Share

Kabanata 611

Author: Lord Leaf
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Alam ni Elaine na kapag mahuhuli siya, pwede siyang maaresto sa pagsusugal. Ang mas malala, kung malalaman ng asawa at anak niya na sinugal niya ang napakalaking pera, magagalit sila nang sobra.

Paparusahan siya sa ginawa niya.

Kahit na wala na ang pera niya ngayon, mabuti na lang at hindi siya natulad sa mga taong ipinadala sa minahan ng uling sa susunod na dalawang dekada.

Pero, hindi niya pa rin mapigilang malungkot sa pera at sa nabasag na pulseras.

Kaya niya pa rin ipaliwanag ang sarili niya sa nabasag na pulseras. Dinala niya naman ang mga sirang piraso nito, pwede niyang sabihin sa pamilya niya na nabasag ang jade bracelet.

Anong paliwanag ang maiisip niya tungkol sa pera?

Walang sariling bank account si Jacob. Ang lahat ng pera nila ay nasa kanya, kasama na ang pera ng asawa niya sa pagbebenta ng mga antigo.

Ngayon, nawala na ang lahat ng pera niya sa pagsusugal. Kung malalaman ito ni Jacob, magagalit siya nang sobra sa kanya!

Nagbuntong hininga si Elaine sa lungkot at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 612

    Ngumiti si Charlie sa kanya. Pagkatapos malaman na wala sina Claire at Elaine sa sala, tinanong niya, “Nakauwi na ba si Claire at si Mama?”“Hindi at oo,” sumenyas si Jacob sa kanya at sinabi, “Pumasok sa kwarto ang mama mo sa sandaling nakauwi siya, sinabi niya na hindi maganda ang pakiramdam niya. Ano kayang mali sa kanya, siguradong natalo siya sa mahjong at nalungkot siya!”Tumango si Charlie at tinanong nang masigasig, “Pa, ayaw mo ba siyang puntahan? Kung sakali lang?”“Argh, kalimutan mo na.” Sumenyas si Jacob, walang pakialam. “Ang alam niya lang ay maglaro ng mahjong at wala nang iba, pagod na ako dito. Kahit matalo siya, ilang libo lang naman ito, hayaan mo na lang siya. Aayos din siya pagkatapos umiyak ng dalawang araw!”Sinubukang pigilan ni Charlie ang tawa niya.Ilang libo?Pa, dapat i-multiply mo ito sa walong libo!Mahigit animnapung milyon ang natalo ng asawa mo ngayong araw!Ngayong naisip niya ito, hindi niya maiwasan na magbuntong hininga sa katangahan ni El

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 613

    Habang nagpapakasawa si Christopher sa kanyang imahinasyon, iniisip kung paano gawing alkansya na mapagkukunan ng pera si Elaine, pumasok si Lady Wilson mula sa labas na may malungkot na ekspresyon.Napatayo si Christopher sa kanyang upuan at binati, “Ma, nakauwi ka na! Kamusta ang lahat?”Huminga nang galit si Lady Wilson at sinabi, “Malapit nang simulan ng bangko ang bankruptcy liquidation process, sinabi nila na magsisimula ito sa susunod na Lunes. Sa sandaling magsimula ang proseso, kukunin nila ang bahay na ito. Nasaan ang walong milyon na ipinangako mo? Bakit hindi mo pa ito ipinapadala sa akin?!”Humagikgik nang mapagpanggap si Christopher. “Ma, tigilan mo na ang pagmamadali sa akin. Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na na-stuck ang pera sa fixed deposit account? Sinusubukan ng fund manager ko na i-withdraw ito sa lalong madaling panahon. Pangako ko na ibibigay ko sa’yo ang pera, maghintay ka lang.”Kung posible, ayaw niyang bigyan ang ina niya ni singko. Pero, may nagbago na sa is

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 614

    Pagkatapos kunin ang cellphone, sinubukang tawagan ni Lady Wilson ang cellphone ni Hannah, pero lumabas ang parehong paunawa.Sinabi niya sa pagkalito, “Anong mali? Bakit pinatay niya ang cellphone niya?”“Ma, karaniwan lang na mamatay ang mga cellphone kapag wala na itong baterya. At saka, nasa labas siya at mahirap i-charge ang kanyang cellphone.”Tinapon ni Lady Wilson ang cellphone sa kanya at sinabi nang galit, “Kung gano’n, patuloy mo siyang tawagan hanggang sa kumonekta ito!”Nagbuntong hininga si Christopher. Umupo siya sa sofa at patuloy na tumawag at ibinaba ito.Kalahating oras niya itong ginawa pero hindi niya matawagan si Hannah.Habang sinusubukan siya ulit tawagan ni Christopher, naramdaman niya na may maling nangyayari hindi tulad ng plano nila...Kung iisipin, ang mahjong scam na pinlano ni Hannah at Linda ay nasa loob ng isang bahay. Hindi malaking problema kung icha-charge ang cellphone.Bukod dito, palagi niyang pinaalala sa kanya na palaging tumawag o magbi

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 615

    Nang marinig niya ang mga salitang ‘Thompson First’, bumuka ang mga mata ni Lady Wilson at halos matanggal na ito sa ulo niya.Matagal na niyang pinagnanasahan ang bagong villa ni Charlie at kahit sa panaginip niya, talagang gusto nyang tumira sa bahay na iyon.Sa totoo lang, gusto niyang mamatay sa loob ng bahay na iyon.May mga kasabihan at pamahiin sa mga matatandang tao, tulad ng hindi magandang mamatay sa hospital dahil baka hindi mo mahanap ang daan mo pauwi.Ang isa pa ay mas mabuting isuot mo ang damit na pamburol mo bago ka mamatay dahil baka nakahubad ka kapag pumunta ka sa kabilang buhay.Ang isa pang halimbawa ay kung mamamatay ka sa loob ng isang mansyon, mabubuhay ka ulit sa isang mayamang pamilya sa susunod mong buhay at magsasaya ka sa tagumpay at kayamanan.Kaya, hinahangad ni Lady Wilson na makatira siya sa isang napakaganda at napakarangyang villa tulad ng Thompson First hanggang sa mamatay siya.Dati, inutusan niya si Harold na nakawin ang villa pero pangit a

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 616

    Posible na tatakas si Hannah kung may ganito talaga siyang pera na hawak. Dahil, pareho sila ni Elaine. Sakim sila at mas mahal ang pera kaysa sa kahit anong bagay.‘Tama si Mama,’ inisip ni Christopher. ‘Ngayong ako, ang mga anak namin, at kahit ang ina ko ay naging pabigat na, posible na pinili niyang tumakas kasama ang pera!”Isang patong ng galit at dilim ang lumitaw sa mukha ni Christopher. Sinabi niya sa mababang boses, “Hayaan mong tawagan ko si Elaine at magtanong.”Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Elaine.Halos agad sinagot ang tawag niya.“Hey, Elaine, ito ang bayaw mo, si Christopher…”Kinagat ni Elaine sa panghahamak ang mga ngipin niya nang marinig niya ang boses sa kabilang linya!Itong p*tang matanda na aso! Siguradong alam niya ang plano ni Hannah tungkol sa scam!Marahil ay siya ang utak sa likod ng mga ito!Nang maisip niya ang malaking lugi niya ngayong araw, gusto niyang murahin siya gamit ang lahat ng boses niya!Gayunpaman, nang maisip n

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 617

    Sumigaw nang galit si Christopher sa cellphone, “Elaine, naninirang puri ka—ang lahat ng iyon ay kasinungalingan!”Sinabi nang balisa ni Elaine, “Ah, hindi ka naniniwala sa akin? Sige! Kung mahahanap mo si Hannah, aaminin ko ang pagkatalo ko!”“Anong ibig mong sabihin?”“Alamin mo nang sarili mo! Pagod na ako nang sobra ngayon, ayoko nang makipag-usap sa’yo!”Agad binaba ni Elaine ang tawag.Halos basagin na ni Christopher ang cellphone sa galit nang marinig niya ang abalang tono sa cellphone.Hinawakan nang nagmamadali ni Harold ang mga braso niya at sinabi, “Pa, kumalma ka! Ang prayoridad natin ngayon ay hanapin si Mama!”Sa kasamaang palad, hindi alam ni Harold na papunta na ang ina niya sa mga kanal ng Erith at talagang imposibleng mahanap siya ng pamilya Wilson gamit ang kakayahan nila.Sumandal si Wendy sa kanyang ama at hinimok, “Oo, Pa! Huwag kang magalit masyado! Anong sinabi ng p*kpok?”Huminga nang galit si Christopher, “Sinabi ni Elaine na may ibang karelasyon ang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 618

    Mayroong bakas ng kawalan ng katiyakan at pagdududa sa mukha ni Christopher. Malapit na siyang makumbinsi na tumakas ang asawa niya kasama ang pera!Walang mas magandang paliwanag bukod dito!Paano biglang maglalaho ang apat na matanda nang gano’n lang?Kahit na naglaho sila, siguradong may mga bakas na maiiwan, tama?Sa tuwing inisiip niya ito, mas lalo siyang nagiging tiyak na marahil ay pinagtaksilan siya ni Hannah! Totoo nga, sobrang yaman niya na ngayon dahil may labing-limang milyon na pera na siya.Huminga siya nang malalim at kinagat ang mga labi niya sa sakit, at sinabi, “Hindi, hindi lang ako pwedeng maghintay dito. Gusto kong puntahan si Elaine at tanungin siya sa personal!”Hinampas si Christopher ng naiinis na si Lady Wilson gamit ang kanyang tungkod at sinumpa, “Dapat kang kumuha ng sagot sa kanya at hanapin mo si Hannah! Kahit na hindi mo siya mahahnap, ibalik mo ang labing-limang milyong para sa akin! Hindi mo na kailangang bumalik kung hindi mo makukuha ang pera,

    Last Updated : 2024-10-29
  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 619

    Kailanman ay hindi inaasahan ni Lady Wilson na magiging matapang at kumpiyansa sa harap niya ang duwag na si Jacob!Hindi niya mapigilang magalit at mainis!Sa mga nakaraang dekada, pinupuna niya palagi si Jacob gamit ang kanyang lakas at awtoridad, at kailanman ay hindi nakalaban o nakasagot si Jacob sa kanyang utos.Hindi man lang siya nangahas na tumutol nang pinaalis siya sa bahay ng pamilya Wilson.Pero ngayon, nangahas siyang sabihin ang mga ito sa kanya!Naging matapang at bastos na siya, hindi ba?!Hindi niya gusto ng ganitong ina?! Gaano kangahas siyang sabihin ang suwail na pangungusap na ito!Pambihira ito!Nang magagalit na siya nang sobra at maghahamon ng away sa kanila para patibayin ang dignidad niya, si Christopher, sa kabilang dako, ay tumayo nang mapagpakumbaba at sinabi, “Charlie, hindi kami pumunta dito para maghanap ng gulo ngayong araw, may kailangan kaming itanong kay Elaine, kaya pwede mo bang palabasin siya nang mabilis?”Alam ni Charlie na nandito si

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5475

    “Haha!” Biglang hindi napigilan ni Sonia na matawa nang marinig niya ang mga sinabi ni Caden.Nang marinig ni Caden ang tawa ni Sonia, namula ang mukha niya sa galit, at tinanong niya nang paulit-ulit, “Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?”Nakita ni Sonia ang nakamamatay na tingin sa mga mata ni Caden, kaya mabilis niyang pinigilan ang tawa niya at yumuko habang sinabi, “Pasensya na, Master, pero hindi ko talaga ito mapigilan…”Pagkatapos nito, sinabi niya nang seryoso, “Pero mas swerte pa rin ako kumpara sayo. Kahit na sinara rin ni Mr. Wade ang mga meridian ko, hindi niya binaba ang cultivation level ko…”Kinuskos ni Caden ang mga sentido niya, kinaway ang kanyang mga kamay, at sinabi, “Kalimutan mo na. Sabihin mo na lang kay Master Wade ang totoo kapag nakita mo siya mamaya. Sasabihin ko rin sa kanya ang saloobin ko. Kapag opisyal na nagsimula ang training bukas, gagamitin ko ang mga praktikal na kilos ko para ipahayag ang saloobin ko sa kanya pagdating ng oras…”Tumango si So

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5474

    May medyo nahihiyang ekspresyon si Caden habang sinabi niya, “Sinabi ko na sayo na ang dahilan kung bakit nawala ko ang medicine cauldron ay dahil sa mga masasamang motibo ko. Sa totoo lang, may isa pa akong bagay na hindi sinabi sayo…”Tinanong ni Sonia, “Ano ito?”Yumuko si Caden at sinabi nang malungkot, “Sa una ay balak ni Master Wade na tanggapin ako bilang disipulo niya, at gusto niyang sundin ko ang utos niya. Tapat niya pa akong binigyan ng isang pill, na nagpaangat sa cultivation ko para maabot ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm…”Sinabi nang nasorpresa ni Sonia, “Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?! Mater, naabot… naabot mo na ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm?! Bakit hindi ko narinig na binanggit mo ito nakaraan?”“Ah…” Sinabi ni Caden sa sobrang kahihiyan, “Naabot ko nga ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm bago ka dumating. Gusto ni Master Wade na ibunyag ko ang martial arts mental cultivation method ng Taoist Sect, pe

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5473

    Saglit na walang nasabi si Caden sa mga sinabi ni Sonia.Sa totoo lang, alam niya na kahit na nagsikap siya nang sobra para sa buong Taoist Sect sa nakaraang ilang dekada, hindi niya matanggal ang responsibilidad na nawala niya ang medicine cauldron.Dahil, isa itong kayamanan ipinaman sa libo-libong taon at tatlumpu’t siyam na henerasyon. Ayos lang kung tahimik itong naglaho. Magsisisi siya nang kaunti at makokonsensya sa maikling panahon, pero unti-unting gagaan ang pakiramdam niya makalipas ang matagal na panahon.Pero, ang problema ay matagal nang alam ng disipulo niya ang tungkol sa medicine cauldron, at kung sasabihin niya sa ibang miyembro ng Taoist Sect ang totoo, magiging habang buhay na makasalanan talaga siya sa sect.Kaya, naiintindihan ni Caden kung bakit ayaw ni Sonia na kunin ang sisi para sa kanya.Pero, nasa mahirap na sitwasyon talaga si Caden ngayon. Itinanggi ni Sonia na siya ang ika-apatnapung leader ng Taoist Sect, at walang duda na siya pa rin ang leader ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5472

    Sa daan paangat sa bundok, tinanong siya ni Caden, “Sonia, anong sinabi mo sa mga miyembro ng Taoist Sect? Paano mo sila napa sang-ayon na pumunta dito nang napakabilis?”Sa totoo lang, ang ibig sabihin ni Caden ay kakuha lang ni Sonia ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect, kaya malabo para sa lahat ng tao sa Taoist Sect na tanggapin nang buo ang pagkakakilanlan niya bilang leader ng Taoist Sect sa loob lang ng ilang araw, lalo na ang makumbinsi at sundin ang mga utos niya.”Hindi tanga si Sonia, kaya sinabi niya nang direkta, “Master, nang bumalik ako, hindi ko sinabi sa kanila na pinasa mo sa akin ang posisyon bilang leader ng Taoist Sect.”Tinanong ni Caden sa sorpresa, “Ano? Hindi mo sinabi sa kanila?”Ngumuso si Sonia at sinabi, “Bakit ko ito sasabihin sa kanila? Kung sasabihin ko ito sa kanila, maiimpluwensyahan ko pa rin ba sila?”Sinabi ni Caden, “Jusko! Huwag mong sabihin na sinabi mo sa kanila na ideya ko na ilipat ang Taoist Sect sa Aurous Hill?!”Tumango si Sonia

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5471

    Hindi lang kayang pataasin ng medicine cauldron ang bisa ng gamot, ngunit kaya rin nito pabilisin ang totoong oras ng paggawa nito ng limang beses.Sa ganitong paraan, mababawasan nang sobra ang gagamitin na pisikal na lakas at Reiki ni Charlie.Pagkatapos punuin ang mga likido, pansamantalang nilagay ni Charlie ang mga likido sa mga mid-level villa at balak na niyang bumalik sa siyudad.Sa hindi inaasahan, nakatanggap siya ng tawag mula kay Caden nang lalabas na siya. Sinabi nang magalang ni Caden sa kabilang linya, “Master Wade, may kailangan akong i-report sayo. Naistorbo ba kita ngayon?”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Master Howton, sabihin mo lang kung may sasabihin ka.”Sinabi ni Caden, “Master Wade, ang disipulo ko, si Sonia, ay dumating na sa Aurous Hill kasama ang mahigit dalawang daang tao mula sa Taoist Sect…”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Gano’n ba? Kailan sila dumating?”Sinabi nang nagmamadali ni Caden, “Master Wade, katatawag lang ni Sonia sa akin, at kapapaso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5470

    Habang isa-isang dumating ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies, dumating din ang mga miyembro ng Harker para mag-report sa Champs Elys Resort sa ilalim ng pangunguna ni Rosalie.Dumating din sina Nanako at Aurora sa parehong oras at nasa parehong grupo sila ni Rosalie.Bukod dito, dahil halos sabay-sabay silang nag-check, magkakatabi rin ang mga kwarto nila.Nagreserba si Albert ng isang room para sa kanya sa tabi ni Isaac para hindi sila mahirapan. Ang dahilan kung bakit nila gustong tumira sa tabi ng isa’t isa ay dahil kilala nila nang sobra ang isa’t isa. Sa isang dako, may magandang relasyon sila at pamilyar sila sa isa’t isa. Sa kabilang dako, marahil ay sila lang ang mga baguhan sa training na ito na walang kahit anong pundasyon sa martial arts, kaya kung mas malapit ang tirahan nila sa isa’t isa, mas madalas silang makakapag-usa at mapapagaan ang loob ng isa’t isa.Sa mga sinabi ni Albert, mabuting magkaibigan sila kahit na ang ranggo nilang dalawa ay nasa dulo ng kahit an

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5469

    Kinuha na ni Albert ang trabaho bilang direktor ng admissions office sa Champs Elys Resort. Ginawa na niya ang buong preparasyon para tanggapin ang mga bagong estudyante. Hindi lang na naghanda siya ng pang araw-araw na gamit para sa bawat estudyante, ngunit naghanda pa siya ng mga training uniform at mga panulat para sa lahat para sa pag-aaral nila.Ang training uniform na inihanda ni Albert ay gawa sa mga sobrang sopistikadong materyales na sobrang komportable kapag isinuot. Para bigyan-diin ang pagkakapare-pareho, sinabihan pa ni Albert ang tao na gumawa ng mga gawang-kamay na burda ng isang dahon sa kaliwang itaas ng training uniform.Habang iniisip ang logo para sa burda, nilagay ni Albert ang mga katangian ng kultura sa Oskia. Pakiramdam niya na walang mas angkop kaysa sa dahon ng ginkgo para isagisag ang tradisyonal na kultura sa Oskia. Dahil, ang kabuuang pakiramdam ng ganitong training uniform na may nakaburda na dahon ng ginkgo ay sobrang natatangi talaga sa kultura ng Oski

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5468

    Naiintindihan ni Rosalie ang ibig sabihin ni Charlie.Kahit na sobrang bihira ng mga eight-star martial artist, isa lang ito sa mga istasyon kung saan huminto saglit ang mabilis na tren ni Charlie. Swerte siya na nakasakay sa tren na ito, pero wala siyang masyadong oras para pahalagahan ang tanawin sa istasyon na ito dahil mabilis na pupunta sa sunod na istasyon ang tren.Ang susunod na istasyon ay ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm!Alam ni Rosalie na marami na siyang nasabing pasasalamat, pero namutla at nanghina rin siya sa harap ng pabor na ipinapakita ni Charlie sa kanya, kaya lumuhod siya sa isang tuhod, pinagdaup ang mga kamay niya nang matatag, at sinabi nang determinado, “Siguradong ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko, Mr. Wade!”Tumango nang nakangiti si Charlie.Namula na ang mga mata ni Holden dahil sa sabik.Naiintindihan niya mula sa mga sinabi ni Charlie na patuloy na tataas ang cultivation ni Rosalie. Sobrang bata pa ni Rosalie, kaya sa tuloy-tuloy

  • Ang Maalindog na Charlie Wade    Kabanata 5467

    Pinagdaup ni Holden ang mga kamay niya habang tumingin siya kay Charlie at sinabi, “Mr. Wade, nagsasanay pa rin si Rosalie sa seklusyon, at wala sa Aurous Hill sina Sheldon at Yashita. Sana ay ayos lang sayo na nabigo ang pamilya nila na lumabas para batiin ka.”Tumango si Charlie at tinanong siya, “Umalis sina Aunt Yashita at Sheldon nang magkasama?”Sinabi ni Holden, “Oo. Pumunta silang dalawa sa Europe para sa honeymoon nila, ilang araw na ang nakalipas, at ilang araw pa bago sila bumalik.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Holden, “Nag-eensayo pa rin si Rosalie sa basement, at wala pa akong oras para ipaalam ito sa kanya.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Lord Harker, kumuha ka sana ng tao para paakyatin si Rosalie. May kailangan akong sabihin sa inyo ni Rosalie ngayong araw.”Tinawag agad ni Holden ang isa sa mga apo niya at sinabi, “Paakyatin mo si Rosalie sa sala. Sabihin mo sa kanya na nandito si Mr. Wade!”Pagkatapos itong sabihin, sinabi nang magalang ni Holden kay C

DMCA.com Protection Status