Nang makita ni Fiona ang dalawang pulis na pumasok mula sa pinto, namutla ang mukha niya sa takot. Talagang tumawag si Raegan ng pulis! Ang lahat ng mga empleyado sa opisina na walang alam sa sitwasyon ay nanonood lang, pero nakikita nila na nandito ang mga pulis para kay Fiona. "Sino sa inyo si Fiona Channing?" Tanong ng isang pulis habang tinitignan ang mga tao sa kanyang harapan nang may matatalas na mata. Hindi nagtagal, nakita niya ang natatarantang mukha ni Fiona. "Ikaw ba si Fiona Channing?" Paanong magsisinungaling si Fiona sa pulis? Tahimik siyang tumango. Nang makita bilang inamin ito ni Fiona, diretsong nagpunta sa kanya ang mga pulis. "Fiona Channing, may nag-ulat sa'min na nagnakaw ka ng pagmamay-ari ng iba. Maaaring sumama ka sa'min sa presinto para tulungan kami sa imbestigasyon." "Ano? May ninakaw si Fiona? Hindi kaya ang bag na yun?""Ayos lang sakin na usisera siya pero magnanakaw din pala siya?" "Base sa kayabangan niya, posible talaga na gawin n
"Ava, wag ka munang magsabi ng kahit na ano. Alam ko kung anong sasabihin mo. Kumalma ka at pakinggan mo muna ako." Mabilis siyang pinutol ni Raegan para pakalmahin ang mga emosyon ni Ava na malapit nang sumabog. Hindi nagpakita ng inis si Ava na pinutol magsalita. Sa halip ay kalmado niyang tinignan si Raegan. "Sige, magsalita ka." Nang makita niyang hindi galit si Ava, tahimik na nakahinga nang maluwag si Raegan. Pinakalma niya rin ang kanyang sarili bago nagsalita. "Ava, alam ko na hindi mo nagustuhan ang ginawa ko noon at ang nagawa ko ngayon. Ayaw kong maghanap ng palusot para sa sarili ko dahil alam ko na ako ang mali. Pero Ava, mag-ina tayo. Dugo't laman kita. Nag-aalangan ako na bitawan ka habangbuhay." Nagsimulang nanginig ang boses ni Raegan habang nagsasalita pa siya. Unti-unting namula at nabasa ang kanyang mga mata. "Ava, bibigyan mo ba ako ng pagkakataon para makabawi sa'yo?" Maingat ang tono ni Raegan at halos nagmamakaawa. Dahan-dahang humigpit ang m
Pagkatapos mapagalitan nang ganito ni Maisie, nagngitngit ang ngipin ni Fiona. Tinitigan niya nang masama sina Maisie at Ava. "Ava, napakadaya mo talaga. Ang kahit na sinong magtatangkang maging katrabaho mo sa hinaharap ay kailangang mag-alala na mapagbibintangan at magkakaroon ng criminal record. Ang mga taong kagaya mo ay kakarmahin!" Galit na nanumpa si Fiona bago siya tumalikod at naglakad papalayo. Namumuhing ngumisi si Maisie sa direksyong pinuntahan ni Fiona. "Sino ba siya sa tingin niya? Malikot ang kamay niya at ninakaw niya ang bag mo dahil wala siyang hangganan. Pero ngayon pinapasa niya ang sisi sa'yo. Sa tingin ko hindi lang sa ugali niya ang problem, pati sa utak niya." Nagreklamo si Maisie bago lumingon para pagaanin ulit ang pakiramdam ni Ava. "Ava, wag mong pansinin ang mga ganoong tao. Nakulong siya dahil nagnakaw siya. Wala itong kinalaman sa'yo.""Salamat, Maisie." Ngumiti si Ava at pinasalamatan di Maisie, pero hindi siya naapektuhan sa sinabi ni Fion
Alam ni Ava na sa kanya ito sinasabi ng mga tao. Itinaas niya ang kanyang tingin nang nakangiti at sinabi. “Ang ganitong bagay ay hindi nakadepende sa tadhana. Kung wala kang kakayahan, di ka makakarating sa ganitong posisyon.” “Hindi sa ganoon,” Sagot ni Kendra. “Bakit hindi?” Ibinaling ni Ava ang matalim niyang titig kay Kendra. Tinikom ni Kendra ang bibig niya. Gusto niyang magsalita ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Sa sandaling ito, pumasok si Tom ng opisina kasama ang isang babaeng mukhang mayaman.“Mga colleague ko, pakiusap itigil niyo muna ang mga ginagawa niyo,” Sinabi ni Tom at ipinakilala niya, “Ito ay si Ms. Parker, ang bagong manager ng inyong design department. Siya na ang mag-aasikaso ng lahat ng mga bagay sa design department sa hinaharap. Puntahan niyo lang siya kung may itatanong kayo.” Pagkatapos magpakilala ni Tom, ang lahat ng nasa opisina bukod kay Ava ay nabigla—kasama na si Maisie. Malinaw niyang narinig na si Ava ang makakakuha ng posisy
“Miss, nandito na si ms. Long.” Magalang na inanunsyo ng lalaki sa babaeng nakatayo hindi malayo sa harap bago lumingon upang kausapin si Ava. “Ms. Long, ito ang aming young mistress at ang may-ari ng bahay na ito, si Ms. Tawney.” Hindi alam ni Ava na ang influencer na ito ay isa ring anak ng isang mayamang pamilya. Ngunit ang ikinagulat ni Ava ay hindi ang influencer kundi ang babaeng nakatayo sa tabi nito, si Naya. Dahil nagpunta siya dito para sa trabaho, binalewala ito ni Ava at naglakad palapit sa influencer nang may magalang na ngiti. “Hello, Ms. Tawney, ako ang designer na responsable sa interior design ng bahay mo. Ang pangalan ko ay—” “Hindi mo na kailangang ipakilala ang sarili mo sa akin. Kilala ko kung sino ka.” Sumingit si Chloe Tawney kay Ava. Ang mukha niyang balot na balot ng makapal na makeup ay puno ng kayabangan at panghahamak. “Diba ikaw si Ava Long, ang kiridang nang-akit sa fiance ng ibang tao sa kanilang engagement ceremony?” Nang marinig ang sago
“Ano? Kailangan kong magpakita ng example sa’yo?” Mukhang nagulat si Chloe. “Napakadali ba ng trabaho ng isang designer na pwedeng basta ka na lang tumingin sa gawa ng iba at kopyahin ito? Ganito ba kadali para sa’yo na kumita ng pera?” Alam ni Ava na sinasadya ni Chloe na bigyan ng ibang kulay ang sinabi niya, ngunit kalmado pa rin siyang nagpaliwanag, “Ms. Tawney, sinabi ko sa’yo na magpakita ka sa akin ng isang halimbawa para malaman ko ang style mo at maunawaan ang mga hilig mo.” “Kaya pala.” Mukhang naunawaan ni Chloe, ngunit isang masamang ngiti ang kaagad na lumitaw sa kanyang mukha. “Pwede mong kausapin ang mabuting kaibigan kong si Naya. Binili ko ang bahay na ito bilang regalo sa kanya, kaya pwede niya itong palamutian nang ayon sa gusto niya. Kailangan mo lang makinig sa kanya.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Chloe, hindi tanga si Ava at alam niyang sinusubukan ni Naya na ipahamak siya. Nagpapaliguy-ligoy lang ang dalawang ito. Aroganteng nakatingin si Naya kay Ava
Pagkatapos itong sabihin ni Ava, desidio niyang inabot at hinablot ang isa pang tasa ng kape sa kamay ni Chloe. Ibinuhos niya ito sa katawan ni Naya nang walang-alinlangan. Kaagad na sumigaw si Naya. “Ah!”Napaatras siya sa pagkabigla. Mukha siyang natataranta ngunit parang may ngisi sa kanyang mukha. “Ava! Nababaliw ka na ba? Ang kapal naman ng mukha mong buhusan ng kape si Naya nang ganoon na lang?” Kaagad na sumugod si Chloe upang ibuhos ang kanyang galit para kay Naya. Mukha siyang magiting na para bang tinutulungan niya ang isang taong inaapi. “Bakit ang sama mo? Tingin mo ba ang galing mo na dahil ang nanay mo ang pinakamayamang babae sa buong Y Country? Tingin mo ba pwede mo nang apihin ang mga tao nang ganito? Bago ito, inagaw mo ang fiance ni Naya sa harap ng lahat, at ngayon ginugulo mo pa si Naya. Napakahinhin ni Naya pero hindi ‘yan dahilan para apihin mo siya nang ganyan!” Makatarungang nagsasalita si Chloe, at sa sandaling ito, puno ng lungkot at hinhin ang m
Sa sandaling maglakad si Ava palabas ng pinto, biglang nagpakita ng masasamang ngiti si Naya at Chloe sa mga mukha nila. Bumiyahe palayo si Ava. habang lalo niyang naiisip ang nangyari nang makakalma siya, lalo niyang naramdaman na may kakaiba sa inasal ni Naya kanina lang. Alam niya na nagawa siyang galitin ni Naya kanina, kaya gumanti siya. Noon pa man siyang ganito, ngunit dahil kay Daniel, sinimulan niyang pigilan ang kanyang sarili. Noon, kahit na mahina siya, hindi siya natatakot na harapin si Jeremy. Lagi niyang sinasabi ang anumang nasa isipan niya at hindi nagpipigil kapag galit siya. Higit pa rito, malinaw na nagsasabwatan si Naya at Chloe laban sa kanya sa pagkakataong ito. Sinabi nila na gusto nila ang disenyo niya, pero ang totoo, gusto lang nilang lokohin siya at ilabas ang galit nila. Nang makauwi siya, hindi sinabi ni Ava sa kanila Daniel ang tungkol dito. Sa halip, bumalik lang siya sa kanyang trabaho. Ngunit makalipas ang isang saglit, tinawag ng manager
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si