Nang mapagtantong dumating nang handa si Carter, medyo kinabahan si Shirley. Mas alam niya kumpara kahit kanino ang lakas ng hipnotismo ni Carter. Minsan hindi niya pa kailangan ng gamit at kaya niyang manipulahin ang emosyon ng tao sa isang tingin lang at nawawala sa sarili ang taong ito sa teritoryo niya. Nagkaroon ng bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Shirley. Ngumiti ito nang ilapit niya ang kanyang madilim na mata kay Shirley at tinitigan ito. “Shirley, kung talagang hindi ka nagsisinungaling, tumingin ka nang maigi sa mga mata ko ngayon na.” Biglang naging kasing-amo ng simoy ng hangin sa tagsibol ang boses ni Carter. Isa itong masarap na pakiramdam na makakapagpalabas sa emosyon ng isang tao at unti-unting hahayaan ang imahinasyon nila na mapunta sa isang komportableng kalagayan. Si Shirley na nakramdam na sinusubukan siyang gamitan ng hipnotismo ni Carter ay kusang lumingon para iwasan ang tingin ni Carter, ngunit hinawakan nito nang mahigpit ang baba niya.
Ngunit ayaw man lang tumingin ni Carter sa kanya. “Mula ngayon, ikaw na ang bahala sa pag-aalaga kay Shirley, kasama na ang pagkain at araw-araw na pangangailangan niya. Kapag sumama ang pakiramdam ni Shirley o kapag nasaktan ang bata sa tiyan niya sa kahit anong paraan, ikaw ang malalagot dito.” “... A… Ano?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Ada. “Gusto mong ako ang umasikaso sa pagkain at araw-araw na pangangailangan ni Shirley? Diba magiging katulong niya ako kung ganon?”Kapag nandito si Carter, laging binabalak ni Ada na magmukhang matukas at elegante, ngunit kaagad na nailabas ng salita ni Carter ang tunay niyang ugali. Tumingin si Carter nang walang pakialam kay Ada. “Pwedeng huwag mo na lang itong gawin. Kailangan mo lang maging handa na mula noon, mararanasan mo ang paghihirap na nararanasan ni Shirley.” “...” Namutla ang mukha ni Ada nang marinig niya ito. Kaparehong paghihirap ni Shirley? Sira ang mukha? Lumpo? Di maaari! Di niya rin ito kakayanin! “Ca
Pagkatapos ilahad ni Fabian ang inis niya sa tao sa phone, handa na siyang putulin ang linya. Sa sandaling ito, ang malalim na boses ng isang lalaki ay narinig sa linya. “Wag mong kalimutan Fabian. Kung hindi ko sinabi sa’yo ang totoo, di mo sana malalaman ang totoo kay Jeremy at Madeline.” Nang mabanggit ito, humigpit ang hawak ni Fabian sa phone. “May sarili kang pakay nang sinabi mo ang lahat ng ito sa akin. Tingin mo ba maniniwala pa rin ako na nagiging mabuting tao ka lang?” Naiinis na sumagot si Fabian. “Diretsuhin mo na lang ako at sabihin mo sa akin kung anong pakay mo. Ayaw ko nang magkaroon ng balita tungkol sa’yo.” Nilinaw ni Fabian ang saloobin niya. Makalipas ang ilang segundo, narinig sa linya ang kampanteng boses ng lalaki. “Alam kong nasa F Country pa rin si Jeremy at Eveline. Ang gusto kong malaman ay ano na bang kalagayan ni Eveline ngayon?” Nang marinig ang boses, nanahimik ang paligid ni Fabian, tapos sinabi ni Fabian, “Maayos ang lagay niya. Kasam
"Tsaka, mas maganda na ang kondisyon niya kaysa sa iniisip mo." Hindi makapaniwala si Jeremy sa mga sinasabi ni Fabian. “Fabian, ikaw pala talaga ang kumuha kay Lillian, pero tinanggi mo yun kay Linnie.”Sa halip na makipagtalo siya, umamin na lamang si Fabian, “Oo, kinuha ko si Lillian, at hindi ko pa rin siya ibabalik sayo.”Naguluhan si Jeremy noong narinig niya ito. “Fabian, ano ba talagang gusto mo?”Nagkibit-balikat si Fabian, mukhang wala siyang pakialam.“Gusto kong ipagamot ang anak mo.”Pagkatapos niyang pakinggan ang sagot ni Fabian, hindi alam ni Jeremy kung ano ang magiging reaksyon niya, at pagkatapos ay narinig niya na seryosong nagsalita si Fabian.“Jeremy, kahit na ibalik ko sayo si Lillian, hindi mo maibibigay sa kanya ang pinakamabisang lunas, pero ako kaya ko.“Kaya, dapat isama mo na muna pabalik sa Glendale si Eveline. Mananatili dito si Lillian kasama ko at ipapagamot ko siya. Alam ko na hindi makakabuti kay Eveline na magkikikilos ngayon. Ipapahanda k
Nang makita niya si Carter, namutla ang mukha ni Ada, at tinikom niya ang bibig niya sa sobrang pagkataranta niya.Dinaanan ng malalim at malamig na mga mata ni Carter ang mukha ni Ada bago ito bumaling kay Shirley.“Gising ka na pala.”Tumawa lamang si Shirley. “Mr. Gray, mahusay ang paningin mo. Tama ka. Gising na ako.”“...” Hindi interesado si Carter na makipagtalo kay Shirley kahit na alam niyang sinasadya ni Shirley na insultuhin siya.“Tutal gising ka na, bumangon ka na. Pupunta tayo sa ospital para sa isang full examination.”Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Carter kay Ada at umalis.Alam ni Ada na pinaaalalahanan siya ni Carter na asikasuhin ang mga pangangailangan ni Shirley nang bumangon sa higaan si Shirley.Hindi napansin ni Shirley ang tingin ni Carter kay Ada, ngunit naramdaman niya na gumanda ang asal ni Ada pag-alis ni Carter.Inutusan pa nga ni Ada ang isang tagapagsilbi na paliguan at bihisan si Shirley. Sa huli, ngumiti pa si Ada noong tinanong niy
Sinadya ni Shirley na sabihin ang mga bagay na iyon sa pag-asang titigil na si Carter sa pagdala sa kanya sa mga medical examination, ngunit sineryoso ni Carter ang mga sinabi niya.Dalawang araw na ginalugad ni Adam ang buong bayan nang mapansin niya na nawawala si Shirley.Habang pinapanood niya si Adam, sumama ang loob ni Cathy.Lumalabas na may plano na si Shirley bago pa siya nagpunta sa Gray Manor.Nag-iwan siya ng sulat para kay Adam na nagsasabing umalis siya dahil hindi na siya interesadong manatili kasama si Adam at ayaw na niya siyang makitang muli.Ngunit, yung totoo, humingi siya ng tulong kay Cathy bago siya umalis ng bahay.Habang pinagmamasdan ni Cathy si Adam na hinahanap si Shirley kung saan-saan, hindi mapakali ang kanyang puso.Kasunod ng dalawang araw ng pag-iisip ng maigi, nagdesisyon si Cathy na sabihin kay Adam ang nalalaman niya.“Adam, pasensya na talaga. Ako ang naglabas kay Shirley.”Aalis na sana ng bahay si Adam upang hanapin ulit si Shirley noong
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Carter noong narinig niya ang mga sinabi ni Adam, ngunit agad din itong naglaho. Ngumiti si Carter at nang-iinsulto siyang sumagot, "Mukhang hindi ka lang umuupo sa clinic mo at nag-eeksperimento, Dr. Brown; pinag-aaralan mo rin ang buhay ng ibang tao.""Hindi ako interesado sa mga ginagawa mo sa buhay mo. Nagkataon lang na may nakita akong mga bagay na hindi kanais-nais at inusisa ko ang mga ito." Ngumiti si Carter, ngunit sa pagkakataong ito, hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting ito. Paglipas ng sampung minuto, huminto ang kotse sa Gray Manor.Bumaba sa kotse si Adam at tumakbo siya sa pasilyo kasama si Cathy.Habang kinakabahan si Adam, hindi naman mapakali si Cathy at nakokonsensya rin siya.Siguro ay hindi dapat siya pumayag na magpaiwan si Shirley noong isang araw. Kapag may nangyari kay Shirley, isa siya sa mga dapat sisihin.Subalit, noong pumasok sa mansyon sila Cathy at Adam, nagulat sila nang makita nila si Shirley na nakaupo
Naintindihan ito ng mga bodyguard. Agad silang lumapit at hinila palayo si Adam ng buong lakas.Walang ibang kasama si Adam, kaya sinuntok niya ang isa sa mga bodyguard.Hindi ito nasalag ng bodyguard at tinamaan siya ni Adam. Sa sobrang inis, sinubukan ng bodyguard na bawian si Adam.Sa sobrang galit ni Shirley, sumigaw siya upang pahintuin sila.“Huwag mo siyang sasaktan!”Huminto agad ang bodyguard nang magsalita si Shirley.Nagulat si Adam sa ginawa ni Shirley, ngunit wala siyang oras para pag-isipan ito. Mabilis niyang iniwasan ang isa pang bodyguard at nagpatuloy siya sa pagtulak sa wheelchair ni Shirley.Nang makita nila ito, agad na hinabol ng dalawang bodyguard sila Adam upang pigilan siya.“Huwag niyo siyang hahawakan!” Muli silang pinatigil ni Shirley. Nagsimula siyang makaramdam ng inis. Tumingin siya ng masama kay Carter at nagsalita, “Carter, sabihin mo sa mga tauhan mo na layuan nila sila. Hindi ako aalis, pero kailangan mo silang paalisin.”Mahinahong tumingin