Pagkaalis niya sa estasyon ng pulis, napangiti si Madeline. Sa wakas ay pagbabayaran na ni Meredith ang krimeng ginawa niya. Kapag nalaman nila na dugo ni Brittany ang nasa hikaw, hindi na maitatanggi pa ni Meredith ang ginawa niya. Naghintay si Madeline na makatanggap siya ng balita mula sa mga pulis, pero wala pa rin siyang natanggap pagkalipas ng dalawang araw. Hindi na siya makapaghintay, kaya muli siyang pumunta sa estasyon ng mga pulis. Subalit, nakasalubong niya sila Meredith at Jeremy sa tapat ng estasyon. Hindi makita ni Madeline kung sino sila mula sa malayo. Hawak niya ang isang payong habang nakatayo siya sa gitna ng ulan. Naririnig lamang niya ang boses ni Meredith mula sa malayo. "Jeremy, bakit ba ayaw akong tigilan ni Madeline? Magiging masaya lang ba siya kapag patay na ako?" Pagkatapos iyong sabihin ni Meredith, nakita niya si Madeline. Maririnig ang kanyang pagkagulat sa kanyang boses. "Maddie?" Sinubukang imulat ni Madeline ang kanyang mga mata, pagkata
Lalong lumakas ang ulan habang nakaluhod si Madeline sa lupa. Natataranta siyang nangapa sa paligid niya. Dumaan ang ilang sasakyan sa tapat ni Madeline at paulit-ulit siyang natalsikan ng tubig. Subalit, hindi pa rin niya mahanap ang payong niya. Paaandarin na sana ni Jeremy ang sasakyan, ngunit hindi niya mapigilang tumingin sa rearview mirror. Napansin ito ni Meredith at agad niyang kinuha ang atensyon ni Jeremy. "Jeremy, tara na. Ipapatingin pa natin sa doktor yung mukha ni Jack." Lumingon si Jeremy. "Huwag kang mag-alala, hindi magkakapeklat sa mukha si Jack." "Hindi ko inasahan na magagalit ng ganito si Maddie sakin. Hindi ko rin inakala na uupa si papa ng mga tao para sugatan yung mukha ni Madeline para lang maiganti kami ni Jack." ang sabi ni Meredith. "Jeremy, hindi ka naman siguro magagalit sa papa ko, di ba?" "Loko ka, bakit naman ako magagalit sa kanya?" Ngumiti si Jeremy. Muli siyang tumingin sa rearview mirror. Nakita niyang tumayo si Madeline nang mahanap
Naging mas malamig ang mukha ni Jeremy. "Madeline, sinasabi ko sayo na pirmahan mo ang mga papeles." "Di ko yan gagawin," sinabi ni Madeline habang may kakaibang kalmadong tono. Nakita ni Jeremy si Madeline na nakaupo sa harap niya habang walang kibo at nakatingin sa malayo ang mga mata nito. Di ito tumingin sa mata niya kahit isang beses. Naramdaman ni Jeremy na bumubugso ang galit sa kanyang dibdib. "Madeline, wag mong sinusubok ang pasensya ko. Alam mo ang magiging kapalit niyan." Nang harapan siya ng pagbabanta at pagbabala, walang takot sa mukha si Madeline. Sa halip ay ngumiti pa ito. "Jeremy, huling beses ko na itong sasabihin sayo. Di ko pipirmahan ang divorce papers mo. Kung gusto mong pakasalan si Meredith, sige lang. Pagkatapos hintayin mo na lang ako na kasuhan ka ng bigamy.""Madeline Crawford!" Galit na galit si Jeremy. "Huling beses na din kitang tatanungin. Pipirmahan mo ba o hindi?" "Hindi!" Matindig na sinabi ni Madeline. Nanlamig ang mukha ni Jeremy. Nan
Pagkatapos niyang sabihin ito, nakaramdam si Madeline ng init sa likod ng kanyang kamay. Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay at pwinersa siya na isulat ang kanyang pangalan na 'Madeline Crawford' sa huling pahina. Pangalan niya ito ngunit sulat-kamay ni Jeremy. Pagkatapos ni Jeremy, tinabig niya palayo ang kamay ni Madeline at kinuha ang mga papeles. Tinignan niya ang pangalan sa papel at nakaramdam siya ng pagkabahala sa kanyang puso. Di lang siya hindi mapanatag, nakaramdam din siya ng matinding bigat na dumidiin sa kanya. Tumingin siya sa baba at tinignan si Madeline na nasa sahig pa rin. Maputla ang mukha niya at may luha sa kanyang mga mata. Bukod pa dito, may dugo sa labi niya na tila ba kinagat niya nang malakas ang kanyang labi. Balisa at nakakaawa siyang tingnan. Sumimangot si Jeremy. "Madeline, may hiling ka ba?" "500,000 dollars," walang alinlangan sagot ni Madeline. Pagkatapos marinig ni Jeremy ito, nanghahamak siyang nangutya. "Mukhang handa ka
Hinigpitan ni Jeremy lalo ang hawak sa manibela. Nagsimula siyang maghinala kung may problema ba sa mata niya. Subalit, halatang si Madeline ang may problema sa mga mata nito. Bulag siya. Talagang bulag siya. Di siya nagbibiro noong sinabi niya na nahihirapan siyang pirmahan ang divorce paper. Totoo iyon. Subalit, maayos naman siya kanina. Bakit bulag na siya ngayon? Nanood si Jeremy habang gumagapang si Madeline sa lapag na may hinahanap at lumuluha. Pakiramdam niya na kakapusin siya ng hininga. Bumibigat ang niyebe at nagsimula na ding bumuhos ang ulan. Umalis na ang mga tao sa paligid niya, at nawalan ng tao ang kalye. Subalit, may hinahanap pa rin si Madeline. Umiiyak siya. Labis siyang nababahala, mukhang isang batang nawalan ng paborito nitong laruan. Malungkot na lumabas ng kotse si Jeremy. Unti-unti siyang lumapit kay Madeline at kakaiba ang bigat ng mga hakbang niya. Subalit, di nito napansin ang presensya niya. Nasa lapag pa rin ang payat nitong katawan ha
Nang marinig ang boses niya, inilayo ni Jeremy ang kanyang kamay. Sa isang iglap, wala nang hawak ang kamay ni Meredith nang huminto ang saya sa mukha niya. Kasunod nito ay gumuho ang ekspresyon niya. Tinignan ng lahat ang pinanggalingan ng boses at nakita ang isang maliit na katawan. Ito ay si Madeline. Suot niya ang isang simple at eleganteng bestida. May kaunting makeup siya sa kanyang mukha. Sa kabila ng mga peklat sa kanyang mukha, maganda pa rin siya at parang lumabas siya sa isang larawan. Natukoy ng lahat na ito ay si Madeline. Siya ang dating asawa ni Jeremy. Subalit walang nakakahalata na bulag siya. Pinilit niya ang kanyang sarili na maglakad papunta sa destinasyon niya. Sinasalubong na ng katawan niya ang yakap ni kamatayan, ngunit naglalakad siya sa kabila ng hirap. Pinanood ni Jeremy si Madeline na dahan-dahang lumapit sa kanya. Pinipilit niya na tumingin sa kga mata ni Madeline, ngunit walang pokus sa mga kata nito. Di na niya mahahanap ang nag-aapoy na pag
Ibinato ni Meredith ang kanyang boquet at nagmadaling tumakbo sa harapan ni Madeline. Nagsimula siyang humagulhol, at natural, may kaawa-awa siyang maskara sa kanyang mukha. "Maddie, ngayon ang engagement party namin ni Jeremy. Alam kong ayaw mo sa akin, ngunit sana wala kang gawing kahit ano para saktan ang taong mahal ko." "Madeline, ngayon ang engagement party ng aking anak at manugang. Kung ayaw mong mapahamak, umalis ka na!" Binalaan siya ni Sean nang may matigas na boses, gusto siyang itaboy. "Madeline, para mabuhay pa ang isang walang pusong babaeng tulad mo… Sineswerte ka na talaga. Layas! Kung hindi, pagsisisihan mo ito!" Banta ni Eloise. Labis na nadurog ang puso ni Madeline. Ngunit kalmado pa rin ang mukha niya. Mahinahon siyang ngumiti at sinabi, "Alam mo po ba kung paano basahin ang aking kapalaran, Mrs. Montgomery? Talagang nahirapan akong mabuhay hanggang ngayon." Nang marinig iyon ni Jeremy, pakiramdam nuya na ang ngiti sa mukha ni Madeline ay natatangi ang ni
"Madeline!" Mabilis at nag-aalalang tumakbo si Jeremy papunta kay Madeline. Hindi niya alam kung gaano katinding takot ang nasa kanyang puso nang sinigaw niya ang pangalan ni Madeline. Hawak ni Jeremy ang nanginginig na katawan ni Madeline. Bumigay ang kanyang mga binti habang sumandal siya sa pader para pilitin ang kanyang sarili na makatayo. Subalit kahit na anong gawin niya ay hindi niya ito magawa. Kahit ang kanyang malay ay nagsisimula nang manlabo at mawala. Habang tinititigan ang nakakakilabot na dugo sa mga labi ni Madeline, tumalon ang puso ni Jeremy kasabay ng isang takot na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman. "Jeremy!" Tumakbo si Meredith habang tinitignan si Madeline na nasa bingit na ng kamatayan. Syempre, wala siyang pakialam, pero hindi siya natutuwa sa kung paano tinatrato ni Jeremy si Madeline ngayon. "Jeremy, naghihintay ang mga guest. Paano mo nagawang iwanan si Mer para habulin ang babaeng yan?" Lumapit din si Eloise. Nandidiri niyang tinignan si