy.Humarap siya kay Madeline, nagtagpo ang makisig niyang mukha at ang walang kasing gandang mukha ni Madeline.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Binalot sila ng katahimikan.
Nakaramdam ng matinding sakit si Cathy sa paligid ng kanyang puso. Pagyuko niya, dumulas ang kanyang phone sa mga nanghihina niyang kamay.Plop. Nahulog ang phone sa simento sa kanyang mga paa habang dahan-dahang tumulo sa screen ang kanyang dugo. Maririnig ang natatarantang sigaw ng isang lalaki mula sa phone.“Cathy! Cathy! Sagutin mo ako, Cathy!”Nanginig ang kamay ni Felipe na nakahawak sa manibela habang papunta siya sa istasyon ng pulisya. Dumaan siya sa gitna ng maring tao, tumambad sa kanya ang isang namumutlang babae na naliligo sa sarili niyang dugo.Pakiramdam ni Felipe ay lumubog sa yelo ang kanyang puso at lumamig ang kanyang dugo.“Cathy.” Itinulak niya ang mga tao sa harap niya upang makalapit siya sa babae at lumuhod siya at niyakap niya ang walang malay katawan ni Cathy."Cathy! Gumising ka, Cathy!"Habang hawak niya si Cathy, natataranta niyang tinawag ang pangalan ni Cathy.Gayunpaman, wala ring nangyari.Nanlabo ang paningin ni Felipe, hindi niya alam k
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si