Sa sandaling dumating sila sa Aurous Police Station, direktang dinala si Elaine sa interrogation room sa Regional Crime Unit.Nanginig siya sa takot nang makita niya ang mga salitang ‘Regional Crime Unit’ na nakalagay sa pinto.Halos bumagsak na si Elaine habang kinakaladkad siya papunta sa interrogation room na parang isang manok na natalo sa sabong.Tinulak siya ng mga pulis papunta sa upuan sa interrogation room at tinutok ang malakas na ilaw sa kanyang mukha.Sa harap niya ay ilang mga pulis na mula sa crime unit.Sinabi ng isa sa kanila sa malamig na boses, “Elaine Wilson, ikaw ngayon ang una at natatanging salarin sa isang high-tech na kriminal na grupo sa ibang bansa. Pinapayuhan kita na magpakatotoo ka at sabihin mo ang lahat ng criminal process mo. Kung hindi, ang naghihintay sa’yo ay isang patas na paglilitis at hustisya.”Umiyak ulit si Elaine. “Mga officer, nanunumpa ako, maling tao ang nakuha niyo! Si Charlie Wade ang salarin… hindi, siya ay isang kriminal, isa akong
Ang tatlong detention center sa Aurous Police Station ay may iba’t ibang layunin. Ang isa ay para ikulong ang mga lalaking salarin at ang isa ay para sa mga babae, habang ang isa ay para sa mga batang salarin.Pagkatapos arestuhin ang apat na miyembro ng pamilya Wilson, ipinadala sila sa dalawang detention center, sila Lady Wilson at Wendy ay ipinadala sa detention center para sa mga babae habang sila Christopher at Harold ay ipinadala sa detention center para sa mga lalaki.Nangangati si Lady Wilson nang una siyang pumasok sa selda. Nakaupo siya sa isang manipis na kama, inaalala ang mga mga trahedyang nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw.Ang panahon na ito ang pinakamalaki at pinakamalalang sakuna para kay Lady Wilson at sa pamilya Wilson. Ang lahat ng pagsisikap niya at ari-arian ay kinumpiska ng korte, tumanggi ang anak niya na patirahin siya sa villa ng Thompson First, at tinawagan niya pa ang pulis para arestuhin siya! Mas lalo siyang naiirita habang iniisip niya ito.Hab
Agad napukaw ang galit ng mga tao sa paligid niya dahil sa sinabi ni Jennifer! Sumigaw sila nang makatarungan!Kahit na ang mga taong ito ay preso, hindi sila gumawa ng seryosong mga krimen at hindi rin sila masasamang tao. Nakaramdam sila ng simpatiya sa mga matatanda at mahihinang tao.Kapag nakatingin sila kay Lady Wilson na may kulay-abong buhok at kulubot na mukha at sinasabi niya ang mahirap na buhay niya sa malungkot na tono, hindi nila maiwasang maniwala sa mga sinasabi niya.Kaya, sabay-sabay nilang kinondena ang mga ‘salarin’.“Gaano sila kangahas na abandonahin ang isang matandang ina? Mga g*go lang sila!”“Tama ka! Kaya nilang tumira sa isang milyong-milyong villa pero hindi man lang nila kayang bigyan ng kwarto ang matandang babae. Nakakadiri sila!”“Ma’am, huwag kang mag-alala, patas ang karma at mumultuhin agad nito ang g*gong manugang mo!”Binasa ng luha ang mukha ni Lady Wilson. “Salamat sa pag-aalala at suporta niyo, maraming salamat! Hindi ko inaasahan na maka
Gayunpaman, sinabi ng pulis na dahil siya ang prime suspect ng isang malaking transnational case, hindi niya pwedeng makita o makausap ang kanyang pamilya, o kahit kumuha ng abogado sa ngayon dahil naka-detain siya.Nagliliyab nang marahas ang galit sa loob ni Elaine, pero hindi niya ito mailabas.Pagkatapos pumasok sa mataas na pader ng detention center, agad dinala ng pulis si Elaine sa mga inaayos sa detention.Medyo kumplikado ang proseso na ito. Kailangan siyang kunan ng litrato at mapatunayan ang pagkakakilanlan niya. Pagkatapos, kailangan niyang tanggalin ang lahat ng damit at gamit niya at ibigay ito sa staff, pagkatapos ay kailangan niyang isuot ang uniporme ng mga preso at kunin ang mga binigay na pang araw-araw na kagamitan.Pagkatapos magbihis ni Elaine, nakaalis na ang mga pulis na nagdala dito sa kanya. Sa sandaling iyon, ang lahat ng tungkol sa kanya ay pamamahalaan na ng detention center.Isang babaeng guwardya ang nagdala sa kanya sa lugar ng mga preso, at bilang
Nagulat si Elaine nang marinig niya ang boses.Tumalikod siya at nakita niya si Lady Wilson na nakaupo sa kama habang nakaturo sa kanya at minumura siya.Hindi talaga inaasahan ni Lady Wilson na makikita niya si Elaine sa detention center.Bukod dito, may suot na parehong uniporme si Elaine tulad niya sa detention center. Mukhang naaresto siya dahil gumawa siya ng krimen!Nabulabog din nang sobra si Elaine pagkatapos makita sina Lady Wilson at Wendy.Hindi niya talaga inaasahan na mapupunta siya sa selda nila.Umaasa siya na hindi sila makakasalubong sa iisang selda pero hindi niya inaakala na magiging sobrang malas niya.Kaya, nagmamadali siyang sumigaw sa maliit na bintana sa bakal na gate habang malapit pa ang guwardiya. “Kaibigan! Pulis! Pwede mo ba akong ilipat ng selda? Ayokong mapunta sa selda kasama ang mga taong ito!”Sumagot lang ang guwardiya, “Sa tingin mo ba talaga ay bahay mo ang detention center na ito? Sa tingin mo ba ay pwede kang humiling na magpalit ng selda
Nang makita niya na nakamit na niya ang layunin niya, mabilis na umiyak si Lady Wilson habang hinampas niya ang mga binti niya at sinabi, “Sobrang miserable ng buhay ko! Sobrang malas talaga ng pamilya ko na magkaroon ng ganito kasamang manugang na babae! Malapit na akong mamatay, pero sinisigawan pa rin ako ng manugang ko at pinapagalitan!”Hindi na ito natiis ni Jennifer nang makita niyang umiiyak ang matandang babae.Bigla niyang naalala ang nakakaawang hitsura ng kanyang ina na ipinadala sa hospital pagkatapos inumin ang buong bote ng pesticide. Hindi siya namatay sa oras na iyon, pero sinabi sa kanya ng doktor na hindi na maliligtas ang ina niya dahil naging fibrotic na ang kanyang mga baga at hindi na ito magagamot pagkatapos uminom ng maraming pesticide.Sa oras na iyon, umiiyak nang miserable ang kanyang ina habang nakahiga siya sa kamay. Hindi napigilan ni Jennifer ang pagtulo ng ilang luha niya nang maisip niya ang napakasakit na eksenang ito.Dahil pinuwersa ni Elaine an
Habang naghihirap si Elaine sa detention center, nakatanggap ng tawag si Charlie mula kay Isaa. Sa sandaling kumonekta ang tawag, sinabi ni Isaac, “Young master, nakakulong na si Elaine sa detention center. Ipinalagay ko na rin siya sa parehong selda kasama ang matandang babae ng pamilya Wilson at ni Wendy tulad ng gusto mo.”Tinanong ni Charlie, “Kinausap mo na ba ang guwardiya?”Sumagot si Isaac, “Oo, sinabihan ko na ang mga tauhan ko na batiin ang taong namamahala ng detention center. Walang mag-aabalang sumingit o kumilos kahit na binubugbog si Elaine sa detention center.”“Okay.” Sumagot nang malamig si Charlie, “Gusto kong maghirap pa siya nang kaunti sa loob!”Tinanong nang nagmamadali ni Isaac, “Young Master, gusto mo bang iipadalla ko ang ilang tauhan ko sa detention center para patayin na nang direkta si Elaine? Sa ganitong paraan, hindi ka niya na ulit kakalabanin.”Nag-alangan nang ilang sandali si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Tingnan muna natin kung ano
Humakbang paatras ang guwardiya bago niya hinila ang kanyang binti palabas sa kapit ni Elaine. Pagkatapos, sinabi niya lang sa dalawang babae na kukunin dapat ang pagkain, “Bilisan niyo at sumama kayo sa akin.”Nagmadali ang dalawa at sumunod sa likod ng guwardiya.Naging desperado nang sobra si Elaine at wala siyang nagawa.Sa sandaling sinara ng guwardiya ang pinto, lumapit si Jennifer kay Elaine na may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha. Kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi nang galit, “Ikaw na may apelyidong Parker! Sobrang tapang mo talaga! Nangahas ka talagang isumbong ako?”Naramdaman ni Elaine na para bang babagsak na siya! Nagmakaawa siya nang mabilis, “Patawad! Patawad! Nalito lang ako nang kaunti. Pagbigyan mo sana ako at patawarin mo ako ngayon lang!”“Patawarin ka?” Itinaas ni Jennifer ang kanyang kamay at sinampal nang malakas si Elaine sa mukha. Nahilo nang kaunti si Elaine sa sandaling sinampal siya.Lumapit si Lady Wilson kay Elaine at kinagat niya ang k
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa