Noong una ay kampanteng-kampante si Naya, pero nagulat siya nang biglang sabihin ni Chloe ang pangungusap na iyon. 'Ano?'May recording din ang babaeng to?'Anong ni-record niya? 'Hindi kaya ang recording noong nagkasundo kami na galawin ang kotse ni Ava?' Mayroong bakas ng pagkataranta sa mga mata ni Naya, at napansin rin ni Madeline ang kinang sa mga mata ni Naya. "Chloe, ang sabi mo ay may recording ka. Anong recording yun?" tanong ng pulis. Para bang nabitin sa ere ang puso ni Naya nang marinig niya ito. Sobra siyang kinakabahan. Para bang napansin rin ni Chloe ang kaba ni Naya, pero ngayon, para bang mas kalmado at mas natutuwa na siya ngayon. Inirapan niya si Naya, at bigla na lang, lumapag ang kanyang tingin sa mukha ni Ava. "Ava, sa tingin ko hindi ka tanga, alam mo na dapat siguro kung sino ang taong gustong kumilos laban sa'yo. Wala akong sama ng loob sa'yo at hindi tayo konektado ng kahit na ano. Walang dahilan para puntiryahin o pagbintangan kita. Ginawa k
Alam nina Madeline at Ava na totoo ang sinabi ni Chloe. Si Naya ang gustong maghiganti kay Ava. Gayunpaman, pagkatapos maghanap ng mga pulis, hindi nila nahanap ang video na binanggit ni Chloe. Biglang nabura ang pagkakalmado at pagkakampante sa mukha ni Chloe. "Imposible yun. Totoo ang sinabi ko. Naka-record ang lahat!" Sabi ni Chloe habang kinuha ang kanyang phone para hanapin ang video. Pagkatapos maghanap nang ilang sandali, napagtanto na niya ang problema. Lahat ng mga video ay nananatili lang ng kalahating buwan at nagkataon na nabura na ngayong araw ang video ng araw na iyon. Nakita ni Naya ang naiinis na ekspresyon sa mukha ni Chloe at bumalik ang ngiti sa labi niya. "Chloe, hindi mo na kayang umarte, ano? Hindi totoo ang mga sinabi mo. Officer, kakasuhan ko ang babaeng ito sa paninira ng reputasyon ko." Nagbintang si Naya pabalik. Mabilis na tinaas ni Chloe ang kanyang ulo at tinitigan nang masama si Naya na mukhang nagyayabang. Sinubukan niya siyang sugurin pe
Dinamayan siya ni Madeline, sa kaalamang siguro nalulungkot si Ava sa sinabi ni Naya kanina lang. “Ava, hindi ka dapat magpaapekto sa sinabi ni Naya. Ang taong may kasalanan ay ang taong nangialam sa kotse.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Madeline, lalong naiyak si Ava. “Sa totoo lang, hindi talaga mali ang sinabi niya. Kung ako sana ang lumabas at hindi si Dan, ako sana ang nasa loob ngayon. Si Dan ang nagligtas sa akin sa kapahamakang ito.” Itinaas ni Ava nang bahagya ang luhaan niyang mata. Ginawa niya ang makakaya niya upang tingnan ang lalaking nakaratay sa kama ngunit hindi niya ito makita nang maayos. Balot na balot ng gasa ang katawan ni Daniel, kasama na ang kanyang mukha at ulo. Hindi mapigilan ni Ava ang luha niya nang tingnan niya si Daniel na nasa ganitong kalagayan. Naglabas ng tissue si Madeline at pinunasan ang luha ni Ava. Paulit-ulit niyang pinatahan si Ava, ngunit alam niyang walang magagawa ito. Gagaan lang ang pakiramdam ni Ava kapag umigi ang kalag
Kaagad siyang nabahala. Alam ng nanay ni Daniel na kahit anong mangyari, siguradong mananatili si Ava sa tabi ni Daniel. Ngayong wala na sila pareho, malamang may nangyaring masama kay Daniel. Natural, kinausap ng nanay ni Daniel ang isang nurse at nalaman na biglang sumama ang kalagayan ni Daniel. Nasa emergency room ito sa kasalukuyan. Kaagad na kinabahan ang nanay ni Daniel at sumugod sa emergency room. Mula sa malayo, nakita niya si Ava, Madeline at Jeremy na naghihintay sa pinto habang mukhang nababagabag. “Anong mayroon? Anong nangyari? Anong nangyari kay Dan?” Malakas na tanong ng nanay ni Daniel habang nagmamadali siyang lumapit patungo sa emergency room. Itinaas ni Madeline ang kanyang tingin nang marinig niya ang ingay. Nang makita niyang nagmamadali ang nanay ni Daniel. Kusang lumapit si Madeline sa harapan ni Ava at seryosong sinabi. “May biglaang fluctuation sa reading ng machine kanina lang. Sinusuri at ginagamot na ngayon ng doktor si Dan sa loob. Hindi pa mali
Hindi inakala ni Madeline na biglang lilitaw si Raegan. Si Ava, na nakaupo sa isang sulok, ay bahagya ring kumibo. Subalit, mukhang lalong kumunot ang noo niya ngayon. Natulala saglit si Naya. Nanlaki ang mata niya nang tingnan niya si Raegan sa harapan niya. Anong tinawag sa kanya ng babaeng ito? Isang hampas-lupang patapon? Isang patapon! Isa siyang matikas na dalagang lumaki sa layaw. Noon pa siyang isang prinsesang may mataas na katayuan, pero ngayon, tinawag siyang isang patapon! Siguro nabasa ni Raegan ang nasa isip ni Naya mula sa naguguluhan at galit nitong mukha, ngunit hindi pa rin nagbago ang isip ni Raegan. “Narinig mo ba ang sinabi ko? Miss Degenerate, pakiusap humingi ka na ng tawad sa anak ko ngayon na.” Inulit ni Raegan ang sinabi niya at direktang tinawag si Naya na ‘Miss Degenerate’.Inis na inis na si Naya. “Ang kapal ng mukha mong tawagin akong ganyan? Tingin mo ba ang galing mo na dahil may pera ka? Tingin mo ba pwede mong apihin ang iba dahil lang
“...”Kampante pa rin ang nanay ni Daniel, ngunit nang masabihan siya nang ganoon ni Raegan, kaagad siyang nahiya. Kasabay nito, ayaw niya ring magpatalo. “Hmph!” Suminghal ang nanay ni Daniel. “Respeto? Ang anak mo ang nagbato ng sarili niya sa anak ko. Hindi niya nirespeto ang sarili niya, kaya bakit ko siya rerespetuhin? Atsaka, ang mga Grahams ay isang respetadong pamilya sa Glendale. Ano ngayon kung humanap ako ng isang daughter-in-law na nababagay sa pamilya ko?” Pagkatapos itong sabihin ng nanay ni Daniel, nanggigil si Raegan at Madeline. Subalit, nakangiti lang nang sarkastiko si Ava. “Mrs. Graham, napakasama ng sinabi mo. Anong ibig-sabihin mong ibinato ni Ava ang sarili niya sa anak mo? Paano mo naiilarawan nang ganyan ang taong nagmamahal sa anak mo? Atsaka, si Dan ang pumigil sa kanya noong gusto niyang umalis. Iyon ang dahilan kung bakit pumayag siyang manatili. Nandoon ako at nakita ko mismo ang lahat.” Diin ni Madeline, habang napakatalim ng kanyang titig. “Is
“Huwag kang mag-alala, Ms. Xander. Naniniwala akong siguradong gigising ang son-in-law mo.” Kampanteng nangako ang doktor. “Matindi ang kagustuhan niyang mabuhay. Naniniwala kaming, saglit na lang bago siya gumising. Maghintay lang kayo. Sabihin mo sa anak mo na manatili sa tabi niya. Naniniwala kami na kalaunan, gigising rin siya.” Nang marinig ni Ava na sinasabi ng doktor na malapit nang gumising si Daniel, nagkaroon ng masayang ngiti sa kanyang mukha. “Talaga, Doc, totoo po ba ang sinasabi mo?” Nagagalak na tanong ni Ava. Kanina pa siya nanahimik ngunit nagsalita na siya ngayon. Ngumiti ang doktor at tumango sa kanya. “Naniniwala ako. Maaari ko bang malaman kung sino sila?” “Siya ang fiance ng pasyente,” Sumagot si Madeline para kay Ava. Tumango ang doktor nang magkaroon ng pagkagulat sa kanilang mukha. “Kaya pala. Ikaw ang anak ni Ms. Xander. Kung ganoon, kailangan mong manatili sa tabi ng fiance mo. Sa pagsama mo sa kanya at suporta, naniniwala akong magigising rin s
“Ang laki naman niyang tanga para hindi makita ang magandang intensyon ng ibang tao o kaya makita kung ano ang tama sa mali.”Sinagot sila ni Raegan ng walang alinlangan. Ang kanyang matalim na tingin ay nakatuon sa mukha nila Naya at sa nanay ni Daniel na para bang mga kutsilyo. "Masasabi ko sa iyo nang may kumpiyansa na kung hindi ko kinuha ang doktor na ito kagabi, ang kalagayan ni Daniel ay hindi na magiging mas mabuti nang ganoon kabilis. At ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon ay dahil sa aking anak, ngunit sinasabi mo ang lahat ng mga bagay na iyon nang walang kahihiyan. Sa huling pagkakataon sasabihin ko ito. Kung ayaw mong may mangyaring masama kay Daniel, huwag mong saktan ang anak ko. Kung hindi, iiyak ka ng matagal."Binalaan sila ni Raegan, pagkatapos ay tinignan ang walang sa sarili na Ava ng may malumanay na mga mata. At sa huli, umikot siya at saka umalis. Malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Naya at ng nanay ni Daniel. Gusto nilang ilabas ang kanilang galit ngun