"Manahimik ka!" Sumigaw si Naomi at kaagad na nawalan ng kontrol sa kanyang mga emosyon. "Eveline, sabihin mo sa'kin kung paano namatay si Rye. Ikaw siguro. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Rye, tama? Sabihin mo sa'kin!" Iniunat niya ang kamay niya para hawakan muli si Madeline na parang isang baliw na nawalan ng kontrol. Sinusubukan niyang sakalin si Madeline. Sa halip, hinawakan ni Madeline ang kamay ni Naomi at pinigilan siya. "Naomi, makinig rito. Aksidente ang pagkamatay ni Rye at wala itong kinalaman sa kahit na sino. Siya ang pumili sa daang ito." "Kalokohan! Pinatay mo si Rye! P*ta ka, Eveline!" Sobrang nagalit si Naomi na nagpapadyak siya at sasampalin si Madeline gamit ng isa pa niyang kamay. Agresibo si Madeline nang tinaas niya ang kanyang kamay at malakas na sinampal si Naomi. Kasabay nito ay tinulak niya palayo ang kamay ni Naomi. Napaatras si Naomi at hindi makapaniwalang tinignan ang malakas na si Madeline. Nagngitngit ang ngipin niya at hinawakan an
“...”Kaagad na naramdaman ni Madeline na nakabalik na siguro si Jeremy pagkatapos makita ang biglaang pag-arte ni Naomi. Kasabay nito, naintindihan rin ni Madeline kung anong ibig sabihin ni Naomi sa 'eksperimento'. Tinulak siya ni Naomi nang mapagpanggap at umupo sa lapag para magpanggap na natumba siya. Sumigaw siya sa sakit, "Ah!" "Anong nangyari?" Narinig mula sa malayo ang gulat at nagtatakang boses ni Karen. Tahimik na nanood si Madeline habang mapang-asar siyang tinignan ni Madeline mula sa lapag. Sa kung anong dahilan, kinakabahang tumibok ang kanyang puso. Naalala niya noong kinuha ni Meredith ang pagkatao niya. Ang lalaking pinakamamahal niya at ang pamilya niya na pinakamalapit sa kanya ay nagpasya na paniwalaan ang mga kasinungalingan ni Meredith at inabandona siya. Nang natulala si Madeline, naramdaman niya ang pamilyar na yabag sa kanyang likuran. Akala ni Madeline, ang unang gagawin ni Jeremy ay ang tutulungan si Naomi na tumayo, pero sa halip, huminto
Lumingon siya. Mayroong pinto sa pagitan nila, kaya hindi niya alam kung sino ang nasa labas. "Ako to." Mahinang narinig ang boses ni Jeremy mula sa kabila ng pinto. Mabilis na sinuot ni Madeline ang kanyang mask baho binuksan ang pinto. Nang makita niya ang matangkad na lalaki sa kanyang harapan, sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para manatiling kalmado. "Ano yun, Mr. Whitman?" "Wag mong damdamin ang nangyari kanina. Itinaya mo ang buhay mo para iligtas si Lily, kaya ibig sabihin ay mabuti kang tao. Naniniwala ako na hindi ka manunulak ng iba nang walang dahilan." Nagulat si Madeline nang marinig niya ito. Hindi niya inaasahan na kusang pupunta rito ang lalaki para pagaanin ang loob niya. Nanatiling tahimik si Madeline nang dalawang segundo nang bigla na lang ay tumingin siya sa mga mata ni Jeremy. "Sinasabi mo ba na pinapaniwalaan mo ko pero hindi si Mrs. Whitman na pinakamamahal mo, Mr. Whitman?" "Oo," sagot ni Jeremy nang walang pag-aalinlangan. Diretsong
Biglang huminto si Madeline sa kanyang paglalakad. Noong una, nagdududa siya kung nagkamali ba siya ng dinig pero malinaw niyang nararamdaman na may humihila sa kanyang damit. “Mommy.”Narinig niya ang kaaya-ayang boses ng bata na dumaan sa kanyang tainga at kaagad na sumikip ang kanyang puso. Bumalot na naman ang sabik sa kanyang dibdib. Pinigilan niya ang sarili niya na umiyak at dahan-dahang humarap. Nang may sasabihin pa lang siya, mabilis na lumapit si Naomi. "Lily, nandito si Mommy." Hinawakan ni Naomi ang kamay ni Lily nang may mapang-ibabaw na ngiti sa kanyang mukha. *Pasensya na talaga, Quinny. Dahil siguro kamukha ng akin ang mga mata mo kaya akala ng anak ko ay ikaw ang nanay niya. Alam mo na bata pa siya at wala pang masyadong alam." Tinignan ni Madeline ang masasamang mga mata ni Naomi at nagsabi nang may lihim na kahulugan, "Hindi, sa tingin ko maraming alam si Lily at napakatalino rin niya." May lihim na kahulugan ang mga salita ni Madeline, at kasabay
"Hmph, Eveline, bakit hindi mo pa ko binubuking kung hindi ka nag-aalala tungkol dito?" Sabi niya, bigla niyang iniunat ang kanyang kamay para hawakan baba ni Madeline at pilitin siyang humarap sa kanya. "Tsk, tsk, ang pangit mo, hindi ko masikmurang tignan ka. Paano kaya nasira ang mukha mo? Sa tingin mo karma yan sa pagpatay mo kay Rye?" Dahan-dahang tinanggal ni Madeline ang kamay ni Naomi sa kanyang mukha at mayroong malagim na kinang sa kanyang malalamig na mga mata. "Kung may karma sa mundong ito, humanda ka na dahil hindi magtatagumpay ang mga masasamang tao." “Eveline—”"Naomi, wala man lang laban si Lana sa'kin tapos tingin mo kaya mo ako?" “...”Hindi na gustong magsayang ng laway ni Madeline kay Naomi. Pinulot niya ang mask at sinuot ito bago umakyat para hanapin si Eloise. Nagngitngit ang ngipin ni Naomi sa inis. Ngunit nagsilbing paalala ang mga salita ni Madeline. May nararamdaman sina Jeremy at ang dalawang bata kay Madeline, at kapag nagpatuloy ito, ma
Ngumiti si Madeline at yumuko sa tabi ni Eloise para magtanong nang pasensyoso. Tinignan ni Eloise si Naomi na may pekeng ngiti at hinawakan ang kamay ni Madeline. "M-May sasabihin ako sa'yong sikreto." "Sikreto?" Interesado si Madeline. Pero, napansin niya rin na may kakaiba sa tingin ni Eloise kay Naomi. "Mrs. Montgomery, anong sikreto ang gusto niyong sabihin sa'kin?" Tumingala si Eloise at lumapit sa tainga ni Madeline. "Hindi ang taong yun ang anak ko." Malinaw na pumasok sa tainga ni Madeline ang pahayag na ito. Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na kahit wala siya sa katinuan at minsan ay hindi siya nakikilala, malinaw na natutukoy ni Eloise na peke si Naomi. "Totoo yun. Nagsasabi ako ng totoo," seryoso itong pinagdiinan ni Eloise. Syempre alam ni Madeline na totoo ang sinabi ni Eloise. Pero wala siyang magawa para pabagsakin si Naomi ngayon. Hindi niya pa alam kung sino si Carter at mayroon pang isang bagay na kailangan niyang isipin. Tama si Naomi. Wala siyan
Sa totoo lang, siya naman talaga si Eveline. Nakaramdam ng kirot si Madeline sa kanyang puso. Hindi niya alam kung may naramdaman rin si Eloise. Dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ni Eloise at hinawakan ang kanyang kamay. Nang maramdaman niya ang init ng kanyang palad, hindi niya mapigilang sabihin ang kanyang mga hinanakit kay Eloise. "Mom, ako si Eveline," mahina niyang sabi. Pakiramdam niya ay pwede lang siyang maging totoo sa harapan ni Eloise. Hindi pa tuluyang magaling si Eloise kaya hindi niya malalaman kung anong sinasabi ni Madeline. Kung kaya't may pagkakataon si Madeline na pagaanin ang bigat sa kanyang puso sa ganitong paraan. Nang marinig ito ni Eloise, mayroong kinang sa kanyang mga mata. Para bang puno ito ng pagmamahal, kamalumanayan, at kabaitan na bumugso mula sa loob niya at binalot si Madeline. Naramdaman ni Madeline ang init at hindi siya nagdalawang-isip bago ibuhos ang lahat ng kanyang mga hinanakit at katotohanan sa puso niya. "Mom, ang taong ka
Nang makita ni Madeline ang mapagbalak na ngiti ni Naomi, naramdaman niyang parang may kakaiba. Sa katotohanan, madali siyang napipigilan ni Naomi dahil masyado siyang maraming kailangang isaalang-alang. Ang kasintahan niya at pamilyang mahal na mahal niya ay ang mga kahinaan niya. Kaya ginamit ito ni Naomi para atakihin siya. Nagtingin si Naomi sa paligid at itinaas ang kanyang binti para sipain ang likod ng wheelchair ni Eloise. Nakakandado ang gulong ng wheelchair, ngunit siguro sobrang lakas ni Naomi kaya dumulas ang gulong at nagsimulang humarurot ang wheelchair. “Mom!” Tumakbo si Madeline nang walang alinlangan para pigilan ang pag-andar ng wheelchair. Tumutungo sa lawa ang wheelchair. Kapag nalaglag si Eloise, di maisip ni Madeline kung anong mangyayari. Sumugod siya at hinawakan ang hawakan ng wheelchair para hilahin ito pabalik. Mabuti na lang at hindi nahulog sa lawa si Eloise. Ngunit biglang nakaramdam si Madeline ng isang anino sa likod niya. Kasunod nit