Nang makita niya ang malalim na ngiti sa mukha ni Madeline, unti-unting nanigas ang mukha ni Chloe. May pakiramdam siya na ang taong babanggitin ni Madeline ay maaaring isang taong kilala niya. Ngunit ayaw pa rin aminin ni Chloe na totoo ang nangyari. “Siguro edited ang video na ito at ang taong binanggit mo ay hindi naman totoo!” Nagpupumilit pa rin si Chloe. Lumingon siya at nakita si Naya na mukhang tulala, kaya hinawakan niya ang kamay ni Naya. “Naya, tara na. Huwag mo nang sayangin ang hininga mo sa mga taong ito. Nagpunta sila dito nang handa!” Sa ngayon, gustong alisin ni Naya ang lahat ng problema sa harapan niya kaya gusto niyang samantalahin ang sitwasyong ito at sumama kay Chloe. Subalit, hindi ito hahayaan ng media ngayon. “Hindi mo ba ito ipapaliwanag, Ms. Mendez?” “Malinaw na kayong dalawa ang dalawang babae sa video na ito at hindi naman ito mukhang edited. Wala ba kayong paliwanag para dito?” “Anong paliwanag? Kakasabi ko lang sa inyo na edited ang vid
“Hindi si Naya ang biktima dito. Siya ang may pasimuno na nakipagsabwatan sa isang partido para siraan si Miss Lon.” Isang boses ng babae ang maririnig sa kalagitnaan ng mga tao.Nagulantang sila Naya at Chloe panandalian. Ang iba ay napatingin din at nakita nila ang isang maliit na babae na mukhang isang kolehiyala na naglalakad palapit ng may seryosong ekspresyon. “Sino ka ba? Ang lakas naman ng loob mo na magsinungaling tungkol sa amin ng ganito? Inupahan ka ba ni Eveline para umarte dito?” Nagtatakang tinignan ni Chloe ang babae. Nang marinig ng babae ang sinabi ni Chloe, lalo naging mapanglaw at dismayado ang mga mata nito. Gayunpaman, hindi nagtagal, huminga ng malalim ang babae para pakalmahin ang kanyang sarili. “Hindi ko kilala kung sino si Eveline. Ang alam ko lang ay naging malaking fan mo ako ngayong taon lang na ito. Hindi, ang dapat kong sabihin ay naging fan ako ng persona na ginawa mo sa internet. Talagang pinagsisisihan ko ngayon ito. Paano ko nagustuhan ang
Isang malupit at malamig na kinam ang kumislap sa mga mata ni Chloe. Nagulat si Naya sa mga sandaling iyon. May gusto sana siyang sabihin ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Pagkatapos, hinawakan niya ang tasa ng kanyang kape na sna kanyang harapan at uminom. Sa isang kisapmata, mukhang nabuo na ang kanyang pasiya. Pagkatapos mabunyag ang katotohanan ng insidenteng ito, bumalik na din sa normal ang buhay ni Ava. Nang malaman niya ang sitwasyon, nakahinga na din ng maluwag si Reagan. Gusto niya din sanang damayan si Ava, ngunit hindi siya nangahas na lapitan si Ava. Sa kabilang banda naman, sila Chloe at Naya ay pinahirapan si Ava at naging dahilan upang pagdudahan siya ng lahat. Pinersonal ito ni Reagan. May inutusan siya para harangin si Chloe, at para kay Naya naman, natural lang na hindi na siya hahayaan ni Reagan na magpatuloy na maging malaya at mamuhay ng maginhawa. Ang akala talaga ni Naya ay unti unting mawawala na lang ang insidenteng ito at wala nang m
Paano niya malulunok ang galit na ito?Nang makita ni Chloe na na-trigger ang emosyon ni Naya, sinimulan niya itong udyukan, kahit na tila ginawa niya iyon dahil sa kabaitan.“Naya,matalik tayong magkaibigan. Lagi mo akong inaalagaan ng sobra. Hindi ko talaga kayang makita kang na-bully ng ganito. Naaalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noong huling beses sa cafe? Gusto mo ba talagang makitang nagpakasal at magkaanak sa ibang babae ang lalaking orihinal na pagmamay-ari mo?”“Syempre, ayokong dumating ang araw na iyon!” Sigaw ni Naya, nanlalaki ang kanyang mga mata habang bumibilis ang kanyang paghinga. “Tama ka nung nakaraan. Kapag may isang tao na humahadlang sa buhay ng iba, kung gayon ang taong iyon ay mas magandang mawala na lang sa mundong ito.” Ang mga mata ni Naya ay biglang naging masama at malupit sa mga sandali na iyon. Pagkalipas ng ilang sandali, kumalma na ang kanyang emosyon at mahinahon siyang nagtanong. “Gagana ba ang plano mo?” “Siguradong gagana ito. Kahit na
Sa sandaling ito, si Ava ay nakahiga sa mga bisig ni Daniel sa kanyang apartment. Nanonood sila ng pelikula na nasa screen ng projector sa harap nila.Bihira lang sila na magkasama kapag wala silang pasok sa trabaho kaya nagplano sila na lumabas at mamasyal para mag-relax, ngunit umulan ng araw na iyon. Dahil sa malapit nang matapos ang taglamig at magtatagsibol na, masyadong malamig sa labas. Kaya naman, pinili na lang nila na manatili na lang sa apartamento para magpainit at manood ng pelikula. Inimbitahan din nila sila Madeline at Jeremy para saluhan sila sa hapunan mamayang gabi. Magiging eksakto lang ang kanilang oras kapag nagsimula silang magluto pagkatapos nilang manood ng pelikula. Gayunpaman, habang nanonood si Ava ng pelikula, bahagyang lumilipad ang kanyang isip.Pumunta siya ng Graham Manor kasama si Daniel dalawang araw na ang nakalipas, at muli, ramdam niya ang pagbabago sa ugali ng nanay ni Daniel sa kanya!Noon, hindi niya pinapansin si Ava at iniirapan siya
Pagkalipas ng kalahating oras, dumating na sila Madeline at Jeremy. Nang makita niya na may dalang mga prutas at homemade dessert si Madeline, nagpanggap na malungkot si Ava. “Maddie, kung alam ko lang na magdadala ka ng prutas at dessert, hindi ko na sana inutusan si Danny na lumabas para bumili.” “Ano? Masama ba ang loob mo dahil nasa labas ang magiging mister mo sa ganitong malamig na panahon?” Tukso ni Madeline habang tinutulungan si Ava na maghanda ng hapunan. Sanay na si Ava dito at umamin siya , at sinabing, “Oo, syempre. Masama ang loob ko dahil malamig sa labas. Ganun din ang mararamdaman mo kung yung asawa mo ang nasa labas.” Isa itong open concept kitchen, kaya sinilip ni Madeline si Jeremy, na nakaupo sa sopa habang nanunuod sa projector screen habang kumakain ng prutas. Sinabi niya, “Matagal na kaming kasal na dalawa. Paano naman kami magiging sentimental katulad niyong dalawa?” “Matagal nang kasala, ah? Hindi naman nabawasan ang katamisan niyong dalawa katula
“Ava!”Sumigaw si Madeline sa direksyon ni Ava, pero sumugod na si Ava sa mga tao. Nagtatakang tinignan ni Jeremy si Ava na biglang nataranta at nakaisip siya ng isang posibilidad. Magsasalita sana siya nang nagmadaling binuksan ni Madeline ang pinto at sumunod. Hindi siya masyadong nag-isip bago siya sumugod palabas ng kotse para habulin si Madeline. Maraming tao sa harapan niya kaya tinulak ni Ava ang mga tao at pumunta sa harapan. Nang makita niya ang pamilyar na sasakyan, para bang pinalamig ng malamig na hangin ang kanyang dugo. Nawalan ng kulay ang matingkad na pulang eksena sa kanyang paningin. Kaagad siyang bumagsak sa lapag. Naguluhan ang mga tao sa paligid niya. Inisip nilang lahat ay natakot si Ava sa eksena ng aksidente. Naaamoy ni Madeline ang amoy ng dugo bago pa siya makalapit. Unti-unti ring kinabahan ang tibok ng kanyang puso. Nang makita niya ang kotse sa harapan niya na naaksidente, napahinto siya. Kotse ito ni Ava. Hindi siya nagkakamali. Halos kalah
Halos bubuhos na ang hindi mapipigilang saya mula kay Naya. Mabilis siyang naghanap nang mas marami pang video ng aksidente at masaya itong tinignan. Subalit, bago tumagal ang kanyang saya, biglang nanigas ang ngiti sa kanyang mukha. Nakita niya si Ava na umiiyak sa gitna ng mga tao at nasa tabi niya si Madeline. Pagkatapos, nakita niya ang mga paramedic na binuhat ang isang duguang lalaki papunta sa stretcher at papasok ng ambulansya. Kahit na hindi gaanong malinaw ang video, nakilala pa rin ni Naya na si Daniel ang lalaking nakahiga sa stretcher sa isang tingin! Kaagad na lumabo ang isipan ni Naya. Hindi siya komportable at hindi rin siya makahinga nang normal. Hindi siya makapaniwala, at ayaw niya ring maniwala na si Daniel ang naaksidente—hindi si Ava. Tumingin pa siya sa ibang mga video at sinabi ng eksenang nakita niya na hindi siya nagkakamali. Si Daniel nga ang naaksidente. Nanginig nang sobra ang kamay ni Naya at nalaglag ang phone niya sa kanyang paa dahil dito.