Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Carter noong narinig niya ang mga sinabi ni Adam, ngunit agad din itong naglaho. Ngumiti si Carter at nang-iinsulto siyang sumagot, "Mukhang hindi ka lang umuupo sa clinic mo at nag-eeksperimento, Dr. Brown; pinag-aaralan mo rin ang buhay ng ibang tao.""Hindi ako interesado sa mga ginagawa mo sa buhay mo. Nagkataon lang na may nakita akong mga bagay na hindi kanais-nais at inusisa ko ang mga ito." Ngumiti si Carter, ngunit sa pagkakataong ito, hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting ito. Paglipas ng sampung minuto, huminto ang kotse sa Gray Manor.Bumaba sa kotse si Adam at tumakbo siya sa pasilyo kasama si Cathy.Habang kinakabahan si Adam, hindi naman mapakali si Cathy at nakokonsensya rin siya.Siguro ay hindi dapat siya pumayag na magpaiwan si Shirley noong isang araw. Kapag may nangyari kay Shirley, isa siya sa mga dapat sisihin.Subalit, noong pumasok sa mansyon sila Cathy at Adam, nagulat sila nang makita nila si Shirley na nakaupo
Naintindihan ito ng mga bodyguard. Agad silang lumapit at hinila palayo si Adam ng buong lakas.Walang ibang kasama si Adam, kaya sinuntok niya ang isa sa mga bodyguard.Hindi ito nasalag ng bodyguard at tinamaan siya ni Adam. Sa sobrang inis, sinubukan ng bodyguard na bawian si Adam.Sa sobrang galit ni Shirley, sumigaw siya upang pahintuin sila.“Huwag mo siyang sasaktan!”Huminto agad ang bodyguard nang magsalita si Shirley.Nagulat si Adam sa ginawa ni Shirley, ngunit wala siyang oras para pag-isipan ito. Mabilis niyang iniwasan ang isa pang bodyguard at nagpatuloy siya sa pagtulak sa wheelchair ni Shirley.Nang makita nila ito, agad na hinabol ng dalawang bodyguard sila Adam upang pigilan siya.“Huwag niyo siyang hahawakan!” Muli silang pinatigil ni Shirley. Nagsimula siyang makaramdam ng inis. Tumingin siya ng masama kay Carter at nagsalita, “Carter, sabihin mo sa mga tauhan mo na layuan nila sila. Hindi ako aalis, pero kailangan mo silang paalisin.”Mahinahong tumingin
Noong narinig ni Adam ang mga sinabi ni Carter, hindi niya mapigilang mainsulto.“Bakit naman ako magkakaroon ng parehong layunin sa isang taong gaya mo?”“Sigurado ka ba?” Binalik ni Carter ang tanong kay Adam ng nakangiti. “Ayaw mo bang ayusin ang pilat sa mukha ng kapatid mo? Ayaw mo ba siyang makita na makatayo ulit balang araw?”Sandaling natulala si Adam nang marinig niya ang sinabi ni Carter.Yung totoo, hindi niya inasahan na dadalhin siya dito ni Carter dahil dito.Nagulat din si Cathy sa kanyang narinig, ngunit tila makatwiran ito para sa kanya.Noon pa man, naramdaman na ni Cathy na may nararamdaman si Carter para kay Shirley, ngunit nakatago ang mga emosyon niya.Subalit, hindi alam ni Shirley kung ano ang dahilan kung bakit dinala ni Carter sila Adam at Cathy sa Gray Manor. Nasa kwarto na niya si Shirley, nag-iisip siya kung bababa ba siya ulit noong pumasok sa kwarto niya si Ada.Noong nakita ni Ada ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Shirley, ngumiti si Ada,
”Tama na ‘tong walang kwetang usapan na ‘to,” Biglang nagsalita si Shirley, “Layuan mo na lang ako. Huwag na huwag mong pagbabalakan ng masama ang batang nasa sinapupunan ko. Kung hindi, ipaparanas ko sayo kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng isang binti o ang masira ang mukha mo.”“Pinagbabantaan mo ba ako?” Nagalit si Ada; dumilim at pumangit ang ekspresyon niya. “Sa tingin mo ba magagawa mo na ang anumang gusto mo dahil pinagbubuntis mo ang anak ni Carter? Sinasabi ko sayo, Shirley. Kung gusto kong patayin yang bata sa sinapupunan mo, hindi ko na kakailanganin pang kumilos. Maghintay ka lang!”Galit na galit na binalaan ni Ada si Shirley. Aalis na sana si Ada, ngunit nakatayo si Camille sa tapat ng pintuan ng kwarto.“...” Agad na namutla ang mukha ni Ada. Hindi niya alam ang gagawin niya habang pinagmamasdan niya si Camille na papasok ng kwarto. “Mom.”Tumingin ng masama si Camille kay Ada. “Ano na? Dahil hindi mo kailangang kumilos, kaninong kamay ang gagamitin mo para patayi
Nanay ng anak niya.Nanginig ang puso ni Shirley sa mga salitang ito.Naguguluhang tumingin si Shirley kay Carter at sinabing, “Huwag mo siyang pagbabalakan ng masama.”Binalaan ni Shirley si Carter; seryoso ang kanyang ekspresyon.“Iba siya satin. Huwag mo siyang saktan.”Noong narinig ni Carter ang mga sinabi ni Shirley, kumibot ang mga labi niya, nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi.“Tayo? Kung ganun, iniisip mo pa rin na may relasyon tayo.”“...” Hindi makapagsalita si Shirley. Hindi niya inasahan na papansinin ni Carter ang ganun kaliit na detalye.Pagkatapos ay narinig niya na nagpatuloy sa pagsasalita si Carter."Dati, parang nagseselos ka at galit na galit ka kay Adam noong magkasama tayo. Pero ngayon, mukhang kinakabahan ka at nag-aalala ka para sa kapatid mo. Mahirap ka talagang maintindihan." Nang marinig ni Shirley ang mga pang-iinsulto ni Carter, tumingin si Shirley sa mga mata ni Carter at nagpanggap siya na wala siyang pakialam. "Sinabi ko na sayo noon. G
Tumingin si Shirley kay Ada. "Ipapaalam sayo ni Carter ang mga ginagawa niya?" Natawa si Ada. Hindi ba pwedeng nalaman ko kahit na ayaw niyang malaman ko? Kung hindi ka naniniwala sakin, huwag mo akong sundan. "Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Ada at naglakad siya sa hardin. Pagsilip niya sa likod niya, nakita niya si Shirley na sumusunod sa kanya. Napangiti si Ada, masaya siya na gumana ang plano niya. Napansin ni Shirley ang pagngisi ni Ada, ngunit hindi na nagpaabala si Shirley dito. Ito ang Gray Manor. Kahit na may tapang pa ng mga diyos si Ada, hindi siya mangangahas na saktan si Shirley.Subalit, nagulat si Shirley sa kung gaano kalaki ang villa. Kahit na ilang minuto na silang naglalakad, nasa hardin pa rin sila.Alam niya na pinaghirapan ni Carter na makuha ang Glendale.Nagsisimula nang maghanda si Carter noong inutusan siyang lumapit kay Jeremy.Noon pa man ay isa na siyang tao na tanging tagumpay lamang ang tinatanggap–hindi siya makakapayag na mabigo; h
Noong narinig ni Shirley ang tanong ni Carter, na may bahid ng inis sa kanyang tono, dahan-dahan niyang nilapag ang anti-toxoid test reagent at pinaandar niya ang kanyang wheelchair papunta sa lababo.Ginagawa lang niya ang dapat niyang gawin, naghugas siya ng kamay, at pagkatapos ay sinuot niya ang maskara at isang pares ng gloves, at bumalik siya sa tapat ng mesa bago siya sumagot kay Carter.“Mr. Gray, gusto ko nang simulan ang trabaho ko ngayon. Please umalis ka na.”Sumama ang loob ni Carter sa sinabi ni Shirley. Subalit, nang maisip niya na hindi pwedeng maantala ang paggawa ng anti-toxoid test reagent, sumunod siya sa kagustuhan ni Shirley.Gaya ng inaasahan, hindi niya iniwan ng walang bantay si Shirley sa laboratoryo.Paglabas niya ng laboratoryo, binuksan niya ang monitoring software sa kanyang phone upang mabantayan niya ang bawat kilos ni Shirley sa laboratoryo.Subalit, walang ginawang kahina-hinala si Shirley. Ginawa niya ang mga dapat niyang gawin.Sumimangot si C
”Yung lalaking nagngangalang Adam ba?”“Oo, siya yun. Hindi niya hahayaang manatiling ganito ang itsura ni Shirley. Pagagalingin niya siya sa laling madaling panahon upang bumalik ang dati niyang itsura." Sigurado si Carter dito. Napanatag ang kalooban ni Camille sa mga sinabi niya. "Kung ganun, aabangan ko ang pagsilang sa apo ko." Ngumiti siya at bumuntong hininga siya. "Sa katunayan, kung hindi siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam noon, baka naikasal na kayo, at baka dalawa o tatlo na ang anak niyo ngayon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noon." Pinakinggan ni Carter ang mga sinasabi ni Camille; pareho ang mga katanungan sa isip nila at may bakas din ng sama ng loob sa kanyang puso. Subalit, hindi na siya nagsalita pa. Kung mapanghahawakan niya siya ngayon, makakabawi siya sa nasayang nilang oras. Pagkatapos pakinggan ni Ada ang usapan nila, galit siyang bumalik sa kanyang silid at tinawagan niya ang kanyang nanay. Nang marinig niya ang sinabi ni Ada, na