Nang marinig iyon ni Ava, nagsimula siyang mag-alala. “Madeline Crawford, anong pinagsasabi mo?”“Seryoso ako.” Sagot ni Madeline sabay ngiti. Tinignan niya ang asul na karagatan sa kanyang harapan, at muli niyang naisip ang magagandang alaala. “Ito ang lugar kung saan idineklara namin ni Jeremy ang pagmamahal namin sa isa’t-isa,” sabi ni Madeline bago niya itama ang kanyang sinabi, “Dito pala nagsimula ang one-sided love ko para sa kanya.”Nagulat si Ava. At pagkatapos ay napagtanto niya ang mga nangyayari. “So eto ang lugar kung saan kayo unang nagkakilala.”Tumango si Madeiline at ipinikit ang kanyang mga mata. Nasinawagan ng araw ang kanyang bilugan ngunit mabutong mukha. “Sinabi niya sakin noon, ‘Linnie, pagtandi natin, ikaw ang papakasalan ko.’”Sabi ni Madeline bago dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Sa sandali ding iyon, nagsimula tumulo ang luha mula sa kanyang mata.Nagsimulang magalit si Ava. “Sinungaling ang lahat ng lalaki! Bata palang si Jeremy, alam na niy
Nagulat si Madeline sa inaasal ni Jeremy. Subalit, hindi na niya sinubukan pang amuhin si Jeremy. Mahinahon siyang nagtanong, "Anong gusto mong pag-usapan, Mr. Whitman?" Hindi masaya si Jeremy sa itinawag sa kanya ni Madeline. "Anong tawag mo sakin?" "May nagbago ba? Wala ka namang pakialam sakin, Mr. Whitman." Sumimangot si Jeremy. Pagkalipas ng ilang sandali ng pananahimik, nagsalita siya, "Lumalaki na ang tiyan ni Mer. Gusto ko siyang pakasalan." Kahit na alam ni Madeline na darating ang araw na pipilitin siya ni Jeremy na makipaghiwalay, nasaktan pa rin ng husto si Madeline sa kanyang narinig. Tumingin si Madeline sa lalaking kaharap niya. Natawa lamang siya. "Paano naman ako?" Ang tanong ni Madeline. Pakiramdam niya ay sila na ng anak niya ang pinakamalaking kalokohan sa buong mundo. Tumingin ng masama si Jeremy kay Madeline. "Kung magiging masunurin ka, pwede tayong manatiling ganito." Napahalakhak si Madeline sa kanyang narinig. "Mr. Whitman, sinasabi mo ba na gu
Hinanap agad ni Madeline si Jeremy. Kasing gwapo pa rin ng dati si Jeremy. Nakauoo siya sa kanyang mesa habang nagbabasa ng ilang dokumento; hindi man lang niya iniangat ang kanyang ulo. Napahalakhak siya nang malaman niya na nangungutang ng tatlong daang libo si Madeline sa kanya. "Maliit na bagay lang ang pera para sakin Maddie. Pero, hindi kita bibigyan ng kahit isang sentimo." Nagpatuloy sa pagmamakaawa si Madeline, "May cancer sa baga ang lolo ko, kailangan niya yung pera para sa pagpapagamot niya. Jeremy, please, pahiramin mo ako ng pera. Babayaran kita." "Babayaran mo ako? Ng ano?" Alam niyang hindi siya kayang bayaran ni Madeline. Subalit, bigla niya sinabi na, "Mapapahiram kita ng pera, pero kailangan mong pumayag sa hinihingi kong divorce." Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang dulo ng kanyang damit. Gusto ni Jeremy na maging asawa si Meredith at siya naman ang maging kabit. Pinigil ni Madeline ang sakit na naramdaman niya. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sa
Nagbebenta ng katawan? Hindi sinabi ni Madeline na binebenta niya ang katawan niya kaya siya nandoon, pero iyon agad ang inisip ni Meredith. Mayroong kasamaan na makikita sa mga mata ni Jeremy. Lalo itong naging nakakatakot. Nagmistula siyang si Satanas na nagmula sa impyerno. Gusto niyang pira-pirasohin si Madeline. Binenta niya talaga ang sarili niya. Sasama siya sa kahit sinong lalaki para lang sa pera! Nagawa pa niyang ipagmalaki na siya lang ang nakagalaw sa kanya noon. Nakakadiri. "Maddie, makinig ka sakin. Umuwi ka na, baka magalit si Jeremy. Hindi ko siya mapipigilan kapag nangyari yun." Nandiri si Madeline sa mahinhin at mahinahong boses no Meredith. Natutuwa siyang tumingin siya kay Meredith. "Umuwi? May uuwian pa ba ako? Hindi ba't inagaw na ng walang hiyang kabit na gaya mo yung uuwian ko?" Kakaiba ang itsura ni Meredith. Kumibot ang gilid ng kanyang mga labi at malungkot siyang tumingin kay Jeremy. "Huwag kang magalit kay Maddie, Jeremy. Kasalanan ko an
Bago pa man matapos sa pagsasalita si Madeline, agad namang nagsalita si Tanner. Alam niya na may nunal si Madeline sa kaliwang dibdib. Para bang kinumpirma niya ang naging relasyon nila noon ni Madeline. Subalit, sa mga sandaling ito, makikita ang pagkagulat sa mukha ni Meredith habang nagsasalita siya, "Oh my gosh! Maddie, hindi mo siya ex-boyfriend? Binibigyan ka niya ng pera tuwing ginagawa niyo yun? Hindi ba parang binebenta mo ang sarili mo para sa pera? Maddie, paano mo nagawa yun sa sarili mo? Sumasama ka sa kung sino-sinong lalaki para sa pera?!" Nandiri si Madeline sa mga sinabi ni Meredith. Gusto niyang sagutin si Meredith, pero nakaramdam siya ng matinding sakit kung nasaan ang kanyang tumor, at hindi siya makapagsalita dahil dito. Ipinagpalagay ni Jeremy na inamin ni Madeline ang mga akusasyon sa kanya dahil sa kanyang pananahimik. Noong una si Daniel. Ngayon, si Tanner naman. Ilang lalaki ba ang meron ang babaeng 'to? Naglabasan ang mga ugat sa noo ni Jeremy
'Nandidiri ako sayo Madeline.' Nagmistulang mga palaso na tumusok sa kanyang puso ang mga sinabi ni Jeremy. Nakatuon ang lahat ng ito sa durog-durog niyang puso. Pinaniwalaan agad ni Jeremy ang mga sinabi ni Meredith. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Madeline. Bumuhos ang nagyeyelong tubig sa kanyang bibig at ilong. Nalulunod na siya. Subalit, hindi na siya nagpumiglas pa. Hindi ba't mas maganda kung mamatay na lang siya? Subalit, noong ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata, binuhat siya ni Jeremy at ihinagis sa sahig. Nagmistulang isang sirang manika si Madeline. Namaluktot si Madeline sa sahig habang basang-basa siya. Matindi ang sakit na nararamdaman niya dahil sa tumor niya. Sa sobrang sakit nito, nahihirapan na rin siya sa paghinga. Sa kabila nito, iniangat pa rin niya ang kanyang ulo. "Hindi ko siya kilala. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin Jeremy…" "Bakit naman ako maniniwala sa sinungaling at napakasamang babae na gaya mo?
Isang maganda at balingkinitang babae na mula sa upper-class ang nagpatawag sa kanya. Pagkatapos niyang makasalamuha ang babae ng ilang beses, alam ni Maseline na siya si Eloise Patton, na kilala rin bilang Mrs. Montgomery. Kabilang siya sa isa sa apat na pinaka mayaman at maimpluwensiyang pamilya sa Glendale. Sa di malamang dahilan, nakakaramdam ng koneksyon si Madeline kay Eloise sa tuwing mag-uusap sila. Maraming pagmamay-ari ang mga Montgomery, at si Eloise ang namamahala sa mga alahas. Natuwa siya sa unang draft na ipinasa ni Madeline. Dahil sa ilang mga espesyal na dahilan, inimbitahan ni Eloise si Madeline sa bahay niya noong araw ng pagpapasa ni Madeline ng final draft niya. Nang makarating siya sa bahay ni Eloise, nalaman niya na ngayon ang ika-24 na kaarawan ng anak nila Eloise at Sean Montgomery, na si Brittany Montgomery. Dahil dito, naalala ni Madeline na ngayon din ang ika-24 niyang kaarawan. Hindi mapigilan ni Madeline na mainggit habang tinitignan niya ang
Alam ni Madeline na wala na siyang magagawa nang marinig niya ang sinabi ni Eloise. Wala siyang pakialam kung lalaitin siya o pagbibintangan siya, ngunit masyadong mahalaga sa kanya ang trabaho niyang ito. "Draft? Kailan ka pa naging designer, Maddie?" Nagulat si Meredith. "Ginagamit mo ba yung mga design sa internet tapos sinasabi mo na ikaw yung gumawa ng mga yun gaya nung ginawa mo nung college? Maddie, bakit ka nagkaganyan?" Dismayadong tumingin sa kanya si Meredith. Lalong nagdilim ang mukha ni Eloise nang marinig niya ang mga sinabi ni Meredith. Tiningnan niya ng masama si Madeline at umalis kasama ang kanyang anak. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline nang tingnan siya ng masama ni Eloise. Gusto sana niyang habulin si Eloise para magpaliwanag, ngunit may humila sa kanya. Noong mapansin ni Meredith na walang ibang tao sa paligid nila, ngumiti siya ng masama. "Ikaw, hampaslupa ka, huwag mo nang balakin na makipag kompetensya sakin para sa posisyon ng pagigin
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si