Tama si Madeline. Mananagot ang isang tao sa pinili nilang landas. Ang dahilan kung bakit nauwi si Shirley sa ganitong kalagayan ngayon ay dahil sa karma. Wala itong kinalaman sa ibang tao. Kung gusto niya talagang maghanap ng taong mananagot, ang taong iyon ay si Carter. Sa Gray Villa. Alam ni Camille na dinala ulit ni Carter si Shirley sa bagay. Pagkatapos niya itong pag-isipan, nagpasya siya na kausapin si Shirley. Noong una ay gutom at uhaw si Shirley. Pagkatapos siyang dalhin dito ni Carter, nawalan siya ng gana. Nahiga lang siya sa kama at nakatulala sa kisame. Dala ni Camille ang bird's nest porridge na niluto niya papasok ng kwarto. Nang makita niya si Shirley na nakatingin sa kisame nang hindi gumagalaw, hindi niya mapigilang sumimangot. "Alam ko nagdurusa ka ngayon at sinisisi mo si Carter, pero hindi mo kailangang pahirapan ang katawan mo." Habang nagsalita si Camille, dinala niya ang lugaw at inutusan ang mga katulong na tulungan si Shirley na mapupo. Ngun
Natulala si Shirley sa sinabi ni Camille. Nararamdaman niya na hindi siya sinisisi ni Camille at nalulungkot siya para sa bata na walang tyansang maipanganak sa mundong ito. Ngunit, ang batang iyon ay itinadhanang hindi maipanganak. Namula ang mga mata ni Shirley. Mapait siyang ngumiti, pagkatapos ay pinikit ang kanyang mga mata at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha. Marami siyang hinanakit sa kanyang puso na hindi niya masabi, pero pakiramdam niya ay siya ang nagdala nito sa kanyang sarili. Hindi iyon mga hinanakit. Iyon ang kinahinatnan ng kanyang mga ginawa. Hindi siya nararapat na maging isang ina. Nang makita ni Camille si Shirley na nasasaktan, hindi siya nagpatuloy sa pagtatanong. Lalo na't maraming taon na silang magkakilala at matagal na siyang itinuturing si Shirley bilang kanyang anak. Kung hindi siya dinismaya ni Shirley at umalis nang walang pasabi noon, hindi magagalit nang matagal na panahon si Camille. "Maghilamos ka. Bumangon ka at kumain. Ako mismo
"Hindi dapat napunta sa sinapupunan ko ang bata. Mas makabubuti sa bata na iwanan ang mga magulang na kagaya natin." “...”Pinipigilan ni Carter ang galit sa kanyang puso, pero nang marinig niyang sabihin iyon ni Shirley, mahigpit na sumara ang kanyang kamay. Kahit na sobra ang galit niya, binuksan niya pa rin ang kanyang kamao sa huli at pinilit na pigilan ang nagbabagang galit sa kanyang puso. "Makinig ka sa'kin, Shirley. Ipapakita ko sa'yo kung gaano ka katanga." "Carter, wag mo nang palakihin ang galit ko sa'yo." Kalmado si Shirley. Ang kanyang blangko ngunit malamig na titig ay nakatuon sa galit na si Carter. "Kahit na gumamit ka pa ng ilang iligal na paraan para makuha ang pamumuno sa St. Piaf, hindi ito marangal." "Heh." Mapangutyang tumawa si Carter nang marinig niya ang sinabi ni Shirley. "Talagang nagbagong-buhay ka na, Shirley." Nilayo ni Shirley ang kanyang tingin nang marinig niya iyon. "Nakita ko na ang lahat. Sana matauhan ka na rin." "Makinig ka, Shi
"May nangyari ba?" Direktang tanong ni Jeremy. Tumango si Ken at tumuro sa opisina. "Nandito ang lalaking si Carter Gray." Bahagyang inangat ni Jeremy ang kanyang mapang-akit na mga mata. "Pumasok siya sa opisina?" "Pumunta sa banyo ng receptionist kaya hindi niya siya napansin, at kakapasok niya lang," paliwanag ni Ken. Tumango si Jeremy para ipakita na naiintindihan niya, pagkatapos ay pumasok siya sa opisina. Nandito si Carter para kay Jeremy, kaya nang marinig niya ang mga yabag sa labas ng pinto, inikot niya ang kanyang upuan at tumingin sa direksyon ng pinto. Nang makita niya si Jeremy, nagsalita si Carter nang may mapangutyang tono, "Tapos ka na ba sa meeting mo, Mr. Whitman? Kanina pa kita hinihintay." Malamig na tinignan ni Jeremy si Carter bago malayang naglakad papunta sa mesa. "Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na." Diretso si Jeremy. Ngumisi si Carter. Mukhang namangha siya sa kawalan ng pakialam ni Jeremy. Diretso ring binanggit ni Cart
"Oo nga pala, Jeremy, nakita ko yata si Carter noong lumabas ako ng elevator ngayon lang. Nagpunta ba siya para hanapin ka o namamalik-mata lang ako?" Seryosong tanong ni Madeline. "Hindi ka namamalik-mata. Nagpunta siya rito para hanapin ako, at kakaalis niya lang," tapat na sabi ni Jeremy. "Ano bang gusto niya?" Nagsalubong ang magagandang kilay ni Madeline nang hindi niya namamalayan. "Malinaw na siya ang nagsanhi ng lahat ng ito. Siya rin ang dahilan sa pagkamatay nina Adam at Cathy. Bakit patuloy niya pa ring iniisip na wala siyang kasalanan?" "Problema na to sa ugali niya at hindi na natin mababago yun. Si Carter ay isang taong may mataas na kumpyansa sa kanyang sarili. Sa madaling salita, hambog siya." Nakikita ni Jeremy ang tunay na ugali ni Carter. "Maalam siya, at may alam siya sa psychology at hipnotismo. At saka dugong bughaw siya. Kahit sino ay magiging arogante at mahabang kung mayroon silang ganitong katayuan." Nang marinig iyon ni Madeline, tinignan niya si
Bago matapos magsalita si Shirley ay huminto siya. Narinig ni Madeline ang mga yabag na papalapit sa kanya mula sa likuran at bumaba ang temperatura ng kamay ni Shirley na nakahawak sa kanya na para bang natatakot siya. Napansin ni Madeline na mayroong mali, kaya lumingon siya para tumingin. Mabagal na bumagsak ang kamay ni Shirley na nakahawak sa kamay ni Madeline at bumulong siya. Sa huli, hindi niya binanggit ang huling mga salita. "Ikaw…" Bahagyang narinig ni Madeline si Shirley na bumulong ng isang salita pero hindi niya ito marinig nang malinaw. Tumalikod si Madeline at nakita niya si Carter na biglang lumitaw sa likuran niya at pinakalma niya ang kanyang sarili. Nang makita ni Carter si Madeline ay bahagya siyang ngumiti sa kanya. Simple siyang naglakad papunta kay Madeline at tinignan si Shirley na nakatingin sa kanya nang nag-aalangan, pagkatapos ay binuka niya ang kanyang bibig. "Mrs. Whitman, wala ka ba talagang magawa para bisitahin mo pa ang kalaban na nang
Nalaman na ni Madeline kung bakit naapektuhan ang kanyang mga emosyon––dahil na naman ito sa hipnotismo ni Carter. "Carter, ikaw ang marangal na Viscount ng St. Piaf, at mataas rin ang pinag-aralan mo. Bakit hindi ka maging isang matuwid at makatarungang tao?" Namumuhi siyang tinignan ni Madeline. Kahit na hindi nagpakita ng emosyon si Carter kahit na nagulo ang kanyang hipnotismo, tinitigan niya nang masama si Shirley. Ngunit, walang takot na tumingin sa kanya si Shirley dahil nakita na niya ang lahat. Kung hindi siya natatakot na mamatay, ano pa ba ang kakatakutan niya? "Ano ba talaga ang maituturing na matuwid at makatarungan?" Tanong ni Carter kay Madeline sa pagkamuhi. "Ang mga ginawa ba sa'yo ni Jeremy ay matuwid at makatarungan?" "Carter, wag mong subukang guluhin ako gamit ng mga bagay na nangyari noon sa pagitan namin ng asawa ko. Hindi namin kailangan ang pangingialam mo. Problemahin mo na lang ang sarili mong problema." "Sarili kong problema? Mrs. Whitman, sabihi
Sa paraan ng pagpapalayas sa kanya ni Shirley, nahuhulaan ni Madeline kung ano ang pinag-aalala ni Shirley. Nag-aalala si Shirley na baka saktan ni Carter si Madeline. Ngunit syempre, nakapaghanda si Madeline dahil mag-isa siyang nagpunta. Hinawakan niya ang kamay ni Shirley at nginitian siya nang kalmado. "Aalis na ako, pero kailangan mong alagaan rin ang sarili mo. Kahit na anong mangyari, hindi mo pwedeng sukuan ang buhay mo. Naniniwala ako na ganito rin ang nararamdaman nina Adam at Cathy. Umaasa kaming lahat na maging maayos ka." Pagkatapos sabihin iyon, tinapik nang marahan ni Madeline ang likod ng kamay ni Shirley, pagkatapos ay iniangat ang kanyang magagandang mga mata at tinitigan nang masama si Carter bago umalis. Nang makita ni Carter si Madeline na umalis ng kwarto, tinignan niya si Shirley nang ilang segundo bago tumalikod. "Carter, hayaan mo siyang umalis," mabilis na tinawag ni Shirley si Carter. "Wag kang gagawa ng pagsisihan mo." Huminto sa paglalakad s