Pagkalipas ng kalahating oras, dumating na sila Madeline at Jeremy. Nang makita niya na may dalang mga prutas at homemade dessert si Madeline, nagpanggap na malungkot si Ava. “Maddie, kung alam ko lang na magdadala ka ng prutas at dessert, hindi ko na sana inutusan si Danny na lumabas para bumili.” “Ano? Masama ba ang loob mo dahil nasa labas ang magiging mister mo sa ganitong malamig na panahon?” Tukso ni Madeline habang tinutulungan si Ava na maghanda ng hapunan. Sanay na si Ava dito at umamin siya , at sinabing, “Oo, syempre. Masama ang loob ko dahil malamig sa labas. Ganun din ang mararamdaman mo kung yung asawa mo ang nasa labas.” Isa itong open concept kitchen, kaya sinilip ni Madeline si Jeremy, na nakaupo sa sopa habang nanunuod sa projector screen habang kumakain ng prutas. Sinabi niya, “Matagal na kaming kasal na dalawa. Paano naman kami magiging sentimental katulad niyong dalawa?” “Matagal nang kasala, ah? Hindi naman nabawasan ang katamisan niyong dalawa katula
“Ava!”Sumigaw si Madeline sa direksyon ni Ava, pero sumugod na si Ava sa mga tao. Nagtatakang tinignan ni Jeremy si Ava na biglang nataranta at nakaisip siya ng isang posibilidad. Magsasalita sana siya nang nagmadaling binuksan ni Madeline ang pinto at sumunod. Hindi siya masyadong nag-isip bago siya sumugod palabas ng kotse para habulin si Madeline. Maraming tao sa harapan niya kaya tinulak ni Ava ang mga tao at pumunta sa harapan. Nang makita niya ang pamilyar na sasakyan, para bang pinalamig ng malamig na hangin ang kanyang dugo. Nawalan ng kulay ang matingkad na pulang eksena sa kanyang paningin. Kaagad siyang bumagsak sa lapag. Naguluhan ang mga tao sa paligid niya. Inisip nilang lahat ay natakot si Ava sa eksena ng aksidente. Naaamoy ni Madeline ang amoy ng dugo bago pa siya makalapit. Unti-unti ring kinabahan ang tibok ng kanyang puso. Nang makita niya ang kotse sa harapan niya na naaksidente, napahinto siya. Kotse ito ni Ava. Hindi siya nagkakamali. Halos kalah
Halos bubuhos na ang hindi mapipigilang saya mula kay Naya. Mabilis siyang naghanap nang mas marami pang video ng aksidente at masaya itong tinignan. Subalit, bago tumagal ang kanyang saya, biglang nanigas ang ngiti sa kanyang mukha. Nakita niya si Ava na umiiyak sa gitna ng mga tao at nasa tabi niya si Madeline. Pagkatapos, nakita niya ang mga paramedic na binuhat ang isang duguang lalaki papunta sa stretcher at papasok ng ambulansya. Kahit na hindi gaanong malinaw ang video, nakilala pa rin ni Naya na si Daniel ang lalaking nakahiga sa stretcher sa isang tingin! Kaagad na lumabo ang isipan ni Naya. Hindi siya komportable at hindi rin siya makahinga nang normal. Hindi siya makapaniwala, at ayaw niya ring maniwala na si Daniel ang naaksidente—hindi si Ava. Tumingin pa siya sa ibang mga video at sinabi ng eksenang nakita niya na hindi siya nagkakamali. Si Daniel nga ang naaksidente. Nanginig nang sobra ang kamay ni Naya at nalaglag ang phone niya sa kanyang paa dahil dito.
Umaasa siya na wala sa kahit na anong panganib si Daniel, pero nakatanggap lang ng hindi siguradong sagot ang kinakabahang si Naya. "Ginagawa ng doktor ang lahat para iligtas si Dan. Mabuting tao si Dan at mabibiyayaan siya ng Diyos, kaya sigurado ako na hindi to magiging seryoso. Mr. at Mrs. Graham, umupo kayo kasama namin. Maghintay tayo na matapos ang operasyon." Pinakiusapan sila ni Madeline nang may pala-kaibigang tono. Hindi niya gustong sabihin sa kanila na huwag masyadong mag-alala. Bilang mga magulang, paanong hindi sila mag-aalala sa anak nila? Nakinig ang mga magulang ni Daniel kay Madeline. Tumindi ang pag-aalala sa mukha nila at nagsimulang umiyak ang nanay ni Daniel. "Paanong nangyari to? Paanong nangyari ang ganitong bagay kay Dan? Ayos lang siya noong umalis siya nang bahay kaninang umaga tapos ngayon nasa operating room siya at duguan! Paanong nangyari to?" Malungkot na umiyak ang nanay ni Daniel habang nakasandal sa tatay ni Daniel. Hindi alam ni Madeline
Nagsabi ng ilang mga salita si Madeline kay Jeremy at nanatili sa tabi ni Ava. Siya ang nag-iisang kaibigan ni Ava. Noong nawawalan siya ng pag-asa, tanging si Ava ang nasa tabi niya. Hindi niya hahayaang harapin ito nang mag-isa ni Ava. Sa ngayon, kailangan ni Ava ng makikiramay sa kanya at isang taong masasandalan niya. Naiintindihan ito ni Jeremy kaya nakinig siya kay Madeline at naunang umuwi. Nakita ni Naya, na kanina pa nagtatago sa malayo at pinapakinggan ang sitwasyon, na nakaalis na ang halos lahat. Kung kaya't hindi na siya nagtagal pa roon. Kaagad na nagmaneho papalayo si Naya, pero hindi papunta sa direksyon ng kanyang apartment, kundi papunta sa Graham Manor. Sa una niyang plano, ang taong dapat na maaksidente ay si Ava. Kung kaya't nagagalit si Naya pero kasabay nito, nag-aalala rin siya tungkol kay Daniel. Lalo na't totoo ang nararamdaman niya para kay Daniel. Sa nagdaang mga taon, ginawa niya ang lahat para makasal siya kay Daniel, kaya masasabi na minah
Biglang naging emosyonal ang ina ni Daniel. Para bang napalitan ng galit ang kalungkutan niya kanina. Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto. Malamang ay mahuhulaan ni Naya kung saan pupunta ang nanay ni Daniel, pero nagpanggap siyang nagtataka at nag-aalala habang hinabol niya siya. "Mrs. Graham, saan ka pupunta? Wag kang masyadong mabilis maglakad. Umuulan sa labas. Mag-ingat kayo. Madulas ang daan." "Hahanapin ko si Ava! Gusto kong ibalik niya sa'kin si Dan!" Galit na sagot ng ina ni Daniel habang humihikbi. Nang marinig ni Naya ang mga salitang ito, malamig siyang ngumiti. Gayunpaman, para makumpleto ang palabas, nagpanggap pa rin siya na lumapit at pigilan ang nanay ni Daniel. "Mrs. Graham, kumalma ka. Anong magagawa ng pagpunta niyo kay Ava nang ganito? At nakalimutan mo na ba? Maraming tao sa likod ni Ava. Ang nanay niya, si Eveline, at si Jeremy ay nakatayong lahat sa likod niya. Mahihirapan ka kahit na gusto mo ng hustisya." Sinadya itong sabihin ni Nay
Sa ospital. Buong gabing pinanood ni Ava si Daniel sa intensive care unit, at sinamahan siya ni Madeline. Bumalik si Jeremy sa ospital sa kalagitnaan ng gabi at nagdala ng damit para sa dalawang babae. Napakalamig ng pasilyo ng ospital. Kahit na nakapatay na ang air conditioner, malamig pa rin ang puso ni Ava. Nakaratay si Daniel sa ospital, at hindi pa ito kumikibo mula noong pumasok ito sa ward. Mukha siyang natutulog lang, ngunit alam ni Ava na hindi talaga ganoon ang sitwasyon. Tinignan ni Madeline ang mukha ni Ava na lalong nagiging balisa at nalungkot siya nang sobra. “Ava, gusto mo bang umuwi muna at magpahinga? Hayaan mong si Jeremy muna ang magbantay kay Dan. Ipapaalam niya sa atin kapag nakatanggap siya ng balita.” Alok ni Madeline. Tinignan ni Ava si Daniel na nakahiga sa ospital, at ang tuyo niyang mata ay nabasa ulit. “Ayaw kong umuwi para magpahinga. Matutulog na lang muna ako dito saglit.” Tumanggi si Ava, gusto pa ring bantayan si Daniel. “Paano kang
Nabigla si Madeline sa sinabi ng nanay ni Daniel kay Ava at tumingin sa nanay ni Daniel sa pagkabigla pagkatapos marinig ang sinabi nito. “Mrs. Graham, anong sinabi mo?” Tinignan ni Ava nang hindi makapaniwala ang nanay ni Daniel at si Naya na nakatayo sa tabi ng nanay ni Daniel nang nakangiti. Malinaw na may sinabi si Naya sa nanay ni Daniel. Kung hindi, hindi sana magbabago ang isipan nito sa oras na ito at tatawagin si Naya na susunod niyang manugang. “Malinaw naman ang sinabi ko kanina. Hindi mo ba talaga naiintindihan o gusto mong ulitin ko para lalo mong ipahiya ang sarili mo?” Napakatapang ng tono ni Mrs. Graham, at lalong sumama ang tingin niya. “Hindi dapat ako pumayag na magsama kayo ni Dan, malas ka! Kapag hindi nagising si Dan, sisiguraduhin kong dadalhin kita sa korte! Pagbabayarin kita!” Nilagpasan ng nanay ni Daniel si Ava pagkatapos itong pagbantaan. Sumunod din si Naya sa nanay ni Daniel, ngunit nang madaanan niya si Ava, sinadya niyang banggain si Ava gami