Pinanood ni Madeline si Sean na marahang nilagay ang kwintas sa leeg ni Meredith. Ang mga mata ni Meredith ay napuno ng luha at bakas ang tuwa sa kanyang mukha. "Nakakatuwa naman, nakabalik na ang kuwintas sa ating pinakamamahal na anak." Narinig ang natutuwang boses ni Eloise. Ang kanyang titig ay puno ng pagmamahal ng isang ina habang tinititigan niya si Meredith. Habang tinitignan ang pangyayari, hindi mapigilan ni Madeline na maiyak sa hindi maipaliwanag na sakit na tumusok sa kanyang puso. Humakbang siya paharap at sinubukang magpaliwanag. "Hindi ko ninakaw ang kuwintas na iyan, iniwan sa'kin 'yan ng lolo ko…" "Madeline, ano na naman ang balak mong gawin?!" Bigla siyang pinutol ni Rose at mapwersang hinila ang balikat ni Madeline. "Lumayas ka dito ngayon din! 'Wag mong iisipin kailanman na madaling kalabanin si Meredith!" Nagpatuloy na sumigaw si Rose habang hinila niya si Madeline papalayo sa kanila. Gustong manlaban ni Madeline pero napakahina ng kanyang katawan. La
Sinubukan ni Madeline na tumakas pero hindi niya malabanan ang malaking lalaki. Sapilitan siyang pinasok sa kotse. "Sino ka?! Saan mo ko dadalhin?!" Sumigaw si Madeline pero walang sumagot. Hindi man lang siya makatalon papalabas ng kotse kahit gustuhin niya dahil may nakahawak sa kanyang mga kamay sa buong biyahe. Pagkatapos ng mga sampung minuto, huminto ang kotse sa isang lugar na walang tao sa labas ng siyudad. "Labas!" Pwersahan siyang hinila ng lalaki papalabas ng kotse at nasubsob siya sa lapag. Pagkabagsak niya sa lapag, bumagsak ang kanyang mga palad sa mga matatalim na bato sa lapag at tumusok sa kanyang mga balat habang nagsimula itong dumugo. Hindi niya pinansin ang sakit habang tinaas niya ang kanyang mukha. "Anong ginagawa mo?! Sinong nagpadala sa'yo rito, si Meredith ba?!" Tanong niya. Sa sandaling sinabi niya iyon ay lumitaw si Meredith sa kanyang harapan. Puno ng kolorete ang mukha ni Meredith at nakasuot din siya ng isang mamahalin at branded na fur coat h
Pagkatapos ng kanyang malagim na babala, marahas na hinila ni Meredith ang buhok ni Madeline at inuntog ang kanyang ulo sa isang puno nang paulit-ulit hangga't sa magkaroon ng malaking sugat sa noo si Madeline.Naintindihan na ni Madeline kung bakit niya inutos sa mga lalaking iyon na bugbugin siya, ito'y para mas madali para kay Meredith na pahirapan siya ngayon. Wala nang lakas si Madeline na lumaban. Nagsimula palang na gumaling ang sugat niya sa noo, pero bumukas na naman ito at nagdurugo. Subalit, hindi lang iyon ang sakit na dinala sa kanya ni Meredith. Sa sandaling iyon, nakayuko si Madeline sa lapag habang nakasandal sa tuyong puno. Ang kanyang maputlang mukha ay puno ng lupa at dugo at talagang nakakapangilabot. Tumayo si Meredith sa harapan ni Madeline at hinawakan ang kanyang baba. "Oh, tignan mo ang itsura mo ngayon. 'Wag ka nang mangarap na mang-akit ng iba pang mga lalaki. Pwede mo nang kalimutan si Jeremy, tungkol naman kay Felipe…" Huminto siya saglit bago humala
Iniisip pa lang niya kung paano siya tignan nina Eloise at Sean ay nanikip na ang kanyang lalamunan. Napansin ni Meredith na mayroong kakaiba kaya kaagad niyang inagaw ang papel mula sa mga kamay ni Madeline. Hindi siya nagulat nang makita niya ang resulta na nakasulat sa papel. Sa halip ay pinunit niya ang papel sa galit. Sa isang pitik ng kanyang kamay ay nilipad ng hangin ang mga piraso ng papel. "Madeline, hayop kang babae ka!" Ginamit ni Meredith ang buo niyang lakas para hablutin ang kwelyo ni Madeline, ang mga mata niya ay napakamalagim na mukhang gusto niyang balatan si Madeline nang buhay. Subalit, tumatawa pa rin si Madeline, ang kanyang mapuputing ngipin ay namantsahan ng sariwang dugo na kumulay rin sa kanyang maputlang mga labi. "Meredith, peke ka lang pala talaga." Mahina niyang sinabi ang mga salitang iyon, pero gumasgas ito sa tainga ni Meredith nang marinig niya ito. Sinampal ni Meredith ang sugatang mukha ni Madeline habang nagwawalang nanlaki ang kanyang
Tinignan ni Meredith ang tao na biglang lumitaw sa sobrang gulat. Nagsimula nang mag-isip ng plano si Meredith sa kanyang isipan nang mapagtanto niya na maaaring may makarinig sa sinabi niya kay Madeline. "Meredith Crawford, hindi ka talaga anak ni mama at papa! Si Madeline talaga iyon sa simula pa lang!" Galit na sumigaw si Brittany Montgomery kay Meredith, "Tinuring kitang kapatid, pero gusto mo palang agawin ang posisyon ko!" Nang marinig niya ito, alam ni Meredith na magiging isang problema ito. Subalit, magaling siyang umarte at kaagad na nagpanggap na nasasaktan. "Hindi, Brittany, hindi mo naiintindihan. Ako talaga ang anak ni mama at papa…" "Meredith, 'wag ka nang magsinungaling. Ni-record ko ang lahat ng sinabi mo ngayon lang! Uuwi na ako at ipapakita ko sa kanila kung sino ka talaga!" Winagayway ni Brittany ang kanyang cellphone habang arogante niyang tinignan si Madeline na hindi kumikilos sa lapag. "Eh ano ngayon kung magiging kapatid ko ang pangit na 'to, mas mabut
Nanlaki ang mga mata ni Madeline, nangangatog ang kanyang mga kamay nang tignan niya kung humihinga at may pulso pa ba si Brittany, ngunit wala siyang maramdaman. Wala nang init ang katawan ni Brittany at medyo tumigas na din. Nagblanko ang utak ni Madeline nang magsimula siyang bumigay. Wala siyang kaalam-alam kung anong nangyari pagkatapos niyang mawalan ng malay, kaya imposibleng malaman niya kung anong ginagawa ng kutsilyo sa kamay niya. Nang tatayo na siya, narinig niya ang sirena ng pulis mula sa malayo. Nang tignan ang pulis na bumaba sa kotse, kinilabutan siya. Hindi niya inasahan na mapupunta na naman siya sa isang detention center. Isa itong pamilyar na eksena, na may di maitatangging ebidensya sa harapan niya para kontrahin ang kahit anong sasabihin niya. Kay Madeline lamang ang mga marka mg daliri sa kutsilyo at nagawa nilang mahanap ang bakas ng balat ni Brittany sa likod ng kanyang kamay, na nagpatunay na nagpumiglas muna sa kanya si Brittany bago ito mamatay. H
Ang kanyang si Brit, ang anak niya, ang pinakamamahal niyang anak. Sa mga mata ni Eloise, si Madeline ay isa lamang masamang p*ta. Kay Madeline, ang marinig ang mga salitang iyom ay parang isang matalas na kutsilyo na malupit na sumasaksak sa kanyang puso. Walang nakakakita ng mga sugat, ngunit ang kanyang puso ay matagal nang sugatan, kalat ang dugo. Tiniis ni Madeline ang matinding sakit habang nanginginig ang kanyang kamay, pinilit na kalmadong sabihin, "Mr. at Mrs. Montgomery, hindi ko kailanman sinaktan si Brittany, di ko rin siya magagawang patayin. Kailangan niyong maniwala sa akin at imbestigahan ang bagay na ito, huwag niyong hayaang makalaya ang tunay na pumatay." "Wag kang mangahas na subukang tumakas dito!" Inihampas ni Sean ang kanyang kamao sa lamesa. "Malinaw ang ebidensya, paano mo pa rin nasasabing hindi ikaw ang may kasalanan! Anong hinanakit ba ang mayroon ka sa pamilya namin? Lagi mong pinag-iinitan ang anak namin na si Meredith, at ngayon pinatay mo si Br
Nang makita ni Madeline na hawak ni Eloise at Sean ang kamay ni Meredith nang may pagmamahal, ang naiisip lang niya ay ang pagmamahal na iyon ay dapat na para sa kanya. Ang lahat ng pagmamahal at pagkalinga na iyon ay napunta kay Meredith. Nanigas ang puso ni Madeline nang kagatin niya ang kanyang labi, nilulunok ang mga salitang nasa dulo ng kanyang dila, pinipigil ang pananabik sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib, ngunit wala siyang oras para isipin ito nang nasa lalamunan na naman niya ang lasa ng dugo. "Madeline, sumosobra ka na talaga!" Lumuha si Meredith nang tumakbo siya sa harap ni Madeline. "Sinabi ko na sayo noon, kung may problema ka sa akin mo na lang ibuntong, wag mong saktan ang mga tao sa paligid ko. Paano mo nagagawa ito! Talagang pinatay mo si Brit sa pagkakataong ito! Di ka ba matatahimik hangga't di mo pa napapahirapan ang lahat ng tao sa paligid ko?" Habang nasa harapan niya ang mukha ni Meredith, nanghamak si Madeline