Hindi masyadong ginalaw ni Claire ang kanyang mga chopstick nang naghapunan sila.Patuloy niyang sinusubukang tawagan si Elaine at patuloy siyang nagpapadala ng text pero walang sumasagot.Sa kabilang dako, may sobrang payapang ekspresyon si Jacob at may kuntentong hitsura sa kanyang mukha. Naramdaman niya na maganda kung lalayas si Elaine sa bahay, tulad ng ginawa ni Hannah. Kung gano’n talaga, magiging malaya na ang buhay niya.Nabalisa nang sobra si Claire sa sandaling ito at patuloy niyang sinasabi na gusto niyang pumunta sa police station para mag-file ng police report. Sa sandaling ito, sinabi ni Jacob, “Ah, Claire, matanda na ang mama mo. Baka may ginawa lang talaga siya sa labas? Bakit ka nag-aalala nang sobra sa kanya? Paano kung balak niya talagang lumayas sa bahay? Talaga bang sasabihan mo ang pulis na kaladkarin siya pauwi kung gano’n?”“Paano ito posible?” Sumagot nang tapat si Claire, “Matagal nang sabik na si mama na tumira sa villa ng Thompson First. Ngayong nakalip
Pagkatapos maghanap nang ilang sandali at hindi nakit si Elaine kahit saan, biglang sinabi ni Jacob, “Charlie, dapat ba tayong humanap ng lugar para kumain ng ilang inihaw na laman? Nagmamadali nang sobra si Claire kaninang hapunan at nagmamadali akong kumain kaya hindi ako nabusog.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Sige, pa. May alam akong ihawan sa tabi ng kalsada na nagtitinda ng masarap ng inihaw.”Tinapik ni Jacob ang kanyang hita at sinabi, “Tara na.. Dapat tayong kumain ng inihaw na karne at uminom ng ilang beer ngayong gabi.”Sumagot nang nagmamadali si Charlie, “Pa, ako ang nagmamaneho kaya hindi ako pwedeng uminom ngayong gabi.”Kumaway si Jacob at sinabi, “Tatawag na lang tayo ng driver kung gano’n! Bihira lang na magkainuman tayong mag-ama. Palaging nanunumbat at nanggagalaiti ang biyenan na babae mo sa mga tainga ko at nakakainis talaga ito. Ngayong nagkataon na wala siya, hindi ba’t dapat tayong uminom nang magkasama?”Nagkibit-balikat si Charlie bago siya ngumiti at s
Habang pinag-iisipan ni Charlie ang tungkol dito, tinanong ni Claire nang naiinip, “Paano naman kayo ni papa? Nakahanap na ba kayo ng bakas tungkol kay mama?”“Um…” Tumingin si Charlie sa mga inihaw at beer sa harap niya at sinabi, “Naghahanap pa rin kami sa iba’t ibang mahjong hall para kay mama. Wala pang bakas kung nasaan siya sa ngayon.”Nagbuntong hininga si Claire at sinabi, “Kung gano’n, patuloy niyo siyang hanapin. Hahanapin na rin namin ni Loreen si mama ngayon.”‘Okay.” Sumagot nang nagmamadali si Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong magsisikap kami ni papa na hanapin si mama!”“Okay.” Sumagot si Claire, “Ibaba muna natin ang tawag. Tawagan mo ako kung may nalaman ka.”“Walang problema!”Nang ibinaba ni Charlie ang tawag, kumakain na nang masaya si Jacob.Uminom ng isang baso ng beer si Jacob nago siya nagbuhos ng beer para kay Charlie. Habang niilalasap niya ang inihaw na karne, sinabi ni Jacob, “Mabuti kong manugang, walang manggugulo sa atin ngayong araw. Umin
”Paano ko maipapaliwanag ang sarili ko?” Sumagot si Jacob, “Kahit gaano ko pa subukang ipaliwanag ang sitwasyon, may nangyari na samin ni Elaine. Gusto ni Matilda ng kalinisan. Gusto niyang malinis ang buhay niya, at gusto niya ring maging malinis at puro ang relasyon niya. Alam niya na si Elaine ang nanlasing sa akin at pinlano ang lahat para magkaganito. Pero, naramdaman ni Matilda na parang hindi na niya kayang tanggapin ang isang katulad ko. Kaya, nakipaghiwalay siya sa akin nang hindi nag-aatubili at pumunta siya sa United States.”Sadyang tinanong ni Charlie, “Kung gano’n, iniisip mo pa rin ba siya?”Binuksan ni Jacob ang kanyang puso at sumagot, “Paano ko siya hindi maiisip? Siya ang unang babae na pumasok sa buhay ko, at siya lang ang babaeng minahal ko. Kung hindi, hindi ko babaguhin ang password ko at gagamitin ang kaarawan niya…”Bahagyang tumango si Charlie bago tinanong, “Kung gano’n, nagtanong ka na ba sa kasalukuyang sitwasyon niya?”“Nagtanong na ako kung saan-saan.
Hinding-hindi inaakala ni Jacob na makakatanggap ulit siya ng tawag mula kay Matilda sa buong buhay niya.Ang mas nakakagulat pa ay babalik si Matilda sa Oskia!Pumunta agad si Matilda sa United States pagkatapos nilang magtapos sa kolehiyo. Pagkatapos, patuloy siyang nanatili sa United States pagkatapos niyang mag-aral. Simula noong araw na iyon, wala nang nakakita sa kanya sa mga dati nilang kaklase. Mahigit dalawampung taon na ang lumipas simula noon.Pero, kahit na dalawampung taon na silang hindi nagkikita, hindi mapigilan ni Jacob ang pagtibok ng puso niya sa sandaling narinig niya ang boses ni Matilda.Kaya, tinanong niya nang nagmamadali, “Matilda, ikaw… babalik ka ba talaga sa Aurous Hill? Kailan ka babalik?”Ngumiti si Matilda at sinabi, “Malapit na akong sumakay sa eroplano. Kung magiging maayos ang lahat, darating ako sa Aurous Hill nang alas onse ng umaga. Makakapaghapunan tayo kasama ang mga dati nating kaklase sa susunod na araw kung magiging maayos ang lahat!”Nas
”Oo!” Sumagot nang sabik si Jacob, “Ang pangunahing punto ay pumanaw na ang asawa niya! Hahaha! Hindi ba’t sa tingin mo ay tinutulungan din ako ng diyos?”Bahagyang tumango si Charlie at sinabi, “Pero pa, hindi pa patay si mama…”Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jacob at sinabi niya nang nahihiya, “Huwag mo akong maliin. Hindi ko siya sinusumpa o umaasa na patay na siya!”Habang sinasabi niya ito, nagbuntong hininga si Jacob at sinabi, “Hindi ba’t sa tingin mo ay magiging mabuti kung nakipagtanan talaga si Elaine sa ibang lalaki, tulad ng ginawa ni Hannah?”Umiling si Charlie nang walang magawa. Natatakot siya na napuno ng ni Matilda ang puso ni Jacob dahil malapit na siyang umuwi. Ang lahat ng pakiramdam na nararamdaman niya para kay Elaine ay tuluyan nang nawala.Nagbuntong hininga na lang si Charlie at sinabi. “Kung matatanggap ni Claire na nawala ang ina niya dahil nakipagtanan siya sa iba, magiging perpekto ito.”Kung pareho lang ang iisipin ni Claire tulad ni Jacob, papaw
Talagang naramdaman ni Ealine na hindi ito makatarungan habang nakahiga siya sa kama.Mahigit labindalawang oras na siyang hindi kumakain at tiniis niya ang isang matindi at marahas na pambubugbog. Gutom na gutom na siya sa sandaling ito. Kahit na kaya niyang mabuhay nang hindi kumakain o umiinom, hindi niya kayang patahimikin ang kanyang tiyan!Pero, hindi nangahas si Elaine na kalabanin si Jennifer.Dahil, bubugbugin siya at sasaktan siya nang matindi ng mabahong babae na ito.Inisip ni Elaine na magiging maayos ang alaht kung tatakpan niya lang ang kanyang ulo ng unan at susubukan niyang matulog. Sinong nag-aakala na tutunog ang kanyang tiyan sa sandaling ito?Tumayo agad si Jennifer bago siya lumapit kay Elaine at binati siya ng malakas na sampal sa mukha. Naramdaman ni Elaine na sasabog na sa sakit ang kanyang pisngi pagkatapos siyang sampalin ni Jennifer.Nagmakaawa na lang nang desperado si Elaine, “Patawad. Patawarin mo ako. Hindi ko ito gustong gawin…”Dahil wala na ang
Dahil, hindi ba’t gagawin niya rin ito kung nasa sitwasyon siya ni Elaine?Kaya, walang balak si Lady Wilson an maging mabait kay Elaline.Bukod dito, hindi mapigilang maalala ni Lady Wilson ang kahihiyan na tinamo niya sa villa ng Thompson First ngayong araw. Sa sandaling ito, sinabi niya nang malamig, “Ito ang resulta at presyo na pinagbabayaran mo para sa mga ginawa mo! Dapat magsaya ka sa mga resulta ng mga ginawa mo! Ito pa lang ang unang araw. Labing-apat na araw tayong magsasama!”Pagkatapos niyang magsalita, suminghal nang malamig si Lady Wilson bago siya tumalikod at lumabas sa banyo.Nakaupo si Elaine sa banyo at gutom na gutom na siya at nilalamig. Gusto niya na talagang umiyak dahil wala siyang magawa at desperado na siya. Pero, tinakpan niya agad ang kanyang bibig nang maisip niya ang mabangis at masamang si Jennifer.Gayunpaman, sa huli ay hindi niya ito napigilan at niyakap niya na lang nang mahigpit ang mga binti niya habang nilubog niya ang kanyang mukha sa pagita
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa