Pagkatapos niyang tapusin ang mga trabaho niya sa araw na iyon, naghanda si Ava na pumunta sa apartment. Sa sandaling nakaalis siya sa pinto ng kumpanya, isang kotse ang umandar sa harapan niya. Pagkatapos bumaba ng bintana, nakita niya si Tom na maginoong ngumiti sa kanya. "Saan ka pupunta? Ihahatid kita." Napakagalang ni Tom. Sandaling nabigla si Ava. Kahit na pagkakaibigan ang amo niyang si Tom, amo pa rin niya ito. Medyo nakakailang na sumakay siya sa kotse ng kanyang amo. Nang tatanggi na sana si Ava pagkatapos niya itong pag-isipan, hindi inaasahang bumaba si Tom ng kotse at tinulungan si Ava na buksan ang pinto sa likod. "Sumakay ka sa kotse. Ipagmamaneho kita." “...”Hindi alam ni Ava kung paano tatanggihan ang direktang pag-uugali ni Tom sa sandaling iyon. "Ang totoo, hindi mo kailangang mailang. Alam ko kung saan ka pupunta, at pupunta rin ako roon. Mas madali kapag nagsabay tayo." Nagulat si Ava sa paliwanag ni Tom. "Alam mo kung saan ako pupunta?" "Uh-h
Tinignan ni Ava ang lalaki, at sa isang dahilan, nakaramdam siya ng pamilyar na damdamin nang tingnan niya ito. Mukhang nabigla ang lalaking ito nang makita niya si Ava. Subalit, kaagad itong lumingon at lumapit kay Tom. “Tom, ikaw pala talaga ‘yan. Bakit ka nandito?” “Dr. Long, long time no see. Nandito ako dahil dinala ko ang kaibigan ko dito. Ikaw? Kailan ka pa nakabalik ng Glendale?” Nakangiting tanong ni Tom. Nang marinig ang mga salita, sinulyapan ng lalaki si Ava. “Kaibigan? Hindi ba kasintahan ang ibig-sabihin mo? Magaling kang pumili, Tom.” “Dr. Long nagkakamali ka. Hindi ko talaga siya girlfriend,” Serysong nagpaliwanag si Tom. Pagkatapos, ibinaba niya ang kanyang tingin at tinignan ang oras. “May kailangan akong asikasuhin, kaya kailangan ko nang umalis. Ililibre kita ng pagkain sa loob ng ilang araw, Doctor. Usap na lang tayo.” Tumango ang lalaki. “Oo, tara.” Hindi nagsalita si Tom at kaagad na bumiyahe palayo. Naglalakad ang mga tao sa daan, ngunit nailang
Tinignan ng lalaki si Ava at mukhang nag-isip sa loob ng ilang segundo. Nang magsasalita na siya, bumukas ang pinto ng apartment. Nakasuot si Raegan ng isang apron at may hawak na spatula. Mukhang abala siya sa pagluluto sa kusina. Nang makita niya ang lalaking nakatayo sa tapat ng pinto kasama ni Ava, malinaw na nabigla si Raegan. “M-Magkasama ba kayong nagpunta?” “Nakasalubong ko siya sa baba,” Paliwanag ng lalaki habang nagbabago nang bahagya ang ekspresyon sa kanyang mukha. Maging kung paano niya tingnan si Ava ay naging kakaiba. Nang marinig ito ni Ava, kaagad niyang nakumpirma na ang lalaking ito ang neurologist na kikitain nito ngayong gabi. Huminto saglit ang eksena. Kaagad na nahimasmasan si Raegan pagkatapos at binuksan ang pinto para sa kanila. “Pasok kayo. Pasok kayo at mag-usap tayo.” Sinabi ni Raegan bago harapin ulit si Ava nang nakangiti. “Pasok ka, Ava.” Naisip ni Ava na kaagad niyang mapapag-usapan ang tungkol sa kondisyon ni Daniel sa ekspertong ito, ka
Huminto saglit ang lalaki, at tumango pagkatapos. “Dati kaming classmates ng nanay mo.” “Classmates?” Nagulat na naman si Ava. Tumango ang lalaki, habang ang kanyang maamong mata ay lumalayo sa mukha ni Ava. Subalit, nagsimulang maging seryoso ang kanyang mukha. “Matagal na kaming magkakilala ng nanay mo, pero umalis ako ng Glendale para mag-aral ng medicine. Higit sampung taon na mula noong umalis ako. Wala akong contact information ng nanay mo nang mga oras na iyon at kailan lang kaming nagkausap.” Pagkatapos marinig ang paliwanag ng lalaki, kumurap si Ava at tahimik na nag-isip. Bakit parang malalim ang relasyon ng doktor na ito kay Raegan? Nag-isip si Ava. Nang may maisip siya, lumapit si Raegan. “Handa na ang dinner. Maghugas kayo ng kamay at pumunta na kayo sa kusina.” Kalmadong tinignan ni Raegan ang lalaki bago lumingin kay Ava. “Ava, anong gusto mong inumin? Kukunin ko para sa’yo.” “Ayos lang ako sa kahit ano. Dr. Long, anong gusto mong inumin?” “Ayos lan
Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Neil sa isang iglap, at nagkaroon ng bakas ng pagkabahala sa kanyang namumulang mata. “Rae, talaga bang kinamumuhian ako nang sobra ng anak natin?” “Hindi lang ikaw ang kinamumuhian niya, ayaw rin niya sa akin.” Malungkot na bumuntong-hininga si Raegan. “Ngunit sinong makakasisi sa kanyang ganito ang maramdaman niya? Sarili lang natin ang masisisi natin dito.” “Hindi, hindi mo pwedeng sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko ito.” Sinalo ni Neil ang sisi. “Kung nalaman ko lang kaagad—” “Ang daming taon na ang nakalipas. Huwag mo nang banggitin ulit ‘yan.” Sumingit si Raegan, ayaw nang alalahanin pa ang mga masasamang alaalang kaugnay sa pamilya niya. “Kahit ano pa ang nangyari noon, kasalanan natin ito bilang magulang. Hindi dapat natin iniwan si Ava at ginawang ulila. Lumaki ang bata nang walang pagmamahal ng magulang sa loob ng higit sampung taon. Iyon ay isang bagay na hindi natin mababawi sa buong buhay natin.” Nang sabihin ito, sumingha
“Mula sa impormasyong ito, ang injury ng boyfriend mo ay gumagaling nang mas mabilis kaysa sa normal na tao. Maaaring depende ito sa pangangatawan ng pasyente at sa mga taong nag-aalaga sa kanya. Makikitang ang mga sugat niya sa labas ay magaling na.” “Talaga?” Nag-aalalang tanong ni Ava. “Maraming araw siyang nasa coma, at sinabi ng doktor na maaari siyang maging imbalido.” “Mula sa examination results, ang utak niya ay napuruhan nang husto at malinaw na may maliliit na namuong dugo na umiipit sa kanyang ugat, kaya may posibilidad na maging imbalido siya. Siguro pinapaalam lang ng doktor ang lahat ng mga posibleng mangyari sa pamilya ng pasyente. Hindi ibig-sabihin nito na siguradong mangyayari ito.” Pagkatapos makinig sa paliwanag ni Neil, biglang napanatag si Ava. “Kung ganoon, ibig-sabihin ba nito maayos na ang katawan ni Danny ngayon?” “Parang ganoon.” Mukhang panatag din si Neil. “Ang pinakamalaking problema niya ngayon ay hindi niya maalala ang mga tao at mga bagay ng
Sinamahan ni Naya si Daniel sa silid upang makita ang doktor na magsasagawa ng follow-up consultation kay Daniel. Binigyan siya ng doktor ng isang simpleng eksaminasyon at minungkahi nito na kumuha siya uli ng isa pang CT scan ng kanyang utak upang makita kung may anumang pagbabago sa namuong dugo sa utak ni Daniel. Habang nakapila si Daniel para sa kanyang scan, si Naya ay laging nasa tabi niya. “Dan, huwag kang mag-alala. Hindi na magiging malubha ang kondisyon mo. Kahit na hindi maganda ang maging resulta ng scan, hindi kita iiwan. Palagi lang akong nasa tabi mo kahit na anong mangyari sayo,” sabi ni Naya na puno ng emosyon at sinseridad. Sinusubukan niya na pagmukhain ang kanyang sarili na malambing at malumanay. Subalit, ang reaksyon ni Daniel ay palaging kalmado. Mukhang meron pagdududa tungkol sa relasyon nila ni Naya. Gayunpaman, nakita na niya ang ilang mga larawan na ipinakita sa kanya ng kanyang ina at ni Naya. Ipinakita nila lahat na siya at si Naya ay talaga ngang
Kaagad na tumingala si Daniel. Isang masiglang at nakakabighaning ngiti ang sumalamin sa kanyang malinaw na mga mata. “Danny,” binati ni Ava si Daniel ng may ngiti. Dahan-dahan na tumayo si Daniel. “Ikaw pala.” “Oo, ako nga.” Bahagyang ngumiti si Ava at tumingala sa screen na nagpapakita ng numero kung sino na ang susunod. “Dan, alam ko na hindi ako pamilyar sa iyo ngayon, pero pakiusap, maniwala ka sa akin. Hindi kita sasaktan.” Tiningnan ni Daniel ang mga mata ni Ava, at ang kanyang emosyon ay naimpluwensyahan nito.“Bakit mo naman sabi ang bagay na iyon?” Mahinahon na ngumiti si Ava. “Alam ko kung paano ako ilarawan ng nanay mo at ni Naya, ngunit hindi ito mahalaga dahil hindi mapepeke kung ano ang totoo. Hindi nila pwedeng ipagpatuloy ang kanilang panlilinlang habang buhay. Kapag bumalik na ang alaala mo, mabibisto na ang mga masamang tao na iyon.”Matapos niyang pakinggan ang mga salita ni Ava, isang medyo nasupresang ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Daniel. “Dan,