“Ano? Kailangan kong magpakita ng example sa’yo?” Mukhang nagulat si Chloe. “Napakadali ba ng trabaho ng isang designer na pwedeng basta ka na lang tumingin sa gawa ng iba at kopyahin ito? Ganito ba kadali para sa’yo na kumita ng pera?” Alam ni Ava na sinasadya ni Chloe na bigyan ng ibang kulay ang sinabi niya, ngunit kalmado pa rin siyang nagpaliwanag, “Ms. Tawney, sinabi ko sa’yo na magpakita ka sa akin ng isang halimbawa para malaman ko ang style mo at maunawaan ang mga hilig mo.” “Kaya pala.” Mukhang naunawaan ni Chloe, ngunit isang masamang ngiti ang kaagad na lumitaw sa kanyang mukha. “Pwede mong kausapin ang mabuting kaibigan kong si Naya. Binili ko ang bahay na ito bilang regalo sa kanya, kaya pwede niya itong palamutian nang ayon sa gusto niya. Kailangan mo lang makinig sa kanya.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Chloe, hindi tanga si Ava at alam niyang sinusubukan ni Naya na ipahamak siya. Nagpapaliguy-ligoy lang ang dalawang ito. Aroganteng nakatingin si Naya kay Ava
Pagkatapos itong sabihin ni Ava, desidio niyang inabot at hinablot ang isa pang tasa ng kape sa kamay ni Chloe. Ibinuhos niya ito sa katawan ni Naya nang walang-alinlangan. Kaagad na sumigaw si Naya. “Ah!”Napaatras siya sa pagkabigla. Mukha siyang natataranta ngunit parang may ngisi sa kanyang mukha. “Ava! Nababaliw ka na ba? Ang kapal naman ng mukha mong buhusan ng kape si Naya nang ganoon na lang?” Kaagad na sumugod si Chloe upang ibuhos ang kanyang galit para kay Naya. Mukha siyang magiting na para bang tinutulungan niya ang isang taong inaapi. “Bakit ang sama mo? Tingin mo ba ang galing mo na dahil ang nanay mo ang pinakamayamang babae sa buong Y Country? Tingin mo ba pwede mo nang apihin ang mga tao nang ganito? Bago ito, inagaw mo ang fiance ni Naya sa harap ng lahat, at ngayon ginugulo mo pa si Naya. Napakahinhin ni Naya pero hindi ‘yan dahilan para apihin mo siya nang ganyan!” Makatarungang nagsasalita si Chloe, at sa sandaling ito, puno ng lungkot at hinhin ang m
Sa sandaling maglakad si Ava palabas ng pinto, biglang nagpakita ng masasamang ngiti si Naya at Chloe sa mga mukha nila. Bumiyahe palayo si Ava. habang lalo niyang naiisip ang nangyari nang makakalma siya, lalo niyang naramdaman na may kakaiba sa inasal ni Naya kanina lang. Alam niya na nagawa siyang galitin ni Naya kanina, kaya gumanti siya. Noon pa man siyang ganito, ngunit dahil kay Daniel, sinimulan niyang pigilan ang kanyang sarili. Noon, kahit na mahina siya, hindi siya natatakot na harapin si Jeremy. Lagi niyang sinasabi ang anumang nasa isipan niya at hindi nagpipigil kapag galit siya. Higit pa rito, malinaw na nagsasabwatan si Naya at Chloe laban sa kanya sa pagkakataong ito. Sinabi nila na gusto nila ang disenyo niya, pero ang totoo, gusto lang nilang lokohin siya at ilabas ang galit nila. Nang makauwi siya, hindi sinabi ni Ava sa kanila Daniel ang tungkol dito. Sa halip, bumalik lang siya sa kanyang trabaho. Ngunit makalipas ang isang saglit, tinawag ng manager
Gustong sundan ni Maisie si Ava para malaman kung saan ito pupunta. Kasabay nio, gusto niya ding pagaanin ang kalooban ni Ava. Gayunpaman, pagkatapos niyang makita ang seryso nitong ekspresyon, nagdesisyon siya na huwag na lang itong sundan ng sa gayon ay hindi niya maabala si Ava. Tatawagan na sana ni Ava si Madeline, pero hindi niya inaasahan na si Madeline unang tatawag sa kanya. Pagkatapos niyang sagutin ang tawag, ang nag-aalalang boses ni Madeline ay maririnig mula sa kabilang linya. “Ava, nasaan ka ngayon? Hahanapin kita.” “Maddie, nakita mo na rin ba ang video sa internet?” Naririnig ni Ava na nag-aalala si Madeline para sa kanya. “Nabanggit na sa akin ito ni Jeremy. Doon ko nalaman ang tungkol sa nangyari sayo.” Medyo nag-aalala si Madeline. “Nasaan ka ngayon? Hahanapin kita.” Alam ni Ava na dapat na itong maayos, at kasabay nito, balak din niya na humingi ng tulong kay Madeline. Kaya, hindi siya tumanggi. Pagkalipas ng sampung minuto, dumating si Madeline sa
Galit na pinisil ni Maisie ang kanyang tasa ng kape, at makikita na lalo siyang nagalit sa mga masasamang karakter na gumagawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. “Ava, Eveline, hindi naman ganun kahirap na lutasin ang bagay na ito. Hangga;t makukuha natin ang buo, at hindi pa naedit na video, mapapatunayan natin na inosente si Ava.” Inalok ni Maisie ang kanyang pananaw at suhestyon. “Hindi ba’t sabi ni AVa na may katulong si Naya na tumulong na bumili ng kape? Ang suspetya ko ay ang taong yun ang kumuha ng video. Kailangan lang natin na mahanap ang taong yun.” Pakiramdam nila Madeline at Ava na maganda ang paraan na ito. Higit pa dun, malamang na ang katulong na kumuha ng video upang siraan si Ava ay pwedeng masuhulan ng pera at benepisyo. Bagama’t hindi naman mukhang pera ang lahat, sapat na ito upang ang mga taong walang prinsipyo na labanan ang isa’t isa. “Maddie, sa tingin ko ay ikaw lang ang mahihngan ko ng tulong lingid sa bagay na to. Ayokong mag-alala sa akin si Dan
Habang sinasabi niya ito, nagngangalit ang mga ngipin ni Naya ng husto. Si Chloe, na nakaupo sa may tabi, ay matagal nang gusto na sumikat. Ngayon, may pagkakataon na siya na magkaroon ng maraming exposure at ito ang eksaktong hinahanap niya. Nang makita niya na ang lahat ng mga comment section sa ibaba ng video ay iniinsulto si Ava, pa-agrabyado na tumugon si Choe sa mga komento na nasa kanyang account. Halos bawat netizen ay naawa kay Naya ngayon, at lahat sila ay pinupuna si Ava dahil sa ginawa niya. Mabilis na binansagan si Ava ng mga netizen na hindi alam kung ano ang katotohanan na isang haliparot na makatwiran kung umasta. Habang nakaasa sa yaman ng kanyang nanay, akala niya ay mananakaw na niya ang lalake at nang-aapi ng iba. Pagkatapos, ginamit ni Chloe ang lihim niyang account upang ibulgar ang lahat ng personal information ni Ava. Binulgar niya kung saang paaralan pumasok noon si Ava, kung saan siya kasalukuyan na nagtatrabaho, at pati na rin ang address ng ap
Nagbibiro lang si Jeremy, pero ng makita niya na mukhang seryoso si Ava, medyo nag-alangan siya. “Matutulog ka ba kasama si Linnie ngayong gabi?” “Oo.” Taimtim na sagot ni Ava. “Nakita mo na rin, tama? Ang mga tangang netizen ay binunyag ang lahat ng personal kong impormasyon, at ilan sa kanila ay sinabi pa nga na hihintayin nila ako sa apartment ko. Babae ako, kaya bakit ako mangangahas na umuwi? Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay kapitan si Maddie para mapanatag ako.” “...”Walang masabi si Jeremy ng mga sandaling iyon pero mabilis siyang nakaisip ng tagapagligtas. “Bakit hindi pumunta si Daniel dito para sunduin ka? Boyfriend mo siya, at ito ang tamang pagkakataon para sa kanya na gawin ang kanyang tungkulin.” “Ayokong mag-alala si Dan tungkol sa akin. Kung hindi, bakit ako pupuntahan si Maddie?” May magandang rason si Ava. Biglang wala nang masabi si Jeremy. Makatuwiran naman kahit na manatili at matulog si Ava kasama si Madeline. Nang makita niya na tumigil na sa
Puno ng kaba at pag-aalala ang mukha ni Daniel. Higit pa doon, bakas ang pagrereklamo sa nag-aalala niyang boses. Nagrereklamo siya tungkol sa hindi pagsabi sa kanya ni Ava tungkol dito nung meron siyang pagkakataon. Siya ang fiance niya, ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Umaasa siya na iisipin siya ni Ava sa sandali na kailangan niya ng tulong. Nakit ni Ava ang mga iniisip ni Daniel sa mga mata nito, kaya kaagad siyang nagpaliwanag, “Danny, hindi naman sa ayokong sabihin sayo ang tungkol dito. Alam ko na abala ka sa isang proyekto kamakailan lang, kaya ayokong mapasama ang loob mo. Naisip ko pwede kong lapitan si Maddie para tulungan ako na ayusin ito bago kita kausapin.” Pagkatapos pakinggan ang paliwanag ni Ava, hindi na naghimutok pa si Daniel. Sa halip, nilingon niya ang kanyang ulo at tinignan si Madeline at nagtanong,. “Ano ngayon ang solusyon niyo ngayon? Bago ako pumunta dito, marami pa rin akong nakita na mga artikulo at komento na hindi pabor kay Ava sa inte
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si