Hirap na tinaas ni Shirley ang kanyang kamay at kinuha ang nail clipper na nasa ibabaw ng nightstand. 'Addy, mom dad, Cathy, at anak ko, pagsisisihan ko na ang mga kasalanan ko. Hintayin niyo ko…' Naisip ito ni Shirley sa kanyang puso at nilagay ang nail clipper sa kanyang pulso. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagpasya nang mamatay. Ngunit nang igagalaw na niya ang nail clipper sa kanyang pulso, bumukas ang pinto ng kwarto. Binuksan ni Shirley ang kanyang mga mata, at mula sa kanyang nakatulala at luhaang mga mata, nakita niya ang nanlulumo at malamig na mukha ni Carter. Nang tinignan niya ang papalapit na si Carter, hinigpitan ni Shirley ang kanyang hawak sa nail clipper; kumislap sa kanyang mga mata ang inis at pandidiri. "Carter, bakit mo ba ako palaging ginugulo?" Lumitaw ang pandidiri sa mukha ni Shirley. Habang lalo niyang minahal noon si Carter, mas lalo niya siyang kinamumuhian ngayon. Naglakad si Carter nang may malamig na ekspresyon papunta sa tabi ng ka
Naningkit ang mga malalalim na mata ni Carter at naglabas ito ng isang mapanganib na aura. Napahinto ang puso ni Shirley. Siguro dahil balak na niyang mamatay, hindi siya natatakot. "Carter, pagdurusahan ko ang kinahinatnan ng landas na pinili ko. Wag ka nang mangialam sa buhay ko." "Pinatay mo ang anak ko at sasabihan mo ko na wag mangialam sa buhay mo? Shirley, sasabihin ko sa'yo ngayon din na ipapakita ko sa'yo kung gaano kamali ang desisyon mo." Nagsalita si Carter, ang kanyang mga salita ay mayroong mas malalim na kahulugan at mabagal siyang bumitaw. "Carter, anong binabalak mong gawin? Sinabi ko na sa'yo na hindi ako babalik sa St. Piaf kasama mo. Wag mo kong pilitin," tumanggi si Shirley. Maalam at malagim ang ngiti sa mga labi ni Carter. "Malalaman mo rin kung anong gagawin ko sa'yo." “...”Pinagalaw ni Shirley ang kanyang mga labi pero hindi niya alam kung ano pa ang masasabi niya. Ngunit, nakita niya ang matinding poot na nagliliyab sa mga mata ni Carter. P
Gaano ba katanda mag-isip ang isang bata para maipahayag ang ganitong kaba? Kumirot ang puso ni Madeline habang hinalikan niya ang pisngi ng batang lalaki. "Jack, nangangako ako sa'yo na sasabihin ko sa'yo kung saan ako pupunta sa susunod. Hindi na kita pag-aalalahanin tungkol sa'kin, okay?" Tumango si Jackson at kinurap ang kanyang magagandang mga mata. "Mommy, alam kong maraming ginagawa ang matatanda. Alam ko. Magiging mabuti at maaalalahanin akong bata para hindi ko mabigyan ng problema sina Mommy at Daddy." Lalong nalungkot si Madeline nang marinig niya ito. Habang nakikita niya ang bata ay gwapong mukha sa kanyang harapan ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. "Jack, hindi ko gustong maging masyado kang maaalalahanin. Sana maging malaya at masaya ka kagaya ng mga batang kasing edad mo." "Masaya ako." Inosenteng ngumiti si Jackson. "Ngayon na kasama na natin sina Juan at Jan, napakasaya ko, pero namimiss ko si Lily." Naglaho ang kalahati sa ngiti ni Jackson.
Habang nagsalita si Carter ay nanlumo ang kanyang mukha. "Ang kapalit nito ay naging dugo at tubig lang ang anak namin." Ang kanyang mga mata ay napuno ng nagbabagang poot habang sinabi niya ito. "Heh." Tumawa siya ulit at tinignan si Madeline at Jeremy gamit ng kanyang mapanakit na mga mata. "May tatlo kayong anak, di ba? Ang saya niyo siguro na maging mga magulang, di ba? Anong mararamdaman ninyo kapag namatay ang anak ninyo?" "Carter," pinutol ni Jeremy si Carter. Hindi siya makikinig sa mga pahayag kagaya nito. Paano niya hahayaang sunpain ang kanyang tatlong kayamanan gamit ng mga pahayag na kagaya nito?"Carter, nakunan si Shirley dahil ikaw ang dahilan sa pagkamatay nina Adam at Cathy, kaya nawalan siya ng kagustuhang mabuhay at nagkaroon siya ng negatibong kaisipan. At iyon ang naging sanhi ng trahedyang ito. Kakaiba ka talaga para sisihin kami." Nang marinig ni Carter ang sinabi ni Jeremy ay tumawa siya. "Jeremy, sa tingin mo ba yan ang totoo? "Ang totoo ay hin
Tama si Madeline. Mananagot ang isang tao sa pinili nilang landas. Ang dahilan kung bakit nauwi si Shirley sa ganitong kalagayan ngayon ay dahil sa karma. Wala itong kinalaman sa ibang tao. Kung gusto niya talagang maghanap ng taong mananagot, ang taong iyon ay si Carter. Sa Gray Villa. Alam ni Camille na dinala ulit ni Carter si Shirley sa bagay. Pagkatapos niya itong pag-isipan, nagpasya siya na kausapin si Shirley. Noong una ay gutom at uhaw si Shirley. Pagkatapos siyang dalhin dito ni Carter, nawalan siya ng gana. Nahiga lang siya sa kama at nakatulala sa kisame. Dala ni Camille ang bird's nest porridge na niluto niya papasok ng kwarto. Nang makita niya si Shirley na nakatingin sa kisame nang hindi gumagalaw, hindi niya mapigilang sumimangot. "Alam ko nagdurusa ka ngayon at sinisisi mo si Carter, pero hindi mo kailangang pahirapan ang katawan mo." Habang nagsalita si Camille, dinala niya ang lugaw at inutusan ang mga katulong na tulungan si Shirley na mapupo. Ngun
Natulala si Shirley sa sinabi ni Camille. Nararamdaman niya na hindi siya sinisisi ni Camille at nalulungkot siya para sa bata na walang tyansang maipanganak sa mundong ito. Ngunit, ang batang iyon ay itinadhanang hindi maipanganak. Namula ang mga mata ni Shirley. Mapait siyang ngumiti, pagkatapos ay pinikit ang kanyang mga mata at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha. Marami siyang hinanakit sa kanyang puso na hindi niya masabi, pero pakiramdam niya ay siya ang nagdala nito sa kanyang sarili. Hindi iyon mga hinanakit. Iyon ang kinahinatnan ng kanyang mga ginawa. Hindi siya nararapat na maging isang ina. Nang makita ni Camille si Shirley na nasasaktan, hindi siya nagpatuloy sa pagtatanong. Lalo na't maraming taon na silang magkakilala at matagal na siyang itinuturing si Shirley bilang kanyang anak. Kung hindi siya dinismaya ni Shirley at umalis nang walang pasabi noon, hindi magagalit nang matagal na panahon si Camille. "Maghilamos ka. Bumangon ka at kumain. Ako mismo
"Hindi dapat napunta sa sinapupunan ko ang bata. Mas makabubuti sa bata na iwanan ang mga magulang na kagaya natin." “...”Pinipigilan ni Carter ang galit sa kanyang puso, pero nang marinig niyang sabihin iyon ni Shirley, mahigpit na sumara ang kanyang kamay. Kahit na sobra ang galit niya, binuksan niya pa rin ang kanyang kamao sa huli at pinilit na pigilan ang nagbabagang galit sa kanyang puso. "Makinig ka sa'kin, Shirley. Ipapakita ko sa'yo kung gaano ka katanga." "Carter, wag mo nang palakihin ang galit ko sa'yo." Kalmado si Shirley. Ang kanyang blangko ngunit malamig na titig ay nakatuon sa galit na si Carter. "Kahit na gumamit ka pa ng ilang iligal na paraan para makuha ang pamumuno sa St. Piaf, hindi ito marangal." "Heh." Mapangutyang tumawa si Carter nang marinig niya ang sinabi ni Shirley. "Talagang nagbagong-buhay ka na, Shirley." Nilayo ni Shirley ang kanyang tingin nang marinig niya iyon. "Nakita ko na ang lahat. Sana matauhan ka na rin." "Makinig ka, Shi
"May nangyari ba?" Direktang tanong ni Jeremy. Tumango si Ken at tumuro sa opisina. "Nandito ang lalaking si Carter Gray." Bahagyang inangat ni Jeremy ang kanyang mapang-akit na mga mata. "Pumasok siya sa opisina?" "Pumunta sa banyo ng receptionist kaya hindi niya siya napansin, at kakapasok niya lang," paliwanag ni Ken. Tumango si Jeremy para ipakita na naiintindihan niya, pagkatapos ay pumasok siya sa opisina. Nandito si Carter para kay Jeremy, kaya nang marinig niya ang mga yabag sa labas ng pinto, inikot niya ang kanyang upuan at tumingin sa direksyon ng pinto. Nang makita niya si Jeremy, nagsalita si Carter nang may mapangutyang tono, "Tapos ka na ba sa meeting mo, Mr. Whitman? Kanina pa kita hinihintay." Malamig na tinignan ni Jeremy si Carter bago malayang naglakad papunta sa mesa. "Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na." Diretso si Jeremy. Ngumisi si Carter. Mukhang namangha siya sa kawalan ng pakialam ni Jeremy. Diretso ring binanggit ni Cart