Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Jeremy. Ramdam na ramdam niya ang panghihinayang at pagsisisi ni Jeremy, pati na rin ang nararamdamang hirap ni Jeremy sa pagpapatawad sa kanyang sarili.Habang nakatingin siya sa likuran ni Jeremy, hindi na naramdaman ni Madeline na malayo sila sa isa't isa.Lumapit siya kay Jeremy, inangat niya ang braso niya upang hawakan si Jeremy mula sa likuran.Habang nagmumukmok si Jeremy at sinisisi ang kanyang sarili, nagulat siya nang bigla siyang niyakap ni Madeline. Nanuot ang init sa kanyang dibdib."Alam kong hindi mo mapapatawad ang sarili mo dahil sa mga bagay na nagawa mo sakin, pero seryoso ako noong sinabi ko sayo na hindi na ako galit sayo."Mabuhay na lang tayo ng masaya habang magkasama tayo, Jeremy."Umalingawngaw ang malinaw na boses ni Madeline sa tainga ni Jeremy.Humarap siya kay Madeline, nagtagpo ang makisig niyang mukha at ang walang kasing gandang mukha ni Madeline.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Binalot sila ng katahimikan.
Nakaramdam ng matinding sakit si Cathy sa paligid ng kanyang puso. Pagyuko niya, dumulas ang kanyang phone sa mga nanghihina niyang kamay.Plop. Nahulog ang phone sa simento sa kanyang mga paa habang dahan-dahang tumulo sa screen ang kanyang dugo. Maririnig ang natatarantang sigaw ng isang lalaki mula sa phone.“Cathy! Cathy! Sagutin mo ako, Cathy!”Nanginig ang kamay ni Felipe na nakahawak sa manibela habang papunta siya sa istasyon ng pulisya. Dumaan siya sa gitna ng maring tao, tumambad sa kanya ang isang namumutlang babae na naliligo sa sarili niyang dugo.Pakiramdam ni Felipe ay lumubog sa yelo ang kanyang puso at lumamig ang kanyang dugo.“Cathy.” Itinulak niya ang mga tao sa harap niya upang makalapit siya sa babae at lumuhod siya at niyakap niya ang walang malay katawan ni Cathy."Cathy! Gumising ka, Cathy!"Habang hawak niya si Cathy, natataranta niyang tinawag ang pangalan ni Cathy.Gayunpaman, wala ring nangyari.Nanlabo ang paningin ni Felipe, hindi niya alam k
Inangat niya ang duguan niyang mga kamay, ngunit napansin niya na naging kulay pula na ang kulay berdeng hairband na iniingat-ingatan niya.Itinaas niya ang hairband sa tapat ng kanyang labi. "Huwag kang mamamatay. Please, hindi ka pwedeng mamatay."Bumulong siya sa ilalim ng kanyang hininga at namula lalo ang kanyang mga mata."Nangako ka sakin na kukulitin mo ako habambuhay. Hindi mo na pwedeng bawiin ang mga sinabi mo ngayon."Nanginginig ang boses ni Felipe habang inuulit niya ang mga sinasabi niya, hindi niya magawang huminahon sa mga sandaling iyon.Sa mga oras na iyon, bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang isang doktor na nakaputing coat. Agad na tumakbo si Felipe papunta sa kanya. "Professor Quinney, kumusta si Cathy?"Umiling ang professor. "Natanggal ko na ang bala, pero dahil tumama ito sa kanyang puso, hindi ko siya kayang buhayin ulit. Humihingi ako ng paumanhin, ngunit pumanaw na si Ms. Cathy."Napako sa kanyang kinatatayuan si Felipe, pakiramdam niya
Naramdaman ni Felipe na tumigil ang puso niya nang damputin niya ang bagay na nasa loob ng kahon.Hindi niya makakalimutan ang pulang sinulid na ito.Noong makilala niya ang maliit na batang babae na may dimple maraming taon na ang nakakaraan sa may April Hill, siya ang naging liwanag na humila kay Felipe palabas ng kadiliman. Binigyan pa nga siya ng batang babae ng isang shell na maraming kulay.Bilang kapalit, binigyan niya ang batang babae ng isang pulang sinulid.Ang araw na iyon ng taong iyon ang simula ng kanyang inosenteng pagkikita nila ng masigla at palakaibigang si Vetty. Nagkagusto siya agad kay Vetty.Noong paglaki niya, nalaman niya na ang batang babae ay si Madeline.Iyon ang dahilan kung bakit ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang mapasakanya si Madeline.Subalit, bakit nasa mga kamay ni Cathy ang sinulid na binigay niya kay Madeline? Bukod dito, nakatabi itong maigi.Ang isip ni Felipe ay napuno ng mga katanungang hindi niya masagot.Hindi naman sa may h
"Nasaan si Cathy, Felipe?" Muling tinanong ni Madeline si Felipe, ngunit umalis na si Felipe.Habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ni Felipe, nagpasya si Madeline na halughugin ang mansyon para sa anumang bakas ni Cathy. Pumunta pa siya sa basement, ngunit hindi niya nakita si Cathy.Naguluhan siya, tinanong niya ang mga tagapagsilbi ni Felipe, ngunit wala sa kanila ang nakakaalam kung nasaan si Cathy.Nakarating si Madeline sa silid ni Cathy at nakita niya ang isang photo collage na nakabukas sa kanyang kama. Puno ito ng mga larawang kinunan ni Cathy mula pa noong bata siya. Mukhang may nauna nang nagbuklat sa dito.Tiningnan kaya ito ni Felipe?Nagtaka siya, dinampot niya ang photo collage at nakita niya ang isang piraso ng papel na nakaipit sa ilalim nito.“Certificate of cremation?” Kumabog ang dibdib ni Madeline.Nang basahin niya ito, nakita niya ang pangalan ni Cathy, sinundan ito ng pirma ni Felipe sa pinakailalim.Patay na si Cathy?!… Inakala ni Jeremy na nagpa
"Master Whitman, kakarating lang sa April Hill ng mga tauhan natin. Nagtanong-tanong kami sa paligid, at ayon sa isang matandang lalaki, nakumpirma namin na mayroong isang pamilya noon na may isang anak na babae na nagngangalang Cathy."May maliit na negosyo ang tatay, kaya medyo maganda ang kalagayan ng pamilya nila. Kaso, namatay ang tatay at ang nanay ng babae habang nagdedeliver sila."Kinuha ng mga kamag-anak niya ang bahay niya at pinalayas ang anak niyang babae."Ang kumpirmasyon ng kanyang tauhan."Master Whitman, nakumpirma namin na si Ms. Cathy nga ang babaeng pinalayas ng mga kamag-anak niya pagkamatay ng mga magulang niya. Binigyan nila ako ng isang larawan ni Ms. Cathy noong bata pa siya. Ipapadala ko 'to sayo ngayon."Pagkatapos, natanggap ng phone ni Felipe ang larawan.Makikita sa screen ang isang lumang larawan, isang larawan na naging sanhi ng pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ni Felipe.Ito ang parehong ngiti na nakaukit sa kanyang alaala—ang mismong ngiti
"Tama si Eveline. Walang mabuting tao sa mga lalaki sa Whitman family. Kung may isa lang man sana satin na kagaya ni Lolo, siguro hindi masasaktan ng husto ang mga babaeng nagmamahal satin."Tinaas niya ang kanyang nagyeyelo at mabangis na titig."Nagbagong buhay na ako, Felipe. E ikaw? Hindi mo ba susubukang itama ang mga pagkakamali mo? Isusuko mo sa mga pulis ang sarili mo kung mayroon kang kahit kaunting konsensya na natitira. O pwede ka ring maghintay hanggang sa ibigay ko sa mga pulis ang ebidensyang kailangan nila."Seryosong nagbabala si Jeremy at muli siyang tumingin sa puntod ni Cathy, puno ng sakit ang kanyang mga titig. Pagkatapis, tumalikod na siya para umalis.Nakatulala si Felipe at napako siya sa kinatatayuan niya habang hawak niya ang mga abo ni Cathy. Naglabo-labo ang emosyon sa kanyang mga mata."Huwag kang mag-alala. Nangako ako sayo, kaya sisiguraduhin kong tutuparin ko yun. Hintayin mo ako."Umalis siya habang umiihip ang hangin sa kanyang mukha at ang urn s
Inangat ni Jeremy ang braso niya upang yakapin si Madeline."Siya ang asawa ko. Ako, si Jeremy Whitman, ay mayroon at magkakaroon lamang ng isang asawa—si Eveline Montgomery.”Mabigat ang kanyang mga titig, at hindi niya binigyan ng pagkakataon si Karen na sumagot."Inaasahan kong hindi mo tatratuhin ang asawa ko ng gaya ng dati, Mom. Hindi ko inaasahan na maging isa kang mahusay na mother-in-law, pero sana kahit papaano ay tratuhin mo siya ng paggalang.""..." Natulala si Karen, at dumilim ang kanyang ekspresyon. Lumingon siya at nakita niya si Madeline na nakangiti sa kanya at agad na sumiklab ang galit niya dahil dito. "Anong nangyayari, Jeremy? Kakasabi mo lang sakin na magpapakasal ka kay Yvette? Bakit siya nanaman ang kasama mo? Nakalimutan mo na ba ang sinabi niya sayo noon? Ginagawa lang niya ito upang makapaghiganti!" Sumama ang loob nila Madeline at Jeremy nang mabanggit ni Karen si Cathy.Hinigpitan ni Jeremy ang hawak niya sa kamay ni Madeline habang taimtim na nagpa