Sa sandaling maglakad si Ava palabas ng pinto, biglang nagpakita ng masasamang ngiti si Naya at Chloe sa mga mukha nila. Bumiyahe palayo si Ava. habang lalo niyang naiisip ang nangyari nang makakalma siya, lalo niyang naramdaman na may kakaiba sa inasal ni Naya kanina lang. Alam niya na nagawa siyang galitin ni Naya kanina, kaya gumanti siya. Noon pa man siyang ganito, ngunit dahil kay Daniel, sinimulan niyang pigilan ang kanyang sarili. Noon, kahit na mahina siya, hindi siya natatakot na harapin si Jeremy. Lagi niyang sinasabi ang anumang nasa isipan niya at hindi nagpipigil kapag galit siya. Higit pa rito, malinaw na nagsasabwatan si Naya at Chloe laban sa kanya sa pagkakataong ito. Sinabi nila na gusto nila ang disenyo niya, pero ang totoo, gusto lang nilang lokohin siya at ilabas ang galit nila. Nang makauwi siya, hindi sinabi ni Ava sa kanila Daniel ang tungkol dito. Sa halip, bumalik lang siya sa kanyang trabaho. Ngunit makalipas ang isang saglit, tinawag ng manager
Gustong sundan ni Maisie si Ava para malaman kung saan ito pupunta. Kasabay nio, gusto niya ding pagaanin ang kalooban ni Ava. Gayunpaman, pagkatapos niyang makita ang seryso nitong ekspresyon, nagdesisyon siya na huwag na lang itong sundan ng sa gayon ay hindi niya maabala si Ava. Tatawagan na sana ni Ava si Madeline, pero hindi niya inaasahan na si Madeline unang tatawag sa kanya. Pagkatapos niyang sagutin ang tawag, ang nag-aalalang boses ni Madeline ay maririnig mula sa kabilang linya. “Ava, nasaan ka ngayon? Hahanapin kita.” “Maddie, nakita mo na rin ba ang video sa internet?” Naririnig ni Ava na nag-aalala si Madeline para sa kanya. “Nabanggit na sa akin ito ni Jeremy. Doon ko nalaman ang tungkol sa nangyari sayo.” Medyo nag-aalala si Madeline. “Nasaan ka ngayon? Hahanapin kita.” Alam ni Ava na dapat na itong maayos, at kasabay nito, balak din niya na humingi ng tulong kay Madeline. Kaya, hindi siya tumanggi. Pagkalipas ng sampung minuto, dumating si Madeline sa
Galit na pinisil ni Maisie ang kanyang tasa ng kape, at makikita na lalo siyang nagalit sa mga masasamang karakter na gumagawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. “Ava, Eveline, hindi naman ganun kahirap na lutasin ang bagay na ito. Hangga;t makukuha natin ang buo, at hindi pa naedit na video, mapapatunayan natin na inosente si Ava.” Inalok ni Maisie ang kanyang pananaw at suhestyon. “Hindi ba’t sabi ni AVa na may katulong si Naya na tumulong na bumili ng kape? Ang suspetya ko ay ang taong yun ang kumuha ng video. Kailangan lang natin na mahanap ang taong yun.” Pakiramdam nila Madeline at Ava na maganda ang paraan na ito. Higit pa dun, malamang na ang katulong na kumuha ng video upang siraan si Ava ay pwedeng masuhulan ng pera at benepisyo. Bagama’t hindi naman mukhang pera ang lahat, sapat na ito upang ang mga taong walang prinsipyo na labanan ang isa’t isa. “Maddie, sa tingin ko ay ikaw lang ang mahihngan ko ng tulong lingid sa bagay na to. Ayokong mag-alala sa akin si Dan
Habang sinasabi niya ito, nagngangalit ang mga ngipin ni Naya ng husto. Si Chloe, na nakaupo sa may tabi, ay matagal nang gusto na sumikat. Ngayon, may pagkakataon na siya na magkaroon ng maraming exposure at ito ang eksaktong hinahanap niya. Nang makita niya na ang lahat ng mga comment section sa ibaba ng video ay iniinsulto si Ava, pa-agrabyado na tumugon si Choe sa mga komento na nasa kanyang account. Halos bawat netizen ay naawa kay Naya ngayon, at lahat sila ay pinupuna si Ava dahil sa ginawa niya. Mabilis na binansagan si Ava ng mga netizen na hindi alam kung ano ang katotohanan na isang haliparot na makatwiran kung umasta. Habang nakaasa sa yaman ng kanyang nanay, akala niya ay mananakaw na niya ang lalake at nang-aapi ng iba. Pagkatapos, ginamit ni Chloe ang lihim niyang account upang ibulgar ang lahat ng personal information ni Ava. Binulgar niya kung saang paaralan pumasok noon si Ava, kung saan siya kasalukuyan na nagtatrabaho, at pati na rin ang address ng ap
Nagbibiro lang si Jeremy, pero ng makita niya na mukhang seryoso si Ava, medyo nag-alangan siya. “Matutulog ka ba kasama si Linnie ngayong gabi?” “Oo.” Taimtim na sagot ni Ava. “Nakita mo na rin, tama? Ang mga tangang netizen ay binunyag ang lahat ng personal kong impormasyon, at ilan sa kanila ay sinabi pa nga na hihintayin nila ako sa apartment ko. Babae ako, kaya bakit ako mangangahas na umuwi? Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay kapitan si Maddie para mapanatag ako.” “...”Walang masabi si Jeremy ng mga sandaling iyon pero mabilis siyang nakaisip ng tagapagligtas. “Bakit hindi pumunta si Daniel dito para sunduin ka? Boyfriend mo siya, at ito ang tamang pagkakataon para sa kanya na gawin ang kanyang tungkulin.” “Ayokong mag-alala si Dan tungkol sa akin. Kung hindi, bakit ako pupuntahan si Maddie?” May magandang rason si Ava. Biglang wala nang masabi si Jeremy. Makatuwiran naman kahit na manatili at matulog si Ava kasama si Madeline. Nang makita niya na tumigil na sa
Puno ng kaba at pag-aalala ang mukha ni Daniel. Higit pa doon, bakas ang pagrereklamo sa nag-aalala niyang boses. Nagrereklamo siya tungkol sa hindi pagsabi sa kanya ni Ava tungkol dito nung meron siyang pagkakataon. Siya ang fiance niya, ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Umaasa siya na iisipin siya ni Ava sa sandali na kailangan niya ng tulong. Nakit ni Ava ang mga iniisip ni Daniel sa mga mata nito, kaya kaagad siyang nagpaliwanag, “Danny, hindi naman sa ayokong sabihin sayo ang tungkol dito. Alam ko na abala ka sa isang proyekto kamakailan lang, kaya ayokong mapasama ang loob mo. Naisip ko pwede kong lapitan si Maddie para tulungan ako na ayusin ito bago kita kausapin.” Pagkatapos pakinggan ang paliwanag ni Ava, hindi na naghimutok pa si Daniel. Sa halip, nilingon niya ang kanyang ulo at tinignan si Madeline at nagtanong,. “Ano ngayon ang solusyon niyo ngayon? Bago ako pumunta dito, marami pa rin akong nakita na mga artikulo at komento na hindi pabor kay Ava sa inte
Nag-isip si Ava nang ilang segundo pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Pagkatapos, tinignan niya ang phone screen na umilaw ulit at tahimik na nilagay sa mute ang kanyang phone bago ngumiti. "Maddie, alam na alam mo dapat ang pakiramdam na to. Sa mga panahong nawawalan ka ng pag-asa, natural lang na gugustuhin mong makasama ang mga magulang mo. Mangungulila ka sa pagmamahal ng ama at ina mo. Pero anong mangyayari kapag sumigaw ka at walang sumagot sa'yo? Kahit ang nagliliyab na puso ay kayang gawing yelo ng lamig ng pag-iisa."Sobrang naapektuhan si Madeline sa sagot ni Ava. Hindi rin ba niya naranasan ang masasaklap na sandaling iyon nang sunod-sunod? Mas nagdusa pa nga siya kumpara kay Ava, pero sa huli, ang hinanakit at sakit na iyon ay naging parte na lang ng nakaraan. Syempre, umaasa rin siya na maglalaho rin ang trauma ni Ava balang araw, pero sa sandaling ito, hindi niya pipilitin si Ava na unawain at patawarin ang kanyang ina dahil hindi pare-pareho ang nararanasan
Tama ang kutob ni Daniel kanina. May kaba sa puso niya dahil naramdaman niya na may mangyayaring ganito. Ang mga reporter na ito, pati na ang mga taong walang ibang magawa sa buhay, ay pumalibot kay Ava. "Oo, siya nga si Ava!" "Siya nga talaga yan. Napakaganda niya pero hindi ko inasahan na napakasama niya pala." "Tama ka! Paano niya nagawang saktan ang mabuting kaibigan ng Chloe Baby natin?! Hoy, sa tingin mo magaling ka na dahil mayaman ang nanay mo? Napakawalanghiya mo para agawin ang fiance ni Naya sa engagement party niya, Ava!" Pinagalitan ng mga tigahanga ni Chloe si Ava gamit ng mga masasamang salita. Pagkatapos nito, tinutok kaagad ng mga reporter na iyon ang mga camera at mikropono nila kay Ava. "Ms. Long, anong masasabi mo sa mga bagay na binunyag tungkol sa'yo online?" "Talaga bang nanay mo si Ms. Raegan Xander?" "Sabi ng ilang sources ay nagpunta ka raw sa engagement party nina Ms. Mendez at ni Mr. Graham para gumawa ng gulo para lang ikasal sa isang may