”Jeremy, wag mo nang isipin ang masasamang alaalang yun. Kasama mo na ako ngayon at ayos lang ako.”Nang marinig niya ito, ngumiti nang malambing si Jeremy tapos tinaas ang kanyang kamay at hinila si Madeline at niyakap nang mahigpit. “Linnie, tanga ako diba? Napagtanto ko lang kung gaano ka kahalaga sa akin sa sandaling iyon. Naibaon mo na ang sarili mo sa puso ko pero hindi ko alam kahit na minahal na kita nang sobra.”Nagsisi nang sobra si Jeremy at sinisi niya ang kanyang sarili. Ngumiti si Madeline at tinaas ang kanyang kamay para tapikin ang likod nito. Marahan siyang nakiramay, “Minsan, mas maraming nakikita ang taong nakikitingin lang. Wag mong sisihin ang sarili mo.”“Syempre, sisisihin ko ang sarili ko at di ko napahalagahan ang ganitong nakakabilib na asawa.” Kahit na palabiro itong sinabi ni Jeremy, totoo ito sa kanya nang sabihin niya ito. Pati si Madeline ay alam kung gaano siya kamahal ng lalaking ito. “Eveline, nasaan si Carter?”Si Camille na nakarating na ay
Tinignan ni Madeline ang sulat na nilabas ni Jeremy mula sa ilalim ng kahon. Nang buksan niya ito, malinaw na mula ito kay Shirley. Mayroon lamang isang linya ng salita sa sulat. “Jeremy, ito ang mga test reagent na makakapag-alis sa natitirang lason sa katawan mo. kapag nangyari yun, babalik sa dati ang kulay ng buhok at mata mo. Sinulat ko dito ang paraan ng paggamit nito sa kahon. Sana gumaling ka na. Patawad.”Kay Shirley ang pirmang ito. Sobrang ganda ng sulat-kamay niya, tulad ng itsura niya. Ngunit sa katotohanan, hindi talaga masama ang kalooban ni Shirley. Pagkatapos basahin ni Madeline at Jeremy ang sulat, tumingin sila ulit sa kahon ng mga test reagent at medyo naantig. Ngunit ngayon, mas gumaan ang pakiramdam ni Madeline. Makakabalik na siya sa dati. … Sa loob ng ospital. Nagising si Shirley mula sa pagkakahimbing niya. Sa gulat niya, nakita niya si Carter sa tabi ng kama habang nakapikit. Hindi pa siya patay. Pumikit si Shirley sa dismaya, tapos da
Naalala niyang tinawag siya nito noon sa ganitong paraan, pero bago pa siya umalis nang walang paalam noon. Bago yun, talagang naging mabait sa kanya si Carter. “Wag kang mag-alala Shirley. Kahit anong mangyari sa’yo, habang buhay kitang aalagaan.”Marahang nangako si Carter. Hindi makapaniwala si Shirley sa narinig niya. Naramdaman pa niyang lumalaktaw ng tibok ang puso niya, at muling tumulo ang luha sa mga mata niya. Si Carter, nang mapansin ang luha sa sulok ng mga mata ni Shirley, ay napahinto habang mukhang masaya at nagulat. “Shirley, gising ka? Gising ka ba?”Ayaw nang ipapatuloy pa ni Shirley ang pagpapanggap. Dahan-dahan niyang dinilat ang basa at mapula niyang mata nang kalmado at nakita ang isang nagagalak na Carter. “Di ko kailangan ang pag-aalaga mo, at hindi ako babalik ng St. Piaf kasama mo. Gusto kong mamatay sa Glendale, mamatay sa pinagmulan ko. Gusto kong mailibing kasama ng mga magulang ko at ng kapatid ko. Si Shirley, habang determinado, ay inilay
Nang paalis na ng bahay si Madeline at Jeremy, nakatanggap ng tawag si Jeremy mula sa isang di-kilalang numero. Sinabi ng babae mula sa kabiang linya na isa siyang nurse mula sa isang ospital. Pagkatapos pakinggan ang sinabi ng nurse mula sa kabilang linya, sinabi ito ni Jeremy kay Madeline at napagpasyahang dumalaw sa ospital. Nasa kama si Shirley habang nakatitig sa orasan sa harapan niya habang lumilipas ang bawat segundo. Sa gitna ng kanyang pagkabahala, bumukas na ang pinto. Akala niya dumating na si Madeline at Jeremy, ngunit ang nagbukas ng pinto at pumasok ay si Carter. Nakita ni Carter ang umaasang tingin sa mga mata ni Shirley ay naging pagkadismaya sa isang iglap. “Sinong inaasahan mo?” Si Carter, nang mapansing nakakapagtaka ito, ay nagtanong at tumingin sa pinto. Hindi nagsalita si Shirley. Habang hindi pinapansin si Carter, pumikit siya at humiga ulit. Nang makita ang pagiging masungit ni Shirley, lumapit si Carter sa tabi ng kama. “Malapit na kitang ibali
Sinabi niya kamag-anak niya si Jeremy at Madeline. Umasa siyang pupunta ang mga ito para sunduin siya, ngunit umaasa ang pala siyang gagawin nila ito para sa kanya. Labis niyang sinaktan ang mga ito. Bakit siya tutulungan ng mga ito? Habang nagigipit si Shirley, lumitaw si Jeremy at Madeline sa harapan niya. Tumingin si Shirley sa palapit na mag-asawa, at nakaramdam siya ng isang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang puso. “Akala ko di kayo pupunta.” Napuno ng pasasalamat at pagsisisi ang mga mata ni Shirley. “Tama na ang usapang ito. Bakit mo kami tinawag?” Diretsong tanong ni Madeline. “Ibabalik ako ni Carter sa St. Piaf sa loob ng isang oras. Ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kanya, kaya umaasa akong mailalayo niyo ako dito.”Nagmamakaawang tumingin si Shirley kay Madeline. “Wala na akong kahit sino sa mundong ito, at wala akong kaibigan. Alam ko rin na hindi kaibigan ang tingin niyo sa akin, pero umaasa lang ako. Pakiusap tulungan niyo ako ngayon lang, para
Ilalayo na ni Madeline at Jeremy si Shirley nang biglang pumasok ng pinto si Camille para pigilan sila. Alam ni Madeline na si Camille ay isang makatwirang tao, kaya lumapit siya at magalang na ngumiti kay Camille. “Madam Gray, isa kang makatwirang tao. Umaasa ako na igagalang mo ang desisyon ni Shirley. Ayw niyang bumalik ng St. Piaf kasama mo.”Nang marinig ni Camille ang sinabi ni Madeline, tumango siya nang maunawain. “Wag kang mag-alala Mrs. Whitman. Di ako nandito para pigilan ka. Nandito lang ako para magtanong kay Ms. Brown.”Ms. Brown. Si Shirley, habang nakahiga sa stretcher, ay sari-sari ang naramdaman nang marinig niya kung paano siya tinawag ni Camille. Hindi pa siya tinawag nang ganito ni Camille. Ang ganitong pagtawag sa kanya ay naglayo sa kanilang dalawa at parang hindi sila magkakilala. Naglalakbay pa ang isipan ni Shirley nang marinig niyang magtanong si Camille, “Ms. Brown, talaga bang sigurado ka nang ayaw mong bumalik ng St. Piaf kasama namin? Sigu
”Kung sa’yo talaga, babalik ito sa’yo kalaunan. Kung hindi, walang kwentang pilitin pa ito.”Kaagad na naalis ng pahayag ni Camille ang liwanag sa mata ni Carter. “Hayaan mo na siya. Umuwi na rin tayo.”Pagkatapos marinig ang sinabi ni Camille, tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Shirley habang unti-unting nawawalan ng pokus ang mga mata niya. … Ayon sa hiling ni Shirley, dinala ni Madeline at Jeremy si Shirley pabalik sa kung saan nakatira dati si Adam. Ito ang bahay na iniwan ng mga magulang nila para sa kanila. Pagpasok ng bahay, inilapag nila si Shirley sa kwartong dati niyang ginamit. Noon, tatlong tao lamang ang nakatira sa bahay na ito, kaya ito ay hindi naging isang masiglang lugar. Ngunit kumpara noon, parang sobrang lamig at lungkot na ng bahay na ito para kay Shirley. Inisip ni Madeline na si Shirley, sa kasalukuyan niyang kalagayan ay dapat may nag-aalaga sa kanya, ngunit tinanggihan ni Shirley ang kabutihang-loob ni Madeline. Ayaw niyang may
Pagkatapos itabi ang unan, napansin ni Carter na isa itong kwaderno. Walang-dudang ito ang kwadeno ni Shirley; nakikilala niya ang sulat-kamay nito sa isang sulyap lang. Binuksan ito ni Carter para tingnan ito nang mapagtanto niyang maaaring ito ang diary ni Shirley. Ngunit ipinakita ng laman nito kung paano niya sinimulang gawin ang anti-toxoid test reagent para sa AXT69. Tinala niya ang datos ng eksperimento niya araw-araw. Mula rito, masasabi niyang pinaghirapan ni Shirley ang paggawa ng anti-toxoid test reagent. Tinatala niya ang bawat maliit na detalye nang maigi para makuha niya ang perpektong datos. Matiyagang binasa ni Carter ang bawat pahina. Nang marating niya ang huling pahina, iyon na ang araw na nakumpleto na ang anti-toxoid test reagent para sa AXT69… Nakita ni Carter na sinulatan ni Shirley ang ibaba ng datos. Pagkatapos mabasa ang mga salitang iyon, namula ang mata niya at kaagad na humigpit ang pagkakahawak niya sa kwaderno at isang madilim at nagbabagang p