Hindi nag-isip nang matagal si Jeremy bago siya makapagpasya.“Tumawag muna tayo ng mga pulis.” “Pero sabi ng kidnapper…” “Linnie, alam kong nag-aalala ka para kay Ava. Pero sa oras na ito, kailangan nating magtiwala sa pulis. Kahit na hindi ka nagtitiwala sa pulis, magtiwala ka sa akin. Hindi ko ibubuwis ang kaligtasan ng kaibigan mo.” kinumbinsi ng maamong boses ni Jeremy si Madeline.Tumingin si Madeline sa malalim na mata ni Jeremy at tumango.“Sige, naniniwala ako sa’yo.” Pinisil ni Jeremy ang kamay nI Madeline upang pakalmahin ito bago dumiretso sa estasyon ng pulis.Pagkatapos nilang magpunta sa estasyon ng pulis, nalaman nilang nagpunta rin dito si Daniel upang maghain ng report. Kaagad na kinausap ni Madeline at Jeremy si Daniel. Pagkatapos magkita ng tatlo, hindi na mukhang kakaiba si Daniel tulad noong wala pa itong alaala. Sa halip, kaagad nitong sinabi kay Jeremy at Madeline ang nalalaman niya.“Na-kidnap si Ava, at tingin ko may kinalaman dito si Naya. Sinubu
“Mommy.” “Nandito si Mommy. Ang bait mo talaga, Pudding,” Malambing na tinapik ni Madeline ang ulo nito. “Mommy, ‘di po ba pupunta sio Aunt Ava sa bahay natin ngayon?” nagatataka ring nagtanong si Jackson. Sinusubukan ni Madeline na gumawa ng dahilan para makalusot dito nang marinig niya ang pamilyar na yabag mula sa labas. Tumingin siya dito at nakita niyang nakauwi na si Jeremy. Tumayo si Madeline habang dala ang kanyang bunsong anak. “Jeremy, nakabalik ka na. May balita ba?” Kinuha ni Jeremy ang batang lalaki mula sa braso ni Madeline at malambing itong hinalikan.“Wala pang balita, pero nalaman ko na kung sino ang dumakip kay Ava.” “Sino?”“Ang kidnapper ay isa lang batugan na maraming criminal record. Para madaling makakuha ng pera, gagawin niya ang kahit ano.” pagkatapos nito, sinuri ni Jeremy ang sitwasyon at sinabi, “Nalaman ko na kailan lang ay tumatanggap siya ng malaking pera sa account niya, at ang halaga nito ay katumbas ng perang inilipat ni Naya. Ibig-sabih
Tinignan ito ni Madeline at nakita niya ang isang lalaking nakaitim at nakasuot ng salamin. Mukha itong magnanakaw. Sigurado siyang hindi niya kilala ang lalaking ito, ngunit naramdaman niyang pamilyar ito. Pagkatapos mag-isip sandali, biglang naalala ni Madeline na ang lalaking ito ang sangganong dumakip kay Ava. Kumislap ang mata ni Madeline nang maalala niya ang kuha na ipinakita sa kanya ni Jeremy kagabi. Siguradong ang lalaking nasa harapan ngayon ang taong dumakip kay Ava. Tok, tok, tok. Muling kumatok ang lalaki sa bintana ng kotse ni Madeline. Maingat na ibinaba ni Madeline ang bintana. Hindi sapat ang siwang para ipasok ng kahit sino angkanilang kamay. Tinignan niya ang lalaki nang kalmado at nagtataka, “Sir, ano pong problema?” “Ikaw si Eveline Montgomery, tama?” direktang nagtanong ang lalaki, at ang boses niyang kasinggaspang ng papel de liha ay nagpasiguro kay Madeline na ito ang mandurukot na gustong manikil ng sampung milyong dolyar.“Ako nga. Maaari ko ba
Hindi nangahas si Madeline na isugal ang kaligtasan ni Ava. Tinignan niya ang paligid. May mga dumadaan na mga sasakyan ngunit walang mga taong dumadaan. Kahit na meron mang mga napadaan, hindi pa rin madali na humingi ng tulong. Sinundan ni Madeline ang lalake sa kabilang panig ng kalsada, para madiskubre lang na ang kotse na pinahiram niya kay Ava kahapon ay nakaparada doon. Ang lalake ay pinaandar ang kotse at sinundan siya sa lugar ng eskwelahan ni Jackson. Malamang ay may nagsabi sa taong ito dahil nagawa nitong matukoy sa loob lamang ng isang araw, at ang taong ito ay walang iba kung hindi si Naya. Sa may ospital. Komportableng nakahiga si Naya sa kama. Matagal na siyang magaling, maliban na lang sa ilang sugat na natamo niya. Sa madaling salita ay ayos lang siya, ngunit ang babae na binangga niya ay nakaratay pa din sa loob ng ICU at nakakoma. Kumuha siya ng isa pang pamalit na mobile phone. Nang tatawag na sana siya, nakita niya ang kanyang ina na naglalakad
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Ava, at binangga niya si Madeline gamit ng kanyang balikat. “Maddie, wala siyang gagawing masama sa akin. Umalis ka na.” “Dahil sa nandito ka na din, huwag mo nang isipin na makakaalis ka pa.” Ang masamang boses ng lalake ay nagmula sa likuran ni Madeline. Tinaas ni Madeline ang kanyang kamay at dahan-dahan na pinunasan ang dumi sa mukha ni Ava. Pagkatapos, tumayo siya. Inangat niya ang kanyang maringal na mga mata. “Ginagawa mo lang ito para sa pera. Dahil ganun lang naman, paano kung makipagkasundo ako sayo?” Pagkatapos niyang marinig ito, tusong napatitig ang lalake kay Madeline sa loob ng ilang mga segundo. “Mrs. Whitman, bihag kita ngayon. Ikaw ang pinakamahalagang bagay na gagamitin ko para makahuthot ng pera, kaya bakit mo ko kinakausap tungkol sa mga kondisyon?” “Sinasabi mo lang dahil sa gusto mo ng pera. Gusto kong mabuhay, at gusto kong mailabas ang mabuti kong kaibigan dito ng ligtas. Handa akong magbigay ng mas malaking halaga
“Mrs. Whitman, kung ayaw mong masaktan ang makinis mong balat at malambot mong laman, pwes sumunod ka na lang.” Malinaw ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang talian si Madeline, para makasiguro. “Maddie, huwag kang makinig sa kanya. Hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang mga taong kagaya niya. Umalis ka na lang kaagad hangga’t magagawa mo pa,” Abiso ni Ava, habang nag-aalala na baka malagay sa panganib si Madeline ng dahil sa kanya. Tinignan ni Madeline si Ava at binigyan ito ng isang kampanteng ngiti. “Ava, dahil nandito na din ako, babalik ako kasama ka. Huwag kang mag-alala, naniniwala ako na malulutas ng pera ang maraming problema sa mundong ito, kasama na dito ang problema na kinakaharap natin ngayon.” Pagkatapos magsalita ni Madeline, nilahad niya ang kanyang kamay sa lalake. “Sige na.” “Tulad ng inaasahan sa babae ni Jeremy. Ang yapang mo.” Puri ng lalake at saka mabilis na tinalian ang mga kamay ni Madeline. Ang nang pagkatapos nitong talian ng kamay si Madeline,
Biglang huminto si Naya sa kanyang paglalakad at tinignan ang lalake na galit na galit na pumasok sa kwarto. Hindi niya ito kilala. “Sino ka ba? Bakit mo sinisigaw ang pangalan ko?” Malamig na sinabi ni Naya, na naiinis. Biglang lumingon ang lalake nang makita niya si Naya. Ang namumulang mga mata ng lalake ay napadpad sa mayabang na mukha ni Naya, at nagulat si Naya sa mga mata na iyon. Nang napatulala siya, sumugod ang lalake sa kanyang harapan ng hindi niya napapansin. Pagkatapos, itinaas ng lalake ang kanyang kamay at malakas na sinampal sa mukha si Naya. Pak! “Ah!”Napasigaw si Naya sa sakit at tinakpan ang kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. Pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata para tignan ang lalake dahil sa gulat bago napaatras dahil sa takot. “S-Sino ka ba? Bakit mo ko sinampal? Nars! Nasaan ang nars? Paano niyo hinayaan na may makapasok sa loob ng VIP ward?” Sigaw ni Naya sa may pintuan ng ward. “Naya, anong problema? Anong nangyari?” Nakabalik na d
Hinawakan niya ang namamaga niyang pisngi, nagngalit ang kanyang mga ngipin, at kinuyom ang kanyang mga kamao. “Ava, ikaw ang gumawa sa akin nito. Ikaw ang dapat na namatay! Hindi kita mapapatawad!” Whitman Corporation.Matagal na din hinahanap ni Jeremy ang kinaroroonan ni Ava. Bukod sa wala siyang palatandaan kung nasaan siya ngayon, bigla na din niyang hindi matawagan si Madeline. Tumawag siya ng mga ilang ulit ngunit walang sumasagot. Nag-aalala pa din si Jeremy. Nahanap din niya ang kotse ni Madeline gamit ang GPS tracker. Hindi inaasahan, nakaparada pa din ang kotse ni Madeline sa tabi ng kalsada malapit sa eskwelahan ni Jackson. Ang pinto ng kotse ay hindi nakasara ng maayos, habang ang phone naman ni Madeline at alahas na palagi niyang suot ay nakalagay sa may driver’s seat. Nahulaan ni Jeremy na baka nasa panganig si Madeline habang papunta siya dito. Pagkatapos niyang makita ito, ang tibok ng kanyang puso, na palaging kalmado, ay biglang lumakas ang tibok. Mab