Nalaman na ni Madeline kung bakit naapektuhan ang kanyang mga emosyon––dahil na naman ito sa hipnotismo ni Carter. "Carter, ikaw ang marangal na Viscount ng St. Piaf, at mataas rin ang pinag-aralan mo. Bakit hindi ka maging isang matuwid at makatarungang tao?" Namumuhi siyang tinignan ni Madeline. Kahit na hindi nagpakita ng emosyon si Carter kahit na nagulo ang kanyang hipnotismo, tinitigan niya nang masama si Shirley. Ngunit, walang takot na tumingin sa kanya si Shirley dahil nakita na niya ang lahat. Kung hindi siya natatakot na mamatay, ano pa ba ang kakatakutan niya? "Ano ba talaga ang maituturing na matuwid at makatarungan?" Tanong ni Carter kay Madeline sa pagkamuhi. "Ang mga ginawa ba sa'yo ni Jeremy ay matuwid at makatarungan?" "Carter, wag mong subukang guluhin ako gamit ng mga bagay na nangyari noon sa pagitan namin ng asawa ko. Hindi namin kailangan ang pangingialam mo. Problemahin mo na lang ang sarili mong problema." "Sarili kong problema? Mrs. Whitman, sabihi
Sa paraan ng pagpapalayas sa kanya ni Shirley, nahuhulaan ni Madeline kung ano ang pinag-aalala ni Shirley. Nag-aalala si Shirley na baka saktan ni Carter si Madeline. Ngunit syempre, nakapaghanda si Madeline dahil mag-isa siyang nagpunta. Hinawakan niya ang kamay ni Shirley at nginitian siya nang kalmado. "Aalis na ako, pero kailangan mong alagaan rin ang sarili mo. Kahit na anong mangyari, hindi mo pwedeng sukuan ang buhay mo. Naniniwala ako na ganito rin ang nararamdaman nina Adam at Cathy. Umaasa kaming lahat na maging maayos ka." Pagkatapos sabihin iyon, tinapik nang marahan ni Madeline ang likod ng kamay ni Shirley, pagkatapos ay iniangat ang kanyang magagandang mga mata at tinitigan nang masama si Carter bago umalis. Nang makita ni Carter si Madeline na umalis ng kwarto, tinignan niya si Shirley nang ilang segundo bago tumalikod. "Carter, hayaan mo siyang umalis," mabilis na tinawag ni Shirley si Carter. "Wag kang gagawa ng pagsisihan mo." Huminto sa paglalakad s
"Hindi lang ang Glendale ang natatangi mong shortcut para makuha ang karapatang mamuno. May iba ka pang shortcut." Ang magagandang kilay ni Camille ay may dagdag na bakas ng pagkamakamundo na nagpapakita na may plano siya. Naguluhan si Carter nang marinig niya ang sinabi ni Camille. "Isa pang shortcut?" "Oo." Tumango si Camille, pagkatapos ay lumapit siya kay Carter at bumulong. Pagkatapos itong marinig, lalong nagsalubong ang kilay ni Carter. "Carter, alam kong hindi ka kumbinsido at mahirap na bitawan to, pero siguro hindi nakatadhana na makasama natin ang batang iyon, kaya pakawalan mo na ang bata." Nagpayo si Camille at pagkatapos ay inangat ng kanyang kamay para tapikin ang balikat ni Carter. "Maghanda ka na at dalhin mo si Shirley. Babalik tayo sa susunod na dalawang araw." "Siguro oras na para bumalik," biglang sabi ni Carter. Ngunit mayroong nagbago sa kanyang mga mata. Tinignan niya ang direksyon kung saan umalis si Madeline at naningkit ang kanyang mga mata.
Pagkatapos makapasok ni Madeline, nakita niya ang gusto ni Jackson. Nang marinig ng guro na hindi nakita ni Madeline si Jackson ay nagtaka ang guro. "Nagpunta kaya siya sa banyo? Napakatalinong bata ni Jackson, kaya hindi siya aalis kasama ng isang estranghero. Wag lang mag-alala, Mrs. Whitman."Nakatitiyak rin si Madeline na hindi aalis ang anak niya kasama ng isang estranghero kaya tumalikod siya at naglakad papunta sa banyo para hanapin ang kanyang anak. Nakarating siya sa pintuan ng banyo, pero dahil hindi siya makapasok, ilang beses siyang tumawag mula sa pintuan. "Jack, nasa loob ka ba? "Jack, kung nandyan ka, sagutin mo ako. “Jack…”Habang tumawag si Madeline, isang binatang lalaking gusto ang lumabas mula sa banyo. Nang makita niya si Madeline na hinahanap ang kanyang anak, magalang siyang nagsabi, "Madam, walang ibang tao sa banyo. Hindi mo mahanap ang anak mo?" Tumango si Madeline at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi kaya naunahan na siya ni Carter? N
Ngumiti si Madeline at nagpatuloy na nagmaneho. Ngunit nang nagmaneho siya sa tawiran sa malayo, nakita niya na mayroong aksidente at naharangan ang kalsada sa harapan. Ito lang ang tanging daan pauwi, pero ngayon ay hindi sila makadaan rito. Noong una ay naisip ni Madeline na maghintay, pero hindi pa rin kumikilos ang mga kotse kahit pagkatapos ng mahabang oras. Inikot na lang niya ang manibela at nagmaneho papunta sa ibang daan ayon sa panuto ng pulis trapiko. Makakauwi rin sila sa daang ito ngunit malayo-layo ito. Ngunit, nang makapunta siya sa ibang daan, mayroong isang kotseng humarurot papunta sa kanila nang nakabukas ang ilaw nito. Mabilis na inikot ni Madeline ang manibela at inapakan ang preno. Pagkatapos nagmamadaling hininto ang kotse, bumaba siya at binuksan ang pinto sa likuran. "Jack, ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" Kinarga ng nag-aalalang si Madeline ang anak niya at binaba siya ng kotse. Nag-aalala siya na baka nasaktan si Jackson sa biglang pag-preno ngayo
Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Hindi niya inasahan na sisipain siya ni Madeline. Napahiyaw siya sa sakit at kusang bumitaw kay Jackson. Tumakbo si Madeline nang sobrang bilis at sinalo si Jackson habang nalaglag siya. "Jack!" Niyakap ni Madeline nang mahigpit ang batang lalaki. "Mommy, ayos lang po ako. Wag kayong mag-alala," sabi ni Jackson para pakalmahin si Madeline, alam niyang nag-aalala para sa kanya ang kanyang ina. Hindi na nagsayang ng oras si Madeline sa dalawang lalaking iyon, niyakap niya si Jackson at pasakay na sa kotse. Ngunit nang binuksan niya ang pinto para sumakay sa kotse, biglang tinutok ang isang itim na baril sa likod ng kanyang ulo. "Eveline, kailangan mong sumama sa'min kahit hindi mo gusto," nagbanta ang lalaki sa kanyang likuran. Nanlaki ang malilinaw at bilugang mata ni Jackson habang nakatingin sa lalaking tumutok kay Madeline ng baril. Kahit na ganun, hindi nataranta si Madeline. Tinaas niya ang kanyang kampante at magagandang mga mat
Makahulugan niyang sabi, ngunit hindi ito naintindihan ng dalawang bodyguards. Hindi balak ni Carter na magpaliwanag, tumalikod siya at lumabas ng study at nagpunta sa kwarto ni Shirley. Sa sandaling ito, naghahanda ang katulong na punasan ang katawan ni Shirley. Nang makita niyang nandito si Carter, binaba ng katulong ang tuwalyang hawak niya at umalis ng kwarto. Sinulyapan ni Shirley si Carter, at natural, iniwasan niya ang tingin niya nang may pandidiri. Hindi ito pinansin ni Carter. Naglakad siya papunta sa kama, kinuha ang tuwalya na nilapag ng katulong, binasa ito sa palanggana ng maligamgam na tubig, at pinigaan ito. Hawak niya ang isang maligamgam tuwalya at mabagal na nilapitan ang mukha ni Shirley, pero iniwas ni Shirley ang kanyang mukha sa pandidiri. "Alam mong ayaw kitang makita ngayon. Labas." Direkta siyang pinalayas ni Shirley. Sandaling huminto si Carter, pero sa sumunod na segundo, malumanay niyang dinampi ang tuwalya sa mukha ni Shirley. Gusto itong i
Kumirot ang puso ni Madeline. Syempre, alam niya kung gaano kagusto ni Eloise na palakihin siya at alagaan, pero dahil sa ilang mga taong may masasamang motibo, si Madeline, ang anak ng isang mayamang pamilya na mararanasan sana ang karangyaan, ay naging isang sakripisyo para sa ibang tao. Ngunit, hindi masyadong nagsisisi si Madeline. Kahit na sa kasamaang palad ay pinalitan siya noong ipinanganak siya, nakilala niya ang isang mabuting lolo. Kinuha ni Madeline ang mangkok at kubyertos at tinikman ang agahan na niluto ni Eloise para sa kanya. Kinakabahang nanood si Eloise, nag-aalala siya na baka hindi niya naluto nang masarap. Nang makita niya ang kuntentong ngiti na umabot sa mga mata ni Madeline, nakahinga nang maluwag si Eloise. "Kumusta? Nagustuhan mo ba?" Ngumiti si Madeline at tumango. "Nagustuhan ko po. Syempre, magugustuhan ko to. Kasing lasa nito ang pagmamahal ng isang ina." Nang marinig niya ito, uminit ang puso ni Eloise pati na ang gilid ng kanyang mga mata