Share

Kabanata 2368

Hindi nag-isip nang matagal si Jeremy bago siya makapagpasya.

“Tumawag muna tayo ng mga pulis.”

“Pero sabi ng kidnapper…”

“Linnie, alam kong nag-aalala ka para kay Ava. Pero sa oras na ito, kailangan nating magtiwala sa pulis. Kahit na hindi ka nagtitiwala sa pulis, magtiwala ka sa akin. Hindi ko ibubuwis ang kaligtasan ng kaibigan mo.” kinumbinsi ng maamong boses ni Jeremy si Madeline.

Tumingin si Madeline sa malalim na mata ni Jeremy at tumango.

“Sige, naniniwala ako sa’yo.”

Pinisil ni Jeremy ang kamay nI Madeline upang pakalmahin ito bago dumiretso sa estasyon ng pulis.

Pagkatapos nilang magpunta sa estasyon ng pulis, nalaman nilang nagpunta rin dito si Daniel upang maghain ng report.

Kaagad na kinausap ni Madeline at Jeremy si Daniel. Pagkatapos magkita ng tatlo, hindi na mukhang kakaiba si Daniel tulad noong wala pa itong alaala. Sa halip, kaagad nitong sinabi kay Jeremy at Madeline ang nalalaman niya.

“Na-kidnap si Ava, at tingin ko may kinalaman dito si Naya. Sinubu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status