Akala ni Carter may problema siya sa pandinig, ngunit talagang sinabi ito ni Shirley. “Di mo ito anak? Shirley, alam mo ba ang sinasabi mo?” Tanong ni Carter habang nagpipigil ng galit. Nanatiling walang pakialam si Shirley nang ngumiti siya at sumagot, “Ulyanin ka ba Carter? Kanina sa loob ng study room, malinaw kong sinabi na ang sanggol ay isa lamang taya kapalit ng anti-toxoid test reagent formula. Isa lamang taya. Nauunawaan mo ba?” “Ikaw…” Sa unang pagkakataon, walang masabi si Carter dahil galit na galit siya. Habang abala siya, sinamantala ni Shirley ang pagakakataon para hablutin ang kahon mula sa kamay niya. Nang makawala sa pagkatuliro niya, nakita ni Carter si Shirley na hinahawakan nang mahigpit ang kahon. Natawa siya dito.Hindi man lang siya magkakataon ng pagkakataong hawakan ito kung wala siyang balak na ibigay ito sa kanya. “Shirley, ngayong nandito na siya sa Gray Manor, wag ka nang umasang makakaalis ka pa. Pwede mong gawin ang anti-toxoid test reag
Noong una, inakala ni Cathy na napagpasyahan ni Shirley na manatili dahil may nararamdaman pa si Shirley para kay Carter. Hindi niya inashang may ganito palang iniisip si Shirley sa desisyon niya. Gayunpaman, nag-alala pa rin si Cathy. “Pero kapag hindi ka umuwi, di ka makikita ni Adam at mag-aalala siya.” Nang marinig ang mga sinabi ni Cathy, itinaas ni Shirley ang kanyang tingin at tumingin sa harapan. Mayroong bugso ng sariwang hangin, at mukhang nagkaroon ng ngiti sa mukha ni Shirley. Isang kakaibang maamong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. “Alam kong talagang nag-aalala siya para sa akin. Noon pa siyang may malambot na puso at nagbabantay sa akin nang hindi pinapaalam sa akin. Pero dapat kong pagbayaran ang mga kasalanan ko. Oras na para tumigil ako sa pang-aabala sa kapatid ko.” Nang magsalita si Shirley, mapayapa ang tono niya, salungat ng bagsik niya kapag kaharap niya si Adam. Sa sandaling ito, nagsimulang maramdaman ni Cathy na hindi walang-puso si Shirley.
Nagdilim ang mukha ni Camille nang marinig niya ang mga salitang ito. Habang naiinis, itinaas niya ang kanyang tingin at nakita niya ang nanay ni Ada na naglalakad nang arogante patungo kay Shirley.“Kung ayaw mong kumalat ang pangyayaring ito Shirley, umalis ka na dito ngayon na. Wag kang umasang magiging myembro ka ng pamilyang ito dahil lang ipinagbubuntis mo ang tiyanak na yan sa sikmura mo.” Naningkit ang mata ni Ada at ibinaling ang nanlilisik niyang titig kay Shirley. “Sinasabi ko sa’yo. Kapag nangahas ka pang agawin ang asawa ng anak ko, di ka lang malulumpo, mapaparalisa din ang buong katawan mo!” Hindi natinag si Shirley sa ganitong harapang pananakot. Ano pa bang katatakutan niya sa puntong ito? Ngunit lumapit si Camille para ipagtanggol si Shirley bago pa siya makapagsalita. Si Camille, habang galit ang kanyang mukha, ay tumingin sa nanay ni Ada at binalaan ito. “Mabuti pa at huwag kang magpadalos-dalos. Nakita mo naman ang ginawa ni Carter kanina. Kapag may
”Si Dr. Lane ay ang family doctor ng Gray family na bihasa sa lahat ng larangan. Alinsunod sa utos ni Camille, sinuri niya nang maigi ang buong katawan ni Shirley. Noong una akala ni Shirley na nagpasuri si Camille dahil hindi naniniwala si Camille na buntis si Shirley. Ngunit hindi inakala ni Shirley na nakiusap si Camille sa doktor na tingnan ang kanyang binti at sugat sa mukha. Si Dr. Lane ay isang magaling na general practitioner, ngunit pagkatapos suriin ang pinsala sa binti ni Shirley at ang sugat niya sa mukha, nagkaroon ng alinlangan sa mukha nito. Sa kabila nito, hindi nabahala si Shirley at alam na alam niya ang mga sirkumstansya. Higit pa rito, kahit na hindi siya sigurado sa kalagayan ng kanyang binti, kampante siyang maaasikaso ni Adam ang sugat sa kanyang mukha. Napansin ni Camille ang pag-aalinlangan ni Dr. Lane. habang iniisip ang Damdamin ni Shirley, sinadya ni Camille na makipag-usap na lang sa doktor sa tapat ng kwarto. Sa sandaling ito, dumating si Car
Nang mapagtantong dumating nang handa si Carter, medyo kinabahan si Shirley. Mas alam niya kumpara kahit kanino ang lakas ng hipnotismo ni Carter. Minsan hindi niya pa kailangan ng gamit at kaya niyang manipulahin ang emosyon ng tao sa isang tingin lang at nawawala sa sarili ang taong ito sa teritoryo niya. Nagkaroon ng bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Shirley. Ngumiti ito nang ilapit niya ang kanyang madilim na mata kay Shirley at tinitigan ito. “Shirley, kung talagang hindi ka nagsisinungaling, tumingin ka nang maigi sa mga mata ko ngayon na.” Biglang naging kasing-amo ng simoy ng hangin sa tagsibol ang boses ni Carter. Isa itong masarap na pakiramdam na makakapagpalabas sa emosyon ng isang tao at unti-unting hahayaan ang imahinasyon nila na mapunta sa isang komportableng kalagayan. Si Shirley na nakramdam na sinusubukan siyang gamitan ng hipnotismo ni Carter ay kusang lumingon para iwasan ang tingin ni Carter, ngunit hinawakan nito nang mahigpit ang baba niya.
Ngunit ayaw man lang tumingin ni Carter sa kanya. “Mula ngayon, ikaw na ang bahala sa pag-aalaga kay Shirley, kasama na ang pagkain at araw-araw na pangangailangan niya. Kapag sumama ang pakiramdam ni Shirley o kapag nasaktan ang bata sa tiyan niya sa kahit anong paraan, ikaw ang malalagot dito.” “... A… Ano?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Ada. “Gusto mong ako ang umasikaso sa pagkain at araw-araw na pangangailangan ni Shirley? Diba magiging katulong niya ako kung ganon?”Kapag nandito si Carter, laging binabalak ni Ada na magmukhang matukas at elegante, ngunit kaagad na nailabas ng salita ni Carter ang tunay niyang ugali. Tumingin si Carter nang walang pakialam kay Ada. “Pwedeng huwag mo na lang itong gawin. Kailangan mo lang maging handa na mula noon, mararanasan mo ang paghihirap na nararanasan ni Shirley.” “...” Namutla ang mukha ni Ada nang marinig niya ito. Kaparehong paghihirap ni Shirley? Sira ang mukha? Lumpo? Di maaari! Di niya rin ito kakayanin! “Ca
Pagkatapos ilahad ni Fabian ang inis niya sa tao sa phone, handa na siyang putulin ang linya. Sa sandaling ito, ang malalim na boses ng isang lalaki ay narinig sa linya. “Wag mong kalimutan Fabian. Kung hindi ko sinabi sa’yo ang totoo, di mo sana malalaman ang totoo kay Jeremy at Madeline.” Nang mabanggit ito, humigpit ang hawak ni Fabian sa phone. “May sarili kang pakay nang sinabi mo ang lahat ng ito sa akin. Tingin mo ba maniniwala pa rin ako na nagiging mabuting tao ka lang?” Naiinis na sumagot si Fabian. “Diretsuhin mo na lang ako at sabihin mo sa akin kung anong pakay mo. Ayaw ko nang magkaroon ng balita tungkol sa’yo.” Nilinaw ni Fabian ang saloobin niya. Makalipas ang ilang segundo, narinig sa linya ang kampanteng boses ng lalaki. “Alam kong nasa F Country pa rin si Jeremy at Eveline. Ang gusto kong malaman ay ano na bang kalagayan ni Eveline ngayon?” Nang marinig ang boses, nanahimik ang paligid ni Fabian, tapos sinabi ni Fabian, “Maayos ang lagay niya. Kasam
"Tsaka, mas maganda na ang kondisyon niya kaysa sa iniisip mo." Hindi makapaniwala si Jeremy sa mga sinasabi ni Fabian. “Fabian, ikaw pala talaga ang kumuha kay Lillian, pero tinanggi mo yun kay Linnie.”Sa halip na makipagtalo siya, umamin na lamang si Fabian, “Oo, kinuha ko si Lillian, at hindi ko pa rin siya ibabalik sayo.”Naguluhan si Jeremy noong narinig niya ito. “Fabian, ano ba talagang gusto mo?”Nagkibit-balikat si Fabian, mukhang wala siyang pakialam.“Gusto kong ipagamot ang anak mo.”Pagkatapos niyang pakinggan ang sagot ni Fabian, hindi alam ni Jeremy kung ano ang magiging reaksyon niya, at pagkatapos ay narinig niya na seryosong nagsalita si Fabian.“Jeremy, kahit na ibalik ko sayo si Lillian, hindi mo maibibigay sa kanya ang pinakamabisang lunas, pero ako kaya ko.“Kaya, dapat isama mo na muna pabalik sa Glendale si Eveline. Mananatili dito si Lillian kasama ko at ipapagamot ko siya. Alam ko na hindi makakabuti kay Eveline na magkikikilos ngayon. Ipapahanda k