”Oo!” Sumagot nang sabik si Jacob, “Ang pangunahing punto ay pumanaw na ang asawa niya! Hahaha! Hindi ba’t sa tingin mo ay tinutulungan din ako ng diyos?”Bahagyang tumango si Charlie at sinabi, “Pero pa, hindi pa patay si mama…”Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jacob at sinabi niya nang nahihiya, “Huwag mo akong maliin. Hindi ko siya sinusumpa o umaasa na patay na siya!”Habang sinasabi niya ito, nagbuntong hininga si Jacob at sinabi, “Hindi ba’t sa tingin mo ay magiging mabuti kung nakipagtanan talaga si Elaine sa ibang lalaki, tulad ng ginawa ni Hannah?”Umiling si Charlie nang walang magawa. Natatakot siya na napuno ng ni Matilda ang puso ni Jacob dahil malapit na siyang umuwi. Ang lahat ng pakiramdam na nararamdaman niya para kay Elaine ay tuluyan nang nawala.Nagbuntong hininga na lang si Charlie at sinabi. “Kung matatanggap ni Claire na nawala ang ina niya dahil nakipagtanan siya sa iba, magiging perpekto ito.”Kung pareho lang ang iisipin ni Claire tulad ni Jacob, papaw
Talagang naramdaman ni Ealine na hindi ito makatarungan habang nakahiga siya sa kama.Mahigit labindalawang oras na siyang hindi kumakain at tiniis niya ang isang matindi at marahas na pambubugbog. Gutom na gutom na siya sa sandaling ito. Kahit na kaya niyang mabuhay nang hindi kumakain o umiinom, hindi niya kayang patahimikin ang kanyang tiyan!Pero, hindi nangahas si Elaine na kalabanin si Jennifer.Dahil, bubugbugin siya at sasaktan siya nang matindi ng mabahong babae na ito.Inisip ni Elaine na magiging maayos ang alaht kung tatakpan niya lang ang kanyang ulo ng unan at susubukan niyang matulog. Sinong nag-aakala na tutunog ang kanyang tiyan sa sandaling ito?Tumayo agad si Jennifer bago siya lumapit kay Elaine at binati siya ng malakas na sampal sa mukha. Naramdaman ni Elaine na sasabog na sa sakit ang kanyang pisngi pagkatapos siyang sampalin ni Jennifer.Nagmakaawa na lang nang desperado si Elaine, “Patawad. Patawarin mo ako. Hindi ko ito gustong gawin…”Dahil wala na ang
Dahil, hindi ba’t gagawin niya rin ito kung nasa sitwasyon siya ni Elaine?Kaya, walang balak si Lady Wilson an maging mabait kay Elaline.Bukod dito, hindi mapigilang maalala ni Lady Wilson ang kahihiyan na tinamo niya sa villa ng Thompson First ngayong araw. Sa sandaling ito, sinabi niya nang malamig, “Ito ang resulta at presyo na pinagbabayaran mo para sa mga ginawa mo! Dapat magsaya ka sa mga resulta ng mga ginawa mo! Ito pa lang ang unang araw. Labing-apat na araw tayong magsasama!”Pagkatapos niyang magsalita, suminghal nang malamig si Lady Wilson bago siya tumalikod at lumabas sa banyo.Nakaupo si Elaine sa banyo at gutom na gutom na siya at nilalamig. Gusto niya na talagang umiyak dahil wala siyang magawa at desperado na siya. Pero, tinakpan niya agad ang kanyang bibig nang maisip niya ang mabangis at masamang si Jennifer.Gayunpaman, sa huli ay hindi niya ito napigilan at niyakap niya na lang nang mahigpit ang mga binti niya habang nilubog niya ang kanyang mukha sa pagita
Sa una ay hindi alam ni Claire na nakainom si Jacob.Pero, pagkatapos niyang lapitan si Jacob, naamoy niya ang malakas na amoy ng alak sa kanyang katawan. Hindi niya maiwasang magalit sa kanyang ama sa sandaling ito!Alam niya na karaniwan ay masayang umiinom ang kanyang ama. Wala siyang opinyon tungkol sa mga ginagawa niya. Pero, ang mali dito ay sinabi sa kanya ng kanyang ama na pumunta siya sa maraming mahjong hall para hanapin ang kanyang ina. Bakit siya umuwi nang lasing kung gano’n?Ito… pinatunayan lang nito na hindi niya hinanap ang kanyang ina! Lumabas lang siya para… uminom!Nang narinig ni Jacob na tinanong siya ni Claire kung nakainom ba siya. Tinakpan niya nang nagmamadali ang kanyang bibig at umatras nang kaunti dahil nagpanic siya. Pagkatapos, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang magsabi ng kalokohan! Hindi ako uminom!”“Ikaw ang nagsasabi ng kalokohan ngayon!” Galit na pumadyak si Claire, “Naaamoy ko ang amoy ng alak sa katawan mo! Hindi ka amoy alak nang umal
Hindi kayang huminahon ni Claire at kumaway siya bago sinabi, “Kalimutan mo na. Ayoko nang pag-usapan ang problemang ito. Babalik na ako sa kwarto ko para pakalmahin ang sarili ko.”Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Claire at umakyat na sa hagdan.Hindi mapigilan ni Charlie na magbuntong hininga nang makita niyang umakyat siya sa hagdan at nawala sa itaas ng hagdan.Mukhang mahihirapan talaga siya sa kung anong gagawin kay Elaine.Hindi niya siya pwedeng patayin at hindi niya siya pwedeng pawalain o paglahuin sa mundong ito nang walang bakas. Kapag nagdusa na siya, kailangan niya pa rin siyang iuwi.Pero, mamomroblema rin siya kung ibabalik niya si Elaine. Paano niya siya mapapatahimik para wala siyang masabing kalokohan?Gamit ang hypnosis?Hindi ito maaasahan!Dahil, ang pangalawang epekto ng hypnosis ay sa sandaling sinundan ng tao ang kanyang psychological cue, mawawala sa diwa ang taong iyon.Ganito rin ang nangyari noong nahipnotismo niya si Kian at binigyan siya
Nararamdaman ni Loreen ang kahinahunan ni Charlie nang pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha. Sa parehong oras, hindi niya maiwasang maramdaman na nasasaktan nang sobra ang puso niya habang nakikinig siya sa matatag at emosyonal na pag-amin ni Charlie kay Claire.Sa sandaling ito, sinabi ni Loreen sa paos na boses, “Charlie, kung mahal ka talaga ni Claire, wala akong gagawin para guluhin o sirain ang relasyon niyo. Pero, alam mo na pinakasalan ka lang ni Claire dahil sa pangako niya sa kanyang lolo. Sa tingin mo ba talaga ay magiging maayos ang lahat para sa’yo kahit na ikaw lang ang nagsisikap sa relasyon na ito? Bakit hindi mo na lang siya pakawalan at unahin mo ang sarili mo kahit ngayon lang?”Pagkatapos niyang magsalita, umiyak si Loreen at tinanong, “Saang lugar ba ako mas mababa kay Claire? Sabihin mo sa’kin para mapabuti ko ang sarili ko at susubukan kong habulin siya. Huwag mo sana akong tanggihan nang gano’n lang. Bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataon?”Bahagyang
Kung hindi umasa si Claire sa makulit na ‘katangahan’ na ito, matagal na siyang nakinig sa lahat at hiniwalayan na siya.Kung nangyari iyon, anong klaseng kapalaran at tadhana na ang pinaghihirapan niya ngayon?Hindi man lang nangahas si Charlie na isipin ang tungkol dito.Sobrang hirap ng buhay niya bago siya ikasal kay Claire.Ito ay dahil hindi tumatanggap ng mga taong nasa sapat na gulang ang bahay ampunan. Kaya, sa ikalabing-walong kaarawan niya, binilhan siya ni Mrs. Lewis ng birthday cake gamit ang maliit na ipon na mayroon siya. Pagkatapos, ipinagdiwang nila ang kaarawan niya para sa kanya bago niya siya pinalabas ng bahay ampunan habang may luha sa kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, naging malungkot at walang magawang tao nanaman si Charlie sa mundong ito.Gusto siyang tulungan ni Mrs. Lewis at gusto niyang magpakilala ng ilang trabaho sa kanya para kumita siya ng pera para sa sarili niya pero nahihiya si Charlie na tanggapin ang tulong ni Mrs. Lewis.Nakahanap siya n
Habang iniisip niya ang kanyang nakaraan, hindi maiwasan ni Charlie na mapuno ng emosyon.May dalawang tao lang sa pamilya Wilson na tinrato siya nang mabuti.Isa sa kanila ay si Lord Wilson, na namatay na at ang isa ay ang asawa niya, si Claire.Dahil pumanaw na si Lord Wilson, ang natirang tao na lang sa buong pamilya Wilson na mabait sa kanya ay walang iba kundi si Claire.Nang makita ni Charlie na nakatayo si Claire sa balkonahe na may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha, lumapit siya sa kanya nang mabagal at sinabi, “Claire, hindi mo kailangang mag-alala nang sobra. Siguradong uuwi nang ligtas si mama sa bahay, okay?”Napagtanto lang ni Claire na pumasok si Charlie sa kwarto nang marinig niya siyang nagsalita. Tumalikod siya at tumingin sa kanya na may naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha at sinabi, “Wala ka talagang pakialam sa kanya. Kaya, syempre iisipin mo na walang mangyayari sa kanya. Kahit na may mangyari sa kanya, hindi ka naman malulungkot o mag-aalala.”Alam
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa