Natakot si Linda sa sinabi ni Charlie. Umiyak siya at sinabi, “Master Wade, patawarin mo sana ako, patawarin mo ako! Ibibigay ko sa’yo ang lahat ng pera ko! Medyo marami ang kinita ko noong nasa Macau ako at may kabuuang dalawampung milyon sa mga kamay ko. Pwede kong ibigay ang lahat ng pera na iyon sa iyo, pagbigyan mo sana ang mga anak ko!”Nilabas niya ang kanyang cellphone, binuksan ang mobile banking app, at ipinakita kay Charlie ang balance ng kanyang account.Totoo nga, mayroong mahigit dalawampu’t isang milyon sa kanyang personal na account.Sinabi nang payak ni Charlie, “Ipadala mo ang pera sa official donation account ng Hope Foundation!”Nilabas ni Charllie ang kanyang cellphone, hinanap ang oficial account, ipinakita ito kay Linda, at sinabi nang malamig, “Ipadala mo na ito ngayon din.”“Master Wade, pakakawalan mo ba ako pagkatapos kong ibigay ang pera?”“Oh? Gusto mo nang makipagtawaran ngayon?”Nagulantang si Linda. Hinawakan niya ang kanyang cellphone, nilagay an
Habang umiiyak nang mapait si Linda, inutusan ni Charlie ang tauhan ni Albert na dalhin si Hannah sa kanya.Nanginginig sa takot si Hannah. Tumingin siya kay Charlie at nagmakaawa, “Charlie, ako ang tita mo. Parte ka ng pamilya namin. Para… para sa kapakanan ng pamilya Wilson, pwede mo ba akong pagbigyan, please?”Humagikgik si Charlie na tila ba nakarinig siya ng nakakatawang biro. “Tigilan mo na ang kalokohan mo. Sabihin mo, gaano karaming pera ang mayroon ka ngayon?”Tumigil nang kaunti ang tibok ng puso ni Hannah. Sinabi niya nang balisa, “Wala akong pera… Talaga, wala akong pera!”“Bibigyan kita ng pagkakataon na umamin. Papayuhan kita na tanggapin mo ito o magiging katulad ka ni Linda.”Nanginig sa takot si Hannah. Naging maingat siya sa kalagitnaan ng takot niya at sinabi, “Ma… May limang milyon ako, iyon lang ang lahat ng pera ng pamilya ko…”Sadyang tumango si Charlie. “Okay, buksan mo ang mobile banking app mo ngayon at ipakita mo sa akin ang balance.”“Wa… wala akong
“Huh?!” Tumili sa panic si Hannah, “Pero dinonate ko ang labing-limang milyon tulad ng sinabi mo…”“Ano naman?” Sinabi nang malamig ni Charlie. “Ikaw ang utak ng scam ngayong araw, sa tingin mo ba ay patas sa akin kung si Linda lang ang paparusahan ko?”“Oo!” Sumigaw nang galit si Linda, “Siya ang totoong salarin!”Tumingin si Charlie kay Hannah at ngumisi, “Kita mo, kahit ang kasabwat mo ay sinasabi na ikaw ang salarin. Kailangan mong pumunta sa minahan ng uling kasama ang kumare mo dito at tumulong sa Hope Foundation.”Pagkatapos, tinuro niya ang babaeng nagngangalang Gianna at inutos, “At ikaw rin, kayong tatlo, maghanda na kayong magtrabaho sa minahan ng uling at tubusin ang sarili niyo.”Umiyak nang malakas si Gianna. Iwinasiwas niya ang kanyang ulo at ang mga kamay niya, inuntog ang ulo niya sa sahig para magmakaawa, at umiyak, “Hindi, huwag sana! Inosente ako! Dinala ako dito ni Linda para samahan silang maglaro ng mahjong, iyon lang! Wala akong alam sa plano nila, wala ako
Tuluyang nakalimutan ni Elaine ang tungkol sa pera niya dahil nalulong siya sa eksena ng pag-iyak ng mga tao.Nang pumasok ito sa isipan niya, humarap siya kay Charlie at sinigaw, “Bilis, sabihin mo sa kanila na ibalik ang pera ko! Mahigit dalawang milyong dolyar ang napanalunan nila sa akin!”Dalawa ang dahilan ni Charlie noong hiniling niya na ipadala nila ang pera nila sa Hope Foundation, una ay para parusahan sila at ang pangalawa ay para turuan ng leksyon ang biyenan na babae niya.Hindi ba’t palagi kang sakim at hindi masaya sa sitwasyon mo?Hindi ba’t adik ka sa pagsusugal?Akala mo siguro na yayaman ka sa paglalaro ng mahjong, tama?Kung gano’n, uubusin ko ang lahat ng pera mo para palagi mong maalala ang karanasan na ito!Tumingin si Charlie sa mga babaeng nasa sahig at tinanong, kahit alam na niya ang sagot nila, “Hoy, tungkol sa pera na napanalunan niyo sa biyenan kong babae—pag-usapan niyo nang mabilis kung paano niyo siya mababayaran!”Tumingin nang magulo ang mga
Malapit nang mabaliw si Elaine.Hindi niya nakuha ang dalawang milyong dolyar at nabasag niya ang limang milyong dolyar na jade bracelet. Malaking lugi ito!Humarap siya kay Gianna at sumigaw na parang baliw, “Ikaw! Hindi mo dinonate ang pera mo! Ibalik mo ang pera ko! Ibalik mo ang lahat ng pera o o papatayin kita! Papatayin kitang hayop ka!”Lumuhod si Gianna sa takot, umiiyak at nagmamakaawa, “Wala akong pera, mahirap lang ako. Nasa animnapung libo lang ang ipon ko sa account ko. Ipapadala ko ang lahat ng ito sa iyo kung gusto mo...”Sinampal siya ni Elaine sa galit at sumigaw, “Hindi ako naniniwala! Ipakita mo ang balance mo! Bilis!”“Wala talaga akong pera, dalawang libo mahigit lang ang sahod ko kada buwan. Hindi ko sasamahan si Linda manloko ng tao kung mayaman ako…”Pagkatapos, nilabas niya ang kanyang cellphone, binuksan ang mobile banking app, at ipinakita kay Elaine ang balance niya. Mayroon nga lang talaga na animnapu’t tatlong libong dolyar dito.Muntik nang himatay
Bahagyang umiling si Charlie at sinabi, “Kalimutan mo na, Albert. Minsan, may mga bagay na dapat mong matutunan na tanggapin, kahit na mabuti ito o masama.”Tumingin nang masama at galit si Albert kay Elaine habang nakayuko si Elaine sa gilid, nanginginig sa takot.Hindi na siya nangahas na banggitin ang tungkol sa pera at kinimkim na lang ang lungkot at pait sa kanyang puso.Sa sandaling ito, ilang kotse ang biglang tumigil sa courtyard ng villa. Lumabas si Isaac sa kotse at siya mismo ang naghatid sa limang tao na nakatali papasok ng bahay.Takot at sindak ang nakasulat sa mga mukha ng limang tao. Sa sandaling nakita nila si Linda pagkatapos pumasok ng pinto, sinabi ng isang binata, “Ma, anong nangyayari?!”Tumingin si Linda sa mga tao at umiyak sa lungkot nang makita niya ang kanyang asawa, mga naka, at mga manugang na pinasok sa bahay.“Patawarin niyo ako, patawarin niyo ako, kasalanan ko ang lahat… patawarin niyo ako at dinamay ko kayong lahat dito...”Isang lalaki na nasa
Namutla ang mukha ng babae. Sinabi niya habang nanginginig ang boses, “Hin… hindi pa ako nasasangkot sa ganitong trabaho, nasa accounting lang ako…”“Accounting?” Sinabi nang payak ni Charlie, “Kasabwat ka rin! Dapat kang sumama sa kanila at tubusin ang sarili mo. Mga basura talaga kayo!”Sinabi ni Isaac, “Master Wade, kilala ko ang babaeng ito. Si Lucas Frank ang ama niya at may underground casino siya sa malapit. Gusto mo bang wasakin ko sila?”“Imbestigahan mo ang mga ginagawa nila at tingnan mo kung ano ang mga ito. Kung hindi katanggap-tanggap ang mga kasalanan nila, patayin mo na lang sila.”Bumagsak ang babae sa sahig, natatakot at naguguluhan.Hindi matagal, tatlong Toyota Coaster na mini bus ang pumarada sa harap ng villa sa Thompson First. Binali ng mga tauhan ni Albert ang binti ni Hudson at ng mga kasama niya bago sila ipinadala sa bus.Sinabi ni Charlie kay Elaine, “Ma, tara na.”Mayroong bakas ng hiya sa mukha ni Elaine. Hinila niya si Charlie sa gilid at binulong,
Alam ni Elaine na kapag mahuhuli siya, pwede siyang maaresto sa pagsusugal. Ang mas malala, kung malalaman ng asawa at anak niya na sinugal niya ang napakalaking pera, magagalit sila nang sobra.Paparusahan siya sa ginawa niya.Kahit na wala na ang pera niya ngayon, mabuti na lang at hindi siya natulad sa mga taong ipinadala sa minahan ng uling sa susunod na dalawang dekada.Pero, hindi niya pa rin mapigilang malungkot sa pera at sa nabasag na pulseras.Kaya niya pa rin ipaliwanag ang sarili niya sa nabasag na pulseras. Dinala niya naman ang mga sirang piraso nito, pwede niyang sabihin sa pamilya niya na nabasag ang jade bracelet.Anong paliwanag ang maiisip niya tungkol sa pera?Walang sariling bank account si Jacob. Ang lahat ng pera nila ay nasa kanya, kasama na ang pera ng asawa niya sa pagbebenta ng mga antigo.Ngayon, nawala na ang lahat ng pera niya sa pagsusugal. Kung malalaman ito ni Jacob, magagalit siya nang sobra sa kanya!Nagbuntong hininga si Elaine sa lungkot at
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl