Nagsabi ng ilang mga salita si Madeline kay Jeremy at nanatili sa tabi ni Ava. Siya ang nag-iisang kaibigan ni Ava. Noong nawawalan siya ng pag-asa, tanging si Ava ang nasa tabi niya. Hindi niya hahayaang harapin ito nang mag-isa ni Ava. Sa ngayon, kailangan ni Ava ng makikiramay sa kanya at isang taong masasandalan niya. Naiintindihan ito ni Jeremy kaya nakinig siya kay Madeline at naunang umuwi. Nakita ni Naya, na kanina pa nagtatago sa malayo at pinapakinggan ang sitwasyon, na nakaalis na ang halos lahat. Kung kaya't hindi na siya nagtagal pa roon. Kaagad na nagmaneho papalayo si Naya, pero hindi papunta sa direksyon ng kanyang apartment, kundi papunta sa Graham Manor. Sa una niyang plano, ang taong dapat na maaksidente ay si Ava. Kung kaya't nagagalit si Naya pero kasabay nito, nag-aalala rin siya tungkol kay Daniel. Lalo na't totoo ang nararamdaman niya para kay Daniel. Sa nagdaang mga taon, ginawa niya ang lahat para makasal siya kay Daniel, kaya masasabi na minah
Biglang naging emosyonal ang ina ni Daniel. Para bang napalitan ng galit ang kalungkutan niya kanina. Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto. Malamang ay mahuhulaan ni Naya kung saan pupunta ang nanay ni Daniel, pero nagpanggap siyang nagtataka at nag-aalala habang hinabol niya siya. "Mrs. Graham, saan ka pupunta? Wag kang masyadong mabilis maglakad. Umuulan sa labas. Mag-ingat kayo. Madulas ang daan." "Hahanapin ko si Ava! Gusto kong ibalik niya sa'kin si Dan!" Galit na sagot ng ina ni Daniel habang humihikbi. Nang marinig ni Naya ang mga salitang ito, malamig siyang ngumiti. Gayunpaman, para makumpleto ang palabas, nagpanggap pa rin siya na lumapit at pigilan ang nanay ni Daniel. "Mrs. Graham, kumalma ka. Anong magagawa ng pagpunta niyo kay Ava nang ganito? At nakalimutan mo na ba? Maraming tao sa likod ni Ava. Ang nanay niya, si Eveline, at si Jeremy ay nakatayong lahat sa likod niya. Mahihirapan ka kahit na gusto mo ng hustisya." Sinadya itong sabihin ni Nay
Sa ospital. Buong gabing pinanood ni Ava si Daniel sa intensive care unit, at sinamahan siya ni Madeline. Bumalik si Jeremy sa ospital sa kalagitnaan ng gabi at nagdala ng damit para sa dalawang babae. Napakalamig ng pasilyo ng ospital. Kahit na nakapatay na ang air conditioner, malamig pa rin ang puso ni Ava. Nakaratay si Daniel sa ospital, at hindi pa ito kumikibo mula noong pumasok ito sa ward. Mukha siyang natutulog lang, ngunit alam ni Ava na hindi talaga ganoon ang sitwasyon. Tinignan ni Madeline ang mukha ni Ava na lalong nagiging balisa at nalungkot siya nang sobra. “Ava, gusto mo bang umuwi muna at magpahinga? Hayaan mong si Jeremy muna ang magbantay kay Dan. Ipapaalam niya sa atin kapag nakatanggap siya ng balita.” Alok ni Madeline. Tinignan ni Ava si Daniel na nakahiga sa ospital, at ang tuyo niyang mata ay nabasa ulit. “Ayaw kong umuwi para magpahinga. Matutulog na lang muna ako dito saglit.” Tumanggi si Ava, gusto pa ring bantayan si Daniel. “Paano kang
Nabigla si Madeline sa sinabi ng nanay ni Daniel kay Ava at tumingin sa nanay ni Daniel sa pagkabigla pagkatapos marinig ang sinabi nito. “Mrs. Graham, anong sinabi mo?” Tinignan ni Ava nang hindi makapaniwala ang nanay ni Daniel at si Naya na nakatayo sa tabi ng nanay ni Daniel nang nakangiti. Malinaw na may sinabi si Naya sa nanay ni Daniel. Kung hindi, hindi sana magbabago ang isipan nito sa oras na ito at tatawagin si Naya na susunod niyang manugang. “Malinaw naman ang sinabi ko kanina. Hindi mo ba talaga naiintindihan o gusto mong ulitin ko para lalo mong ipahiya ang sarili mo?” Napakatapang ng tono ni Mrs. Graham, at lalong sumama ang tingin niya. “Hindi dapat ako pumayag na magsama kayo ni Dan, malas ka! Kapag hindi nagising si Dan, sisiguraduhin kong dadalhin kita sa korte! Pagbabayarin kita!” Nilagpasan ng nanay ni Daniel si Ava pagkatapos itong pagbantaan. Sumunod din si Naya sa nanay ni Daniel, ngunit nang madaanan niya si Ava, sinadya niyang banggain si Ava gami
Sa mga susunod na oras, nanatili si Naya sa pintuan ng intensive care unit at hindi umalis. Makalipas ang isa pang oras, umalis na ang nanay ni Daniel. Sa sandaling umalis siya, kaagad niyang inilabas ang kanyang phone at tinawagan si Chloe, ngunit pagkatapos ng ilang tawag, hindi pa rin sumagot si Chloe. Hindi na mapakali si Naya. Nang tatawag na siya ulit, si Chloe ang nagkusang tumawag pabalik. Sinagot niya ang tawag nang walang alinlangan at itinanong, “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi sumasagot sa mga message ko? Alam mo bang may nangyaring masama?” Si Chloe, na nasa kabilang linya ay kaagad na pinagalitan at kinastigo ni Naya. Ilang segundo muna ang nakalipas bago siya tulalang nakasagot. “Ano? Sino ka? Naya ikaw ba ‘yan? Naglalaro ako at nawalan ng battery ang phone ko. Bakit hinahanap mo ako bigla?” “Nakainom ka ba? Nasaan ka? ‘Di mo ba alam na may masamang nangyari?”“Anong nangyari? Mag-usap tayo paggising ko. Buong gabi na akong puyat,:” Nanghi
Biglang nanginig si Chloe. Pagkatapos, nagmadali siyang nagsuot ng damit at binuksan ang pinto. Akala niya room service ito, ngunit nang bumukas ang pinto, nakita niya ang dalawang pulis. Nabigla si Chloe. Akala niya ang pulis ay nandito para imbestigahan ang pagsama niya sa isang lalaki sa hotel pagkatapos niyang magsaya sa bar kagabi. Ngunit karaniwan na ito sa ngayon, kaya hindi ito masyadong inalala ni Chloe. “Officers, anong problema? Siguro hindi naman ilegal ang matulog kasama ng temporary boyfriend na nakita ko sa bar kagabi, diba?” Walang balak ang mga pulis na magpaliguy-ligoy pa kay Chloe. Malinaw nilang inilahad ang hangarin nila nang diretso, “Chloe Tawney, pinaghihinalaan ka sa isang krimen. Pakiusap sumama ka agad sa amin upang tumulong sa imbestigasyon.” Nang marinig ito, sumama ang pakiramdam ni Chloe. Pakiramdam niya lahat ng enerhiya niya ay naubos sa isang iglap. Ilang segundo ang inabot niya para kumibo. “Hindi, hindi, sa anong krimen ako nasangkot?
Ayaw ni Naya na may mangyaring masama sa ganito kahalagang pangyayari, kaya sinadya niyang magpanggap na sinusuyo si Chloe. “Diba sinabi ko na sa’yong hindi dapat tayo gumawa ng ganitong bagay? Pero inudyok mo ako, sinabi mong ayos lang at walang makakaalam. Nangako ka pa sa aking hindi mo ako ididiin. Ngayong nahanap ka na ng mga pulis, hahanapin rin nila ako kalaunan. Kahit na wala akong ginawa, siguro ididiin mo pa rin ako.” Pagkatapos makinig sa reklamo ni Naya, hindi ito masyadong inisip ni Chloe. Sa halip, sinabi niya nang natataranta, “Hindi ko inakalang ganito ang kalalabasan. Gusto ko lang ng pera…” May gusto siyang sabihin ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Gusto niyang sabihin kay Naya na wala siyang inutusang gumalaw ng kotse, ngunit natatakot siyang magagalit sa kanya si Naya at ibabalik niya ang pera. Kapag nangyari iyon, magkakaroon siya ng problema sa parehong panig. Siguro maasahan pa rin ni Naya ang mga koneksyon niya para maprotektahan siya sa sitwasyo
Nang makita ng nanay ni Daniel sila Madeline at Ava na nakatingin sa likod niya, nagtataka siyang lumingon sa kanyang likod. Medyo nagulat siya ng makita niya ang dalawang pulis. “Officers, anong problema? Sino ang hinahanap niyo?” Nagtanong ang nanay ni Daniel ng may nagtatakang ekspresyon. Pagkatapos, para bang may umandar sa kanyang utak. Bigla niyang tinuro si Ava. “Naparito kayo siguro para arestuhin ang babaeng ito, tama ba? Ang anak ko ay naaksidente dahil sa minaneho niya ang kotse ng babaeng ito!” Walang masabi si Madeline nang makita niya ang kinilos ni Mrs. Graham, ngunit sigurado siya na ang mga pulis ay hindi naparito para kay Ava. Sa sumunod na sandali, ang mga pulis ay tumingin kay Naya na nakatayo sa tabi ng anany ni Daniel. Nagtanong sila ng may seryosong ekspresyon, “Ikaw ba si Naya Mendez?” Nang makita ito, lalong nagulat ang nanay ni Daniel. “H-hinahanap niyo si Naya? Anong ginawa ni Naya?” Hindi pinansin ni Naya ang nalilito at gulat na gulat na eksp