'Nandidiri ako sayo Madeline.' Nagmistulang mga palaso na tumusok sa kanyang puso ang mga sinabi ni Jeremy. Nakatuon ang lahat ng ito sa durog-durog niyang puso. Pinaniwalaan agad ni Jeremy ang mga sinabi ni Meredith. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Madeline. Bumuhos ang nagyeyelong tubig sa kanyang bibig at ilong. Nalulunod na siya. Subalit, hindi na siya nagpumiglas pa. Hindi ba't mas maganda kung mamatay na lang siya? Subalit, noong ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata, binuhat siya ni Jeremy at ihinagis sa sahig. Nagmistulang isang sirang manika si Madeline. Namaluktot si Madeline sa sahig habang basang-basa siya. Matindi ang sakit na nararamdaman niya dahil sa tumor niya. Sa sobrang sakit nito, nahihirapan na rin siya sa paghinga. Sa kabila nito, iniangat pa rin niya ang kanyang ulo. "Hindi ko siya kilala. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin Jeremy…" "Bakit naman ako maniniwala sa sinungaling at napakasamang babae na gaya mo?
Isang maganda at balingkinitang babae na mula sa upper-class ang nagpatawag sa kanya. Pagkatapos niyang makasalamuha ang babae ng ilang beses, alam ni Maseline na siya si Eloise Patton, na kilala rin bilang Mrs. Montgomery. Kabilang siya sa isa sa apat na pinaka mayaman at maimpluwensiyang pamilya sa Glendale. Sa di malamang dahilan, nakakaramdam ng koneksyon si Madeline kay Eloise sa tuwing mag-uusap sila. Maraming pagmamay-ari ang mga Montgomery, at si Eloise ang namamahala sa mga alahas. Natuwa siya sa unang draft na ipinasa ni Madeline. Dahil sa ilang mga espesyal na dahilan, inimbitahan ni Eloise si Madeline sa bahay niya noong araw ng pagpapasa ni Madeline ng final draft niya. Nang makarating siya sa bahay ni Eloise, nalaman niya na ngayon ang ika-24 na kaarawan ng anak nila Eloise at Sean Montgomery, na si Brittany Montgomery. Dahil dito, naalala ni Madeline na ngayon din ang ika-24 niyang kaarawan. Hindi mapigilan ni Madeline na mainggit habang tinitignan niya ang
Alam ni Madeline na wala na siyang magagawa nang marinig niya ang sinabi ni Eloise. Wala siyang pakialam kung lalaitin siya o pagbibintangan siya, ngunit masyadong mahalaga sa kanya ang trabaho niyang ito. "Draft? Kailan ka pa naging designer, Maddie?" Nagulat si Meredith. "Ginagamit mo ba yung mga design sa internet tapos sinasabi mo na ikaw yung gumawa ng mga yun gaya nung ginawa mo nung college? Maddie, bakit ka nagkaganyan?" Dismayadong tumingin sa kanya si Meredith. Lalong nagdilim ang mukha ni Eloise nang marinig niya ang mga sinabi ni Meredith. Tiningnan niya ng masama si Madeline at umalis kasama ang kanyang anak. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline nang tingnan siya ng masama ni Eloise. Gusto sana niyang habulin si Eloise para magpaliwanag, ngunit may humila sa kanya. Noong mapansin ni Meredith na walang ibang tao sa paligid nila, ngumiti siya ng masama. "Ikaw, hampaslupa ka, huwag mo nang balakin na makipag kompetensya sakin para sa posisyon ng pagigin
Sa isang iglap, nagngalit si Madeline sa sobrang sakit. Binuhos ni Jon ang buong lakas niya upang pahirapan si Madeline. Para bang gusto niyang durugin ang mga buto ni Madeline. Pagkatapos, narinig ni Madeline ang kanyang mga dahilan."Jeremy, huwag mong isipin na sumosobra na ako. Tatayo niya ako at hindi ko matiis na inaapi ng ganito ang anak ko! Pagkapanganak ni Mer, malalaman kung anong pakiramdam ng maging isang magulang." Pagkasabi niya nun, idiniin niya ang kanyang paa sa kamay ni Madeline. Muling dumugo ang mga sugat sa kamay ni Madeline. Hindi siya humiyaw sa sakit at hindi rin siya nagmakaawa. Hindi nagsalita si Jeremy. Kasing lamig ng yelo ang gwapo niyang mukha. Para kay Madeline, sumang-ayon si Jeremy sa mga ginagawa ni Jon. "Ang sakit ng mukha 'ko Jeremy. Natatakot ako na baka hindi na gumaling ang mukha ko." Humihikbi si Meredith sa mga sandaling ito. Sumimangot si Jeremy at tumingin ng masama kay Madeline. "Dapat lang sa kanya yan." Pagkatapos ay hinawaka
Nakatayo si Madeline sa gitna ng ulan. Napakadilim ng kanyang paligid. Napakalaking halaga ng sampung milyon para sa kanya. Sa kabila ng pagiging madam ng pinakamayamang pamilya sa Glendale, wala siyang napalang maganda sa posisyon niya. Sa halip, bugbogsarado siya at pagod na pagod. Hindi nagtangkang tumawag sa mga pulis si Madeline dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Len. Wala siyang ibang pagpipilian. Si Jeremy lang ang mahihingan niya ng tulong. Subalit, maaaring binlock ni Jeremy ang number niya dahil hindi niya ito matawagan kahit na ilang beses niyang sinubukan. Naisip niya na baka pinahihirapan na ng kidnapper ang lolo niya ngayon. Dahil dito, bumalik siya sa Crawford Manor. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at naalala niya kung paano tinapaktapakan ni Jon ang kamay niya. Dahil dito, nawalan ng pwersa ang kanyang kamay. Kumatok sa pinto si Madeline gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pagkalipas ng ilang sandali, may nagbukas na ng pinto, Ngunit, bago pa man
"Bakit ko ba niligtas gamit ng bone marrow ko ang isang bruhang gaya mo? Nahulog ang loob ni Jeremy sayo kasi bulag siya!" Paulit-ulit na pinagsasampal ni Madeline si Meredith. Naglabasan ang lahat ng tao sa bahay nang marinig nila ang gulo. Noong makita ni Rose na sinasampal ni Madeline si Meredith, sumugod siya at hinablot ang buhok ni Madeline. Sinipa niya si Madeline, ngunit hindi ito bumitaw kay Meredith. "Jeremy, tulong! Tulungan mo 'ko Jeremy! Papatayin ako ni Madeline!" Nagsisigaw si Meredith. Sa wakas ay narinig siya ni Jeremy. "Madeline, nababaliw ka na ba?" Hinila ni Jeremy ang nagwawala ng si Madeline palayo. Pagkatapos nito, niyakap niya si Meredith. "Boohoo… Jeremy, sobrang sakit. Ang sakit ng mukha ko! Nababaliw na si Maddie!" Ang sumbong ni Meredith habang nakasandal siya kay Jeremy. Lumapit sa kanila si Madeline. "Meredith, huwag ka ngang magpanggap. Ako nga dapat yung umiiyak! Bakit ba nakilala ko ang plastic na gaya mo?" "Jeremy, tingnan mo! Sinisigaw
Nang itanong ito ni Jeremy, nahulaan na agad ni Madeline ang sagot. Tama, tinanggihan ito ng nurse sa kabilang lingya ng telepono. "Ano? Lung cancer? Bukod sa kanyang mental health, ang kanyang katawan ay napakalusog. Pano siya nagka lung cancer? Nagkamali ka ata." Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ni Madeline na tumaas ang kanyang temperatura. Bago pa ibaba ni Jeremy ang linya, sinabi ng nurse, "Sabi mo nawawala siya kanina lang? Nawala na din siya ilang beses noon pero sabi niya sinabi daw sa kanya ng pamangkin niya na magtago siya kasi nakikipagtaguan daw siya sa kanya." Nang marinig niya ito, naunawaan ni Madeline lahat. Walang sakit si lolo at di siya nakidnap. Si Meredith ang nagplano ng lahat ng ito! "Naiintindihan ko na Maddie. Sinadya mong sabihan si lolo na magtago para mai frame up mo ako sa pagkidnap sa kanya." Nagkusa si Meredith na maunang magsalita. Nagsimula siyang umiyak. "Bakit mo yun nagawa Maddie? Tinuring kitang tunay na kapatid noon pa. Paano
Nabigla sila Jon at Rose nang makita nilang sumusuka si Madeline ng dugo, pero kasabay nito ay natuwa rin sila. Isinara ng dalawa ang pinto at di pinansin si Madeline. Wala talaga silang pake sa kanya. Mas mabuti pa kung mamamatay siya. Bumaluktot si Madeline sa gitna ng mga halaman habang ang kanyang katawan ay balot ng dumi at tubig ulan. Hinawakan niya ang masakit niyang sikmura at pinanood na dalhin ni Jeremy si Meredith papasok ng kotse. Nakikita siya nito mula sa rearview mirror, pero ayaw niya man lang tumingin sa kanya. Sa kabilang banda, si Meredith ay nakatitig sa kanya. Matagumpay siyang ngumiti nang makita niyang kasinputla ng bangkay si Madeline at puno ng dugo ang kanyang bibig. Ibinaba ni Madeline ang kanyang kamay na kawawang humihingi ng tulong nang panoorin niyang umandar palayo ang kotse. Lumabo ang paningin niya dahil sa luha at ulan. Labis siyang nag-aalala sa anak ni Meredith, pero wala siyang pakialam sa bata sa kanyang tiyan. Binalak pa nitong pata
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si