Isang malupit at malamig na kinam ang kumislap sa mga mata ni Chloe. Nagulat si Naya sa mga sandaling iyon. May gusto sana siyang sabihin ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Pagkatapos, hinawakan niya ang tasa ng kanyang kape na sna kanyang harapan at uminom. Sa isang kisapmata, mukhang nabuo na ang kanyang pasiya. Pagkatapos mabunyag ang katotohanan ng insidenteng ito, bumalik na din sa normal ang buhay ni Ava. Nang malaman niya ang sitwasyon, nakahinga na din ng maluwag si Reagan. Gusto niya din sanang damayan si Ava, ngunit hindi siya nangahas na lapitan si Ava. Sa kabilang banda naman, sila Chloe at Naya ay pinahirapan si Ava at naging dahilan upang pagdudahan siya ng lahat. Pinersonal ito ni Reagan. May inutusan siya para harangin si Chloe, at para kay Naya naman, natural lang na hindi na siya hahayaan ni Reagan na magpatuloy na maging malaya at mamuhay ng maginhawa. Ang akala talaga ni Naya ay unti unting mawawala na lang ang insidenteng ito at wala nang m
Paano niya malulunok ang galit na ito?Nang makita ni Chloe na na-trigger ang emosyon ni Naya, sinimulan niya itong udyukan, kahit na tila ginawa niya iyon dahil sa kabaitan.“Naya,matalik tayong magkaibigan. Lagi mo akong inaalagaan ng sobra. Hindi ko talaga kayang makita kang na-bully ng ganito. Naaalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noong huling beses sa cafe? Gusto mo ba talagang makitang nagpakasal at magkaanak sa ibang babae ang lalaking orihinal na pagmamay-ari mo?”“Syempre, ayokong dumating ang araw na iyon!” Sigaw ni Naya, nanlalaki ang kanyang mga mata habang bumibilis ang kanyang paghinga. “Tama ka nung nakaraan. Kapag may isang tao na humahadlang sa buhay ng iba, kung gayon ang taong iyon ay mas magandang mawala na lang sa mundong ito.” Ang mga mata ni Naya ay biglang naging masama at malupit sa mga sandali na iyon. Pagkalipas ng ilang sandali, kumalma na ang kanyang emosyon at mahinahon siyang nagtanong. “Gagana ba ang plano mo?” “Siguradong gagana ito. Kahit na
Sa sandaling ito, si Ava ay nakahiga sa mga bisig ni Daniel sa kanyang apartment. Nanonood sila ng pelikula na nasa screen ng projector sa harap nila.Bihira lang sila na magkasama kapag wala silang pasok sa trabaho kaya nagplano sila na lumabas at mamasyal para mag-relax, ngunit umulan ng araw na iyon. Dahil sa malapit nang matapos ang taglamig at magtatagsibol na, masyadong malamig sa labas. Kaya naman, pinili na lang nila na manatili na lang sa apartamento para magpainit at manood ng pelikula. Inimbitahan din nila sila Madeline at Jeremy para saluhan sila sa hapunan mamayang gabi. Magiging eksakto lang ang kanilang oras kapag nagsimula silang magluto pagkatapos nilang manood ng pelikula. Gayunpaman, habang nanonood si Ava ng pelikula, bahagyang lumilipad ang kanyang isip.Pumunta siya ng Graham Manor kasama si Daniel dalawang araw na ang nakalipas, at muli, ramdam niya ang pagbabago sa ugali ng nanay ni Daniel sa kanya!Noon, hindi niya pinapansin si Ava at iniirapan siya
Pagkalipas ng kalahating oras, dumating na sila Madeline at Jeremy. Nang makita niya na may dalang mga prutas at homemade dessert si Madeline, nagpanggap na malungkot si Ava. “Maddie, kung alam ko lang na magdadala ka ng prutas at dessert, hindi ko na sana inutusan si Danny na lumabas para bumili.” “Ano? Masama ba ang loob mo dahil nasa labas ang magiging mister mo sa ganitong malamig na panahon?” Tukso ni Madeline habang tinutulungan si Ava na maghanda ng hapunan. Sanay na si Ava dito at umamin siya , at sinabing, “Oo, syempre. Masama ang loob ko dahil malamig sa labas. Ganun din ang mararamdaman mo kung yung asawa mo ang nasa labas.” Isa itong open concept kitchen, kaya sinilip ni Madeline si Jeremy, na nakaupo sa sopa habang nanunuod sa projector screen habang kumakain ng prutas. Sinabi niya, “Matagal na kaming kasal na dalawa. Paano naman kami magiging sentimental katulad niyong dalawa?” “Matagal nang kasala, ah? Hindi naman nabawasan ang katamisan niyong dalawa katula
“Ava!”Sumigaw si Madeline sa direksyon ni Ava, pero sumugod na si Ava sa mga tao. Nagtatakang tinignan ni Jeremy si Ava na biglang nataranta at nakaisip siya ng isang posibilidad. Magsasalita sana siya nang nagmadaling binuksan ni Madeline ang pinto at sumunod. Hindi siya masyadong nag-isip bago siya sumugod palabas ng kotse para habulin si Madeline. Maraming tao sa harapan niya kaya tinulak ni Ava ang mga tao at pumunta sa harapan. Nang makita niya ang pamilyar na sasakyan, para bang pinalamig ng malamig na hangin ang kanyang dugo. Nawalan ng kulay ang matingkad na pulang eksena sa kanyang paningin. Kaagad siyang bumagsak sa lapag. Naguluhan ang mga tao sa paligid niya. Inisip nilang lahat ay natakot si Ava sa eksena ng aksidente. Naaamoy ni Madeline ang amoy ng dugo bago pa siya makalapit. Unti-unti ring kinabahan ang tibok ng kanyang puso. Nang makita niya ang kotse sa harapan niya na naaksidente, napahinto siya. Kotse ito ni Ava. Hindi siya nagkakamali. Halos kalah
Halos bubuhos na ang hindi mapipigilang saya mula kay Naya. Mabilis siyang naghanap nang mas marami pang video ng aksidente at masaya itong tinignan. Subalit, bago tumagal ang kanyang saya, biglang nanigas ang ngiti sa kanyang mukha. Nakita niya si Ava na umiiyak sa gitna ng mga tao at nasa tabi niya si Madeline. Pagkatapos, nakita niya ang mga paramedic na binuhat ang isang duguang lalaki papunta sa stretcher at papasok ng ambulansya. Kahit na hindi gaanong malinaw ang video, nakilala pa rin ni Naya na si Daniel ang lalaking nakahiga sa stretcher sa isang tingin! Kaagad na lumabo ang isipan ni Naya. Hindi siya komportable at hindi rin siya makahinga nang normal. Hindi siya makapaniwala, at ayaw niya ring maniwala na si Daniel ang naaksidente—hindi si Ava. Tumingin pa siya sa ibang mga video at sinabi ng eksenang nakita niya na hindi siya nagkakamali. Si Daniel nga ang naaksidente. Nanginig nang sobra ang kamay ni Naya at nalaglag ang phone niya sa kanyang paa dahil dito.
Umaasa siya na wala sa kahit na anong panganib si Daniel, pero nakatanggap lang ng hindi siguradong sagot ang kinakabahang si Naya. "Ginagawa ng doktor ang lahat para iligtas si Dan. Mabuting tao si Dan at mabibiyayaan siya ng Diyos, kaya sigurado ako na hindi to magiging seryoso. Mr. at Mrs. Graham, umupo kayo kasama namin. Maghintay tayo na matapos ang operasyon." Pinakiusapan sila ni Madeline nang may pala-kaibigang tono. Hindi niya gustong sabihin sa kanila na huwag masyadong mag-alala. Bilang mga magulang, paanong hindi sila mag-aalala sa anak nila? Nakinig ang mga magulang ni Daniel kay Madeline. Tumindi ang pag-aalala sa mukha nila at nagsimulang umiyak ang nanay ni Daniel. "Paanong nangyari to? Paanong nangyari ang ganitong bagay kay Dan? Ayos lang siya noong umalis siya nang bahay kaninang umaga tapos ngayon nasa operating room siya at duguan! Paanong nangyari to?" Malungkot na umiyak ang nanay ni Daniel habang nakasandal sa tatay ni Daniel. Hindi alam ni Madeline
Nagsabi ng ilang mga salita si Madeline kay Jeremy at nanatili sa tabi ni Ava. Siya ang nag-iisang kaibigan ni Ava. Noong nawawalan siya ng pag-asa, tanging si Ava ang nasa tabi niya. Hindi niya hahayaang harapin ito nang mag-isa ni Ava. Sa ngayon, kailangan ni Ava ng makikiramay sa kanya at isang taong masasandalan niya. Naiintindihan ito ni Jeremy kaya nakinig siya kay Madeline at naunang umuwi. Nakita ni Naya, na kanina pa nagtatago sa malayo at pinapakinggan ang sitwasyon, na nakaalis na ang halos lahat. Kung kaya't hindi na siya nagtagal pa roon. Kaagad na nagmaneho papalayo si Naya, pero hindi papunta sa direksyon ng kanyang apartment, kundi papunta sa Graham Manor. Sa una niyang plano, ang taong dapat na maaksidente ay si Ava. Kung kaya't nagagalit si Naya pero kasabay nito, nag-aalala rin siya tungkol kay Daniel. Lalo na't totoo ang nararamdaman niya para kay Daniel. Sa nagdaang mga taon, ginawa niya ang lahat para makasal siya kay Daniel, kaya masasabi na minah
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si