Sinuri ni Madeline ang natatarantang mukha ni Ada at kalmadong naglabas ng isang bagay mula sa kanyang bulsa.“Mrs. Gray, pwede ba akong makiusap sa’yo na lakihan mo ang mata mo at tingnan mo ito nang maigi. Sa’yo ba ito?”Sabay-sabay na bumaling ang tingin ng lahat sa bagay na nasa pagitan ng daliri ni Madeline na nakabalot ng plastic. Kaagad ding tumingin si Ada sa bagay na ito. Nang makita niya ang kwintas sa kamay ni Madeline, kusa siyang napahawak sa kanyang leeg. “Ang reaksyon mo, Mrs. Gray ay nagkukumpirmang sa’yo talaga ang kwintas na ito.”“... Eveline, ang kapal ng mukha mong nakawin ang kwintas ko!” Sumagot si Ada. Ngunit hindi natitinag si Madeline. Tinignan niya nang masama si Ada na nagrereklamo at kalmadong lumapit kay Ada. “Hindi ko ninakaw ang kwintas na ito. Napulot ko ito sa pinangyarihan ng sunog sa araw na nangyari ito.”“...”Nataranta si Ada sa sandaling ito.Hindi niya alam kung kailan niya nawala ang kwintas at hindi rin niya maalala kung saan niy
Hindi inasahan ng nanay ni Ada na tatalikuran siya ni Ada sa sandaling ito! Nanlaki sa gulat ang mata niya nang titigan niya ang babaeng sinisigawan siya sa harapan niya. “Ideya mo ang lahat ng ito! Sinabi mo sa akin basta sunugin ko na lang si Adam. Sinabi mo sa akin na kapag patay na siya, di na gagaling si Shirley! Maaaring ikagalit niya ito nang sobra at baka hindi na rin makaligtas ang bata sa kanyang tiyan!”“...”Habang nilalabas ang lahat ng galit niya sa kanyang nanay, naibunyag ni Ada kung paano siya inutusan ng nanay niya na gawin ang krimeng ito. “Ano? Ikaw pala ang nag-udyok sa kanyang gawin ito? Ang galing niyong dalawa. Kayong mag-ina!” Nagulat si Camille sa sinabi ni Ada. Kaagad na naging berde ang mukha ng nanay ni Ada. Natatakot din siya na baka arestuhin siya ng mga pulis, ngunit mas natatakot siya na baka pahirapan siya ni Carter dahil dito. Ngunit si di kumilos si Carter kahit nagbabaga ang galit sa mga mata niya. Kahit na isa siyang masamang tao, hin
Kaagad na hinablot ni Jeremy ang balikat ni Madeline at hinila ito sa pagkakayakap niya, tapos tinaas niya ang kanyang binti at walang-awang sinipa sa sikmura ni Ada. “Ah!”Napasigaw sa sakit si Ada at muling nahulog sa sahig. Tumama sa sahig ang bibig niya, at kaagad na napuno ng lasa ng dugo ang bibig niya.“Eveline!” Tinikom ni Ada ang kamao niya sa inis. “Ang kapal ng mukha mong pagbintangan ako!”“Pagbintangan ka? Tingin ko di ka naman karapat-dapat. Ang kalahati ng dahilan kung bakit tumatalab ang mga taktika ko ay dahil tanga ka, at ang kalahati naman ay dahil aminado ka ginawa mo yun. Kung hindi mo yan ginawa, di ka sana magkakaganito.”“...” Humiga sa sahig si Ada nang galit niyang kagatin ang kanyang madugong labi. Mukhang puno ng lason ang mata niya. Gustong-gusto niyang lunurin sa lason si Madeline. “Eveline, p*ta ka! “P*ta! “Palagi mong sinisira ang mga plano ko! Susumpain kita! Magiging malala ang pagkamatay mo!”“Tumahimik ka! Kung gumagana ang sumpa, nama
Makikipag-usap na si Carter kay Jeremy nang bigla niyang marinig ang sigaw ng katulong mula sa taas. Nang tumalikod siya, narinig din niya ang isang malakas na kalabog mula sa hagdan na parang may mabigat na gumugulong pababa ng hagdan. Ang itaas niya ang kanyang tingin para tingnan ito nang malapitan, nakita niyang ito ay si Shirley na nalalaglag ng hagdan kasama ang kanyang wheelchair, at natulala siya. “Shirley!” Habang natataranta, sumugod si Carter kay Shirley na nalaglag sa hagdan. Nagmadali din lumapit si Camille. Nagulat din si Madeline at Jeremy. Sa kabila ng lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Shirley, hindi sila tumingin ng masama mula sa gilid. Tumayo nang diretso ang katulong sa unang palapag na parang isang statwa nang panoorin niyang malaglag pababa ng hagdan si Shirley. Paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Carter na bantayan niya nang maayos si Shirley, pero ngayong nalaglag na sa hagdan si Shirley kasama ng kanyang wheelchair, nag-aalala ang katulong na
”Patawad. Sana di pa huli ang lahat para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko.”Nang marinig ang sinabi ni Shirley, medyo naantig si Madeline at Jeremy mula sa kailaliman ng kanilang puso. “Wag ka nang magsalita. Kung alam ito ni Adam, hindi niya rin gugustuhing magkaganito ka. Pumunta na tayo ng ospital.”Nag-alok si Madeline ngunit bahagyang umiling si Shirley habang nagsisimula na siyang mapapikit sa pagod. “Namimiss ko na ang mga magulang ko at ang kapatid ko. Gusto ko ring humingi ng tawag sa babaeng matagal nang nag-aalaga sa akin…”Pumikit si Shirley. Tumulo ang mainit na luha mula sa sulok ng kanyang mata. Namula ang mata ni Carter nang maiyak siya. “Shirley, naaalala mo lang ang mga magulang mo, ang kapatid mo, at si Cathy na hindi mo naman kamag-anak. Pero paano naman ako? Naisip mo man lang ba ang anak natin?”“Heh.”Pumikit si Shirley at tumawa. “Wala tayong anak. Noon pang itinadhanang mamatay ang batang ito sa tiyan ko noong simula pa lang.”“...”Muling tu
Mula sa pagkabahala sa tono at sinabi ni Carter, naririnig ni Madeline kung gaano nito hinihiling na sana ayos lang ang bata sa tiyan ni Shirley. Ngunit ang natanggap niya ay ang malungkot na pag-iling ng doktor. “Anong relasyon mo sa pasyente?” Tanong sa kanya ng doktor. Mukhang natulala si Carter sa tanong. Sino ba si Shirley para sa kanya? Asawa ba siya nito? Hindi. Ngunit ipinagbubuntis nito ang anak niya. Kasintahan niya? Hindi rin. Hindi niya ito kailanman pinangakuan tulad ng ginagawa ng mga magkasintahan. Ang relasyon nila ay hindi na mailalarawan sa madaling salita. Nagtaka ang doktor nang makita nito si Carter na hindi nagsasalita nang matagal. Tapos nagsalita na si Carter. “Ako ang… kasintahan niya.”‘Tama ba? ‘Mahal pa rin naman niya ako diba?’Inisip ni Carter habang pinapakalma niya ang kanyang sarili. Nang marinig ito ng doktor, ang unawa niya dito ay bilang mag-asawa. “Sir, ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang bata sa tiyan ng asawa
”Jeremy, wag mo nang isipin ang masasamang alaalang yun. Kasama mo na ako ngayon at ayos lang ako.”Nang marinig niya ito, ngumiti nang malambing si Jeremy tapos tinaas ang kanyang kamay at hinila si Madeline at niyakap nang mahigpit. “Linnie, tanga ako diba? Napagtanto ko lang kung gaano ka kahalaga sa akin sa sandaling iyon. Naibaon mo na ang sarili mo sa puso ko pero hindi ko alam kahit na minahal na kita nang sobra.”Nagsisi nang sobra si Jeremy at sinisi niya ang kanyang sarili. Ngumiti si Madeline at tinaas ang kanyang kamay para tapikin ang likod nito. Marahan siyang nakiramay, “Minsan, mas maraming nakikita ang taong nakikitingin lang. Wag mong sisihin ang sarili mo.”“Syempre, sisisihin ko ang sarili ko at di ko napahalagahan ang ganitong nakakabilib na asawa.” Kahit na palabiro itong sinabi ni Jeremy, totoo ito sa kanya nang sabihin niya ito. Pati si Madeline ay alam kung gaano siya kamahal ng lalaking ito. “Eveline, nasaan si Carter?”Si Camille na nakarating na ay
Tinignan ni Madeline ang sulat na nilabas ni Jeremy mula sa ilalim ng kahon. Nang buksan niya ito, malinaw na mula ito kay Shirley. Mayroon lamang isang linya ng salita sa sulat. “Jeremy, ito ang mga test reagent na makakapag-alis sa natitirang lason sa katawan mo. kapag nangyari yun, babalik sa dati ang kulay ng buhok at mata mo. Sinulat ko dito ang paraan ng paggamit nito sa kahon. Sana gumaling ka na. Patawad.”Kay Shirley ang pirmang ito. Sobrang ganda ng sulat-kamay niya, tulad ng itsura niya. Ngunit sa katotohanan, hindi talaga masama ang kalooban ni Shirley. Pagkatapos basahin ni Madeline at Jeremy ang sulat, tumingin sila ulit sa kahon ng mga test reagent at medyo naantig. Ngunit ngayon, mas gumaan ang pakiramdam ni Madeline. Makakabalik na siya sa dati. … Sa loob ng ospital. Nagising si Shirley mula sa pagkakahimbing niya. Sa gulat niya, nakita niya si Carter sa tabi ng kama habang nakapikit. Hindi pa siya patay. Pumikit si Shirley sa dismaya, tapos da