Share

Kabanata 797

Pakiramdam ni Madelind na si Jeremy ang taong tinutukoy ni Felipe.

Sa mga sandaling iyon noong maisip niya ang tungkol dito, biglang lumiko ang sasakyan, nagtungo ito sa isang liblib na daan bago ito huminto.

"May dalawa kang pagpipilian. Una, gawan mo ng paraan na tigilan ka na niya at dadalhin kita kay Lilian ngayon. Pangalawa, sabihin mo sa kanya ang totoo at huwag ka nang umasa na magkikita pa kayo ni Lilian." Parang isang bangungot na umaalingawngaw sa kanyang tainga ang boses ni Felipe.

Pinagdikit ni Madeline ang kanyang mga labi bago siya sumagot, "Alam ko ang dapat kong gawin. Hindi mo kailangang sabihin sakin kung anong gagawin ko."

Pagkatapos niyang sabihin yun, binuksan niya ang pinto ng sasakyan.

"Kung hindi mo siya kayang paalisin, gagawa ako ng paraan para maglaho siya." Ang sabi ni Felipe habang pababa ng sasakyan si Madeline.

Napahinto sandali si Madeline bago siya bumaba ng sasakyan. Tumapak ang kanyang mga paa sa niyebe at gumawa ito ng mahihinang tunog.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status