Habang naghihirap si Elaine sa detention center, nakatanggap ng tawag si Charlie mula kay Isaa. Sa sandaling kumonekta ang tawag, sinabi ni Isaac, “Young master, nakakulong na si Elaine sa detention center. Ipinalagay ko na rin siya sa parehong selda kasama ang matandang babae ng pamilya Wilson at ni Wendy tulad ng gusto mo.”Tinanong ni Charlie, “Kinausap mo na ba ang guwardiya?”Sumagot si Isaac, “Oo, sinabihan ko na ang mga tauhan ko na batiin ang taong namamahala ng detention center. Walang mag-aabalang sumingit o kumilos kahit na binubugbog si Elaine sa detention center.”“Okay.” Sumagot nang malamig si Charlie, “Gusto kong maghirap pa siya nang kaunti sa loob!”Tinanong nang nagmamadali ni Isaac, “Young Master, gusto mo bang iipadalla ko ang ilang tauhan ko sa detention center para patayin na nang direkta si Elaine? Sa ganitong paraan, hindi ka niya na ulit kakalabanin.”Nag-alangan nang ilang sandali si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Tingnan muna natin kung ano
Humakbang paatras ang guwardiya bago niya hinila ang kanyang binti palabas sa kapit ni Elaine. Pagkatapos, sinabi niya lang sa dalawang babae na kukunin dapat ang pagkain, “Bilisan niyo at sumama kayo sa akin.”Nagmadali ang dalawa at sumunod sa likod ng guwardiya.Naging desperado nang sobra si Elaine at wala siyang nagawa.Sa sandaling sinara ng guwardiya ang pinto, lumapit si Jennifer kay Elaine na may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha. Kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi nang galit, “Ikaw na may apelyidong Parker! Sobrang tapang mo talaga! Nangahas ka talagang isumbong ako?”Naramdaman ni Elaine na para bang babagsak na siya! Nagmakaawa siya nang mabilis, “Patawad! Patawad! Nalito lang ako nang kaunti. Pagbigyan mo sana ako at patawarin mo ako ngayon lang!”“Patawarin ka?” Itinaas ni Jennifer ang kanyang kamay at sinampal nang malakas si Elaine sa mukha. Nahilo nang kaunti si Elaine sa sandaling sinampal siya.Lumapit si Lady Wilson kay Elaine at kinagat niya ang k
Halos maihi na si Elaine sa kanyang pantalon nang marinig niya ang mga sinabi ni Jennifer.Hindi siya nagduda sa mga sinabi ni Jennifer dahil nakikita niya na sobrang malupit na tao si Jennifer. Ang katotohanan na binugbog siya nang sobra ni Jennifer kanina ay kumapit na sa kanyang isipan.Umasa si Lady Wilson sa suporta ni Jennifer habang sinipa niya si Elaine at minura, “Isusulat mo ba ang liham o hindi?”Sumigaw sa sakit si Elaine at sinabi, “Isusulat ko. Isusulat ko na ito para sa’yo, okay?”Sinampal siya ni Jennifer sa mukha at sinabi, “Isa ka talagang miserableng hayop! Ayaw mong makipagtulungan kapag tinatanong ka nang mabait, pero kikilso ka lang pagkatapos mong mabugbog!”Naramdaman ni Elaine na hindi ito makatuwiran at sinabi, “Ikaw rin naman! Hindi ka man lang nag-abala na makipag-usap nang mabait at itinaas mo lang ang kamay mo para sampalin ako sa sandaling lumapit ka…”Kinagat ni Jennifer ang kanyang ngipin sa galit bago niya itinaas ang kanyang kamay at sinampal u
Pagkatapos niyang magsalita, itinaas ni Lady Wilson ang kanyang kamay at sinampal ulit si Elaine. Pagkatapos, sinabi niya nang malamig, “Hindi na kita gusto simula pa noong gusto kang pakasalan ni Jacob! Dahil maraming taon na akong nandidiri sa’yo, dapat kitang sampalin hanggang sa makuntento ako!”Tuluyang nasiraan ng loob si Elaine!Hindi niya inaakala na magiging walang hiya nang sobra si Lady Wilson!Siya ang gumawa sa kanya ng pangako, pero binawi niya ang mga salita niya nang gano’n lang!Pero, walang magagawa si Elaine sa ngayon!Bukod dito, dahil nandito si Jennifer, hindi man lang naglakas-loob si Elaine na sabihin ang sama ng loob niya!Nang maisip niya ito, nalungkot nang sobra si Elaine. Umasa na lang siya nang desperado na isa lang itong bangungot at hiniling niya na magising na siya!Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik na ang dalawang taong lumabas para kunin ang hapunan dala-dala ang dalawang malaking basket na gawa sa plastic.Maraming iba’t ibang lunch box a
Si Elane, na nabugbog nang matindi, ay gutom na gutom na rin sa puntong ito.Hindi man lang siya nakakagat sa pagkain na hinandan ni Charlie para sa tanghalian. Pagkatapos, agad siyang inaresto ng pulis.Pagkatapos ng lahat ng gulo ngayong hapon, kasama na ang lahat ng gulat at pambubugbog, hindi niya mapigilang magutom nang sobra pagkatapos mapagod ng kanyang katawan.Kaya, maingat siyang gumapang papunta sa balot ng mga pagkain bago siya kumuha ng lunch box. Magtatago na dapat siya sa sulok para kumain nang mag-isa, pero sa sandaling ito, biglang sumigaw si Jennifer, “Elaine, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Sumagot nang nagmamadali si Elaine, “A… Ate, kakain ako…”“Kakain?” Sumigaw si Jennifer, “Isa kang g*go na hindi man lang tapat sa sarili mong biyenan na babae at may lakas ng loob ka pa rin na kumain?”“Ako… ako…” Biglang nabulunan si Elaine pero hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong ni Jennifer.Sobrang hindi nasiyahan si Jennifer at patuloy niya siyang
”Hindi.” Nagpanggap si Charlie na nasorpresa siya at tinanong, “Bakit? Anong mayroon? Hindi pa ba nakakauwi si Mama?”“Hindi pa.” Sumagot si Claire, “Akala ko na lalabas siya kasama ang kaibigan niya. Pero, tinawagan ako ng isa sa mga kaibigan niya kanina at sinabi niya sa akin na hindi nila matawagan ang mama ko simula pa kaninang hapon. Hinihintay nila ang pagpayag niya kung maghahapunan ba sila nang sama-sama, pero hindi raw nila siya makiya. Tinanong ko na rin si papa, pero sinabi niya na hindi niya alam kung nasaan siya. Kaya ikaw ang tinanong ko.”Sumagot nang walang ekspresyon si Charlie, “Hindi ko talaga alam kung nasaan ang ina mo. Humingi siya ng pera sa akin kaninang hapon, sinasabi niya na gusto niyang lumabas para maghapunan kasama ang mga kaibigan niya. Pero, dahil si papa na ang namamahala ng gastusin ng pamilya natin, sinabi ko sa kanya na humingi muna ng pahintulot kay papa. Hindi ko siya binigyan ng pera dahil walang pahintulot ang papa mo. Sa tingin ko ay nagalit n
Hindi masyadong ginalaw ni Claire ang kanyang mga chopstick nang naghapunan sila.Patuloy niyang sinusubukang tawagan si Elaine at patuloy siyang nagpapadala ng text pero walang sumasagot.Sa kabilang dako, may sobrang payapang ekspresyon si Jacob at may kuntentong hitsura sa kanyang mukha. Naramdaman niya na maganda kung lalayas si Elaine sa bahay, tulad ng ginawa ni Hannah. Kung gano’n talaga, magiging malaya na ang buhay niya.Nabalisa nang sobra si Claire sa sandaling ito at patuloy niyang sinasabi na gusto niyang pumunta sa police station para mag-file ng police report. Sa sandaling ito, sinabi ni Jacob, “Ah, Claire, matanda na ang mama mo. Baka may ginawa lang talaga siya sa labas? Bakit ka nag-aalala nang sobra sa kanya? Paano kung balak niya talagang lumayas sa bahay? Talaga bang sasabihan mo ang pulis na kaladkarin siya pauwi kung gano’n?”“Paano ito posible?” Sumagot nang tapat si Claire, “Matagal nang sabik na si mama na tumira sa villa ng Thompson First. Ngayong nakalip
Pagkatapos maghanap nang ilang sandali at hindi nakit si Elaine kahit saan, biglang sinabi ni Jacob, “Charlie, dapat ba tayong humanap ng lugar para kumain ng ilang inihaw na laman? Nagmamadali nang sobra si Claire kaninang hapunan at nagmamadali akong kumain kaya hindi ako nabusog.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Sige, pa. May alam akong ihawan sa tabi ng kalsada na nagtitinda ng masarap ng inihaw.”Tinapik ni Jacob ang kanyang hita at sinabi, “Tara na.. Dapat tayong kumain ng inihaw na karne at uminom ng ilang beer ngayong gabi.”Sumagot nang nagmamadali si Charlie, “Pa, ako ang nagmamaneho kaya hindi ako pwedeng uminom ngayong gabi.”Kumaway si Jacob at sinabi, “Tatawag na lang tayo ng driver kung gano’n! Bihira lang na magkainuman tayong mag-ama. Palaging nanunumbat at nanggagalaiti ang biyenan na babae mo sa mga tainga ko at nakakainis talaga ito. Ngayong nagkataon na wala siya, hindi ba’t dapat tayong uminom nang magkasama?”Nagkibit-balikat si Charlie bago siya ngumiti at s
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro