Napahinto sa paglalakad si Madeline. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, pero naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Jeremy sa kanya. "Linnie…" Tinatawag niya siyang Linnie. Isang napakapamilyar ngunit hindi pamilyar na pangalan. Biglang namula ang mga mata ni Madeline. Habang nakatingin sa natutulog na mukha ni Jeremy ay unti-unting lumabo ang kanyang paningin.Habang naaalala ang nagkataong pagkikita sa mga nakalipas na taong iyon, nakaramdam ng kalungkutan ang puso ni Madeline. "Mer, 'wag kang mag-alala, nangako ako sayo, titiyakin ko na mangyayari ito…" Nagsisimula pa lang na uminit ang puso ni Madeline nang bigla na naman itong nagyelong muli. Kinagat niya ang kanya labi habang hinila ang kanyang kamay papalayo. Ang Linnie na tinatawag ni Jeremy ay hindi siya, kundi si Meredith. Iyon ang katotohanan, sa kasalukuyan ay tinatawag ni Meredith ang kanyang sarili na Eveline Montgomery. Nakaramdam ng sobrang kahihiyan si Madeline. Tinawanan niya ang kanyang sar
Kalmado ang ekspresyon ni Madeline. "Mr. Whitman, umalis ka na pagkatapos mong kumain, mas mabuti kung hindi ka na bumalik dito simula ngayon." Ngumiti si Jeremy habang nagsabing, "Madeline, bakit ka nagpapanggap na gusto mo akong lumayo sa'yo? Parang gustong-gusto mo nga nung hinalikan kita noong isang araw!" "'Wag mo nang ipaalala 'yan!" Sabi ni Madeline, nawawala na ang kanyang kontrol sa kanyang sarili sa sandaling ito. "Jeremy Whitman, masyado mo na akong dinismaya." "Eh, ano ngayon? Hindi nito mababago ang katotohanan na mahal mo ako." Sobrang nagalit si Madeline na pakiramdam niya ay parang sasabog siya. Sumakit ang kanyang ulo pati na rin ang kanyang sikmura. "Minahal kita minsan, pero ngayon, kahit hawakan mo lang ako ay nandidiri na ako!" Nang marinig niya ang mga salitang iyon, biglang sumama ang lasa ng pagkain sa bibig ni Jeremy. Binaba niya ang kanyang mga kubyertos, tumayo, at naglakad papunta kay Madeline. Nakaramdam ng kakaiba si Madeline kaya kaagad siya
Nahirapang huminga si Madeline, namumula ang kanyang mukha habang pinilit niyang ngumiti. "Siraan siya? Jeremy, alam mo ba kung ano ang tunay na paninira?" "Jeremy, habang nananaginip ka sa hapon, hindi mo ba napapanaginipan ang ating namatay na anak? Hindi ba talaga nasaktan ang konsensya mo rito?" Tinignan ni Madeline ang lalaki na mayroong kakaibang ekspresyon. "Hindi ko anak ang batang iyon." Sabi niya habang nagngingitngit ang kanyang ngipin. Ang kanyang mga mata ay malamig na nakatingin kay Madeline, pero mayroong bahid ng pagdududa sa mga ito. Tumawa si Madeline, ang kanyang mga luha ay tumulo sa mga kamay ni Jeremy. Biglang naramdaman ni Jeremy na masyado itong mainit, napaso siya hanggang sa binitawan niya ang leeg ni Madeline. Naiilang niyang iniwasan ang lagay ni Madeline at pinaandar ang kotse. "Kung ayaw mo pang mamatay, 'wag mo kong gagalitin. Huminga nang malalim si Madeline at hindi na nagsalita. Kahit sa sandali lang na ito, hindi niya gustong mamatay. Gu
Sa sobrang dami ng dinanas niyang sakit at kabiguan hindi na hihilom pa ang mga sugat sa kanyang puso, pero ngayon, gusto pa rin siyang patuloy na saktan ng mga taong ito. Lumingon si Eloise at tumingin ng masama kay Madeline. "Madeline! Tingnan mong ginawa mo kay Meredith. Fiancee ni Meredith si Jeremy, pero inagaw mo siya sa kanya. Ngayon, tinawagan mo pa si Meredith gamit ng phone ni Jeremy at sinabi yung masasamang bagay na yun para lang saktan siya! Hindi ka ba talaga marunong mahiya?!"Naunawaan ni Madeline kung anong nangyayari. Pinlano ni Meredith ang pagpapakamatay na ito habang magkausap sila sa phone noong nilalagnat si Jeremy. Nginitian ni Madeline si Meredith. "Sige, Meredith, magsinungaling ka lang. Hindi ba't umaasa ka na maghiwalay na kami ni Jeremy para makuha ng isang kabit na gaya mo ang posisyon ko? Di ba yun yung dahilan kung bakit ginawa mo 'to? Kung ganun, makinig ka sakin. Kahit na mamatay ako, hinding-hindi ko bibitawan ang pagiging Mrs. Whitman!"Sa sand
Nakita ni Madeline ang ginawa ni Jeremy. Ilang simpleng salita lang ang pinangako ni Jeremy kay Meredith, ngunit sapat na na iyon para magdulot ng matinding sakit kay Madeline. Tila tadhana na nila ang maghiwalay. Unti-unting naluha si Madeline. Nakita niya na nakatingin si Meredith kay Jeremy. "Jeremy, totoo ba ang sinasabi mo? Talga bang papakasalan mo ako?" Puno ng pagmamahal ang tingin ni Jeremy kay Meredith. "Oo naman, totoo yun. Tutuparin ko ang pangako ko." "Jeremy, sa wakas di na natin kailangang itago ang pagmamahalan natin…" Niyakap ng mahigpit ni Meredith si Jeremy, humagulgol siya sa dibdib niya. Tumingin siya kay Madeline, kitang-kita ang katusuhan at kasamaan sa kanyang mukha. Sa tabi nila, tuwang-tuwa si Eloise. Pagkatapos nito, tumingin siya ng masama kay Madeline. Muntik nang mailabas ni Madeline ang lahat ng paghihirap at sakit na nararamdaman niya. Kaya naman, umalis na lamang siya. Napansin ni Jeremy na paalis na si Madeline. Dahan-dahan niyang tinul
Pagkasabi niya nun, tila nagyelo ang mahamis na mukha ni Jeremy. Tumingin siya ng masama kay Madeline. "Madeline, anong sinabi mo? Anong ibig sabihin nito?" Noong maisip niya na malapit na siyang mamatay at nang maalala niya ang nakakatawa niyang hiling na pinanghawakan niya ng mahigit sampung taon, namula ang mga mata ni Madeline habang nakangiti siya kay Jeremy. "Ang ibig kong sabihin, hindi ako papayag na makuha ng peke na p*tang si Meredith ang gusto niya. Kahit na mamatay ako, dadalhin ko sa hukay yung pagiging Mrs. Whitman!" Nanlaki ang namumulang mga mata ni Madeline, tumulo ang mga luha niya kahit na sinubukan niyang pigilan ang mga ito. "Jeremy, kahit na pandirihan mo ako at ayawan, hinding-hindi kita hihiwalayan!" Nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang puso si Madeline pagkatapos niyang sabihin yun. Binuhos niya ang lahat ng pagmamahal niya para kay Jeremy. Nagsimula ito dahil sa pag-ibig, at ngayon, matatapos din ito dahil sa pag-ibig. Ngayon, hindi na nila mahal
Nanlaki ang mga mata ni Madeline. "Bakit mo nasabi yan?" Malungkot na tumingin sa kanya si Felipe. Pagkatapos, bahagya niyang binuka ang kanyang bibig bago niya pigilan ang kanyang sarili na sabihin ang mga gusto niyang sabihin. "Wala lang. Nanghihinayang lang ako." Nanghihinayang? Pakiramdam ni Madeline na parang may mali, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Sasabihin din niya ang mga gusto niyang sabihin sa tamang panahon. Baka mainis lang si Felipe kapag nagtanong pa siya. Bandang huli, binuksan niya ang pinto at inimbitahang pumasok si Felipe. "Narinig ko ang nangyari kay Brittany. Naniniwala ako na wala kang kinalaman sa nangyari. Hindi ka masamang tao." Natuwa si Madeline dahil lagi siyang pinagkakatiwalaan ni Felipe. Uminom ng mainit na tsaa si Felipe at tumingin sa namumutlang mukha ni Madeline. "Hahawakan ko muna ang resignation letter mo. Pwede kang bumalik sa trabaho kahit kailan mo gusto." "Salamat sa tiwala at kabutihan mo, Mr. Whitman. Pero, sa tingin k
Nanatiling tahimik si Madeline at bumulong sa kanyang sarili. Mayroon lamang siyang isang buwan. Sapat na ang isang buwan para maibigay niya ang ebidensyang hawak niya sa mga pulis at ireport na may pinatay si Meredith. Pag-alis niya sa ospital, nagpaikot-ikot sila sa buong siyudad sakay ng kotse ni Daniel. Sa pagtatapos ng biyahe nila, huminto sila malapit sa isang food truck. Tumingin si Daniel kay Madeline ng may malambing at mahinahong ngiti sa kanyang mukha. "Maddie, gusto mo ba akong samahan na kumain ng tacos na may hot sauce ngayon?" Nagulat si Madeline. Subalit, noong makita niya ang mga luha sa mata ni Daniel, may naramdaman siya. Alam na kaya ni Daniel na kaunti na lang ang nalalabi niyang oras? Hindi na ito masyadong inisip ni Madeline. Ngumiti siya at tumango. "Syempre naman. At hindi lang ngayon, marami pa tayong pagkakataon sa susunod." "Talaga?" Tumingin sa kanya si Daniel. "Oo, totoo yun." Kampanteng sumagot si Madeline. Sinamahan ni Madeline si Dan