"Dahil gusto niyo ng interview, makinig kayo!" Direktang sumagot si Ava. "Unang-una, ako, si Ava Long, ay hindi kailanman nanakit ng mahihina at hindi rin kailanman natakot sa mga matatapang. Tinapunan ko nga ng mainit na kape si Naya sa araw na iyon, pero dahil siya ang naunang magtapon ng kape sa'kin. "Pangalawa, si Raegan Xander nga ang tunay kong ina, pero hindi ko kailanman inisip na mataas ang katayuan ko dahil dito. Wala akong kinalaman sa perang kinikita niya, kaya hindi ako mananakit ng iba dahil marami akong pera. "Pangatlo, wala akong inagaw na nobyo ng iba. Matagal na kaming may relasyon ni Daniel. Si Naya ang nagkusa na magbigay ng ideya ng engagement party sa boyfriend ko, sabi niya ay isa raw itong paraan para pagaanin ang loob ng lolo ng boyfriend ko. Kung kaya't wala silang nagawa kundi magpanggap. Pero gusto lang pala ni Naya na gawing totoo ang pagpapanggap na ito. Kaya, makinig kayong mabuti, ang mapagpanggap at masama rito ay si Naya."Sa huli, tatapusin k
Nang marinig ni Ava ang sinabi ni Madeline, kumislap ang gulat sa kanyang mga mata. "Maddie, nasaan ka ngayon?" "Nasa bahay ako kung saan ka inimbitahan ni Chloe sa araw na iyon."Sumagot si Ava na papunta na siya bago binaba ang mga gone. Bago niya pinutol ang tawag, bahagyang narinig ni Ava ang boses ng isang babae sa tabi ni Madeline na para bang kinakausap siya. Alam ni Daniel na aalis si Ava para hanapin si Madeline. Nakahinga siya nang maluwag. Sinabihan siya ni Ava na bumalik muna sa trabaho at pumayag naman si Daniel. Hindi nagtagal pagkatapos umalis ni Daniel, biglang nakatanggap ng tawag si Ava mula kay Chloe. Nagsalita si Chloe nang may maere at aroganteng tono, "Ava, anong problema? Hindi ka ba pupunta sa trabaho ngayon? Hindi ka ba papasok sa trabaho dahil sa mga personal na dahilan? Hindi maganda ang work attitude mo. Kung hindi ka pumasok ngayong araw, magrereklamo ako sa supervisor mo." "Alam ko na sasabihin yan ng isang sikat na influencer na kagaya mo.
Malamang ay iilan lang ang mga taong positibo at kalmado sa harap ng mga tsismis at pangungutya, at isa roon si Ava. "Pumunta na pala tayo. Sasamahan kita." Tumalikod si Madeline at kinuha ang isang tablet mula sa upuan. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Ava at naglakad diretso sa pintuan. "Maddie, hindi ka ba talaga natatakot na baka madamay ka at sabihan ka ng masasamang salita ng mga taong makatwiran raw kuno?" Tinignan rin ni Ava si Madeline nang may paghanga. Mukhang napakakalmado ni Madeline. "Hayaan mo silang magsabi ng kung ano-ano. Si Jeremy mismo ang magpapadala sa bawat isa sa kanila ng liham mula sa abogado." "Heh, ang saya naman ng may asawang sinusuportahan ka," pabirong sabi ni Ava. "Ganoon ka rin. Mayroon kang fiance na napakabait sa'yo." Nagbiro rin si Madeline. Pagkatapos ay seryoso siyang nagsalita, "Ang totoo, mayroon pang isang taong sobrang nag-aalala para sa'yo. "Maddie, ang taong tinutukoy mo ay ang tunay kong ina, tama?" Tanong ni Ava nang nak
Nagpanggap na magiting si Chloe habang nagsasalita. Pagkatapos, galit niyang tinuro si Ava at hinarap ang mga camera. “Tulad ng nakikita niyo, ito si Ava Long. Nagpunta siya para pahirapan ulit ang kaibigan kong si Naya ngayong araw. Paanong nagkaroon ng ganito kasamang babae sa mundo? Paulit-ulit siyang nang-aapi ng iba. Ang taas pa rin ng tingin niya sa sarili niya. Ang pagkakaroon ba ng isang mayamang nanay ay nangangahulugang pwede na niyang gawin ang kahit anong gusto niya?” Tumalikod si Chloe at hinila si Naya sa tabi niya. “Naya, sabihin mo sa lahat kung paano ka inagawan ng fiance ng kiridang ito at binuhusan ka ng mainit na kape. Dapat ibuking mo siya at hayaan siyang sumikat!” Pagkatapos itong sabihin ni Chloe, umiling si Naya nang mapagpanggap. “Kalimutan mo na ‘yun, Chloe. Kalimutan na lang natin ‘to. Ayaw kong mapahiya ang kahit sino lalo na si Dan. Hiling ko lang na sana talagang mahalin ni Ms. Long si Dan dahil ayaw ko nang makipag-away. Chloe, pumasok na tayo.”
“Tama ka, at tama rin ang mga netizen sa internet. Ang mga taong nang-aagaw ng fiance ng iba at pinapaso ang iba gamit ng mainit na kape ay talagang hindi dapat kaawaan. Dapat lang sa kanila ‘yun kahit mabuking pa sila sa internet, pero gusto kong idiin na hindi ang kaibigan kong si Ava ang gumawa ng mga bagay na ‘yun, Chloe. Ito ay ang mabuti mong kaibigan na si Naya.” Sinabi ni Madeline. Biglang bumaling ang tingin niya sa gulat na mukha ni Naya. Binuka ni Naya ang kanyang bibig na para bang may gusto siyang sabihin, ngunit nag-aalala siya na magagalit niya si Madeline kapag may nasabi siyang mali. Kaya kinagat na lang niya ang labi niya habang nagpapanggap na naguguluhan at naaagrabyado. “Mrs. Whitman, hindi ko ginawa ang mga bagay na sinabi mo. Kami ni Dan ay magkabata noong bata pa kami, at ang relasyon namin ay maganda na noon pa. Sobrang saya din ng mga Grahams tungkol sa relasyon ng ama ko at ni Dan. Hindi ko alam na nagpapanggap lang si Grandpa Graham na may sakit. Huli
Nanigas nang sabay ang mukha nila Chloe at Naya sa sinabi ni Madeline. Nasabik rin ang mga media personnel sa paligid nila pagkatapos itong marinig. “Mrs. Whitman, sinasabi mo bang mayroon ka ng full video ng nangyari noong araw na iyon?” Tanong ng isa sa mga mamahayag. Nanlaki ang mata nila Chloe at Naya habang nakatingin sila kay Madeline nang nababahala. Samantala, tinikom ni Madeline ang kanyang bibig at kalmadong ngumiti. “Oo, nasa akin ang kumpletong video ng nangyari.” Bigla ulit nagbago ang mukha nila Chloe at Naya sa sagot ni Madeline. Sabay na nagtinginan ang dalawa. Pareho ang pagkabahala sa mga mata nila. Paano nangyari ‘to? Ang tanging tao sa eksenang ‘yun ay sila at isang katulong na sumusunod sa utos. Ang katulong rin ang kumuha ng video. Binigay ba ng katulong ang video kay Madeline? Hindi, imposible ‘yan. Noong sandaling iyon, pagkatapos kumuha ng video ng katulong, kaagad na binawi ni Naya ang phone. Dapat wala nang oras ang katulong na gumawa ng i
“Ms. Mendez, masyado kang mangmang kung tingin mo matatakasan mo ang katotohanan.” Dumaan nang bahagya sa tainga ni Naya ang kalmadong boses ni Madeline. Biglang idinilat ni Naya ang kanyang mata na nagpapanggap na pagod. Lalong sumama ang mukha niya. “Naya, hindi mo kailangang harapin ang video ngayon, pero pwede ko pa rin itong ipakita sa lahat ng nandito. Kapag nakita nila ito, i-uupload ko ito online para makita ng mga netizen.” Sabay na huminto sa paglalakad sila Naya at Chloe.Bago pa sila mahimasmasan at lumingon pabalik, narinig nila ang isang masama at mapanghamon na tono ng isang babae mula sa tablet. Pamilyar na pamilyar kay Naya ang boses na ito dahil boses niya ito! “Gosh…”Ang mga mamahayag na nakasaksi sa katotohanan ay hindi mapigilang mapasinghal. “Lumalabas na si Naya pala ang nauna.” “Kung ako si Ava, siguradong papalag din ako! Sinong nagsabi sa kanyang magbuhos ng kape?” “Tsk, hiding-hindi ka nasa tama kahit na ikaw ang naunang nagkalat ng ebide
Nang makita niya ang malalim na ngiti sa mukha ni Madeline, unti-unting nanigas ang mukha ni Chloe. May pakiramdam siya na ang taong babanggitin ni Madeline ay maaaring isang taong kilala niya. Ngunit ayaw pa rin aminin ni Chloe na totoo ang nangyari. “Siguro edited ang video na ito at ang taong binanggit mo ay hindi naman totoo!” Nagpupumilit pa rin si Chloe. Lumingon siya at nakita si Naya na mukhang tulala, kaya hinawakan niya ang kamay ni Naya. “Naya, tara na. Huwag mo nang sayangin ang hininga mo sa mga taong ito. Nagpunta sila dito nang handa!” Sa ngayon, gustong alisin ni Naya ang lahat ng problema sa harapan niya kaya gusto niyang samantalahin ang sitwasyong ito at sumama kay Chloe. Subalit, hindi ito hahayaan ng media ngayon. “Hindi mo ba ito ipapaliwanag, Ms. Mendez?” “Malinaw na kayong dalawa ang dalawang babae sa video na ito at hindi naman ito mukhang edited. Wala ba kayong paliwanag para dito?” “Anong paliwanag? Kakasabi ko lang sa inyo na edited ang vid