Nang malaman ni Donald na nasa Aurous Hill si Anthony, nasabik siya nang sobra.Matagal na niyang narinig ang tungkol sa pambihirang kakayahan ni Anthony sa medisina. Dahil kayang gamutin ni Anthony ang hindi dapat nagagamot na high paraplegia, siguradong hindi imposible para sa kanya na gamutin ang isang kakaibang sakit na kailan lang nakuha ng kanyang pangalawang anak, si Kian.Habang iniisip niya ito, sobrang ganda ng pakiramdam niya. Pagkatapos, lumingon siya at tumingin kay Sean bago sinabi, “Maghanda ka ng malaking regalo! Pupunta tayo sa Serene World Clinic para kitain si Dr. Simmons bukas nang umaga!”Tumango lang si Sean at sinabi, “Okay, pa. Gagawin ko na ang lahat ng preparasyon.”“Okay,”sumagot si Donald habang isang bihirang ngiti ang lumitaw sa mukha niya. Sobrang relaxed niya at mas maginhawa nang sinabi niya, “Sa tingin ko ay mas mabuti kung sabay-sabay nating malulutas ang lahat ng problemang ito. Una, maaari tayong humanap ng gamot para sa nakababatang kapatid mo
Hindi mapigilang mag-alala nang kaunti ni Albert nang maisip niya ito.Nakikita niya na talagang kinamumuhian ni Donald ang nakalaban ni Kian. Bukod dito, malinaw na sobrang galit siya at naiinis sa lalaking mahal ni Jasmine.Kung ang dalawang bagay na ito ay nakatuon sa dalawang magkaibang tao, siguradong mas malala pa sa kamatayan ang kapalaran nila. Sa mga mata ni Donald, kailangang mamatay ng dalawang taong ito.Kung ang dalawang bagay na ito ay sa iisang tao lang, naniniwala si Albert na siguradong gagawin ng pamilya Webb ang lahat ng makakaya nila para patayin at sirain ang taong ito.Kaya, hindi niya mapigilang mag-alala nang kaunti kay Charlie.Kahit na alam niya na sobrang lakas at magaling si Charlie, nag-aalala pa rin siya na maraming problemang haharapin si Charlie kapag nakalaban niya ang isang makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya tulad ng pamilya Webb.Pagkatapos maghapunan, hinatid ng lahat si Donald at ang anak niya, si Sean, sa ground floor ng Heaven Spring
Nagpapawis nang sobra si Aurora at humihingal sa pagod sa sandaling ito.Natapos na niya ang ilang set ng ehersisyo na pinlano niya para sa kanyang sarili. Pagkatapos niyang matapos mag ehersisyo, maingat niyang inoberbahan ang sarili niya sa malaking salamin sa harap niya.Sa totoo lang, sobrang ganda ng katawan ni Aurora.Dahil madalas siyang nag-eehersisyo, sobrang impis at maskulado ang katawan niya, at mas maganda ang linya ng katawan niya at hugis nito kumpara sa kahit sinong ordinaryong tao.Sa sandaling ito, may suot na masikip na damit si Aurora at isang pares ng yoga pants na niyayakap ang kanyang baywang, balakang, at mga binti habang tinatali niya ang kanyang buhok sa isang malinis na ponytail. Sobrang ganda niya!Habang hinahangaan niya ang katawan niya sa salamin, ang tumatakbo lang sa isip niya ay tungkol kay Charlie.Habang iniisip niya si Charlie, bigla siyang nahiya nang sobra at namula agad.Palaging siyang sinasabihan ng ama niya na humanap ng paraan para map
”Hay nako!” Hindi mapigilang magbuntong hininga nang malakas ni Graham. “Medyo malaki ang gulong dinala mo kay Mr. Wade ngayon! Ngayon, nandito ang pamilya Webb para hanapin siya! Tinitipon ni Donald ang lahat ng pinuno ng mga makapangyarihan at prestihiyosong pamilya sa Aurous Hill para tulungan siyang humanap ng impormasyon tungkol kay Mr. Wade!”“Ano?!” Nag-panic si Aurora, at sinabi niya agad, “Pa, hahanapan ba ng mali ng pamila Webb si Mr. Wade?”Sumagot si Graham, “Gustong patayin ng pamilya Webb si Mr. Wade!”Umiyak nang balisa si Aurora, at sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin. Pwede mo bang sabihin sa pamilya Webb na ang dahilan kung bakit naging ganito si Kian ay dahil sa akin?! Ayokong madamay si Mr. Wade dahil sa akin…”“Talaga bang mangmang ka?!” Hindi mapigilang magbuntong hininga ni Graham at sinabi, “Sa tingin mo ba talaga ay mga makatuwirang tao ang pamilya Webb? Dahil nagkaroon ng ganitong sakit si Kian dahil kay Charlie, sa t
Katatapos lang maghapunan ni Charlie at hinuhugasan na ang mga plato sa kusina sa sandaling ito. Nang matanggap niya ang tawag ni Graham, mabilis niyang sinagot ang tawag bago tinanong, “Mr. Quinton, bakit mo ako hinahanap?”Sumagot nang nagmamadali si Graham, “Mr. Wade, may kailangan akong iulat sa’yo pagkatapos pag-usapan ito kasama sina Mr. White at Don Albert.”Ngumiti nang walang pakialam si Charlie at sinabi, “Kung may kailangan kang sabihin sa akin, pwede mo akong kausapin nang direkta. Hindi mo na kailangan maging sobrang galang sa akin.”Sumagot nang nagmamadali si Graham, “Okay, Mr. Wade. Sasabihin ko na lang ito, kung gano’n. Ngayong araw, nag-ayos ng hapunan sa Heaven Springs si Donald Webb ng pamilya Webb sa Sudbury. Inimbita niya ang ilan sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa Aurous Hill kasama na si Mr. White, Don Albert, at ako para dumalo sa handaan na hapunan ngayong gabi. Pagkatapos, hiniling niya sa amin na tulungan siya, at naramdaman namin na may mali
Sa totoo lang, alam ni Charlie na siguradong may gusto sa kanya si Jasmine.Pero, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa ganitong uri ng kagustuhan. Kaya, nagpasya na lang siya na magpanggap na walang nangyayari para sa hinaharap niya na lang ito aayusin.***Gumising nang maaga si Donald sa sumunod na araw.Hindi siya makatulog buong gabi dahil nag-aalala siya sa paghahanap kay Anthony para gamutin ang pangalawang anak niya, si Kian.Medyo masama ang sitwasyon ni Kian ngayon. Hindi man lang napakalma ang kondisyon niya na kailangan kumain ng tae, at ang emosyon at mental health ni Kian ngayon ay unti-unti nang bumabagsak.Sinong hindi magiging ganito? Kailangan niyang kumain ng tae nang mahigit dalawampung beses kada araw, at hindi niya maiiwasang maramdaman na masisira na ang isipan niya.Bukod dito, lumaki sa layaw si Kian. Para sa kanya, mas nakakatakot pa ang paggawa nito habang buhay kaysa sa kamatayan.Kaya, umaasa talaga si donald na magamot ang sakit niya sa lalo
Sa sandaling narinig nila ang utos niya, mabilis na sumugod ang ilang bodyguard bago nila sinunggaban ang lalaki at sinuntok siya at sinipa.Umiyak ang isang matandang babae na nakatayo sa tabi ng lalaki at sumigaw nang makita niyang binubugbog ng mga lalaking iyon ang anak niya. “Nagmamakaawa ako, itigil niyo na ang pambubugbog sa kanya. Aalis na lang kami, aalis na kami ngayon, okay?!”Sinabi ng pinuno ng mga bodyguard, “Ano? Dapat ginawa niyo na ito sa simula pa lang!”Pagkatapos, sinipa niya ang lalaki habang naglabas siya ng isang libong dolyar at tinapon ito sa mukha ng lalaki habang sinabi, “Umalis ka na dito!”Patuloy na umiyak ang matandang babae habang ginamit niya ang buong lakas niya para tulungan na tumayo ang kanyang anak. Nagalit nang sobra ang mga taong nagtipon sa labas ng Serene World Clinic nang makita nila ang eksenang ito. Pero, dahil nakita nila na maraming marangyang kotse ang kabila at maraming bodyguard, alam nila na hindi nila kakayaning labanan sila. Kaya
Dahil, hindi isang ordinaryong tao si Anthony.Isa siyang henyong doktor na sobrang sikat at ginagalang sa buong bansa. Bukod dito, maraming koensyon din si Anthony sa maraming mayaman at makapangyarihang tao. Maraming makapangyarihan at prestihiyosong tao ang pumupunta para magpasuri at magpagamot kay Anthony. Kaya, alam ni Donald na dapat niyang igalang at irespeto nang sobra si Anthony kung gusto niyang humingi ng tulong sa kanya na gamutin ang kanyang bunsong anak.Pero, hindi napagtanto ni Donald na sinasadya ito ni Sean. Naramdaman niya lang na marahil ay ganito ang kilos ng anak niya dahil pinalaki siya sa layaw. Kaya, marahil ay naubos ang pasensya niya dahil sanay na siyang maging mapagmataas at dominante.Mabilis na sinabi ni Donald, “Sean, nandito tayo ngayon para humingi ng tulong sa henyong doktor na gamutin ang nakababatang kapatid mo. Hindi ka dapat maging bastos sa kanya!”Sumagot nang nagmamadali si Sean, “Naiintindihan ko, pa. Pasensya na at nawalan ako ng kontrol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara