Nang makita ni Madeline na hawak ni Eloise at Sean ang kamay ni Meredith nang may pagmamahal, ang naiisip lang niya ay ang pagmamahal na iyon ay dapat na para sa kanya. Ang lahat ng pagmamahal at pagkalinga na iyon ay napunta kay Meredith. Nanigas ang puso ni Madeline nang kagatin niya ang kanyang labi, nilulunok ang mga salitang nasa dulo ng kanyang dila, pinipigil ang pananabik sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib, ngunit wala siyang oras para isipin ito nang nasa lalamunan na naman niya ang lasa ng dugo. "Madeline, sumosobra ka na talaga!" Lumuha si Meredith nang tumakbo siya sa harap ni Madeline. "Sinabi ko na sayo noon, kung may problema ka sa akin mo na lang ibuntong, wag mong saktan ang mga tao sa paligid ko. Paano mo nagagawa ito! Talagang pinatay mo si Brit sa pagkakataong ito! Di ka ba matatahimik hangga't di mo pa napapahirapan ang lahat ng tao sa paligid ko?" Habang nasa harapan niya ang mukha ni Meredith, nanghamak si Madeline
Luhaang tumingin si Madeline kay Eloise nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Sa sandaling ito, nadurog ang kanyang puso at nagkapira-piraso, tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Ang pagmamahal ng magulang na matagal na niyang inaasam ay naging isang sandata na sisira sa kanyang buhay. Kung may susunod na buhay, gusto na lang niyang maging isang isda na may pitong segundo ng ala-ala. Sa gayon, makakalimutan niya ang sakit. Di nagtagal, nilitis na si Madeline sa korte sa salang pagpaslang. Kadalasan nagmamakaawa ang mga tao na mabuhay ngunit durog na durog na ang puso ni Madeline at nawalan na siya ng kagustuhang mabuhay. Sa korte, suot ni Madeline ang damit na pangpreso. Maputla ang kanyang mukha at magulo ang kanyang buhok, mukhang isang ligaw na multo. Nakita niya si Meredith na maganda ang damit, kasama sina Eloise at Sean. Maging si Jeremy ay dumalo, malamang gustong makita kung ano ang sentensya niya. Siguro gusto nitong makita na makulong siya at di na siya magkaroon ng pa
Nagulantang si Madeline at hindi nagkaroon ng pagkakataong itanggi ito nang dahan-dahang iangat ni Jeremy ang kanyang baba, palapit sa kanya ang mainit nitong hininga, na nagpabilis sa tibok ng puso niya. Narinig niya ang isang nakakakilabot na tawa mula sa kanya. "Sinabi ko na noon, kahit mamatay ka, dapat kang mamatay sa kamay ko." Ang nakabibighani niyang boses ay umalingawngaw sa taenga ni Madeline na parang isang bangungot. Napatitig lamang sa takot si Madeline sa masamang ngiti ng lalaki nang kumabog ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Hindi siya nililigtas nito, gusto lang nito na siya mismo ang papatay sa kanya! "Ibigay mo sa akin ang hikaw," iniutos ni Jeremy. Nang maalala na sinira na niya ang ebidensya para kay Meredith na makakapagpatunay ng pagiging inosente ni Madeline, alam ni Madeline na di nuya dapat iabot ang hikaw kay Jeremy. Nagmadali siyang tumalikod ngunit hinawakan siya ni Jeremy. "Madeline, huwag mong hayaang ulitin ko, ibigay mo na sa akin." Mas nag
"Wag mong gawin 'to! Jeremy!" Sumigaw si Madeline, pero hindi siya pinansin ni Jeremy. Nakatingin siya habang tinaas niya ang kanyang kamay at binato ang mahalagang hikaw sa lawa. Nanigas ang puso ni Madeline, wala na siyang alas sa kanyang kamay. Subalit, parang tinutulungan talaga siya ng langit. Mayroong manipis na yelo sa lawa at hindi nahulog sa tubig ang hikaw, sa halip ay bumagsak ito sa yelo! Halatang hindi natutuwa si Jeremy. Kumunot ang kanyang noo, nagiisip siya kung anong dapat na gawin nang biglang tumakbo nang mabilis si Madeline. Hindi siya makapaniwala nang biglang tumakbo si Madeline papunta sa lawa para lang makuha ang hikaw na iyon. Medyo may kalayuan ang manipis na yelo mula sa pampang at hindi ito maabot ni Madeline. Sinubukan niyang maghanap ng tangkay para sungkitin ang hikaw, pero natatakot siya na baka matulak niya ang hikaw papunta sa lawa. Nang makita niya ito, lumapit si Jeremy at hinila patayo si Madeline. "Madeline, anong ginagawa mo?" "Hin
Hindi natutuwang kinatok ni Jeremy ang pinto. "Madeline, buksan mo ang pinto." "Jeremy, umalis ka na lang, ayaw kitang makita." Malamig siyang tinanggihan ni Madeline at tumalikod para umalis. Tinago niya ang hikaw bago naligo. Nagsuot siya ng tuyo at komportableng damit sabay binuksan ang heater para painitin ang kanyang sarili. Tinignan ni Madeline ang orasan, at higit sa kalahating oras na ang nakakalipas. Malamang ay nakaalis na si Jeremy. Naglakad siya papunta sa pinto at nakinig, siniguro niya na wala siyang naririnig na kahit na ano sa labas bago binuksan ang pinto. Sa sandaling binuksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang matangkad at makisig na anyo ni Jeremy! Basa pa rin ang buo niyang katawan, kahit ang kanyang buhok ay tumutulo pa rin, at mukhang hindi maganda ang kanyang ekspresyon. Nakatingin kay Madeline ang kanyang malalalim na mga mata at napahinto ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan na mananatili siya sa harap ng pinto kahit na ngayon ay isang
Napahinto sa paglalakad si Madeline. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, pero naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Jeremy sa kanya. "Linnie…" Tinatawag niya siyang Linnie. Isang napakapamilyar ngunit hindi pamilyar na pangalan. Biglang namula ang mga mata ni Madeline. Habang nakatingin sa natutulog na mukha ni Jeremy ay unti-unting lumabo ang kanyang paningin.Habang naaalala ang nagkataong pagkikita sa mga nakalipas na taong iyon, nakaramdam ng kalungkutan ang puso ni Madeline. "Mer, 'wag kang mag-alala, nangako ako sayo, titiyakin ko na mangyayari ito…" Nagsisimula pa lang na uminit ang puso ni Madeline nang bigla na naman itong nagyelong muli. Kinagat niya ang kanya labi habang hinila ang kanyang kamay papalayo. Ang Linnie na tinatawag ni Jeremy ay hindi siya, kundi si Meredith. Iyon ang katotohanan, sa kasalukuyan ay tinatawag ni Meredith ang kanyang sarili na Eveline Montgomery. Nakaramdam ng sobrang kahihiyan si Madeline. Tinawanan niya ang kanyang sar
Kalmado ang ekspresyon ni Madeline. "Mr. Whitman, umalis ka na pagkatapos mong kumain, mas mabuti kung hindi ka na bumalik dito simula ngayon." Ngumiti si Jeremy habang nagsabing, "Madeline, bakit ka nagpapanggap na gusto mo akong lumayo sa'yo? Parang gustong-gusto mo nga nung hinalikan kita noong isang araw!" "'Wag mo nang ipaalala 'yan!" Sabi ni Madeline, nawawala na ang kanyang kontrol sa kanyang sarili sa sandaling ito. "Jeremy Whitman, masyado mo na akong dinismaya." "Eh, ano ngayon? Hindi nito mababago ang katotohanan na mahal mo ako." Sobrang nagalit si Madeline na pakiramdam niya ay parang sasabog siya. Sumakit ang kanyang ulo pati na rin ang kanyang sikmura. "Minahal kita minsan, pero ngayon, kahit hawakan mo lang ako ay nandidiri na ako!" Nang marinig niya ang mga salitang iyon, biglang sumama ang lasa ng pagkain sa bibig ni Jeremy. Binaba niya ang kanyang mga kubyertos, tumayo, at naglakad papunta kay Madeline. Nakaramdam ng kakaiba si Madeline kaya kaagad siya
Nahirapang huminga si Madeline, namumula ang kanyang mukha habang pinilit niyang ngumiti. "Siraan siya? Jeremy, alam mo ba kung ano ang tunay na paninira?" "Jeremy, habang nananaginip ka sa hapon, hindi mo ba napapanaginipan ang ating namatay na anak? Hindi ba talaga nasaktan ang konsensya mo rito?" Tinignan ni Madeline ang lalaki na mayroong kakaibang ekspresyon. "Hindi ko anak ang batang iyon." Sabi niya habang nagngingitngit ang kanyang ngipin. Ang kanyang mga mata ay malamig na nakatingin kay Madeline, pero mayroong bahid ng pagdududa sa mga ito. Tumawa si Madeline, ang kanyang mga luha ay tumulo sa mga kamay ni Jeremy. Biglang naramdaman ni Jeremy na masyado itong mainit, napaso siya hanggang sa binitawan niya ang leeg ni Madeline. Naiilang niyang iniwasan ang lagay ni Madeline at pinaandar ang kotse. "Kung ayaw mo pang mamatay, 'wag mo kong gagalitin. Huminga nang malalim si Madeline at hindi na nagsalita. Kahit sa sandali lang na ito, hindi niya gustong mamatay. Gu