Nabigla si Madeline sa sinabi ng nanay ni Daniel kay Ava at tumingin sa nanay ni Daniel sa pagkabigla pagkatapos marinig ang sinabi nito. “Mrs. Graham, anong sinabi mo?” Tinignan ni Ava nang hindi makapaniwala ang nanay ni Daniel at si Naya na nakatayo sa tabi ng nanay ni Daniel nang nakangiti. Malinaw na may sinabi si Naya sa nanay ni Daniel. Kung hindi, hindi sana magbabago ang isipan nito sa oras na ito at tatawagin si Naya na susunod niyang manugang. “Malinaw naman ang sinabi ko kanina. Hindi mo ba talaga naiintindihan o gusto mong ulitin ko para lalo mong ipahiya ang sarili mo?” Napakatapang ng tono ni Mrs. Graham, at lalong sumama ang tingin niya. “Hindi dapat ako pumayag na magsama kayo ni Dan, malas ka! Kapag hindi nagising si Dan, sisiguraduhin kong dadalhin kita sa korte! Pagbabayarin kita!” Nilagpasan ng nanay ni Daniel si Ava pagkatapos itong pagbantaan. Sumunod din si Naya sa nanay ni Daniel, ngunit nang madaanan niya si Ava, sinadya niyang banggain si Ava gami
Sa mga susunod na oras, nanatili si Naya sa pintuan ng intensive care unit at hindi umalis. Makalipas ang isa pang oras, umalis na ang nanay ni Daniel. Sa sandaling umalis siya, kaagad niyang inilabas ang kanyang phone at tinawagan si Chloe, ngunit pagkatapos ng ilang tawag, hindi pa rin sumagot si Chloe. Hindi na mapakali si Naya. Nang tatawag na siya ulit, si Chloe ang nagkusang tumawag pabalik. Sinagot niya ang tawag nang walang alinlangan at itinanong, “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi sumasagot sa mga message ko? Alam mo bang may nangyaring masama?” Si Chloe, na nasa kabilang linya ay kaagad na pinagalitan at kinastigo ni Naya. Ilang segundo muna ang nakalipas bago siya tulalang nakasagot. “Ano? Sino ka? Naya ikaw ba ‘yan? Naglalaro ako at nawalan ng battery ang phone ko. Bakit hinahanap mo ako bigla?” “Nakainom ka ba? Nasaan ka? ‘Di mo ba alam na may masamang nangyari?”“Anong nangyari? Mag-usap tayo paggising ko. Buong gabi na akong puyat,:” Nanghi
Biglang nanginig si Chloe. Pagkatapos, nagmadali siyang nagsuot ng damit at binuksan ang pinto. Akala niya room service ito, ngunit nang bumukas ang pinto, nakita niya ang dalawang pulis. Nabigla si Chloe. Akala niya ang pulis ay nandito para imbestigahan ang pagsama niya sa isang lalaki sa hotel pagkatapos niyang magsaya sa bar kagabi. Ngunit karaniwan na ito sa ngayon, kaya hindi ito masyadong inalala ni Chloe. “Officers, anong problema? Siguro hindi naman ilegal ang matulog kasama ng temporary boyfriend na nakita ko sa bar kagabi, diba?” Walang balak ang mga pulis na magpaliguy-ligoy pa kay Chloe. Malinaw nilang inilahad ang hangarin nila nang diretso, “Chloe Tawney, pinaghihinalaan ka sa isang krimen. Pakiusap sumama ka agad sa amin upang tumulong sa imbestigasyon.” Nang marinig ito, sumama ang pakiramdam ni Chloe. Pakiramdam niya lahat ng enerhiya niya ay naubos sa isang iglap. Ilang segundo ang inabot niya para kumibo. “Hindi, hindi, sa anong krimen ako nasangkot?
Ayaw ni Naya na may mangyaring masama sa ganito kahalagang pangyayari, kaya sinadya niyang magpanggap na sinusuyo si Chloe. “Diba sinabi ko na sa’yong hindi dapat tayo gumawa ng ganitong bagay? Pero inudyok mo ako, sinabi mong ayos lang at walang makakaalam. Nangako ka pa sa aking hindi mo ako ididiin. Ngayong nahanap ka na ng mga pulis, hahanapin rin nila ako kalaunan. Kahit na wala akong ginawa, siguro ididiin mo pa rin ako.” Pagkatapos makinig sa reklamo ni Naya, hindi ito masyadong inisip ni Chloe. Sa halip, sinabi niya nang natataranta, “Hindi ko inakalang ganito ang kalalabasan. Gusto ko lang ng pera…” May gusto siyang sabihin ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Gusto niyang sabihin kay Naya na wala siyang inutusang gumalaw ng kotse, ngunit natatakot siyang magagalit sa kanya si Naya at ibabalik niya ang pera. Kapag nangyari iyon, magkakaroon siya ng problema sa parehong panig. Siguro maasahan pa rin ni Naya ang mga koneksyon niya para maprotektahan siya sa sitwasyo
Nang makita ng nanay ni Daniel sila Madeline at Ava na nakatingin sa likod niya, nagtataka siyang lumingon sa kanyang likod. Medyo nagulat siya ng makita niya ang dalawang pulis. “Officers, anong problema? Sino ang hinahanap niyo?” Nagtanong ang nanay ni Daniel ng may nagtatakang ekspresyon. Pagkatapos, para bang may umandar sa kanyang utak. Bigla niyang tinuro si Ava. “Naparito kayo siguro para arestuhin ang babaeng ito, tama ba? Ang anak ko ay naaksidente dahil sa minaneho niya ang kotse ng babaeng ito!” Walang masabi si Madeline nang makita niya ang kinilos ni Mrs. Graham, ngunit sigurado siya na ang mga pulis ay hindi naparito para kay Ava. Sa sumunod na sandali, ang mga pulis ay tumingin kay Naya na nakatayo sa tabi ng anany ni Daniel. Nagtanong sila ng may seryosong ekspresyon, “Ikaw ba si Naya Mendez?” Nang makita ito, lalong nagulat ang nanay ni Daniel. “H-hinahanap niyo si Naya? Anong ginawa ni Naya?” Hindi pinansin ni Naya ang nalilito at gulat na gulat na eksp
Nang sabihin iyon ni Madeline, binaling niya ang kanyang matalas na tingin sa mukha ni Naya. “Nangangahulugan lang ito na ang taong nangialam sa preno ng kotse ay sinusubukan na patayin ang kaibigan ko.” Ang paggamit ni Madeline sa salitang ‘pagpatay’ ay hindi isang eksaherasyon. Pagkatapos na marinig ang pagsusuri ni Madeline, kinilabutan si Ava. Lumalabas na sila Naya at Chloe ay ang mga gustong saktan siya muli. Ngayon naman, gusto na nilang patayin siya! Tahimik na tiningnan ni Ava ang direksyon kung nasaan si Daniel ng may kirot sa kanyang dibdib. Bigla, kinuyom niya ang kanyang mga kamao at sumugod sa harapan ni Naya. hinawakan niya sa kolyar si Naya, at hindi hinayaan si Naya na makakilos at makawala. Pagkatapos nito, kaagad siyang sinampal ni Ava sa mukha. Pak! “Ah!”Napasigaw si Naya sa sobrang sakit at napatakip na lang siya ng kanyang mukha. “Naya Mendez, napakasama mo talaga! Isa kang masamang babae!” Sumumpa si Ava. Lumapit na ang mga pulis at si M
Nanigas sa kanyang kinatatayuan ang nanay ni Daniel nang makita niya na umalis na ang lahat. Nang malaman niya na sinadya ang aksidente, lalo lang sumama ang kanyang loob. Gayunpaman, pinagpilitan pa din niya na ang bagay na ito ay walang kinalaman kay Naya. Napakabuti ni Naya at palagi pa nga siyang pinupuri, pinapasaya nito, at binibigyan din siya ng mga mamahalin regalo paminsan-minsan. Pagkataos, huminto ang nanay ni Daniel, at naalala niya kung ano ang sinabi ni Ava. Ang lahat ba ng mga mamahalin na gamit na binigay sa kanya ni Naya ay peke at imitasyon lang? Mabilis ang tibok ng puso ng nanay ni Daniel. Gusto niyang bumalik kaagad para tignan ang mga regalo na binigay sa kanya ni Naya at suriin ito, ngunit nag-aalala pa din siya kay Daniel. Kaya naman, nantili na lang siya sa pintuan ng intensive care unit sa ngayon. Sa loob naman ng istasyon ng pulis. Dinala direkta sa interrogation room si Naya habang sila Madeline at Ava ay naghihintay sa may pasilyo. Nang m
“Miss Long, may kailangan kaming itanong sa iyo na may kinalaman sa aksidente sa sasakyan. Sumama ka sa akin."Pinakita ng batang pulis ang daan. Sinundan ni Madeline si Ava sa isa sa mga opisina. Sa halip na tanungin tulad ni Naya, ipinaliwanag sa kanila ng mga pulis ang sanhi ng aksidente at tinanong kung may hidwaan ba si Ava sa kanila Chloe at Naya bago ito.Walang tinago si Ava, o kaya ginawang eksaherada kung ano ang nangyayari. Sinabi lang niya sa pulis ang katotohanan. “Opo, meron akong sama ng loob sa kanila, ngunit akala ko ay tapos na ang lahat ng iyon. Wala akong ideya na pakikialamanan nila kotse ko.” Habang sinasabi niya iyon, medyo naging emosyonal si Ava. “Officer, meron bang ebidensya na magtuturo kay Naya na siya ang nag-utos kay Chloe na isabotahe ang preno ng kotse ko? Nagkataon na ang boyfriend ko ang nagmamaneho ng kotse, kaya siya ang naaksidente. Kung hindi, ako na sana ang nakalatay sa ospital ngayon. Officer, murder iro! Sinusubukan nila akong pa
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si