“Ava? Siya na naman? Ano naman ngayon ang ginawa niya?” Hindi na makapagtimpi ang ekspresyon ng nanay ni Daniel. Pang-aasar ni Naya. “May amnesia si Dan ngayon, kaya pakiramdam niya tuloy ay hindi pa siya talo. Malamang ay nag-isip siya ng maraming paraan para makalapit kay Dan para magkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya na nagsisinungaling tayo.” “Hindi ko hahayaan na makalapit pa ang babaeng yun muli kay Dan!” Galit na sinabi ng nanay ni Daniel at umupo sa may sopa. “Hindi tugma ang zodiac sign ng babaeng iyon kay Dan.Kapag nagkabalikan si Dan at ang babaeng yun, baka mamatay na siya sa hinaharap. Siya dapat ang maaaksidente sa kotse noong araw na yon, ngunit si Dan ang naaksidente!” Natuwa si Naya nang makita niya na pinapagalitan ng nanay ni Daniel si Ava. Natuwa din siya dahil pinupuntirya ng annay ni Daniel si Ava at hindi siya, ngunit hindi niya din ito lubos na maunawaan. Pagkatapos na mag-isip ng ilang sandali, umupo si Naya sa tabi ng nanay ni Daniel at sin
Hindi niya mapigilan na silipin si Ava ng ilang beses. Ang tuwa sa kanyang puso ay matindi, ngunit sinabi niya sa kanyang sarili na kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. “Bakit nga pala nasa ospital, Miss Long?” Muling tanong ni Neil. Ngumiti si Ava. “May inasikaso lang ako. Siya nga pala, bakit nandito ka din, Doktor?” “Espesyal akong inimbitahan para magbigay ng lecture,” paliwanag ni Neil. “Doctor, masyado ka naman abala, pero nagagawa mo pa din na magbigay ng oras na tignan ang kondisyon ni Danny. Salamat sa pag-aabala.” Magalang siyang pinasalamatan ni Ava. “Ayos lang naman. Syempre naman kapa—” Muntik nang sabihin ni Neil na pamilya niya ito, ngunit mabilis niyang napigilan ang kanyang sarili. “Ang ibig kong sabihin ay, matapos kong maging doktor sa loob ng maraming taon, matagal ko nang itinuturing na kapamilya ang aking mga pasyente. Masaya ako at nararamdaman ko na may halaga ako kapag gumagaling sila.”“Dr. Long, talagang isa kang anghel na naka-puti. Mer
Tinignan ni Ava ang nakangiting Raegan ngunit hindi niya mapigilan na sumimangot. “Alam mo na nung una pa lang na ako at ang doktor ay dito maghahapunan, ano?” Matapos itong tanungin ni Ava, biglang huminto si Raegan sa paghiwa ng gulay at aksidenteng nasugatan niya ang kanyang daliri. Kaagad na nagdugo ang sugat. Hiss! Napasinghap sa sakit bigla si Raegan. Nang makita niya ang eksenang ito, biglang sinisi ni Ava ang kanyang sarili dahil sa nagtanong siya sa oras na to. Kumirot ang kanyang dibdib ng makita niya ang sugatan at nagdurugong daliri ni Raegan. “Nasaan ang first aid kit?” Mabilis na nagtanong si Ava, dahil sa alam niya na madalas ay meron silang nakatabing first aid kit sa bahay. Hindi alintana ni Raegan ang maliit na sugat, ngunit nakaramdam siya ng tuwa ng makita niya si Ava na nag-aalala tungkol sa kanya. “Ava, balewala lang to. Maliit lang itong sugat. Hindi ko kailangan ng first aid kit,” sabi ni Raegan at hinugasan ang sugat gamit ng malinis na tubig.
Napakanatural ng pagpasok niya sa pinto. Nagsasalita siya at tumatawa na para bang kasapi siya sa pamilyang ito. "Gusto kong makipag-usap sa mga matagal ko nang kaibigan ngayong araw, pero hindi ko inakala na biglang magkakaroon ng importanteng bisita si Tom kaya iniwan niya ko rito." Narinig ni Ava ang boses ni Neil sa kusina. Inangat niya ang kanyang tingin at dinala ang bagong lutong pagkain sa mesa. Doon lang napansin ni Neil na ang taong nagpapakaaligaga sa kusina ay si Ava. Huminto siya sa paglalakad at bahagyang nabigla. Nang makita niyang nakatulala si Neil, mabilis na naglakad si Raegan sa tabi niya at mahinang nagsabi, "Si Ava ang nagluto ng lahat ng pagkain ngayong gabi." Nang marinig ito ni Neil, lumitaw sa mukha niya ang tuwa at gulat. Gayunpaman, hindi nagtagal ay nagsalubong ang kilay niya. "Kailan kaya nagsimulang matutong magluto ang anak natin?" Nagsisisi siyang bumuntong-hininga at lumingon para harapin si Raegan. "Para bang palaging may iniisip ang an
Nagulat sina Raegan at Neil sa sagot ni Ava. "Tama ba ako?" Nagsalita ulit si Ava habang nakatingin sa dalawang nakatulalang tao sa kanyang harapan. Mabilis na nahimasmasan si Raegan at binaba kaagad ang tinidor na hawak niya. "Ava, ito—" "Noon, nagsabwatan kayong dalawa para lokohin ako. Iniwan niyo ko nang mag-isa sa isang stall na nagtitinda ng churros at hindi na kayo bumalik. Ngayon, magkasabwat na naman kayo para lokohin ako." Sabi ni Ava nang may sarkastiko at mapait na ngiti sa kanyang mga labi. "Anak ba talaga ang tingin niyo sa'kin?" Nang tinanong ito ni Ava, puno ng dismaya ang mga mata niya. Kinakabahang tumayo sina Raegan at Neil. "Ava, hindi namin gustong magsinungaling sa'yo. Kasi—" "Dahil natatakot ka na kapag nalaman ko na siya ang pabaya kong ama noon, tatanggihan ko siya at hindi kikilalanin, tama?" Pinutol ni Ava si Raegan at malamig na nagtanong. Pagkatapos ay tumawa siya. "Wag kang mag-alala. Hindi ko siya tatanggihan. Isang pambihirang pagkaka
Tumawa ulit si Ava habang tahimik na tumulo ang mga luha mula sa gilid ng mga mata niya. Mukhang sobrang nag-aalala si Madeline. Gusto niyang patahanin si Ava, pero narinig niya si Ava na sarkastikong magsabi, "Napakagaling ng mga magulang ko. Napakagaling nila! Pero hindi ko man lang nakita ang boyfriend ko. Kalokohan… Isang malaking kalokohan…" Habang nagsasalita, kumuha ulit ng baso si Ava at gusto na namang uminom. Nagmamadali siyang pinigilan ni Madeline. "Ava, wag ka nang uminom. Masama sa kalusugan mo ang pag-inom nang marami." "Pero sobrang lungkot ko ngayon…" Iyak ni Ava, "Maddie, uminom ka kasama ko. Gusto kong kalimutan ang mga malulungkot na bagay na yun pansamantala." Pagkatapos marinig ang sinabi ni Ava, kumirot ang puso ni Madeline. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumitaw. Minsan, hindi naman masama ang uminom. Kahit papaano, matutulungan nitong makalimutan ng lahat ng problema nila pansamantala. Hindi ito masama. Hindi na pinapasuso ni Madeline ang anak
Tinignan ni Madeline ang orasan sa istante. "Um, magtatanghali na." "Ano? Tanghali na? Hala!" Para bang biglang nahimasmasan si Ava. Wala na siyang pakialam sa sakit ng ulo niya habang hinablot niya ang mga damit na inabot ni Madeline sa kanya bago tumakbo papasok ng banyo para maligo. "Ava, magdahan-dahan ka. Kakagising mo lang." Paalala sa kanya ni Madeline. "Alam ko. Hindi kita pag-aalalahanin," malakas na sagot ni Ava. Tumalikod din si Madeline at bumaba para maghanda ng chicken soup at agahan para mahimasmasan si Ava. Pagkatapos maligo, mukhang mas masigla na si Ava. Pagkatapos ay nalaman ni Madeline na sinabihan ni Ava si Daniel na makipagkita sa isang doktor ngayong araw. Ang doktor na iyon ay ang tunay na ama ni Ava, si Neil. "Kailangan kong magmadali at hanapin si Danny pagkatapos kumain. Malamang nakaalis na si Danny sa bahay sa ngayon. Maddie, pwede mo ba akong ipagmaneho papunta roon?" Sabi ni Ava habang mabilis na kinakain ang kanyang agahan. Bahagyang ngum
Ang boses na ito na puno ng kayabangan at pagmamataas ay napakapamilyar para kay Ava. Hinigpitan ni Ava ang kanyang kamao, alam na niya na nasira na ang plano niya ngayong araw. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang kanyang sarili, at humarap nang may mukhang para bang walang pakialam. Nakasuot ng magagandang damit si Naya at may dalang isang mamahaling handbag. Nakatayo siya nang arogante sa harap ni Ava. "Ava, ito na ang huling beses na babalaan kita. Wag mo nang lapitan ang fiancé ko kahit na kailan." "Heh." Hindi mapigilan ni Ava na ngumisi. "Fiancé? Naya, ang kapal ng mukha mo." Kaagad na sumagot ang sarkastiko si Ava na nagpapanlumo sa ekspresyon ni Naya. “Ava, you…”"Ava, ikaw…" "Ano? Naya, alam mo mismo kung sino ang fiancee ni Dan. Sinasamantala mo ang amnesia ni Dan at gusto mo siyang lagyan ng mga alaalang hindi naman talaga totoong nangyari. Makinig ka sa'kin, wala kang magagawa. Hindi magtatagal, maaalala rin ni Dan ang lahat." Pagkatapos itong marin