Sa totoo lang, alam ni Charlie na siguradong may gusto sa kanya si Jasmine.Pero, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa ganitong uri ng kagustuhan. Kaya, nagpasya na lang siya na magpanggap na walang nangyayari para sa hinaharap niya na lang ito aayusin.***Gumising nang maaga si Donald sa sumunod na araw.Hindi siya makatulog buong gabi dahil nag-aalala siya sa paghahanap kay Anthony para gamutin ang pangalawang anak niya, si Kian.Medyo masama ang sitwasyon ni Kian ngayon. Hindi man lang napakalma ang kondisyon niya na kailangan kumain ng tae, at ang emosyon at mental health ni Kian ngayon ay unti-unti nang bumabagsak.Sinong hindi magiging ganito? Kailangan niyang kumain ng tae nang mahigit dalawampung beses kada araw, at hindi niya maiiwasang maramdaman na masisira na ang isipan niya.Bukod dito, lumaki sa layaw si Kian. Para sa kanya, mas nakakatakot pa ang paggawa nito habang buhay kaysa sa kamatayan.Kaya, umaasa talaga si donald na magamot ang sakit niya sa lalo
Sa sandaling narinig nila ang utos niya, mabilis na sumugod ang ilang bodyguard bago nila sinunggaban ang lalaki at sinuntok siya at sinipa.Umiyak ang isang matandang babae na nakatayo sa tabi ng lalaki at sumigaw nang makita niyang binubugbog ng mga lalaking iyon ang anak niya. “Nagmamakaawa ako, itigil niyo na ang pambubugbog sa kanya. Aalis na lang kami, aalis na kami ngayon, okay?!”Sinabi ng pinuno ng mga bodyguard, “Ano? Dapat ginawa niyo na ito sa simula pa lang!”Pagkatapos, sinipa niya ang lalaki habang naglabas siya ng isang libong dolyar at tinapon ito sa mukha ng lalaki habang sinabi, “Umalis ka na dito!”Patuloy na umiyak ang matandang babae habang ginamit niya ang buong lakas niya para tulungan na tumayo ang kanyang anak. Nagalit nang sobra ang mga taong nagtipon sa labas ng Serene World Clinic nang makita nila ang eksenang ito. Pero, dahil nakita nila na maraming marangyang kotse ang kabila at maraming bodyguard, alam nila na hindi nila kakayaning labanan sila. Kaya
Dahil, hindi isang ordinaryong tao si Anthony.Isa siyang henyong doktor na sobrang sikat at ginagalang sa buong bansa. Bukod dito, maraming koensyon din si Anthony sa maraming mayaman at makapangyarihang tao. Maraming makapangyarihan at prestihiyosong tao ang pumupunta para magpasuri at magpagamot kay Anthony. Kaya, alam ni Donald na dapat niyang igalang at irespeto nang sobra si Anthony kung gusto niyang humingi ng tulong sa kanya na gamutin ang kanyang bunsong anak.Pero, hindi napagtanto ni Donald na sinasadya ito ni Sean. Naramdaman niya lang na marahil ay ganito ang kilos ng anak niya dahil pinalaki siya sa layaw. Kaya, marahil ay naubos ang pasensya niya dahil sanay na siyang maging mapagmataas at dominante.Mabilis na sinabi ni Donald, “Sean, nandito tayo ngayon para humingi ng tulong sa henyong doktor na gamutin ang nakababatang kapatid mo. Hindi ka dapat maging bastos sa kanya!”Sumagot nang nagmamadali si Sean, “Naiintindihan ko, pa. Pasensya na at nawalan ako ng kontrol
Marami nang nakilala si Anthony na malalakas at makapangyarihang tao, at ang ilan pa nga sa kanila ay mas makapanyarihan pa at mas mataas ang katayuan kay Donald. Pero, talagang ginalang siya at nirespeto ng mga matataas na tao na iyon.Ito ang unang pagkakataon na may nakilala si Anthony ng tulad ng pamilya Webb, na nagiging sobrang bastos sa kanya.Kahit na ang pamilya Webb nga ang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa Sudbury at sa South Region, hindi siya natatakot sa kanila. Kaya, tinanggihan niya lang nang payak kang hiling nila.Hindi mapigilang sumimangot ni Donald. Kailanman ay hindi niya inaasahan na hindi papansinin nang lantaran ni Anthony ang kanyang hiling. Dahil siya na mismo ang pumunta para imbitahin ang henyong doktor na suriin ang bunsong anak niya, inaasahan niya na agad siyang papayag sa hiling niya. Hindi niya inaasahan na tatanggihan ni Anthony ang hiling niya nang hindi nag-aatubili!Nainis nang sobra si Donald, at sinabi niya nang malamig, “Dr.
Sobrang pangit ng ekspresyon ni Donald sa kanyang mukha.Hindi niya inaakala na magiging matatag si Anthony.Ang ginawa niya lang ay paalisin ang mga mahihirap na tao sa clinic, pero, kinalaban siya ni Anthony dahil dito?Gusto na talagang sampalin nang malakas ni Donald si Anthony kaharap ang mayabang na kilos ni Anthony. Dahil, hindi pa siya napapahiya at nababastos nang ganito sa buong buhay niya.Pero, nang pinag-isipan niya ito nang mabuti, hindi siya nangahas na kalabanin si Anthony.Si Anthony ay isang national expert sa Chinese medicine, at maituturing siya na isa sa mga pinakamagaling na doktor sa bansa. Hindi mabilang ni Donald ang dami ng makapangyarihan at maimpluwensyang tao na nagamot ni Anthony. Alam ni Donald na maraming mayaman at makapangyarihang tao sa Eastcliff ang maraming napakinabangan kay Anthony. Kung mangangahas talaga siyang bugbugin si Anthony ngayong araw, magdadala lang siya ng maraming poot at gulo sa sarili niya.Kaya, tiniis niya na lang ang pakir
Sa sandaling lumabas ang boses ni Donald, agad sumugod ang mga bodyguard sa clinic.Sinipa ng mga bodyguard ang lahat ng lalagyan ng medisina sa gilid ng clinic habang pinatumba nila ang lahat ng lalagyan ng mga halamang gamot at medisina sa sahig. Pagkatapos, binasag din nila ang lahat ng palayok ng medisina sa sahig.Sa isang iglap, naging magulo ang malaking bulwagan.Nanginig sa galit si Anthony, pero alam niya na wala siyang magagawa para pigilan sila. Kaya, nanood lang siya nang tahimik habang patuloy na binasag at sinira ng mga bodyguard ang clinic sa harap niya.Tuluyan nang naging magulo at sira-sira ang clinic, at sobrang layo na ng hitsura nito kanina.Suminghal si Donald bago sinabi, “Dr. Simmons, bibigyan pa kita ng tatlong araw para pag-isipan ang alok ko. Bago ka pumayag sa hiling ko, pupunta ako at sisirain ang clinic mo kapag nangahas kang buksan ulit ito! Mas mabuting magdalawang-isip ka bago ka kumilos o gumawa ng desisyon…”Pagkatapos, tumalikod si Donald at u
Gayunpaman, hindi inaasahan ni Donald na magiging malupit ang realidad kahit na pinlano na niya nang perpekto ang lahat.Hindi nag-atubili si Anthony na tanggihan ang alok ni donald. Bukod dito, sinabi niya pa na masisisi lang ng bunsong anak niya ang sarili niya sa nangyari sa kanya. Nagalit siya nang sobra dahil dito.Pagkatapos pumasok ng kotse, patuloy na nagmura si Donald habang sinabi, “Anthony, ang matandang aso na iyon! Talagang hindi niya alam ang mabuti para sa kanya! Pinatay ko na siya kung hindi ko lang kailangang mag-alala dahil sa gulo!”Sa kabaliktaran, palihim na sobrang saya ni Sean.Sa una ay nag-aalala siya na magagamot talaga ni Anthony ang nakababatang kapatid niya.Sa hindi inaasahan, pagkatapos bumisita sa clinic, talagang tinanggihan ni Anthony na gamutin ang nakababatang kapatid niya. Bilang resulta, hindi na kailangan mag-alala ni Sean na magkakaroon siya ng malakas na kalaban para makuha ang pamana at kayamanan ng pamilya Webb.Pero, hindi niya pwedeng
Nang makita ni Donald na kumikilos na si Sean, tumango siya sa lugod habang pinuri niya siya, “Magaling, Sean! Natutunan mo nang obserbahan ang mga detalye para mapagsamantalahan mo ang sitwasyon nang maaga!”Ngumiti si Sean at sumagot, “Pa, sobrang tagal na kitang sinusundan, kaya, natutunan ko na at nagagamit ang ilang kakayahan mo. Pero, marami pa akong dapat matutunan sa iyo dahil sobrang layo ko pa sa likod mo.”“Hindi,” sinabi nang seryoso ni Donald, “Sapat na ang mapansin mo na luma na at walang halaga ang bracelet ni Jasmine. Sobrang laking pag-unlad na ito. Bukod dito, nagkusa ka pa na bilhan siya ng mas maganda at mas mahal na bracelet. Pinapatunayan nito na natututo ka nang kumilos dahil mas mature ka na at mas matatag! Hindi talaga ito masama. Magaling ang ginawa mo!”Natuwa nang sobra si Sean nang pinuri siya ng ama niya. Nang makita niya si Cain na nakatingin sa kanya na may desperadong ekspresyon sa kanyang mukha, ngumiti si Sean at sinabi nang kuntento, “Cain, sobran
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara