Nanatiling tahimik si Madeline at bumulong sa kanyang sarili. Mayroon lamang siyang isang buwan. Sapat na ang isang buwan para maibigay niya ang ebidensyang hawak niya sa mga pulis at ireport na may pinatay si Meredith. Pag-alis niya sa ospital, nagpaikot-ikot sila sa buong siyudad sakay ng kotse ni Daniel. Sa pagtatapos ng biyahe nila, huminto sila malapit sa isang food truck. Tumingin si Daniel kay Madeline ng may malambing at mahinahong ngiti sa kanyang mukha. "Maddie, gusto mo ba akong samahan na kumain ng tacos na may hot sauce ngayon?" Nagulat si Madeline. Subalit, noong makita niya ang mga luha sa mata ni Daniel, may naramdaman siya. Alam na kaya ni Daniel na kaunti na lang ang nalalabi niyang oras? Hindi na ito masyadong inisip ni Madeline. Ngumiti siya at tumango. "Syempre naman. At hindi lang ngayon, marami pa tayong pagkakataon sa susunod." "Talaga?" Tumingin sa kanya si Daniel. "Oo, totoo yun." Kampanteng sumagot si Madeline. Sinamahan ni Madeline si Dan
Namutla ang mukha ni Madeline sa sobrang takot. Gusto niyang tumakbo, ngunit hindi niya magawa. Kinurot ni Jeremy ang kanyang pisngi at pinilit siyang tumingin sa kanya. Patuloy sa pag-iling si Madeline habang nagpupumiglas siya. "Huwag! Jeremy, huwag mo 'kong hawakan! Bitiwan mo 'ko!" "Tuwang-tuwa ka nung hinalikan ka ni Daniel, tapos ngayon ayaw mong galawin kita?" Nakakatakot ang ekspresyon ng mukha Jeremy habang pinapanood niyang nagpupumiglas si Madeline."Madeline, tumingin ka. Ako ang asawa mo." Narinig ni Madeline sa kanyang tainga ang malalim at nakakaakit na boses ni Jeremy. Sa mga sumunod na sandali, naramdaman niya na kinakagat ni Jeremy ang kanyang balikat. "Tumigil ka, Jeremy!" Alam niya kung anong gagawin sa kanya ni Jeremy at sa sobrang takot niya maging ang mga buto niya ay nanginig. Subalit, parang may sapi ang lalaki. Isa-isa niyang pinunit ang mga damit ni Madeline bago niya ito nilamon. Nakatulog si Madeline. Nanaginip siya na nakabalik siya sa pin
Hindi niya alam kung nasaan siya. Noong magising siya, nakita niya na nakatayo sa harap niya si Meredith habang tinitingnan siya ng masama. "Gising ka na pala? Akala ko patay ka na e. Nakakabagot 'to kung patay ka na." Suminghal si Meredith at umupo. Pagkatapos, hinablot niya ang mukha ni Madeline. Habang tinitingnan niya ang sugatan ngunit magandang mukha ni Madeline, napuno ng galit at inggit ang mga mata ni Meredith. "Madeline, masyado mitang minaliit. Kahit na ganyan na ang itsura mo, nakakapang-akit ka pa rin ng mga lalaki!" Hinablot niya ang sugat ni Madeline na nagsisimula pa lang maghilom. "Paano mo inakit si Jeremy? Gamit ng mga nakakaawa mong mata?" Sa wakas ay naintindihan na ni Madeline kung bakit ito ginagawa ni Meredith dahil sa narinig niya. Nalaman ni Meredith na magkasama sila ni Jeremy kagabi. Dagdag pa dito, naiisip ni Meredith ang itsura nilang dalawa na magkayakap sa kama. Suminghal siya at humalakhak ng malakas. Nang-iinsulto ang kanyang pagtawa at k
Dahil sa epekto ng tranquilizer, hindi alam ni Madeline kung gaano katagal siyang walang malay. Noong magising siya, manhid ang pakiramdam ng kanyang braso. Pagkatapos, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mga mata. Dahandahan niyang minulat ang kanyang mga mata at napansin niya na nanlalabo ang paningin niya. Halos wala na nga siyang makita.Bangungot lang ba ang nangyari? Noong maalala niya ang sinabi ni Meredith bago siya mawalan ng malay, mabilis na umupo si Madeline at binalewala ang kanyang mga sugat. Kinapa-kapa ni Madeline ang sahig sa gitna ng kadiliman. Yung larawan… Ang larawan ng anak niya! Nagsimulang siyang hanapin ang larawan sa dilim. Subalit, wala siyang nakita o naramdaman na kahit ano. Kinuha niya ang phone niya mula sa kanyang bulsa at nagnadali siyang buksan ang screen nito. Subalit, hindi nagbukas ang screen nito. Naubusan kaya 'to ng baterya? Habang nag-iisip-isip siya, nakapa niya ang isang bagay na parang isang card. Sigurado siya na i
Pagkaalis niya sa estasyon ng pulis, napangiti si Madeline. Sa wakas ay pagbabayaran na ni Meredith ang krimeng ginawa niya. Kapag nalaman nila na dugo ni Brittany ang nasa hikaw, hindi na maitatanggi pa ni Meredith ang ginawa niya. Naghintay si Madeline na makatanggap siya ng balita mula sa mga pulis, pero wala pa rin siyang natanggap pagkalipas ng dalawang araw. Hindi na siya makapaghintay, kaya muli siyang pumunta sa estasyon ng mga pulis. Subalit, nakasalubong niya sila Meredith at Jeremy sa tapat ng estasyon. Hindi makita ni Madeline kung sino sila mula sa malayo. Hawak niya ang isang payong habang nakatayo siya sa gitna ng ulan. Naririnig lamang niya ang boses ni Meredith mula sa malayo. "Jeremy, bakit ba ayaw akong tigilan ni Madeline? Magiging masaya lang ba siya kapag patay na ako?" Pagkatapos iyong sabihin ni Meredith, nakita niya si Madeline. Maririnig ang kanyang pagkagulat sa kanyang boses. "Maddie?" Sinubukang imulat ni Madeline ang kanyang mga mata, pagkata
Lalong lumakas ang ulan habang nakaluhod si Madeline sa lupa. Natataranta siyang nangapa sa paligid niya. Dumaan ang ilang sasakyan sa tapat ni Madeline at paulit-ulit siyang natalsikan ng tubig. Subalit, hindi pa rin niya mahanap ang payong niya. Paaandarin na sana ni Jeremy ang sasakyan, ngunit hindi niya mapigilang tumingin sa rearview mirror. Napansin ito ni Meredith at agad niyang kinuha ang atensyon ni Jeremy. "Jeremy, tara na. Ipapatingin pa natin sa doktor yung mukha ni Jack." Lumingon si Jeremy. "Huwag kang mag-alala, hindi magkakapeklat sa mukha si Jack." "Hindi ko inasahan na magagalit ng ganito si Maddie sakin. Hindi ko rin inakala na uupa si papa ng mga tao para sugatan yung mukha ni Madeline para lang maiganti kami ni Jack." ang sabi ni Meredith. "Jeremy, hindi ka naman siguro magagalit sa papa ko, di ba?" "Loko ka, bakit naman ako magagalit sa kanya?" Ngumiti si Jeremy. Muli siyang tumingin sa rearview mirror. Nakita niyang tumayo si Madeline nang mahanap
Naging mas malamig ang mukha ni Jeremy. "Madeline, sinasabi ko sayo na pirmahan mo ang mga papeles." "Di ko yan gagawin," sinabi ni Madeline habang may kakaibang kalmadong tono. Nakita ni Jeremy si Madeline na nakaupo sa harap niya habang walang kibo at nakatingin sa malayo ang mga mata nito. Di ito tumingin sa mata niya kahit isang beses. Naramdaman ni Jeremy na bumubugso ang galit sa kanyang dibdib. "Madeline, wag mong sinusubok ang pasensya ko. Alam mo ang magiging kapalit niyan." Nang harapan siya ng pagbabanta at pagbabala, walang takot sa mukha si Madeline. Sa halip ay ngumiti pa ito. "Jeremy, huling beses ko na itong sasabihin sayo. Di ko pipirmahan ang divorce papers mo. Kung gusto mong pakasalan si Meredith, sige lang. Pagkatapos hintayin mo na lang ako na kasuhan ka ng bigamy.""Madeline Crawford!" Galit na galit si Jeremy. "Huling beses na din kitang tatanungin. Pipirmahan mo ba o hindi?" "Hindi!" Matindig na sinabi ni Madeline. Nanlamig ang mukha ni Jeremy. Nan
Pagkatapos niyang sabihin ito, nakaramdam si Madeline ng init sa likod ng kanyang kamay. Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay at pwinersa siya na isulat ang kanyang pangalan na 'Madeline Crawford' sa huling pahina. Pangalan niya ito ngunit sulat-kamay ni Jeremy. Pagkatapos ni Jeremy, tinabig niya palayo ang kamay ni Madeline at kinuha ang mga papeles. Tinignan niya ang pangalan sa papel at nakaramdam siya ng pagkabahala sa kanyang puso. Di lang siya hindi mapanatag, nakaramdam din siya ng matinding bigat na dumidiin sa kanya. Tumingin siya sa baba at tinignan si Madeline na nasa sahig pa rin. Maputla ang mukha niya at may luha sa kanyang mga mata. Bukod pa dito, may dugo sa labi niya na tila ba kinagat niya nang malakas ang kanyang labi. Balisa at nakakaawa siyang tingnan. Sumimangot si Jeremy. "Madeline, may hiling ka ba?" "500,000 dollars," walang alinlangan sagot ni Madeline. Pagkatapos marinig ni Jeremy ito, nanghahamak siyang nangutya. "Mukhang handa ka