“Miss Long, may kailangan kaming itanong sa iyo na may kinalaman sa aksidente sa sasakyan. Sumama ka sa akin."Pinakita ng batang pulis ang daan. Sinundan ni Madeline si Ava sa isa sa mga opisina. Sa halip na tanungin tulad ni Naya, ipinaliwanag sa kanila ng mga pulis ang sanhi ng aksidente at tinanong kung may hidwaan ba si Ava sa kanila Chloe at Naya bago ito.Walang tinago si Ava, o kaya ginawang eksaherada kung ano ang nangyayari. Sinabi lang niya sa pulis ang katotohanan. “Opo, meron akong sama ng loob sa kanila, ngunit akala ko ay tapos na ang lahat ng iyon. Wala akong ideya na pakikialamanan nila kotse ko.” Habang sinasabi niya iyon, medyo naging emosyonal si Ava. “Officer, meron bang ebidensya na magtuturo kay Naya na siya ang nag-utos kay Chloe na isabotahe ang preno ng kotse ko? Nagkataon na ang boyfriend ko ang nagmamaneho ng kotse, kaya siya ang naaksidente. Kung hindi, ako na sana ang nakalatay sa ospital ngayon. Officer, murder iro! Sinusubukan nila akong pa
Nakatingin sila Ava at Madeline at kampanteng mukha ni Naya, na katawa-tawa ito. Higit pa doon, hindi sila naniniwala na walang kinalaman si Naya sa nangyari. Gayunpaman, sa mga sandaling ito, nagyabang si Naya palabas ng istasyon ng pulis. “Officer, mali ba kayo ng punong kanakahulan? Ang babaeng iyon ay malamang may kinalaman dito. Wala kaming samaan ng loob ni Chloe. Meron kaming hidwaan ng babaeng iyon na nagngangalang Naya.” Binigyang-diin ni Ava ito sa pulis na nasa harapan niya. “Paumanhin, Miss Long. Kumikilos kami ayon sa proseso at ebidensya. Ayon sa nakalap namin na ebidensya, ang aksidente ay walang kinalaman kay Naya. Mula sa ebidensya na binigay niya, si Chloe nga ang utak ng aksidente.” “Pwede ko bang malaman kung anong ebidensya ang binigay niya para lang mapatunayan na si Chloe nga ang utak ng krime?” Hindi mapigilan ni Madeline na magtaka. “Hindi ba’t kakaiba na ang ebidensya na binigay niya ay nagtuturo na si Chloe ang utak sa krimen? Alam ba niya na ma
"Ano? Ni-report ako ni Ava? Paano siya nagkaroon ng ebidensya laban sa'kin? Paanong nangyari yun?" Mariin itong tinanggi ni Chloe. Naiinip na tinignan ni Naya si Chloe. "Hindi ko alam kung paano ka niya ni-report. Nagpadala ang mga pulis ng tao para arestuhin ka, at pinatawag ako sa istasyon ng pulis para tumulong sa imbestigasyon. Nakita ko to gamit ng dalawang mga mata ko, kaya mas makabubuti kung tatakas ka na ngayon.""Tatakas? S-Saan ako tatakas?" Namutla sa pagkataranta si Chloe. Sa wakas, nilipat niya ang kanyang tingin kay Naya at nanghingi ng tulong, "Naya, kailangan mo akong tulungan. Ginawa ko to para sa'yo—" *Para sa'kin? Ginawa mo to para sa sarili mo at sa pera, hindi ba?" Hindi hinayaan ni Naya si Chloe na magsalita at pinutol siya kaagad. "Oo nga pala, isa rin akong biktima sa aksidenteng ito. Pinakiusapan mo ako na turuan ng leksyon si Ava, pero ngayon, nagkaganito na ang mga bagay. Wala akong ginawa, pero nadadamay ako dahil sa'yo. Malamang ay maakusahan ako
Tumakbo si Chloe papunta sa mga pulis na bumaba sa kotse habang matapat at matiyagang nagsabi, "Mga pulis, sumusuko ako. Inaamin ko na ako ang nag-utos sa ibang tao na pakialaman ang kotse ni Ava!" Mula sa malayo, narinig ni Naya ang sinabi ni Chloe sa pulis at kaagad na nagsalubong ang kilay niya. 'Tanga!' Nagmura siya sa loob niya, pero wala siyang magawa kahit na tumaliwas sila sa plano niya. Lalo na't hindi niya kayang makipagkumpetensya sa pulis. Nagdududa ang mga pulis sa 'pagsuko' ni Chloe. Kasabay nito, tumingin sila kina Naya, Madeline, at Ava sa pagtataka. Dinala sa kotse ng pulis si Ava para pumunta sa istasyon. Handa na ring sumunod sina Madeline at Ava. Sa kabilang banda, biglang naglakad si Naya papunta sa likuran ng kotse at sumakay nang walang pahintulot nina Madeline at Ava. "Sinong nagsabi sa'yong sumakay ka? Baba." Nanggagalaiti si Ava nang makita niya si Naya, kaya, syempre, hindi siya magpapakita ng magandang pag-uugali kay Naya. "Wag kayong magsay
"Hindi ka dapat makinig sa kalokohan na sinabi sa'yo ni Ava. At saka malamang peke ang ebidensya na binigay niya dahil hindi ko talaga ginalaw ang preno ng kotse. Malalaman mo yun kapag nahanap mo ang lalaki." "Ebidensya ni Ava ba ang sinabi mo?" tanong ng pulis. Tumango si Chloe. "Hindi ba inaresto niyo lang ako dahil ni-report niya ako?" "Sa tingin ko nagkakamali ka. Si Naya Mendez ang nagreport sa'yo at siya ang nagbigay ng ebidensya laban sa'yo." “...”Nang marinig ang sagot na ito, kaagad na napahinto si Chloe. Natagalan siya bago siya nakakibo. "S-Seryoso ka ba? Si Naya ba talaga ang nagreport sa'kin? Siya rin ang nagbigay ng ebidensya?" Nagdududa si Chloe. Mabilis na pinakita sa kanya ng pulis ang ebidensya na binigay ni Naya kamakailan lang. Isa itong recording. Nanlaki ang mga mata ni Chloe nang marinig niya ang recording. Hindi ba iyon ang usapan nila ni Naya sa apartment ni Naya pagkatapos siyang ipatawag ng pulis para sa interogasyon? Sa oras na iyon, s
Noong una ay kampanteng-kampante si Naya, pero nagulat siya nang biglang sabihin ni Chloe ang pangungusap na iyon. 'Ano?'May recording din ang babaeng to?'Anong ni-record niya? 'Hindi kaya ang recording noong nagkasundo kami na galawin ang kotse ni Ava?' Mayroong bakas ng pagkataranta sa mga mata ni Naya, at napansin rin ni Madeline ang kinang sa mga mata ni Naya. "Chloe, ang sabi mo ay may recording ka. Anong recording yun?" tanong ng pulis. Para bang nabitin sa ere ang puso ni Naya nang marinig niya ito. Sobra siyang kinakabahan. Para bang napansin rin ni Chloe ang kaba ni Naya, pero ngayon, para bang mas kalmado at mas natutuwa na siya ngayon. Inirapan niya si Naya, at bigla na lang, lumapag ang kanyang tingin sa mukha ni Ava. "Ava, sa tingin ko hindi ka tanga, alam mo na dapat siguro kung sino ang taong gustong kumilos laban sa'yo. Wala akong sama ng loob sa'yo at hindi tayo konektado ng kahit na ano. Walang dahilan para puntiryahin o pagbintangan kita. Ginawa k
Alam nina Madeline at Ava na totoo ang sinabi ni Chloe. Si Naya ang gustong maghiganti kay Ava. Gayunpaman, pagkatapos maghanap ng mga pulis, hindi nila nahanap ang video na binanggit ni Chloe. Biglang nabura ang pagkakalmado at pagkakampante sa mukha ni Chloe. "Imposible yun. Totoo ang sinabi ko. Naka-record ang lahat!" Sabi ni Chloe habang kinuha ang kanyang phone para hanapin ang video. Pagkatapos maghanap nang ilang sandali, napagtanto na niya ang problema. Lahat ng mga video ay nananatili lang ng kalahating buwan at nagkataon na nabura na ngayong araw ang video ng araw na iyon. Nakita ni Naya ang naiinis na ekspresyon sa mukha ni Chloe at bumalik ang ngiti sa labi niya. "Chloe, hindi mo na kayang umarte, ano? Hindi totoo ang mga sinabi mo. Officer, kakasuhan ko ang babaeng ito sa paninira ng reputasyon ko." Nagbintang si Naya pabalik. Mabilis na tinaas ni Chloe ang kanyang ulo at tinitigan nang masama si Naya na mukhang nagyayabang. Sinubukan niya siyang sugurin pe
Dinamayan siya ni Madeline, sa kaalamang siguro nalulungkot si Ava sa sinabi ni Naya kanina lang. “Ava, hindi ka dapat magpaapekto sa sinabi ni Naya. Ang taong may kasalanan ay ang taong nangialam sa kotse.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Madeline, lalong naiyak si Ava. “Sa totoo lang, hindi talaga mali ang sinabi niya. Kung ako sana ang lumabas at hindi si Dan, ako sana ang nasa loob ngayon. Si Dan ang nagligtas sa akin sa kapahamakang ito.” Itinaas ni Ava nang bahagya ang luhaan niyang mata. Ginawa niya ang makakaya niya upang tingnan ang lalaking nakaratay sa kama ngunit hindi niya ito makita nang maayos. Balot na balot ng gasa ang katawan ni Daniel, kasama na ang kanyang mukha at ulo. Hindi mapigilan ni Ava ang luha niya nang tingnan niya si Daniel na nasa ganitong kalagayan. Naglabas ng tissue si Madeline at pinunasan ang luha ni Ava. Paulit-ulit niyang pinatahan si Ava, ngunit alam niyang walang magagawa ito. Gagaan lang ang pakiramdam ni Ava kapag umigi ang kalag
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si